Share

6

Pagkatapos ng pagbisita nina mama at papa balik na ulit kami sa dati. 

Balik na naman sa mga sigaw at pangbabalewala niya sa akin.

Tutok na tutok ako sa animated movie na pinapanood ko nang marinig ko ang yapak ni Grey pababa. Agad akong lumingon sa kaniya. He's on his phone, taking a call. Nakasuot siya ng gray dress shirt at itim na slacks.

"Any updates of her? Have you seen...." Agad napawi ang ngiti niya nang mapadapo ang tingin niya sa akin.  

"What are you looking at?" masungit niyang saad.  Umiling lang ako at nagpatuloy sa pagkain habang nanonood. 

"'Wag mo na ko hintayin, may pupuntahan ako" napabaling ulit ako sa kanya. Inaayos niya ang kaniyang suot.  Umiwas na lang ako ng tingin at nagpatuloy sa panonood. 

"Hoy! Nakikinig ka ba?" napatig-ad ako sa gulat nang makitang nasa harap ko na siya.

"O-oo" nauutal kong sambit.  Ang kaninang galit niyang mata ay biglang naging blanko. Tsaka ko lang napansin na may luha pa lang tumutulo sa mata ko. 

"'Yong movie kasi... Nakakaiyak." pagdadahilan ko.  "...sige na, umalis ka na. Ingat ka ah? Huwag papalipas ng gutom" pinilit ko pa ring ngumiti habang pinupunasan ko ang luha na tumutulo sa mata ko. 

"Tsk" padabog siyang umalis at naiwan ako mag-isa. 

Alam ko kung sino ang kausap niya sa phone. I heard na nag-hire siya ng private investigator para hanapin si Vanessa. Vanessa went missing after our wedding. No one knows where she is right now. Siguro dahil sa sakit na naranasan niya, umalis na lang siya at nagpakalayo. Akala ko makakalimutan na siya ni Grey pero hanggang ngayon eto at hinahanap parin niya.

Then I remember what he told me the other day.

'Pag nahanap ko si Vanessa, Iiwan na kita Cathy'

Sumikip ang dibdib ko. Ganito na lang ba talaga hahantong ang love story namin? Wala na si Vanessa pero bakit parin niy hinahanap?

Naandito naman ako eh.

Ni katiting ba nagkaroon ako ng kaunting espasyo sa puso niya?

Ginagawa ko naman lahat ah?

Bakit 'di ko pa rin makuha ang pagmamahal niya?

Ano kayang gagawin ko kapag dumating ang araw na makita na niya si Vanessa? May magagawa ba ang titulong asawa niya ako?

Kasal lang ako sa papel.

There's no love involve to us.

Alam ko na hindi panghabang buhay ang set up na ito. Alam kong dadating ang araw na iiwan ako ni Grey pero bahala na.

Hanggang wala si Vanessa, baka naman makuha ko din ang puso niya. Magtitiis na lang ako dito dahil 'di ko naman kayang iwan siya.

Ipapanalangin ko na lang na bago pa niya mahanap ang babaeng 'yon, hulog na siya sa akin.

Imposible diba?

Pero hindi naman masamang mag-assume.

Naputol ang aking moment dahil may nagdoorbell.

Mabilis kong pinunasan ang luha sa aking mata bago inayos ang sarili. 

Nakakunot ang noo ko habang papunta sa pinto.

Wala akong inaasahang bisita ngayon ah?

Pagbukas ko ng pinto, bumungad sa akin ang isang adonis na katulad ni Grey. Kilala ko siya dahil isa siya sa kaibigan ng asawa ko.

Si Andrew Monteverde.

"Andrew..." Gulat kong ani. "Anong ginagawa mo dito? Hinahanap—" napatigil ako sa pagsasalita dahil may napansin ako.

Andrew is struggling about something. Namumutla kasi siya at pinagpapawisan.

"Anong nangyayari sayo??"  tanong ko.

Hindi siya nakasagot ngunit na-realize ko din kung bakit hindi siya makapagsalita.

May nasinghot kasi akong mabahong amoy at 'di ako tanga para 'di malaman kung kanino iyon.

Kaya pala.

Maluwag kong binuksan ang pinto para sa kaniya.

"The restroom is in the kitchen. Dumiretsyo ka lang"

Hiyang hiya ang mukha niya bago nagmamadaling pumunta diretsyo sa cr. Napakamot na lang ako ng batok. I don't know what to react.

Ang awkward.

Bumalik ako sa living room. Ni-pause ko muna ang movie na pinapanood ko. Nagpunta ako sa kusina, nagprepare ng pagkain for the visitor. Nagtimpla din ako ng ice tea. 

"Thanks god"

Napatingin ako kay Andrew na kakalabas lang ng CR. Nakahawak ito sa tiyan at medyo hinihimas iyon ng kaunti. Kakatapos ko lang din ilapag ng ice tea sa lamesa.

"Tapos ka na pala. Eto oh, kain ka muna"

Napatayo ng tuwid si Andrew dahil sa biglaan kong pagsasalita. Mukhang 'di niya napansin na nasa kusina din ako. He's blushing because of embarassment so I did the right thing to do to lessen the awkwardness.

"It's okay. Lahat naman ng tao nararanasan yan"

He looked away while scratching his the back of his head. "Still, nakakahiya parin."

I chuckled. Kumuha ako ng plato at kanin para sa kaniya. "Dito ba talaga ang destinasyon mo? O naabutan ka lang?"

"Yup. Dito talaga. Si Grey talaga ang pinunta ko dito kaso wala na pala siya"

"Ah kakaaalis lang din niya. Halika kumain ka muna bago ka umalis"

"Sige. Hindi ko tatanggihan 'yan" Agad naman siyang nagtungo papunta sa mesa. Ipaghihila ko sana siya ng bangko ngunit naunahan na niya ako.

"Wow, adobo. Luto mo?" Tanong niya at walang hiya-hiyang sumalok ng kanin.

"Oo. 'Yan yung natirang ulam kagabi. Sorry, hindi pa kasi ako nakakapagluto--"

"Masarap." He thumbs up before continue eating.

Napangiti ako sa compliment nya. "Thank you."

Ganadong ganado siya kumain. Nakakaoverwhelm tuloy. I mean, first time may nagcompliment sa luto ko. Si Grey naman kumakain lang pero 'di ko naman alam kung masarap ba o hindi.

"You've change" Sabi ni Andrew pagkatapos lunukin ang kanyang nginunguya.

Pinagsalin ko siya ng ice tea nang makita kong medyo nabibilaukan siya. Gusto kong matawa pero pinigilan ko.

"Alam ko. Kailangan maging hands on. Alam mo na, bagong kasal" ngumiti ako habang inaabot sa kanya ang baso ng ice tea.

Ofcourse! Kilalang kilala nila ako. Saksi sila sa pagkabaliw ko kay Grey. Kaya 'di ko masisisi kung makita nila ang malaking pagbabago sa akin.

Mabilis naman niya itong iniinom habang nakatingin sa akin.

"Yup. You seem very responsible and wife material now. Damn! I didn't know na magaling ka pa lang magluto"  

"Ofcourse, nagprepare ako para maging mabuting asawa pero tingnan mo kinahantungan ko" Mapait lang akong ngumiti.

Nakita ko kung paano nalungkot ang mata ni Andrew habang dahan- dahang nginunguya ang kanyang kinakain.

Ofcourse, he knew what is our situation right now.

"Did you know that Grey hire an investigator to find Vanessa?" Dagdag niya pagkatapos niyang lunukin ang kaniyang kinakain.

Nagtungo ako sa lababo para kumuha ng baso ko. Gusto ko ring uminom ng ice tea."Oo" simpleng 'oo' lang 'yon muntikan pang pumiyok.

Palakad na ulit ako palapit sa mesa ng may idinagdag si Andrew.

"Did you know that Grey file an annulment?"

Napatingin si Andrew sa gawi ko nang makarinig siya ng pagkabasag ng baso. Doon ko lang napagtanto na nabitawan ko pala ang hawak-hawak kong baso.

What?

"Annulment?" Nanginig ang labi ko.

Mabilis na lumapit si Andrew sa akin. Tiningnan niya ang kamay ko kung may bubog ba bago niya ako ilayo sa basag na baso.

Habang ako ay tulala at 'di alam kung paano ia-absorb ng utak ko ang narinig. 

"Sit down first" ani niya bago ako ipaghila ng bangko bago kumuha ng bagong baso at sinalinan ako ng ice tea. "Drink this and be calm."

Agad kong sinunod ang utos niya. Andrew pick up the broken glass on the floor. Uminom naman ako ng ice tea at isang lagukan lang ay naubos ko iyon. Mabigat ang aking paghinga sa nalaman.

Nanginginig ang aking katawan nang matapos siya sa paglilinis ng basag na baso sa sahig bago ako puntahan. Umupo siya sa katabi kong silya bago ako sinakop ng kanyang braso.

"That's why I'm here. We will talk about filing an annulment Cathy. Not now but Grey wants to process it. Once he find Vanessa, he will leave you."

Doon na lumabas ang kanina ko pang pinipigilang luha. Kusang yumakap pabalik ang mga braso ko at sa kanya ko binuhos ang sakit ng nararamdaman ko ngayon.

I expected it but still hurts.

_____

Grey's POV...

"Fuck.." I devastatedly gripped my hair while looking at Vanessa's picture.

Wala parin akong impormasyong nakukuha sa kaniya. May mga hint naman kung saan siya nagpunta kaso nang puntahan namin wala na daw doon ang dalaga.

Siguro, nasaktan ko siya ng sobra kaya pinili niyang umalis at 'wag akong makita.

Hayst, hindi naman talaga ito mangyayari kung hindi sumingit si Cathy. Unti-unti na namanng umuusbong ang galit sa akin habang naiisip ko na asawa ko siya ngayon.

Lagi akong naghihirap at nagsu-suffer kasama siya.  Nagiging masamang tao pa tuloy ako dahil nabubugbog ko siya. Minsan nakokonsensya ako pero sa tuwing naiisip ko kung paano niya sinira ang buhay ko, 'di niya deserve ang kaawaan. Tama lang iyon sa kanya.

Pero bilib din ako sa tibay niya. She's still holding on after all I've done to her. Tss, tingnan lang natin kung kailan siya tatagal.

I'm not planning to stay with her anyway.

"Sir, si Attorney Moteverde andito na po. Papasukin ko na ba?" Ani ng secretary ko sa intercom.

"Okay let him in"

Pinatay ko ang cellphone ko kung saan ko tinitingnan ang picture ni Vanessa bago sinalubong ang kakapasok lang na si Andrew.

"Bakit late ka?" Tanong ko sa kanya. Usapan kasi namin mga around 8:00 am naandito na siya pero 10:00 na nakarating.

He open his first two buttons of his dress shirt before leaning comfortably in edge of my table.

"Di mo sinabi sa akin na masarap pala magluto ang asawa mo"

Natigilan ako at biglang napatayo sa kaniyang tinuran. "Galing ka sa bahay ko?"

Umalis siya sa pagsandal sa aking mesa bago siya humarap sa akin."Oo, akala ko kasi naandoon ka. Hindi kita naabutan"

Narealize kong ang oa ng pagkabigla ko kaya muli akong umupo sa swivel chair bago kinuha ang ballpen ko para i-tap ito sa table.

"Diba sabi ko sa office tayo magkita?"

"Oo kaso inabutan ako ng kalikasan at saktong napadaan ako sa bahay noyo. Cathy is accomodating, pinapasok niya ako at pinakain pa ng luto niya" Sinasabi iyon ni Andrew ng may ngiti sa labi.

Tinaasan ko siya ng kilay. Bakit niya pinupuri ang asawa ko? Iniling ko ang ulo. Pake ko naman?

"By the way, hindi ba't maguusap tayo para sa pagfile ko ng annulment?" Pagpasok ko ng bagong usapan.

"Oo nga pala, about diyan nasabi ko kay Cathy na nagfile ka ng annulment"

"What?" May diin at gitla ang aking boses. "Why did you tell her?"

Andrew shrugged his shoulder before lazily look at me. "Para alam niya at makapaghanda na siya at isa pa, sasabihin mo rin naman diba? Inunahan ko lang"

Pinukol ko ng masamang tingin si Andrew. Plano kong sabihin 'yon kapag nakita ko na si Vanessa tapos gusto ko makita ang nakakaawa niyang mukha kapag iniwan ko na siya  "It's not your problem Andrew masyado kang nakikiela--"

"I like Cathy" 

I pursed my lips before look at him. "Really?"

Tumango siya.

I scoffed. Pambihira naman. Paano siya nagkagusto sa babaeng 'yon? Wala namang kagusto-gusto do'n.

"I actually want to say that I want to hit on her. Can I?"

"Ofcourse" agad kong pagsang-ayon. Wala naman akong pake kung gusto niya makipag-flirt kay Cathy.

By that, hindi ako mahihirapang makipaghiwalay sa kanya at para matuon naman ang pansin niya sa iba at para siya na din ang kusang humiwalay sa akin.

"Sabi mo 'yan ah? Wala ng bawian 'yan" He wants to make sure kaya naman sinabi ko ang pinaka-exact na word for assurance.

"Ofcourse I'm sure. I promise"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status