Share

KABANATA 5 COLD

"Star, Sakay na!" Tawag sakin ni Harris na hinintuan pa ako ng kotse.

Nilibot ko ang tingin ko sa paligid at kita ko ang ang mga estudyante na nag sisimula na naman mag bulungan.

" Wag na Harris mag lalakad nalang ako." Sagot ko at kumunot naman agad ang noo niya sakin.

" Tara na Star, mas lalo silang magagalit kapag binuhat pa kita papasok sa kotse." Wika niya.

Dahil sa ayaw ko naman na buhatin pa niya ako ay agad nalang akong sumakay. Inayos niya ang seatbelt ko habang nakasilay ang ngiti sa labi niya.

" kamusta ang araw mo? Nauna ka na naman pumasok." Aniya habang iniistart ang kotse.

" Oo, sabi ko naman hindi ko na kailangan sumabay pa sa inyo. Sana maintindihan niyo din, ayoko naman na pare pareho tayong pag isipan ng hindi maganda ng ibang tao."

" Bakit ba lagi mong iniisip ang iba? E ano kung malapit ka samin? Mula bata magkakasama na tayo Star kaya wag kang mag pa apekto sa ibang tao okay?" Aniya habang nakatuon ang tingin sa kalsada

Hindi ko siya sinagot, hindi ko alam kung kaya ko ba na hindi mag pa apekto kung ang palaging sinasabi sakin ay ang tungkol sa magulang ko. Mabuti sana kung ako lang ang binabanggit nila pero hindi, damay buong buhay ko, damay pati magulang ko.

Agad na pinag buksan kami ng gate ng bumusina ang sasakyan ni Harris, at ng makapag parada siya sa gilid ng mansion ay agad na din akong bumaba.

" May gagawin kaba Star? Gusto mo ba mamasyal muna tayo sa dagat?" Aniya.

" May gagawin ako ngayon sa Rancho kasama si Hallen." Sagot ko at kaagad naman na sumimangot nag mukha niya.

" Pwede ba na mamaya na yun? Magiging busy ako sa mga susunod na araw, mamasyal muna tayo kahit saglit."

Hindi na ako nakapag dahilan pa at pinag bigyan ko nalang din si Harris. Bibilisan nalang namin para naman hindi magalit si Hallen.

Kinuha ni Harris ang motor niya,katulad ng madalas namin gawin noon ay nag libot libot kami sa kileyo. Malapit lang ang dagat samin pero medyo mahirap kung lalakadin dahil sa malubak na daan, Mabuti nalang at kaya ito ng motor ni harris.

" Kailangan mo ba talaga na tulungan si kuya Hallen doon sa Rancho? Sana kumuha nalang sila ng tauhan." Wika ni Harris habang pinaparada ang motor niya sa tapat ng puno.

" Oo yun din ang utos ni Señyora, hindi ako pwedeng umangal at mag reklamo dahil malaki ang utang na loob ko sa Mommy mo." Sagot ko

Hinawakan ni Harris ang kamay ko at hinila ako patungo sa dalampasigan. Napakalakas ng hangin at sumasabay ito sa alon ng dagat. Medyo mainit na din kaya kaunti nalang ang namamangka.

" Naalala mo pa ba noon nag punta tayo dito at naabutan tayo ng ulan, hindi natin napansin yung oras at pag uwi natin sa mansion ay hinahanap na pala tayo ng mga tauhan ni mommy." Wika niya

" Oo Harris tapos sa sobrang ginaw nun tulo na ng tulo yung sipon mo" Sagot ko at tumawa ng malakas.

Napanguso lang si harris habang mariin siyang nakatitig sa dagat.

"Tara maligo tayo?" Pag aaya niya sakin at kaagad niya akong hinila patungo sa dagat.

" Harris Wala tayong dalang damit." Sabi ko ngunit tila wala siyang naririnig, hawak niya parin ang kamay ko habang palalim ng palalim ang tubig. Saka lang kami tumigil ng umabot sa bewang ko ang tubig.

" Mas okay sana kung doon tayo sa malalim, kaso baka tangayin kana ng alon." Aniya at napatawa ng mahina habang bakas ang saya sa mukha niya.

" Kaya ko naman siguro kaso hindi din tayo pwedeng mag tagal dahil may gagawin pa kami sa Rancho." Sagot ko.

Nawala ang ngiti sa labi niya at bumalik sa pagiging seryso ang mukha niya.

" Bakit ba kasi ikaw pa ang inutusan dun, kung wala lang akong klase ako nalang sana ang tutulong kay kuya Hallen."Aniya.

Mariin ang titig sakin ng mapungay niyang mata habang hawak parin niya ang mga kamay ko. Bawat alon na tumatama samin ay mas lalong humihigpit ang hawak niya.

Nag tungo siya sa likuran ko at Naramdaman ko ang mga braso niya na pumulupot sa bewang ko, nag tangka akong lumayo sa kaniya ngunit mas lalong humigpit ito.

Bakat sa basa niyang tshirt ang matigas niyang dibdib at damang dama ko sa likod ko.

" Harris, k...kailangan na nating bumalik sa mansion." Wika ko

Hindi niya ako pinakinggan sa halip ay ipinatong pa niya ang baba niya sa balikat ko.

" Star, i like you....hmm No, Mahal kita Star." Aniya at agad akong nakaramdam ng kaba habang damang dama ko ang mainit niyang hininga sa tenga ko

"Ramdam mo naman siguro diba? Noon pa, Noon pa gusto na kita. Bata palang tayo mahal na kita Star."

Agad ko siyang hinarap habang ang mga tingin niya sakin ay nag susumamo. Kinuha niya ang kamay ko at ipinatong sa dibdib niya.

" Star, can you love me?" Tanong niya.

Napakabilis ng tibok ng puso niya at ramdam ko yun sa mga kamay ko na nakapatong sa dibdib niya, ang malambot at nanlalamig niyang kamay ay humawak sa pisngi ko at unti unti niyang nilapit ang mukha niya sakin.

" Harris.." Bulong ko upang pigilan siya.

Mas lalo niyang nilapit ang labi niya sakin at napahawak nalang ako sa kamay niya at inalis ito.

" Hallen please.." Bulong ko habang nakapikit.

Napadilat ako ng mapagtanto ko ang sinabi ko at napansin ko ang pagka gulat sa mukha niya.

" Sorry, let's go home." Aniya at bumitaw sakin at nauna ng umahon sa dagat. Mabilis ang paglalakad niya patungo kung saan nakaparada ang motor.

Hindi ko alam kung bakit ko nabanggit ang pangalan ni Hallen, siguro dahil kasama ko lang siya kahapon? At hindi ko alam sa sarili ko kung bakit kusa itong lumabas sa bibig ko, At tingin ko nasaktan ko si harris matapos niyang mag tapat sakin tapos yun ang maisasagot ko.

Hayyy ano bang nangyayari sayo Star!

" Harris? Pasensya kana sa nasabi ko, kahapon lang kasi kasama ko si Hallen kaya siguro....."

" Okay lang Star." Pag putol niya sa sinasabi ko at agad na sumakay sa motor niya.

Hindi na ako umimik pa at sumakay narin ako. Tahimik lang kami ni Harris hanggang sa makauwi kami sa mansion.

" Mag palit ka agad baka sipunin ka." Sabi niya habang papasok kami sa loob. Tumango lang ako at agad kong nadatnan si Hallen na sumalubong samin habang matalim ang titig sakin.

" You seem to be enjoying yourself so much with Harris, that you forgot that we have something else to do today." Aniya at bumaling kay Harris na mariin na din ang titig sa kaniya.

" Namasyal lang kami sa Dagat kuya." Mariin na sagot ni Harris.

" You probably know that she has something else to do now, sana hindi mo siya niyaya dahil mas importante yun kaysa sa ginawa niyo ngayon" malamig na wika ni Hallen.

Lumapit sa kaniya si Harris at halos maglapit na ang mukha nila.

" Di mo pagmamay ari si Star kuya Hallen, kung gusto mo ako na ang kukuha ng taong pwede kang tulungan sa Rancho." Sagot naman ni Harris sa kaniya. Ngumisi lang si Hallen at mas lalong nag igting ang panga ni Harris.

" kung gusto ko, sana ako na ang nag hanap ng iba harris." Sagot naman ni Hallen sa kaniya.

" Harris mag palit kana ng damit, mag aayos lang ako." Wika ko at pumagitna na ako sa kanila at bumaling ako kay Hallen na matalim ang titig sakin.

" Wag ka mag paka pagod Star." Nag aalalang sabi ni Harris tumango ako dito bago siya tuluyang mag tungo sa kwarto niya.

" look at yourself Star, you are wet bakat na bakat yang katawan mo habang kasama ang lalakeng yun?" Naka kunot noo niyang singhal sakin ng maka alis si Harris.

" Ano naman sayo? Ha? May pakealam ka pala sakin?" Sagot ko at mas lalong nag igting ang panga niya. " Kapatid mo ang kasama ko, para naman ibang tao yung sinasabi mo." Dagdag ko at nilagpasan siya.

" Yeah That's it, that's what I don't want! kapatid ko ang kasama mo Star."

" Ahh kung ganon dapat pala sa ibang lalake nalang ako sumama at mag tiwala ganun ba?"

" That's not what I mean!" Sigaw niya.

" Eh ano ba? Ano ba ang problema mo ha?"

" Ang problema ko yang itsura mo! Yang ayos mo habang kasama si Harris. Ganiyan ka ba talaga ha? Ganiyan ka ba talaga kalapit sa lalake kaya sobra sobra ka ng nag titiwala." Aniya habang namumula na sa galit ang mata niya.

Hindi ako sumagot sa kaniya at mariin ko lang siyang tinitigan, kung ganoon pala minamasama niya ang pag sama ko kay harris. Malandi ako yun ba ang ibig niyang sabihin? Na ganito ako katanga para mag tiwalang sumama sa isang lalake?

" I don't know why I'm telling you this." Aniya at umiwas ng tingin sakin." Sa kapatid ko may tiwala ka, pero sakin palagi kang galit at may reklamo?" Dagdag pa niya at ngumisi sakin.

" Mag trabaho na tayo, natiis mo yang ganiyang ayos diba? Then wag ka ng mag palit tiisin mo din na basang basa ka at bakat yang katawan mo habang kasama mo ko." Seryoso niyang sabi at agad na hinawakan ang kamay ko at hinila palabas ng mansion. Nauna siyang sumakay ng kabayo at hinawakan niya ako sa kamay para makasampa sa harapan.

Dahan dahan niya akong Hinawakan sa bewang ko at mas mahigpit ito kumpara sa huli niyang pag hawak sakin.

" Did he also hold you this tightly?" Bulong niya sa tenga ko.

Hindi ko siya sinagot at hinayaan ang braso niya na naka pulupot ng mahigpit sa bewang ko. Halos maluha ako dahil sa nararamdaman kong bigat sa dibdib ko habang dama ko ang mga buntong hininga niya.

Dahil sa lamig ng hangin na tumatama sa katawan ko ay nakaramdam ako ng panlalamig, mas binilisan niya ang pag papatakbo sa kabayo at habang bumibilis ito ay mas lalong humihigpit ang kapit ng isa niyang kamay sakin.

" Dahan dahan naman, nasasaktan nako." Wika ko at medyo lumuwag ang pag hawak niya.

Tahimik kami hanggang sa makarating sa Rancho, tiniis ko ang lamig na bumabalot sa katawan ko habang siya ay abala sa pag lilinis. Napabaling ako sa kaniya habang seryoso ang tingin niya sa mga kabayo. Ang puti niyang tshirt ay may kaunti ng dumi at pawis na din siya.

Inilapag ko ang dayami at naupo ako sa isang sulok para yakapin ang sarili ko. Sobrang nangangatog na ako sa ginaw at pilit ko itong tinatago para hindi mahalata ni Hallen.

Madilim na ng matapos kami at naisipan na din namin na umuwi, wala kaming imikan hanggang sa makarating na kami sa mansion. Kaagad akong bumaba sa kabayo dahil gusto ko ng mag palit ng damit, yakap ko ang sarili ko habang nag lalakad ako papasok at hinayaan ko na lang na maiwan si Hallen sa labas.

Para akong nag hihina dahil sa sobrang panlalamig ko, hindi ko naisip na ganon pala siya kasama para hayaan akong nilalamig habang nag lilinis kami. Pagod na pagod ang katawan ko at matapos kong maligo ay bumagsak na ako sa kama dahil sa pang hihina.

" Iha... kumain kana hinihintay kana nila sa hapag kainan." Wika ni Manang.

" Wala pa po akong gana manang."sagot ko sa kaniya, naupo siya sa glid ng kama ko at naramdaman ko ang mainit niyang palad na dumapo sa noo ko.

" Naku! Nilalagnat ka, dadalhin ko ang pagkain mo dito pata makainom ka din agad ng gamot." Aniya at natatarantang tumayo at lumabas ng kwarto.

Sobrang bigat ng pakiramdam ko, ganun din yung puso ko. Ganun ba ang tingin sakin ng lahat? Mang gagamit at Malandi? Hindi ko naman sinadya na mapalapit ang loob ko kay harris at hero, at walang ibig sabihin yun dahil kapatid at kaibigan lang ang turing ko sa kanila.

Marami na ang nag sabi nun sakin, pero parang ito na ata ang pinaka masakit. Bakit sobrang sakit ng marinig ko yun mula kay Hallen? Kahit Noon pa ay marami na siyang nasabi sakin na hindi maganda. Bakit ngayon, parang iba ang sakit na epekto sakin ng mga salita niya.

Nadinig ko ang pag bukas ng pinto ng kwarto ko at agad akong nag kunwari na tulog habang nakatalukbong ako ng kumot. Naramdaman ko ang mainit na palad sa noo ko at ganun din sa pisngi ko.

" I'm sorry."

Mariin akong napa pikit at pinilit na pigilan ang hikbi ko ng marinig ko ang maamong boses ni Hallen.

" I'm too stupid to do that, I....i'm just desperate to hurt you back just like the pain you made me feel." Mahina niyang bulong.

Bumilis ang tibok ng puso ko ng maramdaman ang pag hawak niya sa kamay ko, hindi ko alam kung aalisin ko ba ito o kung hahayaan ko lang siya sa ginagawa niya.

Nakaramdam ako ng ginhawa sa puso ko dahil sa pag hingi niya sakin ng tawad, masaya na ako na kahit paano ay may puso parin pala siya sakin. Habang nanatili ang hawak niya sa kamay ko ay patuloy parin sa mabilis na tibok ang puso ko na ngayon ko lang naramdaman.

Ang kakaibang saya at sakit na sa ni minsan hindi ko pa naramdaman sa iba. Hindi ako sigurado kung ano ang ibig sabihin nito pero malinaw sakin na kailangan ko ng umiwas, kailangan ko ng mag ingat, kailangan ko ng protektahan ang puso ko. Dahil kung hindi ko ito gagawin agad tuluyan na akong mahuhulog sa isang pagkakamali.

Tuluyan akong naka idlip habang dama ko parin ang malambot niyang kamay. Every seconds and minutes that I feel his touch makes my heart soft at panandalian akong nakarating sa masayang panaginip.

Love is a magic that will envelops the depths of our heart, whether we want it or not....we can't do anything but fall in love with the joy it brings. Mas madami man ang sakit pero mas mananaig parin ang ga tuldok na saya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status