Third person point of viewKinabukasan, maaga pa lang ay nakatambay na si Alisson sa labas ng condo unit ni Leslie. Maya't-maya ang pagtingin niya sa pambisig na relo niya dahil pakiramdam niya ay isang oras na siyang naghihintay at kanina pa siya inaatake ng gutom."Aisht!" Nagrereklamong aniya at itinaas ang kamay para sana kumatok pero binaba niya rin dahil nakaramdam siya ng hiya.Sumandal siya sa tabing pinto at minsan pa'y tahimik na naghintay pero lumipas na ang halos kalahating oras ay wala pa rin.Napipikon na hinarap niya ang pinto ng unit nito at padarag na kinalambag.____Abala si Lucing sa paglilinis ng mapatalon siya dahil sa gulat matapos marinig ang malakas na kalampag sa pintuan."N-Nanay L-Lucing, a-ano iyon?" Kinakabahang tanong ni Alliyah habang dahan-dahan na naglalakaad palapit sa kaniya."Titignan ko lang ha, dito ka lang," sambit niya at itinigil ang kaniyang trabaho.Naglakad siya patungo sa front door at binuksan ang pinto.Sa labas ay bumungad sa kaniya ang
Third person point of view"Doc Leslie!""Leslie!"Nagbalik siya sa katinuan ng makarinig siya ng isang malakas na sigaw at mga boses na tinatawag ang pangalan niya. Iginala niya ang paningin niya sa mga kasama niya at nagtaka siya dahil nagkakasiyahan ang mga ito, kaya naman dahan-dahan niyang tinignan ang pasyente nila at halos mapaluhod na siya ng marinig niya ang machine na hindi na isang straight ang tunog nagbi-beep na ito.Tahimik siyang nagpasalamat sa panginoon dahil hindi nito hinayaan na mamatay ang pasyente nila pero bakit hindi niya makuhang magsaya ng tuluyan."Well done Doc Leslie," papuri ng Director ng hospital na dinugtungan ng iba pa niyang mga kasamahan.Tipid siyang ngumiti, "it's on us," maikling tugon niya at sinimulan ng ayusin ang mga monitor na nakakabit sa katawan ng pasyente para mailipat na nila sa ICU.Nagkaroon ng katahimikan sa loob ng operating room. Ramdam niya ang mga matang nakatunghay sa kaniya pero hindi niya nalang pinansin ang mga iyon.Nagpatul
Third person point of view"What the hell are you doing here!?" Singhal na tanong niya sa lalaking kasama ng anak niya. All of the excitement na naramdaman niya makita lang kaagad ang anak niya ay naglaho ng parang bula at napalitan ng hindi maitagong galit."L-Let me e-explain," nakataas ang kamay na sambit nito na animo'y sumusuko.Hindi niya ito pinansin, hinarap niya ang anak niya na natutulala habang nakatingin sa kaniya, "go to your room," utos niya dito."M-Mommy?" Naluluhang tanong nito.Tumalim ang tingin niya dito at bago pa niya mapigilan ang sarili ay nakagawa na siya ng isang bagay na pagsisisihan niya, "I said go to your room Alliyah Lauren!" Sigaw na utos niya dito.Tuluyang tumulo ang mga luha nito at nagtatakbo paakyat sa second floor pero bago ito tuluyang tumalikod ay nakita niya ang pagbalatay ng lungkot at sakit sa mga mata nito."What is your problem!?" Sigaw ni Alisson sa kaniya."Umalis ka na," iyon lang ang naging tugon niya sa sinabi nito.Masamang tingin ang
Third person point of view Galit na tinulak ni Leslie palayo sa kaniya si Alisson Luigi bago malakas na sinampal.PAK!Gulat na napatingin ito sa kaniya dahil sa malakas na pagkakasampal niya.Malalim ang paghinga niya habang nanginginig ang mga kamay na itinuro ito."G-Ganiyan k-ka ba kabastos pinalaki ng mga magulang mo!?" Nanginginig sa galit na tanong niya at bahagyang pumiyok."L-Leslie, s-sorry," paghingi nito ng paumanhin at tinangka siyang lapitan pero mabilis siyang lumayo.Masaman tingin ang ipinukol niya rito, "huwag na huwag ka ng lalapit sa akin lalong-lalo na sa anak ko!" pagbabanta niya bago niya ito tinalikuran at tuluyang iniwan.Pagkapasok niya sa loob ng bahay ay hindi magkandatuto na kinandado niya ang pinto."M-Mom, are you okay?" Pinakalma niya muna ang sarili bago niya hinarap ang anak niya.Lumuhod siya sa harapan nito, "bakit gising pa ang unica hija ko alas ocho na ng gabi?" Tanong niya habang nakangiti kahit halata namang pilit lang.Tipid itong ngumiti sa
Third person point of viewPagkatapos magpasikatan ni Leslie at Sheena ay nagpatuloy sila sa kanilang meeting na parang walang nangyari."Since Doctor Sheena is a heart surgeon, she will join our heart department led by my wife Doctor Irish Chen," sambit ng director ng hospital.Bahagyang yumuko si Doctora Irish bilang respeto sa bagong doctor na mapapabilang sa grupo nito, "welcome to my team, maging masunurin ka lang at wala kang magiging problema sa amin," mahinahon na sambit nito pero mababanaag ang pagbabanta doon.Kitang-kita niya ang palihim na pag-irap ng bagong dating na doctor, wari'y hindi nito nagustuhan ang sinabi ni Doctor Chen.Pagkatapos nitong umirap ay siya naman ang binalingan. "What about her?" Maarteng tanong nito at tahasan siyang itinuro."She's a general surgeon and a lead on her team," sagot ni Doctor Dante Chen.Nagtaas siya ng kilay dito bago ito nang-aasar na nginisihan."Shouldn't I supposed to be a leader too?"Nagsinghapan ang mga nakarinig sa ibinulalas
Third person point of viewPagkaalis ni Ethan ay hindi alam ni Leslie kung ano ang gagawin niya. Maraming bagay at senaryo ang tumatakbo sa isip niya pero ang pinaka nangingibabaw sa lahat ay kung magiging maayos pa ba silang dalawa pagkatapos ng mga nangyari.Umiiyak na nasadlak siya sa isang sulok habang minumura ang sarili dahil sa katangahan na nagawa niya. Habang hilam siya ng luha ay hindi niya maiwasan na maisip kung paano sila nagsimula nito.They were rivals since college days hanggang sa minahal siya nito at niligawan, noong una ay wala siyang balak na sagutin ito dahil wala siyang nararamdaman na pagmamahal dito pero habang tumatagal ay nagkakaroon na siya ng konting affection dito kaya naman nung tumungtong na isang taon ang panliligaw nito ay sinagot na niya ito.Sa loob ng halos dalawang taon na pagiging magkasintahan nila ay naging maayos ang pagsasama nilang dalawa, kahit na parehas silang busy at wala ng time para sa isa't-isa ay hindi naging hadlang iyon para ipakita
Third person point of view"What the hell is your problem!?" Sigaw ni Leslie matapos siyang tabigin ng bagong hire na doctor.Hindi nito pinansin ang tanong niya, nakabaling lang ang atensiyon nito sa lalaki na inabutan niyang walang malay.Galing siya sa room ng isa sa mga pasyente niya at pabalik na sana sa opisina niya ng mapadaan siya sa fire exit at doon niya nakita si Alisson na nakabulagta sa sahig habang nakatutop sa ulo.Mabilis siyang kumilos para tulungan ito kahit na galit siya dito dahil sa sitwasyon niya ngayon, nauuna pa rin ang tawag ng trabaho."Ikaw ang problema ko, hindi ka namin kailangan dito kaya umalis ka na!" Ganting sigaw nito at tumayo para muli siyang itinulak.Nanlaki ang butas ng ilong niya dahil sa pagiging insecure nito."Will you stop your stop your insecurity and stop acting like a child!" She snapped at her dahil hindi na niya kaya ang pagiging isip bata nito."Anong sinabi mo!?" Galit na sigaw nito at mabilis siyang sinugod.Hinanda niya ang sarili ni
Third person point of view"Pinagsisihan mo ba yung ginawa mo?"Iyan ang tanong na binitawan ni Ethan pagkaupong-pagkaupo nila sa isa sa mga malayong table dito sa restaurant na pinagdalhan nito sa kaniya.Kanina bago sila mapadpad sa restaurant na ito ay nagtatalo ang isip niya sa kung dapat ba na umuwi siya dahil sa Mommy niya or dapat ba na sumama siya kay Ethan kasi alam niyang may kasalanan siya dito. Sa huli ay nanaig pa rin ang kagustuhan niya na makausap ito at maipaliwanag dito ang mga nangyari, kaya naman sumama siya dito.Tinitigan niya si Ethan at dahan-dahan siyang tumango pero ang isipan niya ay puno ng pagtutol dahil kahit anong hanap niya sa pagsisisi sa nangyari sa kanila ni Alisson ay wala siyang mahagilap."Bukod s-sa h-halik, a-ano p-pa ang n-nangyari?" Nahihirapang tanong nito habang madiin na nakakuyom ang mga kamay.Nakaramdam siya ng habag sa nakikita niyang paghihirap ni Ethan. Umiling siya bilang sagot sa tanong nito."Say it, please," puno ng pagmamakaawang s