"Sir, tumatawag pong muli ang ina ni Miss Cheska," pukaw ni Teddy sa biglang pananahimik ng binata.
Naputol ang pagbabalik tanaw ni Travis at marahas na nilingon si Teddy. "Ikaw na ang kumausap."Napakamot sa batok si Teddy at mukhang biglang dumoble ang edad. No choice siya lalo na at tumalikod na ang dominanting binata. Inihanda na niya ang kaniyang tainga bago sinagot ang tawag ng ina ni Cheska."Bakit ang tagal mong sagutin ang tawag ko? Hindi mo ba ako kilala at binabaliwala mo ang aking tawag? Nasaan ang arogante mong amo?"Bahagyang nailayo ni Teddy ang hawak na aparato sa tainga dahil sa lakas ng boses ng ginang. Sa dami na niyang na encounter sa tawag dahil siya ang sumasagot sa mga tumatawag kay Travis, kakaiba itong ina ni Cheska. Bukod sa feeling VIP ay masakit pa sa tainga ang matinis nitong tinig. Pang-ilang beses na bang tanong nito iyon? Bata pa naman ito para maging ulyanin. Mabuti na lang talaga at hindi matuloy ang kasal, ayaw niyang lagi siyang tawagan para hanapin ang asawa ng anak nito."Sabihin mo ito kay Travis, kapag may nangyaring masama sa anak ko dahil sa pagtataksil niya, hinding-hindi ko siya mapapatawad!" pagpatuloy na ani ng ginang."As if naman matakot mo ang isang iyon," ani Teddy pero syempre hindi kayang isatinig iyon. Asawa ng mayor ang ginang at baka bigla pa siyang makulong."Makararating po, senyora!" magalang na sagot ni Teddy sa ginang."Nasaan ba kayo ngayon? Gusto kong makausap ng masinsinan si Travis."Napailing si Teddy nang biglang huminahon ang tinig ng ginang. Ganito ito kapag may kailangan sa kaniya. "I'm sorry po, senyora, pero mahigpit ang bilin ni Mr. Villanova, na ayaw niya paisturbo sa ngayon. Ang tungkol sa nangyari sa hotel ay pinaimbistigahan pa niya.""Sabihin mong matutulungan siya ng aking asawa sa paglutas ng kaniyang problema ngayon, hindi na niya kailangang ikansela ang kasal nila ng aking anak." Mahinahon pa rin ang pananalita ng ginang."Sasabihin ko po iyan, senyora, pasensya na po kung hindi pa niya kayo makausap dahil tulog pa siya. Pero nagbilin siya kanina na kapag tumawag kayong muli ay hintayin na lang ang pagbabalik niya riyan sa syudad."Rinig ni Teddy ang paghinga ng malalim ng ginang. Wala rin naman mga ito magawa kahit magalit pa. Walang kinatatakutan ang masungit niyang amo kahit president pa ng bansa. Nagawa niyang magsinungaling para tumigil na ang ginang sa pangungulit sa kaniya. Nang maibaba na ng ginang ang tawag ay hinanap ni Teddy ang binata. Pero nang makitang nakahiga ito sa sofa at tahimik ay hindi na niya inisturbo pa.Pinilit ni Travis na makatulog kahit kaunting oras lang. Ngunit maging sa panaginip ay binabagabag siya ng isang gabing pakipagtalik sa isang babaeng hindi nakilala o naaninag manlang ang mukha."May masakit po ba sa iyo? Halika, kuya, tulungan kitang makaalis dito!"Napabalikwas ng bangon si Travis, kahit sa panaginip ay ang linaw ng boses ng babae. Napakunot ang kaniyang noo nang maanalisa ang sinabi ng babae bago pa niya ito nagalaw. Sigurado siyang lasing ang babae. Sa pananalita nito ay mukhang inosinte at gusto lamang siyang tulungan. Kailangan niyang mahanap ito, bukod sa baka mabuntis ay tiyak na may alam ito sa kung sino ang nagtangkang sirain ang kaniyang pagkatao. Hindi siya basta nakikipagtalik sa babae at naging maingat. Ayaw niya kasing magkaroon ng anak sa kung sinong babae lang."Sir, gising na po ba kayo?" biglang nabura ang alanganing ngiting nakapaskil sa labi ni Teddy nang kunutan siya ng noo ng binata. "Sabi ko nga po, gising na kayo at hindi na dapat tinatanong." Kumakamot sa ulo na anito."Tawagan mo ang aking abogado at si Detective Cyrus. Ipasundo mo sila sa chopper.""Right away, sir!" Sumaludo pa si Teddy sa binata bago nag-dial ng numero sa cellphone. Unang tinawagan ay ang abogado bago ang detective.Hindi na nagtanong pa si Cyrus kung bakit siya gustong makausap ni Travis at sa exclusive resort pa nito. Mapalad siya at may tiwala sa kaniya ang lalaki, hindi lang bilang kaibigan kundi sa mga secrets nito na walang ibang dapat makakaalam. Nang malaman na makasabay niya ang abogado ay naisip niyang mukhang mas seryuso ang case na ipatatrabaho sa kaniya ng kaibigan.Ilang oras lamang ang pinaghintay ni Travis sa pagdating ng dalawang taong kailangang makausap."Sir, ito po ang mga dukumentong ipinahanda mo." Abot ng abogado sa papelis na kailangang pirmahan ni Travis.Seninyasan ni Travis si Teddy upang basahin nito ang nakasaad sa last will testament.Napalunok ng sariling laway si Teddy bago binasa ng malakas ang nakasaad doon. Halos maluha pa siya nang mabasa ang kaniyang pangalan doon. "Si-sir, bakit naman po may paganito? Mahaba pa po ang buhay ninyo at—""Hindi ko na hintayin na may mangyaring hindi maganda sa akin bago e secured ang maiiwan kong kayamanan.""Per—" muling naputol ang iba pang nais sabihin nang muling nagsalita si Travis."Isa pa, kapag alam ng taong gustong mawala ako sa mundong ito na mapapunta sa ibang tao ang kayamanang maiwan ko, tiyak na magdalawang isip na silang gawan ako ng masama.""Pero baka ako naman po ang targetin nila, sir, kapag nalamang may mamanahin ako?"Napailing si Cyrus habang pinagmamasdan si Teddy. Mayroon din naman bahagi ng kayamanan ng kaibigan ang mapunta sa kaniya. Pero mas malaking bahagi ng kayamanan ang mapunta sa charities."Puwede ka nang bumitaw sa iyong trabaho kung takot kang madamay sa aking buhay.""Sir, naman!" Parang batang lumapit si Teddy sa binata. Mamatay muna ako bago ka nila magalaw!"Sabay na napailing sina Cyrus at ang abogado habang pinapanood ang dalawa. Tinutulak ni Travis si Teddy palayo rito at ang lalaki naman ay kumakapit sa braso nito.Humugot ng malalim na hininga si Travis at hinayaan na sa kaniyang tabi si Teddy. Mas may edad siya sa lalaki, bukod sa abogado at kay Cyrus ay ito lang din ang malapit sa kaniya. Mas may tiwala pa siya sa ibang tao kaysa sa sariling pamilya. Ang kapatid sa ama ay halatang mas mahal ang mamanahin kaysa kaniya. Hindi niya rin gusto ang ina nito lalo na nang mamatay ang kanilang ama. Ang kaniyang ama ay magaling na negosyante, malaki rin ang share ng kaniyang ina sa kompanya kaya siya ang namamahala. Maliit pa siya nang mamatay ang ina dahil na kidnap ito kasama siya, ibinuwis ng ina ang buhay nito upang makaligtas siya. Mula noon ay naging mailap siya sa mga taong nakapaligid sa kaniya at hindi basta nagtitiwala."Kapag may nangyaring masama sa akin, lumayo ka upang hindi madamay." Seryusong bilin ni Travis kay Teddy."Wala na po bang babaguhin sa testaminto, sir?" tanong ng abogado."May gusto akong idagdag, may nagalaw akong babae kagabi at baka mabuntis siya. Kung sakaling lumitaw sila at napatunayang anak ko ang bata, makukuha nila ang laman ng safety box na naka lagak sa bank. May ilalagay akong password at ito ang salitang huling binitawan ko after naming magkahiwalay."Hindi na muling nagtanong pa si Ben, talagang tuso si Travis at kahit siya ay hindi alam ang maging password ng safety box. Naka video record ang lahat ng habilin ng binata bukod sa nakasulat sa papelis."Kaya mo ba ako pinatawag upang ipahanap ang babaeng nakaniig mo kagabi?" tanong ni Cyrus."Yes, walang footage na nakuha mula sa cctv at alam mo na ang ibig sabihin niyan."Naunawaan ni Cyrus kung bakit nagkaganito ang binata. Halatang planado ang lahat ng ginawa. Naunawaan niya rin kung ang sariling pamilya nito ang pangunahing suspect. Kapag hindi nga naman natuloy ang kasal nito ay walang ibang tagapagmana ang binata kundi ang kapatid. At ngayon ay nagbago ang isip nito sa kasal dahil sa isang babaeng hindi alam kung ano ang hitsura.Hinayaan na muna ni Travis ang dalawa na manatili pa roon upang makapag relax na rin.Ang akala ni Teddy ay magtatagal pa sila ng ilang araw sa isla. Ngunit kinabukasan ay biglang nag-alsa baluta naman sila at kailangang pumunta ng ibang bansa ang binata. Sabay na silang apat bumalik sa Manila at nai-book na rin ito ng ticket papuntang Italy....Gabi ang flight ni Shaina at tanging ang kaniyang ama ang naghatid sa kaniya sa airport."Mag-ingat ka roon, anak, at huwag na ulitin ang ginawang mali. May isip ka na at matalino kaya huwag mo akong gayahin."Napairap si Shaina sa ama, mabuti naman at amindado itong mali ang ginagawa nito sa buhay."Mula ngayon ay sisikapin kong magbagong buhay para sa iyo."Napangiti si Shaina at niyakap ang ama. For the first time ay pinili siya nito, "salamat po, dad! Pangako, ibang Shaina na ang makaharap mo sa muli nating pagkikita."Nakangiting hinaplos ni Gabriel ang ulo ng anak habang tumatango, " that's my girl!""Excuse me, please give way!"Sabay na tumabi sina Shaina at ang ama nang may mga lalaking humawi sa mga taong nakaharang sa daanan ng mga ito. Namukhaan niya ang nagsasalita, ito rin ang lalaking humarang sa kanila nang lumabas sila ng hotel."Mukhang makasabay mo pa sa flight ang isang kilalang tao," ani Gabriel sa anak habang tinatanaw ang taong dadaan sa kanilang harapan.Sinundan ng tingin ni Shaina kung saan nakatutok ang mga mata ng ama. Agad natoon ang kaniyang paningin sa guwapong mukha ng isang lalaki. Malaking tao ito at pangahan ang seryusong mukha. Para itong isang Hollywood star kung lumakad at ang kisig ng pangangatawan. Kahit nakasuot ito ng sunglasses ay nakikinita niyang maganda rin ang mga mata nito.Ramdam ni Travis na may nakatitig sa kaniya at hinanap niya iyon. Lahat naman ay napatingin sa kaniya pero kakaiba ang kaniyang pakiramdam sa ngayon. Hindi pansin ng babaeng nakatulalang nakakatitig sa kaniya na nakipag-eye to eye na siya rito dahil sa suot niyang dark eyeglasses. Napailing na lamang siya sa hitsura ng babae na mukhang nakakita ng artista habang nakatitig sa kaniya."Anak, sumunod ka na sa kanila sa pila at baka ma late ka!" pukaw ni Gabriel sa anak mula sa pagkatulala sa kinatayuan nito.Mabilis na naitikom ni Shaina ang bahagyang nakaawang na bibig at nakaramdam ng hiya. Nakalampas na ang lalaking hinangaan pero tulala pa rin siya. Agad siyang nagpaalam sa ama at pumali na rin upang mag-check in.Tama ang ama, bigatin nga ang lalaking makakasabay sa flight. Nakasunod siya rito ngunit may isa pang bantay na nakaharang sa likuran nito. Ang akala niya ay kasama hanggang eroplano ang mga guard ng lalaki. Hinatid lang pala hanggang sa masigurong ligtas itong makasakay sa eroplano.Pagkapasok sa loob ng eroplano ay hindi na muling nakita ni Shaina ang lalaki. Mukhang nasa VIP seat ito at may harang iyon na makapal na kurtina. Natulog na lamang siya upang hindi mainip sa beyahe.Naging malungkutin si Shaina kahit lagi silang lumalabas ng pinsan ng abuela. Lumipas ang ilang lingo at nakalipat na siya ng sariling bahay. Nagsimula na rin siya ng trabaho bilang isang graphics designer sa isang nag-uumpisa palang na kompanya. Naisip niyang magandang simula ito sa kaniyang buhay roon at ayaw niyang umasa sa mga kamag-anak. Hilig niya ang mag-creat, edit, design at mag- analysis. Hindi niya nagamit ang talinto sa kanilang kompanya dahil sinasapawan siya ng mga pinsan."You did an excellent job!" Tuwang-tuwa ang president ng kompanya kay Shaina. Isang buwan mahigit pa lang ito mula nang tanggapin sa trabaho pero malaki na agad naging profit ng kompanya dahil sa husay nito. Dumami agad ang kanilang client from commercial company at iba pa.Nahihiyang ngumiti si Shaina sa lalaki. Bigla siyang nahiya sa papuri nito. Pinoy din ang lalaki at karamihan sa mga kasama niya ay kabayan lang din nila."Mula ngayon ay ikaw na ang italaga ko sa position ng creative director!"Napa
"Ano ang ibig sabihin nito, Lovely?" Galit na isinaboy ni Cristy ang larawan sa harapan ng apo.Nanlaki ang nga mata ng dalaga pagkakita sa larawan, kasama si Rex. Hindi niya alam paano sila nakuhanan ng larawan ng hindi pa niya kilalang tao. Naging maingat naman sila ni Rex at bihira na nga lang lumabas ng patago. Hindi niya maitanggi ngayon ang kanilang relasyon dahil naghahalikan pa sila ng binata. Ilang buwan na ang lumipas ngunit hindi pa nila nasasabi sa matanda ang tungkol sa lihim nilang relasyon ni Rex."Kung ganoon ay totoo ang sinasabi ni Shaina noon?!"Mabilis na umiling si Lovely at ginagap ang palad ng matanda na nanginginig dahil sa galit."Lola, mali po kayo ng iniisip. Patawad kung nahulog ang loob namin sa isa't isa ni Rex, pero ngayong buwan lamang po kami nagkaroon ng relasyon. Nasaktan ng husto noon si Rex dahil sa ginawa ni Shaina at tinutulungan ko siyang makalimot."Marahang napailing si Cristy at nanghihinang napaupo sa upuan. Iwinaksi niya ang kamay ng apo ta
Ikinuha na rin ni Joshua ng private room ang abuelo at pina admit upang masiguro ang kalusugan nito. Alam naman kasi niyang hindi ito uuwi at kailangan nito nang may mapahingahan. Doon na rin nagpasyang mag-usap-usap kasama ang abogado at detective."Don Lauro, kailangan niyo pong malaman na may iniwang last will and testament si Mr. Travis bago pa nangyari ang aksidenteng ito." Unang naglahad na si Ben.Lahat ay sinabi ni Ben ang tungkol sa habilin ni Travis maliban sa tungkol sa babaeng nagalaw nito. Walang ibang dapat makakaalam niyon sa ngayon at baka ipahanap naman ng kaaway at gawan ng masama."What? Paano nangyari iyan?" gulat at hindi makapaniwalang tanong ni Martha sa abogado.Pinukol ng makahulugang tingin ni Joshua ang ina upang patahimikin ito. Nakuha naman nito ang lihim niyang mensahe at iniba ang tanong."Ang ibig kong sabihin ay, wala naman siyang ibang tagapagmana upa—""Marahil ay isa iyan sa dahilan kung bakit nagpagawa ng last will and testament si Kuya, ma." Pinut
Galit na naibato ni Travis ang kutsarang hawak sa dingding at hindi nagustohan ang lasa ng pagkain. Ilang buwan na rin siyang nagising mula sa pagka comatose at walang maalala kahit pangalan. Pakiramdam niya ay walang improvement sa kaniyang katawan. Nagsasawa na rin siya sa pag-inum ng gamot."Sir, ka-kailangan niyo pong kainin ito at inumin ang gamot." Nauutal na pakiusap ng nurse na siyang nag-aalaga kay Travis."Get out!" bulyaw ni Travis sa babae.Agad na bumukas ang pintuan at pumasok si Joshua, "kuya, ano na namam ang problema?""Gusto ko nang umuwi!"Bumuntonhininga si Joshua at seninyasan ang nurse na lumabas na muna. Naroon sila ngayon sa isang private resort upang maiba ang environment ng kapatid. Ngunit kahit may amnesia ito ay talagang hindi nawawala ang pagiging dominante sa ugali nito. Kung puwede lang lasunin ito ay ginawa na niya. Pero kailangan pa niya ito at hindi pa napapirma sa gusto niyang kasulatan.Natuwa sila ng ina nang magising ito at walang maalala. Ngunit
"TULOG na po ba siya, ma?" paanas na tanong ni Joshua sa ina.Isinara muna ni Martha ang pintuan ng silid ni Travis bago seninyasan ang anak na sumunod. Nakauwi na rin ang mga bisita kaya wala nang isturbo.Sinundan ni Joshua ang ina hanggang makapasok sa silid nito. Pagkasara ng pintuan ay agad nagsalita ang ina."Kailangan na nating baguhin ang plano at hindi tayo puwedeng maging kampanti sa gamot na pinaiinum sa kaniya.""Pansin ko nga pong bumabalik ang tunay niyang ugali." Sang-ayon ni Joshua sa ina."Kailangan nating mapaniwala siya na may babae siyang kailangang pakasalan. Gagamitin na natin ang dukumentong nakuha mula kay Teddy."Napangisi si Joshua pagkaalala sa tinutukoy ng ina. Talagang itinabi nila iyon nang makita dahil sa kanilang plano. At may babae na siyang puwedeng gamitin upang pakasalan ng kaniyang kapatid.Nagkaroon ng tunog ang tawa ni Martha matapos mapulido ang plano nila ng anak. Walang maaring makahadlang sa kanila dahil nakaratay na rin si Lauro sa hospital
"Mga anak, maintindihan niyo ba si Mommy kung sasabihin kong hindi ko kilala ang inyong ama?" tanong ni Shaina sa dalawang anak.Pakiramdam niya ay oras ang lumipas na pinaghintay niya sa sagot ng mga ito. Nagpalitan pa ng tingin ang dalawa bago sabay na tumango sa kaniya. Napangiti siya at kahit papaano ay nakahinga ng maluwag. Ayaw niya kasing maglihim sa mga anak. Isa pa ay hindi rin naman siya titigilan ng tanong hangga't hindi nakukuha ang tamang sagot."Don't worry, mommy, we can help you to find our father!" Liyad pa ang dibdib na humarap si Adrian sa ina."Yes, Kuya Adrian was right, mommy. I'm so excited to go home and find our daddy!Biglang natahimik ang dalawa nang walang tugon nakuha mula sa ina. Napatitig sila sa ina na mukhang biglang natulalang nakatingin sa kanilang magkapatid. Nagkapalitan ng nagtatanong na tingin ang kambal, tinatanong sa isa't isa kung may nasabi ba silang nakakamangha para sa ina?Napatikhim si Shaina makalipas ang isang minuto. Minsan talaga ay n
Ang balak ni Shaina na pagbisita sa bauela ay naudlot dahil sa problema sa kompanya. Halos lahat ng client nila ay gustong mag-break contract at lumipat sa kompanyang kilala niya."Hindi natin sila masisi, mas gustohin nga naman nilang maging business partner ay ang kompanyang may pangalan na at may kapit sa higanting kompanya," nalulumong turan ni Ralph.Naaawang tinitigan ni Shaina ang binata. Parang biglang dumoble ang edad nito ngayon dahil sa problema. Naikuyom niya ang kaniyang kamao, ayun sa imbistigasyon ay panunulot ang ginawa ng kalaban. Ngayon niya lang din nalaman na bukod kay Rex, ang isa niyang pinsan ay malapit na rin sa higanting pamilyang Villanova.Nang mapabalita na si Angeline ang babaeng nakatakdang pakasalan ni Mr. Travis Villanova, lalong bumango ang kompanya ng kaniyang pamilya. Maraming negosyong hawak ang kaniyang pamilya at isa na roon ang linyang kinabilangan niya ang pinamamahalaan ng pinsan na si Angeline. Pero businesses is business at na kay Ralph ang k
Nanatili si Shaina sa kinaupuan kahit wala na ang mga ka-meeting. Si Ralph ay matyagang naghihintay sa kaniyang pasya.Ayaw ni Ralph pilitin ang dalaga kahit trabaho nito ang bagay na iyon. Malaki ang mabago sa buhay nito once humarap na in public at makasalamuha ang mga taong nakakilala na dito.Ilang minuto pa ang lumipas ay bumuntonhininga si Shaina bago nagsalita. "Tinatanggap ko ang hamon nila.""Are you sure?" nag-aalalang tanong ni Ralph pero nasa mukha ang kasiyahan sa naging pasya ng dalaga.Matipid na ngumiti si Shaina at tumango. Hindi niya rin kayang panooring lumubog ang negosyo ng kaibigan. Isa pa ay isa siya sa shareholder ng kompanyang itinayo nito. Malaki na ang naitulong nito sa kaniya at gusto niya iyong suklian.Sa mansyon ng pamilyang Villanova, nagpumilit muling makatayong mag-isa si Travis. Wala sina Joshua at ang ina nito dahil abala sa kompanya. Sa kaniyang pag-aaral sa dukumento sa kompanya, maayos namang napapatakbo iyon ni Joshua. Sa nakikita niya ay may ti