Share

Chapter 7-Aksidente

"Ano ang ibig sabihin nito, Lovely?" Galit na isinaboy ni Cristy ang larawan sa harapan ng apo.

Nanlaki ang nga mata ng dalaga pagkakita sa larawan, kasama si Rex. Hindi niya alam paano sila nakuhanan ng larawan ng hindi pa niya kilalang tao. Naging maingat naman sila ni Rex at bihira na nga lang lumabas ng patago. Hindi niya maitanggi ngayon ang kanilang relasyon dahil naghahalikan pa sila ng binata. Ilang buwan na ang lumipas ngunit hindi pa nila nasasabi sa matanda ang tungkol sa lihim nilang relasyon ni Rex.

"Kung ganoon ay totoo ang sinasabi ni Shaina noon?!"

Mabilis na umiling si Lovely at ginagap ang palad ng matanda na nanginginig dahil sa galit.

"Lola, mali po kayo ng iniisip. Patawad kung nahulog ang loob namin sa isa't isa ni Rex, pero ngayong buwan lamang po kami nagkaroon ng relasyon. Nasaktan ng husto noon si Rex dahil sa ginawa ni Shaina at tinutulungan ko siyang makalimot."

Marahang napailing si Cristy at nanghihinang napaupo sa upuan. Iwinaksi niya ang kamay ng apo ta
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (155)
goodnovel comment avatar
Warlyn Canete
kawawa naman si travis
goodnovel comment avatar
Estrella Orpilla
unlock po plzzz
goodnovel comment avatar
Jovelyn Atadero
next chapter please
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status