Share

7

Paggising ko ng umaga namamaga ang mata ko.

Hindi parin ako makamove on sa nalaman ko kahapon. Sana hindi na lang binanggit ni Andrew. He planned it all along.

He's making an action na.

Naiisip ko na naman tuloy kaya nararamdaman ko na naman ang bigat sa pakiramdam.

Nagtungo ako sa banyo para maligo. Maggogrocery ako ngayong araw tutal kailangan ko ng distractions. Paubos na rin kasi ang stock sa bahay. Plano ko ring magbake at bibisitahin ko ang mga magulang ko tutal kailangan ko sila ngayon. Gusto ko ng comfort ng magulang ngayon.

Nakasuot ako ng red sundress na pinaresan ko ng strap sandals. May dala akong maliit na white sling bag para lagayan ng wallet at cellphone ko. Niladlad ko lang ang aking buhok at nagsuot ng puting headband.

Tinago ko ang lahat ng dapat itagong pasa gamit ang concealar at nagshade para hindi masyadong halata ang pamumugto ng aking mata.

Hindi umuwi si Grey kagabi kaya naman 'di rin ako busy ngayon. Hindi na rin ako nag-abalang itext kung nasaan siya.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status