Share

Chapter 3-Maling bentang

Kahit masakit pa ang katawan, lalo na ang nasa pagitan ng hita ay malalaki pa rin ang hakbang ni Shaina sa paglalakad. Diritso siya sa kanilang silid at agad na isinara ang pintuan pagkapasok. Mabuti na lang at hindi iyon naka lock, at sinadya niya kanina na lagyan ng harang sa ibaba ng pintuan dahil hindi dinala ang key card. Pagkasandal sa nakasarang pintuan ay napahawak sa dibdib ang isang kamay habang huminhinga ng malalim. Daig pa niya ang nakipaghabulan sa multo sa hitsura niya ngayon.

Ilang minuto pa siyang nanatili sa ganoong katayuan bago sinuri ang sarili. Pagkatitig sa hawak na bagay ay namula ang kaniyang mukha dahil sa hiya. Mabuti na lang talaga at walang nakakita sa kaniya kanina. Grabe, nagawa niyang maglakad sa hallway na walang suot na underwear. Sa sobrang pagmamadali kanina at takot na maabutan pa ng lalaki ay hindi na niya nagawang isuot ang panty.

Nagpasya siyang pumasok sa banyo na naroon lang din sa silid at mainabuting maligo upang linisin ang sarili. Mabuti na lang at tulog pa rin ang kaniyang kaibigan. Hindi rin siya nagtagal sa shower at pagod ang kaniyang pakiramdam. Pagkahiga sa tabi ni Daisy ay agad nakatulog.

Kinabukasan ay unang nagising si Daisy dahil sa malakas na katok. "Sino ba itong isturbo?" reklamo niya habang kinukusot ang mga mata.

Tatayo na sana si Daisy nang mapansin ang katabi. Ang inaantok na diwa ay tuluyang nagising nang makilala ang kaibigan. Ilang minuto pa ay unti-unting naalala ang ginawa nila ng kaibigan. Hindi niya alam kung paano nakarating sila ng kaibigan sa silid na ito. Nang marinig muli ang katok ay ginising na niya ang dalaga.

"Hmmm..." inaantok na ungol ni Shaina at hinila ang kumot upang itabon sa mukha.

Napailing si Daisy sa inasta ng kaibigan. Dali-dali siyang bumaba ng kama at baka service crew ang nasa labas. Ang mahal pa naman ng bayad doon at baka siya pa ang mapagastos. Pagbukas ng pintuan ay namilog ang kaniyang mga mata pagkakita sa taong nasa labas.

"Nasaan ang apo ko at ano ang ginawa mo sa kaniya?" galit at magkasunod na tanong ni Cristy sa baklang kaibigan ng apo.

Gusto sanang tumaas ng kilay ni Daisy dahil sa nang-aakusang tanong ng matanda. Ngunit malaki ang respito niya rito kaya nagpigil siya. Nang makita si Lovely ay hindi na siya nagtaka kung bakit exaggerated ang matanda.

Masakit ang ulo na nagmulat ng mga mata si Shaina dahil sa ingay na naririnig. Ayaw pa sana niyang bumangon ngunit muling nagsalita ang isturbo.

"Tumayo ka riyan na babae ka, ngayon din!"

Napabalikwas ng bangon si Shaina nang makilala ang isturbo sa kaniyang pagtulog. Gulat ang nakarehistro sa mukha nang makita ang abuela.

"Ang akala ko ay iba ka sa iyong ama! Gagawa ka na lang din ng eskandalo ay sa bakla pang iyan!" Galit na dinampot ni Cristy ang nakitang panty na nakalatag sa upuan at ibinato iyon sa apo.

Nakamulagat na nilapitan ni Daisy ang kaibigan. Kinabahan siya nang mapagtantong walang suot panloob ang kaibigan. " Be-besh, may ginawa ba ako sa iyo kagabi?" pabulong niyang tanong sa kaibigan.

"Wala, pero hindi na ako virgin!" paanas lang din na sagot ni Shaina at siniguro na hindi marinig ng dalawa.

Bumuka ang bibig ni Daisy, ngunit bigla ring itinikom nang pandilatan siya ng mga mata ng kaibigan. Pinahihiwatig ng mga titig nitong saka na ito magpapaliwanag sa kaniya.

"Gosh, bakit pumatol ka sa bakla, Shaina? Ano na lang ang sasabihin ng mga taong makakaalam nito?"

Masamang tingin ang ipinukol ni Shaina sa pinsang nagsalita. Kung umakto ay para bang sobrang concern sa kaniyang pagkababae.

Umikot ang mga mata ni Daisy at kung wala lang ang matanda ay natarayan na niya si Lovely.

"Ano pa ang hinihintay mo? Ayusin mo ang iyong sarili at sumunod!" bulyaw muli ni Cristy sa apo at galit na tumalikod.

Walang salitang isinuot ni Shaina ang panty na nilabhan niya kagabi pagkaligo. Hindi niya alam kung paano nalaman ng abuela na naroon sila nagpalipas ng gabi. Agad silang lumabas ng silid ni Daisy nang maayos na ang sarili. Bayad naman na sila at alam niyang ang abuela na ang umayos sa kanilang check out.

Bago tuluyang makalayo ay napalingon si Shaina sa isang silid. Ang tahimik niyon at mukhang nakaalis na rin ang umukupa niyon kagabi.

"Bakit?" puna ni Daisy sa kaibigan na natigilan sa kinatayuan.

Mabilis na umiling si Shaina at lumapit na sa abuela na naghihintay sa harap ng elevator. Tahimik lang sila hanggang sa makababa sa ground floor. Napakapit siya sa braso ng kaibigan nang may humarang sa kanilang daanan na isang lalaking nakasuot ng itim na tuxedo.

"What's wrong?" tanong ni Cristy sa lalaki.

"Pasensya na po, madam, utos po ni Mr. Villanova na kunin ang pangalan ng bawat taong lumalabas sa gusaling ito.

Lumambot ang aura ng mukha ni Cristy nang makilala ang tinutukoy ng lalaki. Mukhang may mabuting naidudulot itong pagkapadpad ng apo sa lugar na ito. Maging ang card ay ipinakita niya sa lalaki upang makilala siya. Sa edad niyang ito ay kilala na rin siya bilang isang chairman ng kompanyang pag-aari niya. Si Mr. Villanova ay isa sa higanting tao sa larangan ng negosyo. Marami ang nagnanais na makadaupang palad ito tulad niya, ngunit mailap ang huli at hindi basta nakipag usap kahit kanino.

"Lola, ang may-ari ng hotel na ito ba ang tinutukoy ng lalaking iyon?" usisa ni Lovely sa abuela. Nang tumango ang matanda ay napa-'wow' siya.

Nakinig lang si Shaina sa pag-uusap ng dalawa. Ayaw siya pansinin ng abuela at si Daisy humiwalay na sa kaniya. Pinagbawalan ito ng matanda na lumapit sa kaniya habang hindi pa na resolba ang eskandalong kaniyang nagawa umano.

Pagkarating ng mansion ay hindi na nagulat si Shaina nang maabutan doon ang taksil na nobyo.

"Rex, sorry talaga sa ginawa ng pinsan ko. Hindi ko alam kung ano ang nakain niya at nagawa kang ipagpalit sa bakla. Ang malala pa ay winaldas ang perang inilaan mo para sa inyong kasal sana." Malungkot na turan ni Lovely.

Pakiramdam ni Shaina ay umakyat ang dugo sa kaniyang ulo dahil sa galit. Sinugod niya ang pinsan at sinabunutan ito. "Hayop ka, huwag mong baliktarin ang lahat!"

"Ahhhh, ouch! Lola, help me!" mukhang talunan na nagsisigaw si Lovely habang hawak ang kamay ng pinsan na nakasabunot sa buhok nito.

"What the hell, Shaina?" Huwag mong saktan ang pinsan mo!"

Hindi ininda ni Shaina ang hampas ng palad ng matanda sa kaniyang braso. Gusto niyang ibuhos ang galit sa pinsan ngayon na hindi nagawa kahapon. Ayaw pa sana niyang bitawan ang buhok nito ngunit may pumisil sa kaniyang pulsuhan. Tinabig pa siya nito kaya natumba siya at tumama ang likod sa sofa. Bumalatay ang sakit sa kaniyang mga mata nang makitang si Rex ang gumawa niyon.

"Hindi ka na ba titigil sa pagbigay ng kahihiyan sa pamilyang ito, Shaina? Dapat kang magpasalamat sa iyong pinsan dahil siya ang nakiusap kay Rex na hayaang ako ang sumundo sa iyo sa hotel!"

Halos mabingi si Shaina sa lakas ng boses ng abuela. Napaluha siya sa sama ng loob at hindi manlang hiningi ang kaniyang paliwanag bago hinusgahan. Well, ganito naman ang abuela. Palibhasa walang kuwenta sa paningin nito ang kaniyang ama kaya ganoon din ang trato sa kaniya. Ang mga pinsan niya lang ang paborito nito at siya ay mantsa ang tingin sa pamilya nito. Bukod sa sakit sa ulo nito ang kaniyang ama, ang ina niya ay pinulot lang din sa putikan umano ng anak nito.

"Mama, ano po ang ginawa niyo sa anak ko?"

Napahagulhol na ng iyak si Shaina nang makilala ang boses ng ama. Mukhang galing ito sa kung saang hotel na naman kasama ang mga babae nito. Kahit ganoon ang ama ay mahal namam siya nito. Ayaw nitong umalis sa mansyon dahil gusto nitong magustohan siya ng kaniyang abuela.

"Ano pa nga ba? At kasalanan mo kung bakit nagkakaganyan ang anak mo! Manang-mana sa patapon mong buhay! Masaya na sana ako at si Rex ang nakarelasyon ngayon. Ngunit sinira lamang niya ang isang magandang kinabukasan niya sana! Ang nakakahiya pa ay ginamit ang pera na hin—"

"Hindi ko kasalanan kung bakit nasira ang relasyon namin!" putol ni Shaina sa paglilitanya ng abuela,  "kasalanan ng babaeng iyan kung bakit nagawa ko ang hindi dapat!"

Mabilis na bumitaw ang nakakawit na kamay sa braso ni Rex nang bumaling sa gawi nila ang tingin ng abuela. Biglang kinabahan si Lovely at baka maniwala ang abuela. Ang gusto niya sana ay palabasing si Shaina ang unang nagloko kaya iiwan na ito ni Rex. Ayaw niyang magalit ang matanda kay Rex at lalabas na mang-aagaw siya.

"Dahil sa babaeng iyan kaya ko naisip na waldasin ang pera na para sa kasal namin! Niloloko nila ako, lola! Nahuli ko sila kahapon na magkapatong sa kama!" Hilam sa luha habang duro sina Rex at Lovely.

"Totoo ba ang sinasabi ng anak ko, Lovely?" galit na tanong ni Gabriel sa pamangkin.

"Hindi po iyan totoo, tito!" naiiyak na tanggi ni Lovely bago bumaling sa pinsan. "Shaina, bakit ka ganiyan sa akin? Bakit sa akin mo isinisisi ang maling nagawa mo sa iyong buhay? Hindi ako malandi para agawin ang lalaking mahal ng kadugo ko!"

Naikuyom ni Shaina ang mga kamao at gustong suntukin ang pinsan. At si Rex? Mukhang mas bakla pa kay Daisy ang tingin niya dito ngayon. Nagtatago sa anino ni Lovely at nagpapanggap pang biktima tulad ng pinsan.

Napahawak si Cristy sa kaniyang noo at biglang sumakit ang ulo.

Mabilis na nilapitan ni Gabriel ang ina at inalalayan itong makaupo sa sofa. "Shaina, tama na. Pumasok ka na muna sa iyong silid at hindi nakabubuti sa iyong lola ang magalit ng husto."

Nag-alala rin naman si Shaina sa kalusugan ng abuela at naawa siya rito. Pero bago pa siya tumalikod ay dumating na ang mga magulang ni Lovely at ang kapatid nitong babae. Mukhang galing ang mga ito sa simbahan.

"Ano ang ginawa mo at nagkakaganito si Mama?" galit na sita ni Teddy sa kapatid at mabilis na pinunasan ang pawisan na noo ng ina.

"Daddy!" Umiiyak na lumapit si Lovely sa ama at yumakap.

Nagugulohang napatingin si Teddy sa pamangkin at anak na parehong luhaan.

Masama ang loob na nag-iwas ng tingin si Shaina sa tiyuhin. Ang nag-iisang taong tinuturing siyang tunay na kapamilya ay mukhang mag-iba na rin ang tingin sa kaniya ngayon. Mabait ang uncle niya pero ang asawa nito ay sakim at doon nagmana ang mga pinsan.

"Pag-usapan nating mabuti ito kung ano mang gulo ang nangyayari," mahinahon na turan ni Teddy matapos mapainum ng gamot ang ina.

Hindi na muli nagpaliwanag pa si Shaina at hindi rin naman siya paniwalaan. Wala siyang ebedensya bilang patunay at siya? Huli sa akto sa kasalanang pagtataksil umano kay Rex. At ikinahihiya siya ng lahat ngayon dahil sa isang bakla pa. Ang kaniyang ama ay tahimik din at mukhang sa pinsan din naniniwala.

Dissapointed na napatitig si Teddy sa pamangkin nang marinig ang lahat mula sa kaniyang anak.

"Kahihiyan din po ng pamilya ko kapag kumalat ang balita na ipinagpalit ako sa isang bakla."

Kung nakakalason lang ang titig ay sigurado si Shaina na kanina pa bumula ang bibig ni Rex. Mukhang nahawa na rin ito sa bulok na pagkatao ng kaniyang pinsan. Lahat ay nakisimpatya sa damdamin ng binata at siya ang lumalabas na manloloko.

Walang ibang dapat makakaalam!" pinalidad na wika ng matanda.

Hindi makapinawalang napatitig si Lovely sa matanda.

Sa halip na matuwa ay lihim napaismid si Shaina. Hindi na siya nagulat sa naging desisyon ng abuela. Mas mahalaga dito ang reputasyon ng pamilya kaysa damdamin niya.

Nagugulohan ang tinging ipinukol ni Rex sa matanda pero hindi magawang magsalita.

"Hinihingi ko ng paumanhin ang ginawa sa iyo ng aking apo. Alam kong may ambag din siya kahit papaano sa ipon mong ginastos niya. Babayaran ko iyan at dagdagan ang share mo sa aking kompanya, kapalit ng iyong pananahimik."

Nainsulto si Rex at parang binabayaran ng matanda ang dignidad ng kaniyang pagkalalaki. Pero sa isang banda ay pabor sa kaniya ang gusto nitong mangyari. Oo at siya ang unang nagloko at ayos na ring hindi malaman nito ang ginawa niyang pagpatol sa isa pa nitong apo.

Napaismid si Shaina habang nakatitig kay Rex. Ang tanga niya at nagmahal siya ng isang tulad nito. Hindi niya nakita ang tunay nitong motibo sa pakipag relasyon sa kaniya. Oo at mayaman din ang pamilya nito ngunit tulad niya, mababa rin ang tingin dito ng sarili nitong pamilya. Gustong may patunayan sa larangan ng negosyo na hindi sumasandal sa pamilya nito. Naging shareholder ito sa kompanya ng abuela dahil sa kaniya.

"Kahihiyan ko rin naman kung lalabas ang balitang ito." Mukhang walang ibang choice na sagot ni Rex.

"Bakit hindi na lang ipadala si Shaina sa ibang bansa? Palabasin nating wala ng pagmamahal sa pagitan nila dahil sa long distance relationship. Nang sa ganoon ay walang maging issues sa hiwalayang magaganap."

Sabay ang lahat na napatingin sa nagsalita. Kita ni Shaina ang pagngiti ng abuela at hanga sa talino mag-isip ng isa pa niyang pinsan na si Angeline. Mariin naipikit niya ang mga mata at nadagdagan ang galit sa mga pinsan. Talagang gagawa ng paraan ang mga ito upang mapaalis siya sa mansion at malayo ang loob ng abuela sa kaniya.

"Maganda ang naisip ng aking anak, isa pa ay baka magbunga ang nangyari sa inyo ng baklang iyon at—" hindi naituloy ni Teddy ang iba pang nais sabihin nang sumabat si Shaina.

"Magalit na kayong lahat sa akin pero huwag ninyo idamay dito ang aking kaibigan! Wala siyang ginawang masama sa akin at kahit bakla siya ay hindi siya duwag at mapagsamantala!" Pakiramdam ni Shaina ay biglang nagkaroon siya ng sakit sa puso at hinapo dahil sa galit. Nakakainsultong tingin ang ipinukol niya kay Rex at alam niyang tinamaan ito sa huli niyang sinabi.

"Shaina, huwag kang magtaas ng boses sa harap ng iyong lola." Saway ni Gabriel sa anak.

Galit na tumayo si Shaina at matatag na nagsalita. "Payag akong aalis pero ito ang tandaan mo," aniya at tumingin kay Rex. "Pagsisihan mo ang ginawa ninyong ito sa akin!"

Mabilis na iniwas ni Rex ang mga mata sa matatalas na tingin sa kaniya ni Shaina. May isang bahagi ng kaniyang puso ang nalungkot sa kaalaman na hindi na ito muling makita sa mga susunod na araw.

Mga Comments (20)
goodnovel comment avatar
Michelle Bocauto
kawawa si shaina pinagtulungan kahit walang kasalanan.babangon sya at babalikan kayong lahat
goodnovel comment avatar
Belle Gab Brix
ay ito ang pinaka ayaw ko CIA na nga ang kawawa CIA pa ang masama nakakainis ah kakahiblood kawawa nmn si Shaina..
goodnovel comment avatar
Jekk'27
Huhu kawawa naman c shen.. pinagtutulungan may araw din kau
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status