Share

THE BATTERED WIFE (CATHY & GREY STORY)
THE BATTERED WIFE (CATHY & GREY STORY)
Author: SIJEEY

1

PROLOGUE

"Tama na Grey! Tama na please!" Ilang beses na akong nagmakaawa ngunit parang wala siyang naririnig. Tila kinunsumo na siya ng galit. Kung saan-saang parte tumatama ang kamao niya at hindi man lang alintana ang aking d***g.

"Did you feel it? Did you feel how much I hate you? Did you feel the pain?" Bakas sa boses niya ang matinding galit sa akin. Nakakapaso rin ang nagaapoy niyang titig.

"Grey..." Hinihingal na saad ko kasabay ng walang tigil na pagbagsak ng aking luha.

"'Yan! Diyan ka magaling. Ang umiyak ng umiyak at magmakaawa. Bakit? No'ng nagmakaawa ako sayo na hindi ituloy ang kasal naawa ka ba sa'kin ha?!" Ang mga nag-aapoy niyang mata sa akin ay isa lamang rason para malaman kung gaano niya ako kinasusuklaman.

"Mahal..l-lang kita Grey...." Sambit ko sa mahinang boses. Wala na akong lakas para malakasan pa ang boses ko. Namamaos narin ako sa sobrang pagiyak at sobrang pagmamakaawa.

"Love?Mahal mo ko?" Humalaklak siya bago sinakop ng malaki niyang kamay ang aking baba at mahigpit na kinapitan. Pinilit niyang iangat ang mukha ko at tingnan siya. Siya na puno ng galit ng mata at pagkamuhi sakin. "You choose to love me so face the hell bitch." Marahas niyang tinanggal  ang kamay niya sa aking baba na siyang nag-ani ng malakas na impact at nagpatabingi sa aking mukha. Narinig ko ang malakas na pagsara ng pinto at isang pahiwatig na wala na ang demonyo.

Doon ko nilabas lahat. Ang mga sakit sa pamamagitan ng paghagulgol. All I want is to have him and I think marriage is the answer to my problem.

Nagmahal lang naman ako.

Bakit pinaparusahan ako?

Masama bang magmahal?

Ako si Cathy Xyra Garcia - Sanford

THE BATTERED WIFE

__________________

"CATHY!!!!"

Boses palang niya iyon ngunit ang aking sistema'y dinadapuan na ng matinding kaba. I'm sweating bullets and my body is shaking because of fear.

I can't imagine that I will be this scared because of his voice.

"Cathy ano ba?!" Napapitlag ako at dali-daling umalis ng aking kwarto. Natataranta at hindi ko alam ang gagawin. Mabilis din ang aking kilos at hindi ko na alintana kung ako man ay madapa. Mas mabuti pang madapa kaysa salubungin ako ng kamao ni Grey. Mas iniisip ko ngayon kapag nakatatlong tawag na siya sa pangalan ko.

"G-Grey...." nauutal at gulat kong ani. Nasa harapan ko na kasi siya bigla, halatang naghihintay sa akin. Tumingin siya sakin ng napakatalim dahilan para magtaasan ang balahibo ko. Mabilis akong yumuko. Ayokong magtama ang mga mata namin. Ayokong makita ang galit na galit niyang mga mata.

"Bakit hindi ka agad dumating ah?!" His voice is loud and scary. Napaatras ako ng kaunti.

"May i-inayos lang ako sa kwarto k-ko. Pasensya na" pagpapaumanhin ko.

Grey massage his forehead while glaring at me." How many times do I have to tell you that once I called your name, naandito ka na dapat! Why can't you follow a simple instruction huh? Do you really want to get hurt?"He clenched his fist that made me nervous but I still managed to speak.

"Hindi na talaga mauulit, sorry" kinagat ko ang labi ko sa sobrang takot.

"Make sure of that if you don't want to die. Understood!?"

"Yes, promise hindi na ito mauulit." Tumango ako paulit-ulit hanggang sa magtungo siya papasok ng kusina.

Doon lang gumaan ang pakiramdam ko at nakahinga ng maluwag. Bago pa ako muling masermunan, pumasok na din ako sa kusina.

"Make me a coffee" kalmado na niyang ani at umupo na sa mesa. Napangiti ako ng lihim. Itong umaga talaga ang pinakamasaya kong araw. Dito ko kasi siya napagsisilbihan. Ako ang nagtitimpla ng kape niya at ako rin ang maghahanda ng breakfast niya. Dito lang sa umaga nagagawa ko ang duties ko as wife niya dahil ganitong oras lang naman siyang nasa bahay pero kahit gano'n masaya akong napagsisilbihan ko siya.

"Don't look at me" mariin at maotoridad niyang sabi sa akin. Tumango na lang ako at nangingiting naglakad sa may lababo  bago inihanda ang asukal at kape. "And don't smile. Nakakasira ng araw ang mga ngiti mo" dagdag pa niya. Kinagat ko na lang ang labi ko para pigilan 'yon.

Kahit kailan talaga panira!

"Eto na 'yong kape mo" mahina kong sambit at nilagay ang kape sa ibabaw ng mesa. Nakatingin lang ako sa kaniya habang kumakain at iniinom ang kape na gawa ko. Doon palang, kuntento na ang araw ko.

"Anong tinitingin mo diyan? Get out of my fucking sight" masungit niyang sabi nang mapansin niya ang pagtingin ko sa kaniya. Tumango na lang ako at umalis na. Mahirap na 'pag nawala siya sa mood.

Pumasok ako sa maid's quarter. Yeah, hindi ko akalaing dito ako natutulog. I'm his wife but I am more like a maid. Tumungo ako at pinagmasdan ang maliit kong silid bago tumapat ang aking paningin sa isang parihabang salamin.My face looks untidy because of small cuts on my lower lip and my right cheek is swelling too. I also have a violet mark on my right eye. I can't help but to pity myself. Ang mukha kong pinagkaingatan at inalagaan ko  ay nadudumihan sa kamay ng aking minamahal.

"Kawawang Cathy, bakit naging ganitong kamiserable ang buhay mo?" agad kong kinuha ang betadine at nilinis ang mga sugat ko. Pagkatapos 'non, nicold compress ko ang namamaga kong pisngi at iba pang namamaga sa aking katawan. Ilang beses ko na 'tong ginagawa sa aking sarili, ang gamutin ang mga 'di pa naghihilom na sugat ngunit may panibago na namang lilitaw. Laging gano'n ang routine ko. Ang gamutin ang mga sugat dahil sa binubugbog ako ni Grey.

I smiled bitterly.

Akalain mo nga naman. Nakatagal ako sa puder ng mahal kong asawa na ang ginawa lang naman sakin ay bugbugin ako at gawing punching bag kung kailan niya gustuhin pero wala naman akong magawa dahil ako naman ang may dahilan nito.

"Let's all welcome our birthday celebrant.......Ms. Cathy Xyrene Garcia!"

Rinig ko ang malalakas na palakpakan at pagtama ng liwanag sa akin pagtawag ng aking pangalan. Pagpasok ko sa venue ay sinalubong ako ng eleganteng dekorasyon at isang magandang bridge na nagdudugtong sa daan patungo sa isang throne-like chair sa kabilang dulo.

Ngumiti ako ng malapad at mabagal na naglakad.

Today is my birthday and this is the most special day for me. Finally, something good will happen today.

Because I'm looking forward for my birthday wish!

My parents planned an amazing celebration for my 23th birthday. A large number of people were invited. I'm dressed elegantly in a silver gold gown and seated on a throne-like chair in the center of the stage.

As the party continues, the host does everything he can to keep the party going.

While some of my relatives giving me a birthday message, I roamed around my eyes to find him.

Nang makita ko siya, kaagad na lumakas ang tibok ng puso ko.

He was handsome in his gold and white tuxedo. His fringe up hair makes him more attractive in my eyes. May hawak itong kopita ng champagne habang walang emosiyon sa kawalan.

Grey Sanford

That's the name of the man I want to spend my life with. The man who caught my heart as fast as lighting.

Tumama ang mata niya sa akin kaya ngumiti ako ng malapad. Kakaway sana ako sa kaniya nang mabilis pa itong umiwas at hindi ako pinansin.

Kaagad kong naramdaman ang pagtusok ng karayom sa aking puso.

It's normal though. My feelings for him is unrequited.

But it will not anymore.

Because after this day ends, he will be mine.

"Before this celebration ends, I want to announce a good news..." sabi ni papa after niyang makaakyat ng stage. Kakatapos lang ng program at ito na ang pinakahuling highlight ng aking birthday.

Ito ang pinakahihintay ko.

Everyone in their tables looked at us while my eyes focused on Grey. I can see his confuse eyes while his parents pulling him towards the stage.

"What is happening?" Rinig kong tanong ni Grey nang malapit na sila.

Nakapulupot lang ang braso ko kay mama. Tumama pa ang mata sa akin ni Grey. Kaagad na nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Base sa pangjujudge ko, he already has a hint on his mind.

Tumingin sa akin si Papa at bago tumingin may Grey na nagsisimula ng magdilim ang mukha.

"Today, the family Sanford and Garcia will collide. I will announce the marriage between my daughter, Cathy Xyrene Garcia and the first son of Sanford family, Grey Sanford!"

Mas lalo akong napangiti nang marinig ang announcement. This is what I wanted.

This is my birthday wish.

ONE WEEK BEFORE MY BIRTHDAY:

"Your birthday is coming nak, what is your birthday wish?" Papa asked while we are in a dining room.

Every birthday, my parents grants my wish. 

"Do you promise me that you will grant it Papa?" I asked.

Naninigurado lang ako. Ibang klaseng kahilingan kasi ang hihilingin ko.

"Kailan ba kita nidissappoint?"

I chuckled. True, he never disappoint me. My father would do anything for me for the sake of my happiness.

"Then....can you arrange me a marriage with the first son of Sanford family dad?"

Napatigil sila sa pagkain. Nagkatinginan sila mama at papa sa aking hiling.

"Come again?"

"Ma...Pa...please I want to marry Grey..." Pagmamakaawa ko. I love him very much. Sa sobrang pagmamahal ko, pinahihirapan ko ang mga babaeng umaaligid sa kaniya. Pinadadalhan ko siya ng mga efforts. Katulad ng mga cake, love letters and flower pero kahit ganun ini-snob niya parin ako. Kahit sobra ko ng pinakikita kung gaano ko siya kamahal.

The first time we stared each other eyes, I knew that he will be my future husband...

A father to my child....

The man I want to marry.

Grey Sanford is my life and I can't live without him. Gusto ko na siyang matali sa akin. Ayoko na siyang mawala pa sa akin dahil ako lang naman dapat ang nagmamay- ari sa kaniya kaya kung hindi siya makukuha sa dahan-dahan, dadaanin ko iyon sa santong

paspasan.

Dadaanin ko ito sa 'KASALAN'

"Pero anak...mahirap gawin 'yon-" pinutol ko ang sinasabi ni Papa.

"Anong mahirap do'n? I thought you can do anything for me? It's my happiness pa. I love him"

"Pero kasi...anak-"

Tears formed in my eyes. Alam ko na. Alam kong impossible ang gusto ko. I shouldn't tell that to them. 

"Are you sure about this 'nak? Hindi kaya pagsisihan mo ito?"

Hinawakan ko ang kamay nilang dalawa. Nagmamakaawa akong tumingin sa kanila.

"Promise I will be fine. Wala na akong hihilingan pa basta maipakasal ako kay Grey"

And just what like my father said, he will never disappoint me. Finally...this is already happening!

___

"Ano ba? Nasasaktan ako" d***g ko. Masiyado kasing mahigpit ang pagkakahila niya sa akin. Pagkatapos ng party, nagpaalam si Grey na mag-usap muna kami.

Both of our families agreed to give us alone time to know each other more but this is not the getting to know each other stage. I can feel his anger.

I knew that it will happen so I ready myself.

Nagpunta kami sa isang kwarto kung saan ako inayusan. Marahas ang pagkakabitaw niya sa akin at muntikan pa akong madapa dahil doon. Mabuti na lang naibalance ko ang sarili.

I flinched when he slammed the door.

"Stop the marriage Cathy! Don't be so stubborn! Pilitin mong itigil ang kasalang ito" Galit man ay mahinahon parin ang kaniyang pagsasalita.

Umiling ako. "Why would I do that? Why would I do that if I am the one who planned this in the first place?" Mas lalong nagdilim ang kaniyang paningin at mas lalong nag-apoy. Ramdam na ramdam ko 'yon. Alam kong galit siya pero wala siyang magagawa, matatali na siya sakin.

"Damn it Cath-"

"I'm in love with you Grey and I will do everything to make you mine-"

"I'm not in love with you Cathy!"

Para akong tinusok ng maraming kayarom sa aking puso dahil sa pagpapamukha niya sa akin na hindi niya ako mahal. Hindi ako makahinga sa bigat. Uminit ang sulok ng aking mata at pwersado akong lumunok. "I k-know"

Ginulo niya ang buhok. "Please, don't....I'm inlove with someone else. Don't ruin everything. No..." He begged.

Habang sinasambit niya iyon ay tagos na tagos iyon sa aking puso pero kahit masakit, hindi ako nagpatinag. Hindi ako naging Garcia para sumuko. Kahit anong gawin niya, matatali at matatali parin siya sa akin.

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Sure na sure na ako dito. Wala ng atrasan 'to.

"I don't care if you don't love me. Wether you like it or not, you need to accept the fact that I will be your soon to be wife" alam kong nagtitimpi siya dahil kitang kita ko ang paglagutok ng kaniyang panga.

"That's what you want? Okay. Basta ito tatandaan mo. Pagsisisihan mong pinakasalan mo ko. Pagsisisihan mo!" Aniya at iniwan ako doon.

At ngayon, anim na buwan na kaming nagsasama sa isang bubong. Anim na buwan niya na rin akong minamaltrato. Ito pala ang ibig sabihin niya na pagsisisihan ko.

Pero kahit gano'n, mas pinipili ko ang ganitong buhay dahil lamang sa isang dahilan.

Dahil mahal ko siya.

Mahal ko si Grey....

Comments (1)
goodnovel comment avatar
SIJEEY
highly recommendeddd!!
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status