Share

KABANATA 2 NEW LIFE AT THE MANSION

" Mama? Mama?" Sigaw ko habang papasok ako sa bahay namin.

Kakauwi ko lang galing sa pakikipaglaro sa mga batang kapitbahay namin, mabuti nalang at pinayagan ako ni mama.

" Mama?" Paulit ulit kong sigaw, pumasok ako sa kwarto at nataranta ako ng makita ko si mama na umiiyak habang inaayos ang mga damit niya.

" Ma? May problema po ba?" Nag aalala kong tanong, bumaling siya sakin at napatitig ako sa namumugto niyang mga mata dahil sa kakaiyak.

" Anak makinig ka sakin, kailangan kong lumuwas ngayon dahil nakatanggap ako ng tawag mula sa kaibigan ko sa maynila. Nakauwi na dito sa bansa ang papa mo at kailangan ko na mapuntahan siya agad dun." Aniya habang hawak ako sa mga braso ko.

" Hindi mo ako isasama Mama?" Naluluha kong tanong sa kaniya.

" Hindi pwede Anak, hindi ko alam kung anong buhay ang nag hihintay sakin sa paghahanap sa papa mo. Mas ligtas ka dito at alam ko na malalampasan din natin ito" Paliwanag niya sakin.

Yumuko nalang ako dahil sa lungkot na naramdaman ko, hindi ako maaaring umiyak at pilitin si mama na isama ako. Kailangan ko din na mag tiis at unawain ang sitwasyon namin.

" Saan mo ako dadahlhin mama?" Tanong ko habang bitbit niya ang bag ko na pinaglalagyan ng mga gamit ko.

" Nakausap ko na ang pansamantalang kukupkop sayo, Anak mag pakabait ka at palagi mo lang hihintayin si Mama naiintindihan mo ba yun Star?" Aniya at tumango lang ako sa kaniya habang nangingilid ang mga luha ko.

" Mag promise ka Mama na babalikan mo ako, Wag ka po mag tatagal dun" Sambit ko, Tumango si Mama at pinunasan ang luha sa mga pisngi niya.

Mabilis kaming naglakad ni mama habang hawak niya ang isa kong kamay, bawat hakbang namin ay parang gusto ko ng mag maktol at mag lumpasay sa lupa dahil naiisip ko na iiwan ako ng Mama ko, naiisip ko kung paano ako kung hindi na siya bumalik, paano ako kung may hindi magandang mangyari sa kaniya sa pag alis niya.

" Dito na tayo anak." Wika ni Mama ng huminto kami sa tapat ng malaking gate.

" Bakit dito tayo Mama? " Tanong ko dahil sa pagtataka kung bakit kami huminto sa tapat ng malaking gate na pagmamay- ari ng Mga Endrelton.

Naupo si mama sa harap ko para magkapantay kami, hi awakan niya ako sa pisngi ko at mariin akong tinitigan.

" Nakiusap ako kay Señyora na tanggapin ka muna dito sa mansion nila, at hindi naman siya tumanggi Anak. Magpakabait ka at suklian mo ng kabutihan ang pagtulong nila satin." Wika ni mama.

Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya at nakaramdam din ako ng pangamba dahil naalala ko ang huling pagtatagpo namin ng panganay na Endrelton, At siguradong hindi nila matatanggap kung titira kami sa iisang bahay.

" Mahal na mahal kita Star, gagawin ko ito para sa pamilya natin. Ilalaban ko ang karapatan mo. Hindi ako papayag na mabuhay ka ng ganito kahit hindi dapat, Hindi mo dapat maranasan lahat ng paghihirap Star." Umiiyak na wika ni mama.

Mahigpit kong niyakap si Mama habang pilit kong pinipigilan ang luha ko.

Sana lang ay Magtagumpay si Mama, sana lang ay maging maayos siya doon. Magpapakatatag ako habang hinihintay siya, habang hinihintay na maging maayos ang pamilya namin at ang buhay namin.

" Selena siya naba ang anak mo?" Masayang tanong ng babaeng nasa harapan na namin.

Tumango si mama sa kaniya at nakangiti naman akong nilapitan ng magandang babae.

" Siya si Señyora Trina Anak, sa kaniya ka muna titira mula ngayon."

Pilit kong sinuklian ng ngiti si señyora, napaka ganda niya at maraming alahas ang suot suot niya. Seryoso ba si Mama na tinanggap ako ng mayamang babae na ito?

" Mag enjoy ka dito sa Mansion iha, may mga katulong at mga tauhan na handa kang gabayan dito at Mamaya din ipapakilala kita sa mga Anak ko at sana mag kasundo sundo kayo dito sa mansion." Nakangiting wika nito.

" Maraming salamat po" Sagot ko at muling hinarap si Mama na malungkot na nakatingin sakin.

" Aalis nako Star, mag pakabait ka" Aniya at hinaplos ang buhok ko " Señyora, maraming salamat sa tulong mo babawi ako sa oras na makabalik ako dito." Dagdag ni mama.

" Walang anuman Selena, wag kang mag alala dito kay Star dahil hindi din namin yan pababayaan dito." Ani ni Señyora.

Bumitaw si Mama ng pagkakahawak sa kamay ko at pilit na ngumiti sakin.

" Paalam na anak." Aniya at mabilis na naglakad paalis at doon na tuluyang tumulo ang luha ko

" Mama mag iingat ka!" Sigaw ko kahit nasa malayo na siya.

Naramdaman ko ang paghaplos sa likod ko at napabaling ako kay Señyora na malungkot na din ang mga tingin sakin.

" Pumasok na tayo nag hihintay na sila satin" Aniya at tumango ako.

Sinundan ko si Señyora sa paglalakad papasok sa napakalawak na bakuran, ang malaking bahay na nasa harapan ko ay tila isang palasyo na kahit minsan hindi ko naisip na magiging tirahan ko.

Pumasok kami sa malaking pintuan at agad naglibot ang mata ko ng tingin sa paligid at Ang malalaking larawan ng tatlong batang lalake na nakadikit sa dingding ay agad na bumungad sakin.

" Hallen,Harris,Hero ito nga pala si Star makakasama niyo na siya dito sa mansion mula ngayon"

" What!" Gulat na tanong ni hallen.

" May problema ba Anak?" Tanong ni Señyora dito.

" Bakit dito pa? Wala bang bahay yan?" Masungit na sagot niya at napayuko nalang ako.

" Kuya ayaw mo ba nun? Meron ng magandang babae dito sa bahay" wika ng pinakabata sa kanila habang naka ngisi.

" Tama naman si Hero kuya hallen, at si mommy naman ang nag dala sa kaniya dito wag ka nalang makialam diyan." Napangit ako sa sagot ni Harris at ngumiti naman siya sakin pabalik habang si hallen ay matalim ng nakatitig sakin.

" Mabuti naman at pumayag kayo, ikaw hallen wala ka ng magagawa ngayon kundi pakisamahan si Star bilang kuya sa kanila Ituring mo si Star na kapatid. Naiintindihan niyo ba?"

" Yes Mom" Sabay na sagot ni Harris at Hero.

" Hallen? Niintindihan mo ba?"

" Yeah.." Simple nitong sagot at naupo sa Sofa at mariin paring nakatitig sakin.

" Star, Sasamahan ka ni Manang selya patungo sa kwarto mo." Wika ni Señyora habang nakangiti sakin.

" Salamat po Señyora." Sagot ko at tumango naman siya.

" Tayo na Po Maam." Ani ng babaeng kakalapit lang sakin. Sinundan ko ito paakyat sa malaking hagdan at naglakad kami patungo sa kwarto na gagamitin ko.

Tumigil kami sa tapat ng kulay gintong pinto at naunang pumasok si manang selya. Halos malula ako sa lawak nito at sa laki ng kama, na halos sinlaki na ng bahay namin.

" Dito po ba ako matutulog? Napakalaki naman nito pwede naman ako sa maliit lang na silid "

" Naku iha, hayaan mo na si Señyora kagabi lang niya ito pinalinis at mukhang excited siya na makita mo ang kwarto na ito." Sagot ni manag sakin.

Naupo ako sa gilid ng kama at napakalamabot nga nito, magkano kaya ang bili dito? Siguradong mas mahal pa itong kama sa tinitirhan namin ni Mama.

" Iha, tawagin mo lang ako kapag may kailangan ka. Binilin ka rin sakin ni Señyora kaya wag kang mahihiya na lumapit at magtanong sakin."

" Maraming salamat po, napakabait niyo po sakin." Sagot ko dito at ngumiti siya sakin bago tuluyang lumabas ng silid

Dahan dahan kong hinaplos ang kama at ang mga magagarang dekorasyon na nakadikit sa dingding. Napaka aliwalas ng silid dahil sa magagandang painting na nakadikit sa dingding. Manghang mangha ako at hindi parin makapaniwala na nandito ako sa palasyo na dati ko lang pinagmamasdan sa malayo.

Dahil sa saya sa mga nakikita ng mata ko ay pansamantala kong nakalimutan ang pag hihiwalay namin ni Mama kanina at dahil din sa pagod ay kaagad akong nakaidlip sa napakalambot na kama.

Sana lang ay maging ligtas ang pag alis ni Mama, pangako ko sa kaniya na magiging maayos din ako dito sa mansion ng mga Endrelton at susuklian ko ang pagtulong nila samin.

Nagising ako dahil sa katok sa pinto at ilang sandali lang ay bumukas ang pinto at kaagad akong napatayo ng makita ko ang matalim na titig sakin ni Hallen.

" B..bakit? " Tanong ko dito.

" Kanina pa kita kinakatok, pinapatawag ka ni Mommy para kumain na." Masungit niyang sabi.

" E bakit galit ka? Nakaidlip ako pasensya na." Sagot ko dito na mas lalaong nagpakunot ng noo niya.

" Hindi ko tinatanong, bilisan mo at bumaba kana!" Wika niya bago tulyang lumabas ng silid.

Grabe naman ang lalakeng yun bakit ba lagi siyang galit sakin? Wala naman akong ginagawa na pwede niyang kainisan.

Napabuntong hininga nalang ako at agad akong naglakad palabas ng kwarto. Pag baba ko ay agad sakin sumalubong si manang para ituro sakin kung saan ang hapag kainan. At ng marating namin yun ay agad tumambad sakin ang napakaraming pagkain at halos mapuno na ang napakahabang mesa.

" Maupo ka iha, kumain ka at ng magkalakas ka naman" wika ni Señyora at agad namang inayos ni manag ang uupuan ko at nilagyan ang pinggan ko ng pagkain.

" Maraming salamat po Señyora." Sagot ko.

" Kanina ka pa nag papasalamat iha, ayos na sakin ang isang beses " aniya " Siya nga pala, malapit na ang pasukan balak mo ba na mag aral iha?" Tanong nito.

" Kung may pagkakataon po, nakakahiya naman po kung pati pag aaral ko ay iintindihin niyo pa." Sagot ko na nag pangiti kay Señyora.

" Ano kaba iha may mga scholar talaga ako dito sa kileyo, yung iba nga pinag aaral ko ikaw pa kaya? Hayaan mo nalang akong tulungan ka iha."

" Salamat po..." sagot ko at muli kong ginalaw ang pagkain na nasa harapan ko. Narinig ko ang pagbagsak ng kubyertos sa mesa at napatigil kaming lahat sa pagkain

" Tapos na ko." Wika ni Hallen at tumayo

" Mamaya ka ng umalis, hintayin mo na matapos ang mga kumakain ." Serysong sabi ni Señyora.

Bumuntong hininga si hallen at kaagad na bumalik sa kinauupuan niya

" Parang maiinit ata ang ulo mo ngayon kuya" Sabat ni harris at ngumisi sakin, katabi niya si Señyora habang si Hero naman ay napapagitnaan namin ni Hallen.

" Panong di iinit araw araw na niyang makikita Si Star." Sabat ni hero at tumawa ng mahina.

" Kumakain kayo, itikom niyo muna yang mga bibig niyo Harris at Hero!" Saway ni Señyora sa kanila

Dahil sa pagkailang ko ay yumuko nalang ako at tahimik na kumain. Hindi ko alam kung anong sunod na mangyayari sa bagong buhay ko ngayon, pero sana naman ay umayon na samin ni mama ang lahat. Simpleng buhay lang ang pangarap namin at sana naman ay wag na itong ipagdamot.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status