Share

Chapter 12 Broken heart

Third person point of view

Pagkaalis ni Ethan ay hindi alam ni Leslie kung ano ang gagawin niya. Maraming bagay at senaryo ang tumatakbo sa isip niya pero ang pinaka nangingibabaw sa lahat ay kung magiging maayos pa ba silang dalawa pagkatapos ng mga nangyari.

Umiiyak na nasadlak siya sa isang sulok habang minumura ang sarili dahil sa katangahan na nagawa niya. Habang hilam siya ng luha ay hindi niya maiwasan na maisip kung paano sila nagsimula nito.

They were rivals since college days hanggang sa minahal siya nito at niligawan, noong una ay wala siyang balak na sagutin ito dahil wala siyang nararamdaman na pagmamahal dito pero habang tumatagal ay nagkakaroon na siya ng konting affection dito kaya naman nung tumungtong na isang taon ang panliligaw nito ay sinagot na niya ito.

Sa loob ng halos dalawang taon na pagiging magkasintahan nila ay naging maayos ang pagsasama nilang dalawa, kahit na parehas silang busy at wala ng time para sa isa't-isa ay hindi naging hadlang iyon para ipakita
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status