Share

Chapter 6-Imbistigasyon

Naging malungkutin si Shaina kahit lagi silang lumalabas ng pinsan ng abuela. Lumipas ang ilang lingo at nakalipat na siya ng sariling bahay. Nagsimula na rin siya ng trabaho bilang isang graphics designer sa isang nag-uumpisa palang na kompanya. Naisip niyang magandang simula ito sa kaniyang buhay roon at ayaw niyang umasa sa mga kamag-anak. Hilig niya ang mag-creat, edit, design at mag- analysis. Hindi niya nagamit ang talinto sa kanilang kompanya dahil sinasapawan siya ng mga pinsan.

"You did an excellent job!" Tuwang-tuwa ang president ng kompanya kay Shaina. Isang buwan mahigit pa lang ito mula nang tanggapin sa trabaho pero malaki na agad naging profit ng kompanya dahil sa husay nito. Dumami agad ang kanilang client from commercial company at iba pa.

Nahihiyang ngumiti si Shaina sa lalaki. Bigla siyang nahiya sa papuri nito. Pinoy din ang lalaki at karamihan sa mga kasama niya ay kabayan lang din nila.

"Mula ngayon ay ikaw na ang italaga ko sa position ng creative director!"

Napamulagat ng mga mata si Shaina sa naging pasya ng president. Halos mabingi siya nang maghiyawan ang mga kasama at natuwa dahil promoted siya sa trabaho. Bigla siyang nahilo at mabuti na lang mabilis siyang naalalayan ng isa sa ka team work niya. Inalalayan siya nito hanggang makaupo sa silya.

"Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Ralph sa dalaga.

"Ahm, opo! Nabigla lang po ako at na overwhelmed." Nahiya siya bigla at hinilot ang sariling sintido dahil umiikot naman ngayon ang kaniyang paligid.

"Ang putla mo, baka napabayaan mo naman ang iyong sarili dahil sa sobrang dedicated mo sa trabaho?" May kasamang paninermon ni Ralph sa dalaga.

Hindi na nagawang sumagot pa ni Shaina dahil parang dumilim na rin ang kaniyang paligid. Naririnig niya ang kumosyon sa paligid ngunit hindi magawang imulat ang mga mata. Naramdaman niyang umangat ang kaniyang katawan mula sa kinaupuan.

Mabilis na dinala ni Ralph ang dalaga sa clinic na naroon lang din sa kanilang kompanya. Agad silang inasikaso ng nurse na nakatalaga roon at sinuri ang blood pressure ng dalaga.

"Sir, maayos na po siya. Pero kailangan masuri ang kaniyang ihi at dugo."

Naunawaan ni Ralph ang Pinilipinang Nurse. Sadyang mga Pilipino ang kaniyang kinuhang tauhan upang makatulong na rin sa mga kabayan. Malaking tulong si Shaina sa kaniyang kompanya kaya hindi niya ito dapat pabayaan, bukod sa may malasakit siya rito.

Hindi na tumanggi si Shaina nang dalhin namam siya ni Ralph sa hospital. Naipagpasalamat niya at mabait ang ginoo at parang ka level lang nila ito kung ituring silang lahat na empleyado nito. Sa edad na thirty five ay balo na ang lalaki. May isang anak ito na lalaki at binatilyo na. At ang alam nila ay nasa Pilipinas ang anak nito kasama ang mga magulang ng namayapa ng asawa.

"Congratulations, the result is positive!" nagagalak na bati ng doctor kina Shaina at Ralph.

Tulalang nakatingin lang si Shaina sa doctor na babae at hindi naintindihan ang sinasabi nito. Lumipat ang tingin niya kay Ralph nang magpasalamat ito sa doctor habang nakangiti. Pakiramdam niya ay lumulutang siya ngayon sa alapaap at blangko ang isipan.

"She's six weeks pregnant and needs more sleep time."

Saka lang natauhan so Shaina nang inakbayan siya ni Ralph. Mukhang napagkamalan pa silang mag-asawa ng doctor.

"Thank you, doc, I will take care of her!" Nakangiting nakipagkamay si Ralph sa doctor.

Hindi pa rin magawang makapagsalita ni Shaina habang akay siya ng binata palabas ng clinic. Samu't saring emosyon ang kaniyang nadarama ngayon. Takot at pagkalito. Oo at pinalano niya noon na gusto niyang magkaroon ng anak na lamang. Pero iba pala kapag nandiyan na. Parang hindi pa siya handang maging ina. Wala pa siyang sapat na ipon at kapag nalaman ng pamilya ang tungkol dito ay tiyak lalong pagtawanan siya ng mga pinsan.

"Are you okay? Puwede mo ako masandalan at mapagkatiwalaan upang gumaan iyang pakiramdam mo." Nakakaunawa ang ngiting iginawad sa dalaga.

Nilingon ni Shaina ang kasama. Hindi niya namalayang nakaupo na pala sila pareho sa loob ng kotse nito. Bigla siya naiyak at hindi na nahiyang magsabi tungkol sa kaniyang buhay. "A-ayaw ko pong mawalan ng trabaho!" Garalgal ang tinig sa huling nasampit.

"Silly, bakit mo naman naisip na tangalin kita sa trabaho? Naintindihan kita at higit mong kailangan ang trabaho ngayon for financial assistant. Ayaw kong mapagod ka dahil buntis at walang katuwang sa buhay. Tanggapin mo ang alok kong position sa iyo at maaring magpatuloy ka sa trabaho kahit sa bahay lang.

Lalong naluha si Shaina at sa pagkakataon na ito ay dahil sa tuwa. Ayaw niya kasing malaman muna ng mga kamag anak ang tungkol sa kaniyang pagbubuntis. Ang pinsan ng abuela ay nasa kabilang city kaya hindi siya makikita ng mga ito.

"Thank you so much, sir! Tatanawin kong malaking utang na loob sa iyo ang lahat ng ito!"

Ngumiti lang si Ralph sa dalaga at hinatid na ito pauwi. Pinagpahinga niya muna ito at bawal ma stress. Tumutulong na rin naman siya, lubos-lubusin na niya.

Hindi inilihim ni Shaina ang kalagayan sa kaniyang mga katrabaho bukod sa pamilya. Hindi rin siya nakikipag-ugnayan sa mga ito upang hindi malaman ang tunay niyang kalagayan. Madalas ay sa bahay lang siya pero laging kaharap ang laptop para sa trabaho. Pupunta man siya sa opisina ay para personal na e final review ang gawa ng kaniyang team.

...

"Sir, ito na po ang resulta ng imbistigasyon ko." Inilapag ni Cyrus ang folder sa lamesa.

Agad dinampot ni Travis ang folder at binuklat iyon. Kababalik niya lang mula sa Italy at hindi sa kaniya uso ang pahinga.

"Nasa hotel din nang araw na iyon ang kapatid mo, sir." Paliwanag ni Cyrus nang mangunot ang noo ng binata habang nakatitig sa isang report papers.

"Gustong kong alamin mo kung sino-sino ang taong naka duty that day." Utos muli ni Travis sa kaibigan.

"Isa pa nga pala, noong nasa Italy ka ay minamanmanan ko ang bawat kilos ng iyong madrasta at kapatid na si Joshua. Napag-alaman kong palihim nilang kinakausap ang ilan sa board members at shareholders ng kompanya."

Napatiim bagang si Travis at naikuyom ang kamao.

"Kailangan mo nang mag-asawa at magkaroon ng tagapagmana." Suhestyon ni Cyrus sa binata.

"Thank you for your concern, don't worry, I can handle this matter."

"Sa tingin ko ay kasabwat din ng lihim mong kaaway ang babaeng nakaniig mo nang gabing iyon."

Hindi masisi ni Travis ang kaibigan kung naisip ang bagay na iyon. Ang nasa list na mga pangalang nag-check in nang araw na iyon ay pawang mga couples. Mga kilala ring tao sa komunidad ang nasa list kaya malabong isa sa mga ito ang babaeng iyon.

"Aalis na ako, tatawag na lang kung mayroon bagong update sa pinapatrabho mo." Tumayo na si Cyrus at nagpaalam sa kaibigan.

Mariing naipikit ni Travis ang mga mata bago sumandal sa kinaupuan. Matagal na siyang hindi umuuwi sa kanilang mansyon na halos inangkin na ng ikalawang pamilya ng ama. Baliwala sa kaniya ang bahay pero sa kaniyang nakapangalan iyon. Ang mayroon lang ang kapatid ay share sa kompanya na nararapat bilang anak ng kaniyang ama.

Ilang minuto rin nanatili sa ganoong senaryo si Travis bago nagpasyang pindutin ang intercom. Wala pang isang minuto ay pumasok si Teddy.

"Itabi mo ang documents na ito at magpatawag ng emergency meeting."

"Right away, sir!"

Napailing si Travis habang sinunsundan ang mabilis na galaw ni Teddy. Animo'y isang sundalo ito kung magsalita at kilos kapag inutusan niya.

Sa kabilang banda, nabahala si Joshua nang malaman na nagpatawag ng meeting ang kapatid at hindi siya kasama sa na inform. Hindi siya maaring pumunta dahil nahuhulaan na niya kung ano ang agenda ng kapatid. Hintayin na lamang niya ang confirmation mula sa taong mapagkatiwalaan.

Pagpasok ni Travis sa conference room ay naroon na ang lahat at tahimik na nakaupo sa mga upuan. Isa-isa niyang sinulyapan ang mga ito bago umupo sa kaniyang trono bilang CEO.

"Alam kong karamihan sa inyo ay nagtataka sa urgent meeting na ito. At ang ilan ay may ideas na." Pauna ni Travis habang nanuniri ang tinging ipinukol sa lahat.

Mahinang nagbulongan ang ilan sa mga naroon at nagtatanong sa isa't isa.

"Hindi na ako magpaliguy-ligoy pa, alam kong mayroon ditong gusto akong traidurin upang mapigilan ang pagiging chairman of this company."

Muling natahimik ang lahat at mayroong nagtataka sa mga narinig. Matanda na ang chairman na siyang abuelo ng CEO. At hindi mailipat ang titulo dito hangga't wala pa itong pamilya.

"I'm warning all of you, pagsisihan mo lamang ang iyong gagawin!"

"Mr. Villanova, totoo nga po bang hindi na matuloy ang kasal ninyo ng anak ni Mayor Acosta?" lakas loob na tanong ng isa sa board members.

Pinakatitigan ni Travis ang babaeng nagtanong. Halos kaedaran lang ito ng kaniyang ama at kaibigan ng madrasta. "About this matter, sa amin na lang po iyan at ayaw kong may ibang nakakaalam kung matuloy o hindi ang aming kasal."

"Pero may karapatan kaming malaman ang status ng iyong buhay dahil ikaw ang nasa top list na siyang papalit sa chairman! Paano kami makapag desisyon kung karapat-dapat ka ba o hindi na maging chairman ng kompanyang ito?"

Naningkit ang mga mata ni Travis at pinakatitigan ang nagsalitang lalaki. Umangat ang sulok ng kaniyang labi at ang nasa isip ay nahanap na rin niya ang traidor.

Comments (543)
goodnovel comment avatar
Rhose Dagalea
Paano po ma unlock. Khit d na need bilhin ung diamond. Hirap kc ng loadan dto
goodnovel comment avatar
Jenny Gomez
pa open nmn po plz... chapter7
goodnovel comment avatar
Jeanette Bancud
unlock nman po, pls...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status