Share

KABANATA 3 ANGER

"Congratulations iha, kahit kailan hindi mo ako binigo!" Masayang puri sakin ni Señyora

" Maraming salamat po, Sinikap ko po talaga ito para kahit papano naman hindi masayang yung pag tulong niyo sakin." Sagot ko at matamis akong nginitian ni Señyora.

" Kumain ka ng marami, sabihan mo ako kung ano pa ang mga kailangan mo sa pag aaral mo" Aniya at sinuklian ko lang siya ng ngiti.

Walong taon na ang nakalipas mula ng kupkupin ako ng pamilya Endrelton, walong taon kong pinilit mabuhay habang binablot ng kalungkutan ang puso ko dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako binalikan ni mama, maraming nag sasabi na wag na daw akong umasa na babalik pa siya pero kahit minsan hindi ko naisip na tumigil na sa pag hihintay.

Isang taon nalang at Graduate na ako ng highschool, Siniguro ko na hindi masasayang ang pag tulong sakin ni Señyora nag pursigi ako sa pag aaral at hindi naman ako nabigo dahil palagi akong nangunguna sa school na pag mamay ari din ng Endrelton.

" Congrats Star, Top 1 ka na naman!" Bati sakin ni Hero at naupo sa tabi ko. Nginitian ko siya at ibinaba ang laptop na hawak ko.

" Salamat Hero, sana lang mag tuloy tuloy hanggang sa maka Graduate ako."

" Ano ka ba, Kaya mo yan ikaw pa ba! E halos puro ka nalang aral wala ka ng panahon mag hanap ng kaibigan sa school."

" May kaibigan naman nako, at hindi din naman ako gusto ng mga School mate natin pano ang akala nila inaagaw ko kayo sa kanila." Sagot ko at tumawa.

Umakbay sakin si Hero at matamis akong nginitian, ang maliit na dimple sa gilid ng labi niya ay lumalabas satuwing ngumingiti siya.

" Naku inggit lang sila sayo, maganda ka at matalino halos nasa sayo na lahat Star. Kaya bagay talaga tayo e....Parehong perfect!" Aniya at kumindat sakin. Agad ko namang inalis ang pagkaka akbay niya sakin at inirapan siya.

" Naku tumigil ka nga baka may makarinig pa satin!" Suway ko sa kaniya at tinawanan lang niya ako.

Sa kanilang tatlong magkakapatid si Hero ang madalas kong makasama sa school dahil pareho lang kami ng year at halos magkasing edad lang kami, si Harris naman ay kaka Graduate lang pero sa Endrelton parin siya mag papatuloy ng college. Habang si Hallen ay nag sisimula ng mag trabaho sa kompanya kaya madalas na din siyang hindi umuwi sa mansion.

Maayos ang samahan namin ni Harris at Hero, pero pag dating kay Hallen sablay na. Katulad ng dati mainit parin ang ulo niya sakin pero kahit papaano naman ay nabawasan na ng konti. Dati kasi parang gusto na niya akong itapon palabas ng mansion, pero ngayon hindi na siya talaga umiimik at mas okay na sakin yun dahil naririndi din ako sa kasungitan niya.

"Star, how's your day?" Tanong ni Harris na kakapasok lang ng kwarto ko. Bumangon ako sa pagkakahiga at hinarap siya habang paupo siya sa gilid ng kama.

" Maayos naman, ikaw? Mukhang busy ka mag hapon?" Tanong ko dito.

Hinubad niya ang suot niyang salamin at sinabit sa suot niyang itim na tshirt. Nag matured na ang pangangatawan ni Harris at ganun din ang itsura niya. Kahit mahilig siyang mag aral ay may panahon parin siya sa pag g gym. Sa kanilang tatlo si Harris ang pinaka mabait sakin , mula nung mga bata pa kami.

" Top one ka daw ulit? Hmm may gift ulit ako sayo..." Nakangiti niyang sabi at inilabas sa bulsa niya ang maliit na box.

" Harris nakakarami ka na ng bigay sakin, baka isipin mo na kaya ako nag aaral para makakuha ng mga regalo sayo...."

" Nabili ko na Star, Kaya wala ka ng magagawa kundi tanggapin." Aniya at ngumisi sakin.

" Tsk.. Ano ba yan? Last na ito ha? pag nag trabaho na ako ako naman ang mag bibigay ng regalo sayo." Sagot ko, Napangiti siya sa sinabi ko at hinaplos ang buhok ko. Bago tuluyang binuksan ang maliit na box.

Isang kwintas ang laman nito na may pendant na Star at itinapat niya ito sa leeg ko at isinuot sakin. Napaka ganda nito at napakakinang, sigurado ako na mahal ang bili niya dito.

" Sobrang ganda naman nito harris, Thank you!" Wika ko habang siya naman ay mariin ang titig sakin at nakangiti na tila masayang masaya na makita niyang suot ko ito.

" Palagi mo yan isusuot ah? Mahal yan at mas lalo kang gumaganda kapag nakasuot ka ng makikinang."

" Nambola pa to! Last na Gift na ito harris ah? Ako naman ang babawi sayo sa susunod."

Hinimas lang niya ang ulo ko at agad na din siyang tumayo habang ang mga kamay niya ay nasa bulsa niya.

" Matulog ka ng maaga, may pasok kapa bukas ako na din ang mag hahatid sayo."

" Harris malapit lang ang school, kaya ko naman mag lakad at mabuti pa si hero nalang ihatid mo para naman hindi yun na aaksidente sa pag mamaneho!" Sabi ko at kumunot naman ang noo niya

" May kotse siya Star, naaksidente siya dahil maangas siya mag maneho at kasalanan niya yun. Kaya wag mo siyang intindihin matulog kana at ihahatid kita bukas Whether you like it or not." Sabi niya at mukhang desidido na siya at wala na nga akong magagawa.

" Okay fine... Goodnight Harris." Sambit ko at nahiga na sa kama ko.

Agad na Lumapit si Harris sakin at binalot ang katawan ko sa kumot. Pinatay niya ang ilaw at tanging lampshade lang ang nag bibigay liwanag samin.

" Goodnight Star, sleepwell!" Aniya at hinalikan ako sa noo bago tuluyang mag lakad palabas ng kwarto ko.

Hindi ko alam kung bakit ganoon ka bait sakin si Harris, ayokong bigyan ng kahulugan ang maganda niyang pag trato sakin pero hindi ko maiwasan ang mag taka at pag dudahan ang matatamis niyang salita at lambing. Mula noon hanggang ngayon ay wala siyang pagbabago, madalas niya akong protektahan satuwing may ng bu bully sakin sa school at ganun din kay Hallen kapag sinusungitan ako nito ay palagi niya akong pinag tatanggol.Noon pa si harris na ang nag bibigay sakin ng atensyon kahit pa noong hindi pa ako dito sa mansion nakatira, hindi ko alam kung sadya lang ba siyang mabait o meron siyang kakaibang tinatago sakin.

Dahil sa pag iisip ko ng kung ano ano ay tuluyan na akong naka idlip. Nagising na lamang ako ng marinig ang alarm clock sa side table at kaagad na din akong bumangon para maligo at mag ayos. Pinagmasdan ko ang kabuuhan ko sa harap ng salamin, Suot ko ang uniform ng Endrelton. Ang kulay maroon nitong blazer ang tumatabon sa puting blouse na suot ko, Habang ang maroon na maikling palda naman ay pilit kong binababa dahil hanggang ngayon ay hindi parin ako sanay na mag suot ng ganito ka ikli.

Hayss sino ba nag nakaisip ng ganitong uniporme, hindi ba nila naisip na may mga babae na hindi sanay mag suot ng ganito.

Hinagod ko ang mahaba at itim kong buhok at pinag masdan ang makinang na bituin sa leeg ko. Napakaganda talaga nito sana balang araw maging ganito din ako kakinang para naman magkaroon na ako ng kakayahan para mahanap ang Mama ko.

" Iha Star, bumaba kana daw." Tawag sakin ni Manang na kakapasok lang ng silid ko.

" Opo Nang!" Sagot ko at agad ko naman siyang sinundan pababa.

Habang pababa ako ng hagdan agad na bumungad sakin ang nakatalikod na lalake, malayo palang ay alam ko na kung sino ito. Isang buwan palang ay parang may mga nagbago na sa kaniya at ang pananamit niya ay mas pormal na ngayon.

" Nandito na si Star. " wika ni hero na nakaupo sa sofa

Naupo ako sa gitna ni Harris at Hero habang si Hallen naman ay na nanatiling nakatayo sa harapan namin.

" Anong meron?" Tanong ko kay harris.

" May sasabihin daw si Mommy Star." Sagot niya sakin at tumango nalang ako. habang inaantay namin na dumating si Señyora ay napansin ko ang matalim na titig sakin ni Hallen, nag iwas ako ng tingin sa kaniya ngunit kahit ganoon ay dama ko parin ang titig niya

" Tagal naman ni Mommy, Ahmm Star Swimming tayo mamaya? Ako na pipili ng swimsuit mo" wika nito at malakas na batok ang natanggap niya kay Harris

" Tumigil ka nga diyan Hero! Hindi pwede si Star mamaya dahil may gagawin kami, ikaw nalang ang mag swimsuit!" Galit na wika ni harris.

" Parang pagmamay ari mo si Star ah? Ano kailan na ba mag pa schedule ha?" Sagot ni hero at mukhang wala ding plano na mag patalo kay harris.

" Stop it Hero, let's respect star." Seryosong sabi ni harris at napabuntong hininga nalang si hero

"Wag na kayong mag talo na dalawa, may gagawin ako mamaya kailangan ko din mag review." Sagot ko

Kumunot ang noo ni Harris pero wala na siyang sinabi pa at tumahimik nalang sila ni hero habang pikon parin sa isa't isa.

Napabaling ako kay hallen at sa muling pagkakataon ay nag tagpo ang tingin namin, kanina paba siya nakatingin sakin? Ano bang trip niya at nang tititig siya ngayon? Naupo siya sa sofa na kaharap ko at sumandal sa upuan habang hindi parin inaalis ang tingin.

Nanliit ang mga mata niya sakin at ang daliri niya ay inilapat niya sa labi niya, nang mamilog ang mata ko ay ngumisi siya at agad naman akong nag iwas ng tingin.

Jusko may sakit ba siya ngayon? Bakit parang kakaiba ang mga kilos niya.

" Sorry It took me a while, may mga sasabihin lang ako habang kumpleto pa kayo ngayon." Wika ni señyora at naupo sa tabi ni Hallen.

" I have work to attend to in states and I will also be gone for several months. Naisip ko na hayaan muna na mag stay dito si kuya hallen niyo para naman may mag aasikaso sa rancho."

" Mommy kaya ko naman na yun gawin, sana hinayaan mo nalang si kuya sa manila." Sabat ni Harris na ang pakunot sa noo ni hallen.

" How can you do the job here if you are studying? Mag focus ka muna sa pag aaral mo harris that's what you should do." Sagot ni hallen habang matalim ang titig sa kaniyang kapatid.

" Tama naman si hallen, mag focus muna kayo ni hero sa pag aaral. Gayahin niyo si Star na palaging nagunguna sa school." Wika ni Señyora at bumuntong hininga nalang si Harris habang si hero ay parang walang pakealam sa nangyayari.

" At ikaw naman Star malapit na ang break niyo diba? Tulungan mo si hallen dito." Aniya at nakaramdam ako agad ng kaba, bakit naman ako pa? Alam naman ni señyora na hindi kami magkasundo ni hallen.

" Pano ni Star ma e enjoy yung break niya kung mag ta trabaho siya kasama ni kuya? Kaya mo naman na yan diba kuya tsaka diba ayaw mo makasama si Star?" Sabat ni ni hero na tila hindi na nga nakapag pigil.

" I need a helper for rancho hero, and I won't always order her around so she can still enjoy her break from school. Wag kayong mag alala hindi ko yan aalipinin!" Wika niya at napangisi.

Hindi ko alam ang isasagot ko sa pagtatalo nila at ramdam ko na din ang inis kay harris dahil ang mga kamay niya ay mariin ng naka kuyom.

" Star ayos lang ba sayo na tulungan si Hallen?" Tanong ni Señyora.

" O...Oo naman po, sino ba ako para tumanggi sayo Señyora." Sagot ko at pilit siyang nginitian.

" Kung ganon maayos na, payag si Star at ayos naman din kay Hallen na si Star ang makasama niya. Wag kayong mag alala boys hindi naman Papahirapan si Star sa trabaho dito." Wika ni Señyora at nginitian ang dalawa niyang nakasimangot na anak.

" Just make sure you don't do anything bad to Star, Kuya." Seryoso namang sabi ni Harris, matalim siyang tinitigan ni hallen at umawang ang labi nito.

"I know what to do Harris, and I will do what I want and you have no right to oppose that." Malamig at seryosong sambit ni hallen.

Isang katahimikan ang nanaig sa oras na yun at naglaban ng tingin ni harris at hallen.

" Mom siguro naman tapos na ang usapan? it's too hot here I also need to cool down." Wika ni hero at agad tumayo at nag lakad paalis.

"Iho ano ba ang mga problema niyo? " nakakunot noo ng tanong ni Señyora.

" Nothing Mom, We just don't like what's happening now." Sagot naman ni harris at tumayo na din para umalis. Tanging ako nalang at si harris ang nandito habang si Señyora ay hinihilot na ang kaniyang sintido.

" Ano ba ang mali kong nasabi? Meron ba ha? Star?" Nag aalalang tanong sakin ni Señyora.

" Wala po, baka wala lang sila sa mood."

Tumayo si Señyora at bakas pa din sa mukha niya ang pag aalala sa dalawa niyang anak na mukhang nag sama ng loob sa desisyon niya. At Kahit ako hindi ko maintindihan kung bakit ayaw ni harris at hero na manatili dito si hallen.

" I need to rest Hallen and Star, you take care of it." Ani ni Señyora bago tuluyang umalis sa harapan namin.

Agad din akong tumayo ngunit isang malamig na kamay ang humawak sa braso ko para pigilan ako. Mariin ko siyang tinitigan habang ganun din siya sakin.

" Anong kailangan mo?" Seryoso kong tanong dito.

" It looks like my brothers are fighting over you, Anong ginawa mo sa kanila sa loob ng walong taon bata?" Tanong nito sakin

Inalis ko ang pagkakahawak niya sakin at matapang ko siyang tinitigan habang walang reaksyon ang mukha niya.

" Hindi ko alam ang sinasabi mo hallen at pwede ba wag mo akong hahawakan!" Sabi ko na kina igting ng panga niya.

" And why? can only my brothers hold you?" Tanong nito at tumitig sakin na parang gusto na akong saktan.

" Harris and Hero are my friends, at ano bang pakeam mo ha?"

Umatras ako palayo sa kaniya ngunit marahas niyang hiwakan ako sa pisngi at inilapit ang mukha niya.

" A...Ano ba!" Sigaw ko dito pero tila wala siyang naririnig.

Inilapit pa niya ang labi niya sa labi ko ngunit iniwas ko ang mukha ko sa kaniya habang mariin akong nakapikit.

" Pasalamat ka at Bata kapa!" Bulong nito at binitawan ang pisngi ko.

Napayuko ako at huminga ng maluwag ng maglakad siya paalis sa harapan ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at hindi ko alam kung dahil lang ba ito sa takot at kaba na naramdaman ko.

Ganon ba siya kagalit sakin para itrato ako ng ganito? Ano ba ang kinagagalit niya sakin at bakit parang gusto niya ako palaging paglaruan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status