"Hayop ka! Bakit mo nagawa sa akin ito?" Umiiyak na ipinalo ni Shaina ang isang kamao sa dibdib ni Rex.
"I'm sorry, babe, pero siya ang pumupuno ng pagkukulang mo bilang kasintahan ko."Awang ang mga labi at hindi makapaniwalang pinakatitigan ni Shaina ang nobyo. Gusto niya itong sampalin ngunit parang binalot ng yello maging ang mga kamay niya, at naging paralisado katulad ng kaniyang pusong sugatan. Dahil lang sa hindi niya maibigay ang katawan dito ay naghanap na ito ng ibang maparausan? Pero bakit sa pinsan niya pa na alam nitong kaagaw niya sa lahat ng bagay? Alam din nito kung bakit gusto niyang kasal muna bago isuko ang sarili dito."Kailan mo pa ako niloloko?" mahinahon ang tono ngunit nag-aalab sa galit ang mga titig niya sa binata.Mabilis na nag-iwas ng tingin si Rex sa dalaga. Bigla siyang nakunsensya ngunit hindi na siya makawala kay Lovely. Nahahati ang kaniyang puso ngayon, hindi niya akalaing maagang malaman ng nobya ang tungkol sa lihim nilang relasyon ng pinsan nito."C'mon, Rex, tell her the truth at nang makaalis na siya dahil nabibingi na ako sa kadramahan niyan!"Nanlilisik ang mga matang ibinaling ni Shaina ang tingin sa kaniyang pinsan. Tangkang sugurin niya ito upang saktan ngunit humarang si Rex sa kaniyang daanan. Gusto niyang maiyak hindi dahil nasaktan siyang muli ng isang lalaki. Kundi dahil sa labis na galit sa kaniyang pinsan. Lahat talaga ng nagustohan niyang lalaki ay inaakit nito. Ang akala niya ay iba si Rex. Nang maalala ang pagnanais ng binata na humawak ng mas malaking kompanya ay mapait na ngiti ang sumilay sa kaniyang labi."Dahil ba mas malaki ang share ng pamilya nila Lovely sa kompanya kaya ginagawa mo ito?"Mabilis at galit na dinambahan ni Lovely si Shaina habang kipkip sa dibdib ang puting towel na tanging tabing sa katawan. Ngunit nakaiwas ito sa kaniyang kamay, nainsulto siya sa sinabi nito at hindi niya matanggap iyon. "How dare you! Mahal ako ni Rex at sa akin niya nahanap ang bagay na hindi mo naibigay sa kaniya!"Tumawa ng nakakainsulto si Shaina at naaawa ang tinging ipinukol kay Lovely. "Huwag na tayong maglokohan dito, Lovely. Pera lang mayroon ka at kung wala ka niyon ay never kang papatulan ni Rex!""Shaina, enough!"Iwinaksi ni Shaina ang kamay ng binata nang hawakan siya nito sa braso. "Totoo naman 'di ba? Gusto mong maging CEO ng isang malaking kompanya at naisip mong ang babaeng iyan ang maging sagot sa ambisyon mo kung sa kaniya ka maikasal!"Napipilan si Rex dahil kalahati sa sinabi ng dalaga ay may katotohanan. Pero hindi niya gusto ang tabas ng dila nito at nainsulto siya. Parang ang liit bigla ng tingin nito sa kaniya. "Alam mong hindi ako ganoon, Shaina!" galit niyang depensa nang makabawi."I told you, honey, mababa ang tingin sa iyo ng babaeng iyan kaya hindi niya maibigay ang pangangailangan mo bilang isang lalaki.Biglang huminahon si Shaina nang makitang nasaktan ang binata. Gusto niya sanang bawiin ang sinabi ngunit tinalikuran siya nito."Maganda na rin na nangyari ito at nalaman kong minamaliit mo ang pagkalalaki ko."Ramdam ni Shaina ang lamig sa tinig ni Rex, bigla siyang nalito. Bakit parang siya pa ang may kasalanan ngayon kung bakit nagkaganito ang relasyon nila? Bakit siya ang dapat na humingi ng tawad dito? Nang ngumiti ang pinsan niya ay biglang nanumbalik ang galit sa kaniyang puso."Patawad kung naging marupok ako sa tukso. Pero totoong minahal kita at ayaw kitang saktan kaya inilihim ko ang tungkol dito sa loob ng limang buwan."Kusang pumatak ang mga luha ni Shaina at labis na nasaktan. Kung ganoon ay matagal na pala siyang niloloko ng nobyo. At mukhang may balak pa itong itago iyon hanggang sa maikasal silang dalawa. Ngunit tuso ang kaniyang pinsan at sinadyang matuklasan niya ang kataksilan ng nobyo nang hindi nito alam. Pareho silang napaikot ng babae para lang maagaw sa kaniya si Rex.Luhaang nilisan ni Shaina ang pad ng binata. Durog ang kaniyang puso at nawala ang dignidad ng pagkababae sa harap ng kaniyang ipokritang pinsan. Wala talagang matinong lalaki na. Tulad ng kaniyang ama, hindi rin makuntinto sa isang babae si Rex. Kaya nagkanda malas ang buhay nila dahil babaero ang kaniyang ama. Maging ang kompanya na ito sana ang CEO ay naagaw ng kapatid nito."Mabuti na lang at naging lalaki ka, hindi mo namana ang pagiging babaero ng iyong ama."Natawa si Shaina pagkaalala sa sinabi ng kaniyang kaibigan noon. Oo nga at babae siya, pero dahil sa background ng kaniyang ama ay wala siyang ligtas sa titulong pagiging babaero nito. Ang tingin ng mga taong mapanghusga ay mahilig din siya makipaglaro ng damdamin. Nakailang boyfriend na ba siya at walang tumatagal? Ang akala ng lahat ay nakipaghiwalay siya dahil may nagustohan na namang iba. Tanging si Rex ang matagal niyang karelasyon kaya sobra siyang nasaktan ngayon.Pagkapasok ni Shaina sa kaniyang kotse ay agad na tinawagan ang kaibigang bakla. Ito lang ang nakaintindi sa kaniya kapag may problema, tulad ngayon ay dito siya lumalapit.Kahit maraming customer sa kaniyang salon ay iniwanan ni Daisy, iyon sa tauhan nang marinig ang namamaos na tinig ng kaibigan. Kapag nag-aya itong uminum ay alam niyang miserable ito ngayon.Dahil malayo ang lugar na tagpuan ay madilim na nang marating ni Daisy ang isang sikat na hotel. Sa second floor niyon ay may social gathering. Hindi niya alam kung bakit doon naisip pumunta ng kaibigan at hindi pa nanghinayang sa pera. Halos VIP na mga tao ang pumupunta sa lugar na ito at sa isang alak pa lang ay libohin na ang presyo."Nasaan na ang babaeng iyon?" Luminga sa paligid si Daisy at hinanap si Shaina. Nag-aalala siya at baka nakarami na ito ng inum."Beshy...""Darn, sinasabi ko na nga ba!" bulong ni Daisy nang marinig ang tinig ng kaibigan mula sa kaniyang likuran. Agad niya itong nilapitan at nanlaki ang mga nata nang makita kung ilang bote na ang nainum ng kaibigan."Finally, you're here!" Namumungay ang mga matang tumitig sa kaibigan at ngumiti si Shaina."Gurl, ano ba ang problema at naisip mong magwaldas ng pera?" Mabilis niyang inagaw ang hawak na kopita ng dalaga.Sandaling napatitig si Shaina sa kaibigan. Napatanong sa sarili kung bakit nga ba siya narito sa mamahaling lugar? Kalauna'y napaiyak siya habang sapo ng kanang kamay ang dibdib.Agad na dinaluhan ni Daisy ang kaibigan at niyakap ito. Hinayaan niya itong maglabas ng saloobin. Nang marinig ang kuwento, maging siya ay naiyak dahil sa galit at awa sa kaibigan."Tama lang na iwaldas mo ngayon ang laman ng account ninyo para wala siyang magamit sa babaeng iyon!" Sa halip na turuan ng tama ang kaibigan ay ginatungan pa ni Daisy ang naumpisahan ni Shaina.Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ni Shaina. Napangisi siya at itinaas ang hawak na kopita. Nakipag cheers siya sa kaibigan. Tama, wawaldasin niya ang naipon nilang pera ni Rex sa bangko. Joint account sila at plano nilang gamitin sana iyon sa kanilang kasal. Isa pa ay sa lalaki iyon nakapangalan pero siya ang may hawak sa card na maaring magamit ano mang oras. Hindi siya makakapayag na si Lovely makinabang sa ipon ni Rex. Kaya bago pa maisip ng binata na e-close ang credit card na hawak ay uunahan na niya ito."Kailangan ba talagang isuko sa karelasyon ang pagkababae upang hindi ipagpalit?"Napabuntonghininga si Daisy habang pinagmamasdan ang kaibigan."Kasalanan ko ba kung bakit naakit siya ng malandi kong pinsan?"Hinayaan lang ni Daisy sa paghihimutok ang kaibigan. Halatang lasing na ito at hindi rin namam ito makikinig sa sasabihin niya kapag ganito na ang dalaga."Bakit sa pinsan ko pa? Parang hindi ko kayang mawala siya, besh!""Gurl, tama na at pinagtitinginan na tayo ng ibang tao dito." Saway ni Daisy sa kaibigan nang lumakas na ang iyak nito. Mukha tuloy itong batang inagawan ng lollipop."Tulungan mo ako, besh, ka-kailangan kong mabawi si Rex!"Inis na inagaw ni Daisy ang hawak na baso ng kaibigan at siya ang uminum ng laman niyon. "Huwag kang tanga, besh, maraming lalaki diyan na pumipila sa beauty mo! Hayaan mo na ang gago mong ex-boyfriend sa malanding iyon dahil bagay silang dalawa. Parehong malandi at mapaghangad!"Napasinok si Shaina at umiling, " ayaw ko na sa mga lalaki! Lahat sila ay manloloko at habol lang sex katulad ng aking ama!""Tama, kaya huwag mo nang iyakan ang Rex na iyan!" Hinawakan niya ng mahigpit sa kamay ang dalaga.Naintindihan niya ang kaibigan, namatay ng maaga ang ina nito dahil inatake sa puso. Dala ng sama ng loob sa paulit-ulit na pambabae ng ama nito ay maagang naulila sa ina si Shaina."Ipamumukha ko sa kaniya na kaya kong ibigay ang pagkababae ko sa isang lalaki!"Naibuga ni Daisy ang ininum dahil sa huling sinambit ng kaibigan. Parang napanood na niya ito sa isang teleserye sa television. Bigla siyang nag-alala na baka totohanin ng kaibigan ang kahibangang naisip nito. Sa takot na mawala na sa sarili ito ay siya ang umubos sa natira pang alak.Pilit na iminumulat ni Shaina ang mga mata at inaninag ang kaibigang bakla. Nahihilo na siya pero gusto pa sana niyang uminum ngunit inubos na ni Daisy ang alak."Ka-kaya mo pa ba?" nabubulol na tanong ni Daisy sa kaibigan.Napasinok si Shaina at natawa sa hitsura ng kaibigan. "Ako dapat ang magtanong niyan sa iyo. May dinaramdam ka ba at naglasing ka rin?"Sinimangutan ni Daisy ang kaibigan, "may problema agad? Hi-hindi ba puwedeng nagmagandang loob lang kaya nalasing?"Lalo lamang natawa si Shaina at bakwit na ang dila ng kaibigan."A-ayaw ko lang na matu-tutulad ka sa mga babaeng nakipag one night stand dahil sa kalasingan!"Napalakas ang tawa ni Shaina sa narinig. Ang cute lang ng kaibigan at parang naduduling na ito. Dinuduro siya nito pero ang tingin ay lampasan sa kaniya."Ma'am, your bill po."Nakausli ang nguso na tiningala ni Shaina ang waiter na lumapit sa kanila. Halos hindi niya mabanaag ang nakasulat sa resibo. "Ito na ang card ko, pogi, ubusan mo na ang laman if you wan
Kahit masakit pa ang katawan, lalo na ang nasa pagitan ng hita ay malalaki pa rin ang hakbang ni Shaina sa paglalakad. Diritso siya sa kanilang silid at agad na isinara ang pintuan pagkapasok. Mabuti na lang at hindi iyon naka lock, at sinadya niya kanina na lagyan ng harang sa ibaba ng pintuan dahil hindi dinala ang key card. Pagkasandal sa nakasarang pintuan ay napahawak sa dibdib ang isang kamay habang huminhinga ng malalim. Daig pa niya ang nakipaghabulan sa multo sa hitsura niya ngayon.Ilang minuto pa siyang nanatili sa ganoong katayuan bago sinuri ang sarili. Pagkatitig sa hawak na bagay ay namula ang kaniyang mukha dahil sa hiya. Mabuti na lang talaga at walang nakakita sa kaniya kanina. Grabe, nagawa niyang maglakad sa hallway na walang suot na underwear. Sa sobrang pagmamadali kanina at takot na maabutan pa ng lalaki ay hindi na niya nagawang isuot ang panty.Nagpasya siyang pumasok sa banyo na naroon lang din sa silid at mainabuting maligo upang linisin ang sarili. Mabuti n
Ipadadala kita sa ibang bansa hindi dahil sa itinatakwil kita, apo. Gusto ko lamang malayo ka sa kahihiyan at magbagong buhay na rin."Mapait na ngiti ang sumilay sa labi ni Shaina habang mataman na pinagmamasdan ang abuela. Kahit ano ang sabihin nito ay masama pa rin ang kaniyang loob. Kahit ang ama ay ayaw niyang kausapin.Napabuntonghininga si Cristy nang walang sagot na nakuha mula sa apo. "Balang araw ay maintindihan mo rin ako. Ayaw kong matulad ka sa buhay ng iyong ama. Dahil sa pagiging konsintidor ko noon at ibinibigay ang lahat ng gusto niya, ito na ang kaniyang naging buhay."Kahit papaano ay nabawasan ang sama ng loob ni Shaina sa matanda. Pero ayaw pa rin niyang magsalita. Hinayaan niya lang itong maglabas ng saloobin at magpaliwanag. Ang akala niya ay nagkaroon ito ng favoritism sa mga anak noon pa man, kaya nagkakaganoon ang ama. Kahit ganito ang matanda ay mahal niya ito. Bata palang kasi siya nang mawala ang ina at ito na ang tumatayo niyang ina."Naka book na ang iyo
"Sir, tumatawag pong muli ang ina ni Miss Cheska," pukaw ni Teddy sa biglang pananahimik ng binata.Naputol ang pagbabalik tanaw ni Travis at marahas na nilingon si Teddy. "Ikaw na ang kumausap."Napakamot sa batok si Teddy at mukhang biglang dumoble ang edad. No choice siya lalo na at tumalikod na ang dominanting binata. Inihanda na niya ang kaniyang tainga bago sinagot ang tawag ng ina ni Cheska."Bakit ang tagal mong sagutin ang tawag ko? Hindi mo ba ako kilala at binabaliwala mo ang aking tawag? Nasaan ang arogante mong amo?"Bahagyang nailayo ni Teddy ang hawak na aparato sa tainga dahil sa lakas ng boses ng ginang. Sa dami na niyang na encounter sa tawag dahil siya ang sumasagot sa mga tumatawag kay Travis, kakaiba itong ina ni Cheska. Bukod sa feeling VIP ay masakit pa sa tainga ang matinis nitong tinig. Pang-ilang beses na bang tanong nito iyon? Bata pa naman ito para maging ulyanin. Mabuti na lang talaga at hindi matuloy ang kasal, ayaw niyang lagi siyang tawagan para hanapin
Naging malungkutin si Shaina kahit lagi silang lumalabas ng pinsan ng abuela. Lumipas ang ilang lingo at nakalipat na siya ng sariling bahay. Nagsimula na rin siya ng trabaho bilang isang graphics designer sa isang nag-uumpisa palang na kompanya. Naisip niyang magandang simula ito sa kaniyang buhay roon at ayaw niyang umasa sa mga kamag-anak. Hilig niya ang mag-creat, edit, design at mag- analysis. Hindi niya nagamit ang talinto sa kanilang kompanya dahil sinasapawan siya ng mga pinsan."You did an excellent job!" Tuwang-tuwa ang president ng kompanya kay Shaina. Isang buwan mahigit pa lang ito mula nang tanggapin sa trabaho pero malaki na agad naging profit ng kompanya dahil sa husay nito. Dumami agad ang kanilang client from commercial company at iba pa.Nahihiyang ngumiti si Shaina sa lalaki. Bigla siyang nahiya sa papuri nito. Pinoy din ang lalaki at karamihan sa mga kasama niya ay kabayan lang din nila."Mula ngayon ay ikaw na ang italaga ko sa position ng creative director!"Napa
"Ano ang ibig sabihin nito, Lovely?" Galit na isinaboy ni Cristy ang larawan sa harapan ng apo.Nanlaki ang nga mata ng dalaga pagkakita sa larawan, kasama si Rex. Hindi niya alam paano sila nakuhanan ng larawan ng hindi pa niya kilalang tao. Naging maingat naman sila ni Rex at bihira na nga lang lumabas ng patago. Hindi niya maitanggi ngayon ang kanilang relasyon dahil naghahalikan pa sila ng binata. Ilang buwan na ang lumipas ngunit hindi pa nila nasasabi sa matanda ang tungkol sa lihim nilang relasyon ni Rex."Kung ganoon ay totoo ang sinasabi ni Shaina noon?!"Mabilis na umiling si Lovely at ginagap ang palad ng matanda na nanginginig dahil sa galit."Lola, mali po kayo ng iniisip. Patawad kung nahulog ang loob namin sa isa't isa ni Rex, pero ngayong buwan lamang po kami nagkaroon ng relasyon. Nasaktan ng husto noon si Rex dahil sa ginawa ni Shaina at tinutulungan ko siyang makalimot."Marahang napailing si Cristy at nanghihinang napaupo sa upuan. Iwinaksi niya ang kamay ng apo ta
Ikinuha na rin ni Joshua ng private room ang abuelo at pina admit upang masiguro ang kalusugan nito. Alam naman kasi niyang hindi ito uuwi at kailangan nito nang may mapahingahan. Doon na rin nagpasyang mag-usap-usap kasama ang abogado at detective."Don Lauro, kailangan niyo pong malaman na may iniwang last will and testament si Mr. Travis bago pa nangyari ang aksidenteng ito." Unang naglahad na si Ben.Lahat ay sinabi ni Ben ang tungkol sa habilin ni Travis maliban sa tungkol sa babaeng nagalaw nito. Walang ibang dapat makakaalam niyon sa ngayon at baka ipahanap naman ng kaaway at gawan ng masama."What? Paano nangyari iyan?" gulat at hindi makapaniwalang tanong ni Martha sa abogado.Pinukol ng makahulugang tingin ni Joshua ang ina upang patahimikin ito. Nakuha naman nito ang lihim niyang mensahe at iniba ang tanong."Ang ibig kong sabihin ay, wala naman siyang ibang tagapagmana upa—""Marahil ay isa iyan sa dahilan kung bakit nagpagawa ng last will and testament si Kuya, ma." Pinut
Galit na naibato ni Travis ang kutsarang hawak sa dingding at hindi nagustohan ang lasa ng pagkain. Ilang buwan na rin siyang nagising mula sa pagka comatose at walang maalala kahit pangalan. Pakiramdam niya ay walang improvement sa kaniyang katawan. Nagsasawa na rin siya sa pag-inum ng gamot."Sir, ka-kailangan niyo pong kainin ito at inumin ang gamot." Nauutal na pakiusap ng nurse na siyang nag-aalaga kay Travis."Get out!" bulyaw ni Travis sa babae.Agad na bumukas ang pintuan at pumasok si Joshua, "kuya, ano na namam ang problema?""Gusto ko nang umuwi!"Bumuntonhininga si Joshua at seninyasan ang nurse na lumabas na muna. Naroon sila ngayon sa isang private resort upang maiba ang environment ng kapatid. Ngunit kahit may amnesia ito ay talagang hindi nawawala ang pagiging dominante sa ugali nito. Kung puwede lang lasunin ito ay ginawa na niya. Pero kailangan pa niya ito at hindi pa napapirma sa gusto niyang kasulatan.Natuwa sila ng ina nang magising ito at walang maalala. Ngunit