Share

KABANATA 1 MEET THE THREE ENDRELTON

Simpleng buhay, simpleng pamilya, simpleng mga pangarap ang binuo namin ni mama sa lugar na ito. Hindi ko man nakita ang papa ko bago niya kami iwan, naging maayos naman ang buhay namin dahil sa pag sisikap ni mama.

"Star anak papunta ako sa bayan ngayon, huwag kang lalabas ng bahay naiintindihan mo ba?" Wika ni mama habang dala dala ang basket na pag lalagyan niya ng mga bibilhin niya. Tumango lang ako sa kaniya at agad naman siyang umalis.

Tahimik akong nakatanaw sa malaking bintana ng kubo namin, habang nakangiti kong pinag mamasdan ang mga puno at dahon na sumasayaw sa hangin.

" Nakakainip naman, siguradong mamaya pa uuwi si mama." Bulong ko

Umalis ako sa kinauupuan ko at nakapag desisyon na lumabas ng kubo, gusto ko na mag libot libot muna dito sa kileyo siguro naman mamaya pa uuwi si mama dahil medyo may kalayuan din ang bayan dito.

Masaya akong nag lalakad habang pinipitas ang mga bulaklak na nadadaanan ko, siguradong matutuwa si mama kapag binigyan ko siya ng mga bulaklak.

Sa pag lalaakd ko ay napansin ko ang isang napakalaking gate, sumilip ako dito at napansin ko ang tatlong bata na nag lalaro sa bakuran nila maputi ang dalawang lalake at ang isa naman ay may katamtamang kulay.

" Hero saluhin mo!" Sabi ng isang lalake na may suot na salamin, hindi nasalo ng bata ang bola kaya tumama ito sa kaniyang mukha at umiyak lang ito ng malakas.

" Isusumbong kita kay mommy!" Sigaw ng bata at dali daling tumakbo papasok sa napakalaking bahay.

Kumunot ang noo ko ng mapabaling sakin ang isang lalake at nanlilit ang mga tingin niya.

" Who are you?" Tanong nito sakin.

" Ako si star, ikaw?" Nakangiti kong sagot dito.

" Hindi kita kailangan sagutin, at next time wag ka ng silip ng silip dito sa bakuran namin." Masungit niyang sabi.

" Nag tanong ka sinagot ka naman ng maayos, bat ba masungit ka?" Sabi ko dito at tinitigan siya ng matalim.

" I said, hindi ko kailangan sagutin ang mga tanong mo." Aniya at agad napatingin sa mga hawak kong bulaklak.

" So? Ikaw pala ang pumipitas ng mga bulaklak dito samin?" Sabi niya na nag pakunot sa noo ko.

" Nasa labas ng bakuran niyo ito, wag ka nga bintangero diyan....."

"Lupain namin ito, hanggang dun sa dulo...." Aniya habang tinuturo ang kahabaan ng kalsada. " Kaya ang bulaklak na yan ay sa amin" sabi niya at ngumisi sakin habang bumabalik balik ang tingin sa kamay ko.

" oh edi sayo na! Akala mo naman kung sino ka.." Sagot ko sa kaniya habang nakanguso binato ko mga bulaklak sa naka pagitang gate samin at mas lalong sumilay ang ngisi sa labi niya.

" Ang tapang mo ahh bata?" Aniya

" Hindi na ako bata, mag e eight na ako!" Mayabang kong sagot sa kaniya.

" Bata ka parin para sakin, wag ka ng mag libot libot dito dahil baka pakawalan ko ang aso namin at habulin kapa nun" sabi niya at tumawa ng mahina

" Ang sama mo" bulong ko

" Kuya hallen!" Sigaw ng batang papalapit sa amin, bumaling ito sakin at sumilay ang ngiti sa labi.

" Hi? Sino ka?"

" Ako si star..."Pag papakilala ko dito, sa kanilang dalawa mas mukhang mabait ang isang ito hindi katulad ng hallen masyadong mayabang.

" Ikaw ba ang pumitas ng mga ito?" Tanong nito sakin at tumango naman ako agad.

Binitawan niya ang hawak niyang bola at Isa isa niyang pinulot ang mga bulaklak.

" Sayo na ito star." Aniya habang matamis na nakangiti sakin

" Ako si Harris, Harris Endrelton at ito si kuya hallen" inabot niya ang kamay niya sa pagitan ng nakasarang gate at tinanggap ko naman agad ito

"Salamat sa bulaklak, pasensya kana kung hindi ako nag paalam ang akala ko kasi walang may ari." Paliwanag ko

" Sa kaniya nag pasensya ka sakin hindi? Iba ka rin ah?" Masungit na sabat ni hallen. Inirapan ko ito at hindi pinansin, bumaling ako kay harris at muli itong nginitian.

" Buti kapa hindi ka nagalit, yung isa kasi diyan sinabi pang ipapahabol daw ako sa aso" pag paparinig ko at mas lalaong kumunot ang noo ng masungit na lalake

" Naku! Wag mo pansinin si kuya ganiyan talaga yan, pwede kang pumitas kahit kailan mo gusto. Pwede ka din mag punta dito at makipag laro samin." Aniya

" Talaga? Salamat! Wala kasi akong nakakalaro dito at isa pa madalas wala ang mama ko dahil nag t trabaho siya sa bayan." Masaya kong sagot.

" Masyado ka ng madaldal bata, mabuti pa umuwi kana wag mo na kami abalahin dito." Sabat ng masungit na si hallen.

" kuya wag mo sungitan si star, wala naman ginagawang masama sayo."saway ni harris sa kaniya.

" Hallen! Harris! Pumasok na daw kayo sabi ni señiora!" Tawag ng isang babae na naka uniporme

Bumaling sakin si harris at ngumiti.

" mag ingat ka sa pag uwi mo star, papasok na din kami" Sabi nito at ngumiti lang ako sa kaniya at tumango, Habang ang kuya naman niya ay nauna ng umalis para pumasok sa malaking bahay.

Napaka swerte naman nila, may malaki silang bahay, may mga katulong at mukhang wala silang problema hindi katulad namin ni mama na bawat araw ay kailangan pa mag pagod sa trabaho para lang may makain.

Sa mura kong edad namulat na ako sa kahirapan ng buhay. hindi madali, dahil mag isa lang si mama na bumubuhay sakin. Wala na si papa at kailangan namin mag sikap ni mama para mabuhay.

" Sinabi ko na huwag kang lalabas diba? Hindi mo ba maintindihan yun ha? Star? Paano kung may mangyari sayo? Pano kita hahanapin?" Galit na sabi ni mama habang ako ay naka dapa parin sa upuan at dama parin ang sakit ng mga hampas niya sa pang upo ko.

" Sorry mama, hindi ko na po uulitin!" Umiiyak kong sabi.

Naupo si mama sa tabi ko at pinunasan ang pawis na nasa noo niya, pagod siya sa pamimili ng paninda sa bayan, tapos madadatnan pa niya na wala ako at masiyado siyang nag alala.

" Sorry mama, sorry po." Sabi ko at maamo siyang tinitigan.

Lumapit si mama sakin at niyakap ako at naramdaman ko ang mahina niyang pag hikbi.

" Mama hindi ko na po yun uulitin, wag ka ng umiyak."

" Star, tayong dalawa nalang. Paano kung pati ikaw mawala sakin? Paano kapag nay nangyari sayo? Hindi tayo mayaman, madamot ang kapalaran satin. At kung hindi natin iingatan ang sarili natin patuloy tayong malulugmok sa mundong ito. Ang protektahan ka at mahalin ka yan lang ang kaya kong ibigay sayo." Wika ni mama habang patuloy parin sa pag agos ng luha sa mata niya.

lumipas ang mga araw nanatili nalang ako sa bahay satuwing umaalis si mama, ayoko na siyang mag alala at ayoko na din na umiyak siya ulit dahil sakin.

Pangarap ko balang araw na mabigyan si mama ng magandang bahay, para hindi na kami nag titiis sa butas na bubong namin. Siguro kung nandito si papa hindi na mahihirapan ang mama ko, bakit ba kasi iniwan niya kami agad, bakit kinalimutan niya kami agad? Hindi niya ba mahal si mama? Ayaw ba niya sakin?

" Tao po!"

Napatayo ako mula sa pagkakaupo ng marinig ang katok sa pintuan namin, ng buksan ko yun ay agad bumungad sakin si harris.

" Bakit ka nandito?" Naka kunot noo kong tanong sakaniya.

" Gusto ko lang ito ibigay sayo" Aniya at inabot ang isang box na hawak niya.

" Ano ito? At paano mo nalaman na dito ako nakatira?" Tanong ko, Ngumiti siya sakin at ginulo ang buhok ko.

" Inalam ko lang, buksan mo yan magugustuhan mo yang donut" Aniya

" Salamat harris." Sabi ko habang pinag mamasdan ang ngiti niya na hindi maalis alis sa labi niya habang nakatitig sakin.

" Bakit ka nakatitig?" Tanong ko rito at doon lang siya natauhan

" Nothing, Babalik ako dito next time mag laro tayo." Aniya at tumango naman ako agad.

Inilagay niya ang buhok ko sa likod ng tenga ko at matamis na ngumiti sakin.

" I have to go, kainin mo yan star favorite ko din yan e.." sabi niya at agad niya akong tinalikuran at nag lakad paalis

Napaka bait naman niya mag kaibang mag kaiba sila nung masungit niyang kuya. Sigurado ako na magkalayo ang edad namin, pero bakit ganun siya kabait sakin? Kahit alam niya na mainit ang dugo sakin ng kapatid niya maayos parin niya akong pinapakitunguhan.

Naupo ako sa kahoy naming upuan at kinain ang bigay ni harris, totoo nga na masarap ito at mukhang mahal din. Siguradong magugustuhan ito ni mama.

"Sino ang nag bigay nito sayo anak?" Tanong ni mama sakin habang nakatanaw parin ako sa bintana namin.

" Si harris po mama kaibigan ko, dun siya nakatira sa mataas na bahay."

" Mataas na bahay, sa mansion ba ng Endrelton anak?" Tanong niya ulit

" Opo mama.. mababait po sila maliban nalang dun sa isang lalake napaka sungit akala mo naman kung sino"

Natawa si mama ng bahagya sa sinabi ko at naupo siya sa tabi ko.

" Mababait ang mga endrelton anak, tumutulong sila sa mga mahihirap dito sa bayan natin. sikat at hinahangaan dahil mayaman sila at may pinag aralan." Sabi ni mama at saglit siyang natulala " Ganun din ang papa mo, Mayaman at may pinag aralan din siya pero dahil sa ganoong estado ng buhay niya hindi kami pwede, hindi kami pwede dahil eto lang ako..."

Malungkot ang tingin sakin ni mama habang dahan dahan na hinahaplos ang buhok ko .

" Kaya ikaw, mangarap ka... mag sikap ka na mag aral. Dahil kahit gaano pa kayaman ang kaharap mo, kung matalino kang tao hinding hindi ka nila ma aapi."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status