Share

3

Nagising ako na nakadantay pa din si Grey sakin at nakasiksik ako sa kaniya. Napangiti ako ng malaki at impit na tili ang pinakawalan ko. 

Ito na ata ang pinakamagandang gising na nangyari sa'kin sa loob ng anim na buwan naming pagsasama.

Ganito pala ang pakiramdam kapag magkatabi kami matulog.

I forced myself up to level our face. I stared at him while caressing his face. A smile appeared on my lips while watching him sleeping. Ito 'yong hobby ko. Ang tingnan siya sa umaga habang natutulog. Dito ko kasi siya napagmamasdan. Dito ko siya nahahawakan ng hindi siya magagalit.

Napatingin ako sa kaniyang labi. The red wet lips of him was salivating. Para itong isang pagkain na gusto kong tikman. Napalunok ako habang tutok na tutok ang mata ko sa kaniyang labi.

What If I take advantage of him while sleeping? It's just a simple kiss. 'Di naman siya siguro magigising.

Natatakot ako pero kailangan ko subukan. Baka kasi hindi na ako makasubok sa susunod.

Dahan-dahan kong nilapit ang aking labi sa kaniya hanggang maglapat ang aming mga labi. Kaagad akong lumayo pagkatapos.  Isa lang 'yong napakabilis na halik pero napakabilis  na ng tibok ng puso ko. Grabe, ang lambot ng labi niya.

Hindi ko masiyadong nafeel kaya susubukan ko ulit

I was about to kiss him again when I heard him hummed.

"Hm.." Mabilis na kumabog ang puso ko 'di dahil sa halik kundi dahil sa kaba nang maramdaman ko ang paggalaw niya.

Nanigas ako ng matindi at hindi huminga para lang hindi siya magising ng tuluyan.

I close my eyes tightly wishing that he won't wake up yet because I'm REALLY DEAD.

Did I wake him up because of my kiss? OH NO!

Nanigas ako sa takot kaya hindi ako makabangon. Patuloy akong inoobserbahan ang kaniyang paggalaw. Naramdaman ko ang paggaan ng aking katawan dahil nawala ang mga nakadantay sa akin. Mas lalo akong nanginig sa takot.

Omygod!

I'm so close of jumping of the bed  when I heard him snoring. I sighed in relief.

That was so close phew!

Bago ko pa ulit siya magising ay dali- dali ngunit tahimik akong lumabas ng kaniyang kwarto.

Doon ko lang naramdaman ang mabigat kong pakiramdam at pananakit ng buo kong katawan lalo sa bandang likod. Mukhang napasama ang tama ng likod ko kagabi. Siguradong may pasa ako doon. Icocold compress ko na lang mamaya. Nagtungo ako sa aking kwarto upang maligo. Pagkatapos kong maligo ay pumunta ako ng kusina at nagluto ng almusal ng asawa ko. Tinawagan ko din ang secretary niya at sinabing malalate siya. Pagkatapos kong iprepare ang kaniyang almusal ay sinunod ko ang susuotin niya sa pagpasok.

"Cathy!" He's already awake. Gusto ko mang mabilis na makapunta sa kaniya kaso naguumpisa ng bumigat ng pakiramdam ko.

"Cathy! What the hell?! Faster!" Hinigpitan ko ang kapit sa tray na may lamang pain killer para sa hangover, isang chicken soup at isang basong tubig. Kahit na ako ay  kinakabahan, nanatili pa rin ako sa mabagal kong paggalaw. I can't even run because of a heavy feeling.

"Ang bagal mo!" Umalingawngaw ang sigaw niya at bahagyang sumikdo ang takot sa aking katawan nang makita ko ang kaniyang mukha na galit na galit na nakatingin sakin.

"Ano na namang pabebe 'yan ha?! 'Di talaga pumapasok sa kokote mo ang mga sinasabi ko?" Yumuko na lang ako at ayaw kong magsalita pa. Nanghihina ako eh. Ngumiti na lang ako ng pilit.

"Uminom ka ng gamot para sa hangover----" Ang kaniyang malaking braso ay hinawi ang hawak kong tray at mabilis na tumilapon 'yon. Basag ang baso sa sahig, natalsikan din ako ng mainit na sabaw ngunit nagpapasalamat ako na hindi sa akin tumama iyon.

"Ang aga pero nag-iinit ulo ko sayo! Linisin mo yan!" Dinampot niya ang gamot at umalis na sa harapan ko. I sighed and start cleaning the mess. Tahimik akong naglinis. Pagkatapos kong maglinis ay nagtungo ako sa aking kwarto, sa maid's quarter.

Humiga ako doon at pinikit ang mga mata upang ipahinga. Pero hindi pa ako tumatagal ay nakarinig na naman ako ng sigaw mula sa kaniya. Dahil sa takot na masaktan, tumungo ako ng mabilis kahit masama na ng pakiramdam ko.

"Ayusin mo ang necktie ko" tumango na lang ako at mabilis na inayos ang necktie niya. Ito rin 'yong mga time na may halaga ako sa kaniya. Ako 'yong nagnenecktie sa kaniya dahil 'di siya gaanong marunong mag-ayos at masiyadong magulo kapag siya ang gumagawa. Pero gustuhin ko mang sulitin ang moment na ito wala ako sa mood. Masama ang pakiramdam ko.

"Ano? Matagal pa ba yan?" Naiinip niyang tanong.

"Okay na" kaunting hila pa pataas ng necktie bago ko iyon binitawan. Napatingin ako sa kaniya ng maramdaman ko ang titig niya sakin. "Bakit?" Tanong ko.

"Namumutla ka" mahina niyang pagkakasaad at umiwas ng tingin.

"Ah?" Napatingin ako sa salamin at oo nga, namumutla nga ako.

"Tsk" Napatingin ako sa asawa ko ulit. He was glaring at me that's why I avoided his stare.

"Halika nga dito!" Pasigaw iyon.

Lumapit ulit ako sa kaniya at nilisan ang pagkakatingin ko sa salamin.

"Bakit? M-may kailangan ka pa?" Actually gusto ko na talagang humiga dahil nahihilo na ako at feeling ko babagsak na ako kahit anong oras. Itinaas niya ang kamay niya kaya napaatras ako bago napapikit. Baka susuntukin na naman niya ako

But something weird happened at this moment.  Instead of punching me, he put his hand on my forehead.

"Fuck! You're so hot!"  he cursed. Para iyong isang magic word na nagpahina ng tuhod ko dahilan para matumba ako. Swerte ko lang talaga at nasalo ako ng asawa ko.

"Grey...." Nanginginig na ang labi ko at mas lalong naramdaman ang lamig sa buo kong katawan pero ramdam ko rin na pinagpapawisan ako.

"Oh fuck! fuck!" Umangat ang mga paa ko mula sa lupa at alam kong binubuhat na ako ng asawa ko. Bawat hakbang ay rinig na rinig ko ang matatalas niyang mura bago ako mawalan ng malay.

_________

Nagising ako sa isang puting silid at amoy panghospital.

Teka bakit nga ba ako naandito? Ano bang nangyari?

Inisip ko muli ang mga nangyari bago ako mawalan ng malay. Nag-aayos ako ng neck tie ni Grey tapos hinawakan niya ako at bigla akong natumba pagkatapos ay binuhat ako ng asawa ko bago ako nawalan ng malay.

"Buti naman gising ka na bitch"

Tumingin ako sa bagong pasok na si Hannah. Hannah is my bestfriend and the only person who knew my secret about being a battered wife.

"Hannah, anong ginagawa mo dito?" Ibinangon ko ang kalahating katawan at agad naman siyang dumalo sa akin para ako'y tulungan.

Umikot pa paningin ko habang bumabangon.

Shit! I feel weak today.

"Your husband called me. He asked me to stay with you here in the hospital because your stupid husband can't"  May kinuha siyang folding bedside table at inilagay iyon sa aking harapan. Pagkaset-up niya ng table tsaka niya nilagay ang tray ng pagkain, tubig at gamot.

"May fatigue ka." Bumuntong hininga siya bago padabog na kinuha ang isang upuan upang umupo sa aking tabi. Yumuko ako lalo na nang maramdaman ko ang inis niya. I feel it.

"Masama ang pakiramdam mo dahil sa sobrang bugbog at pagod ng katawan mo. Really Cath? Are you for real? Bakit ka nananatili sa gago mong--" pinikit niya ang mata at bahagyang minasahe ang kanyang sentido. "How could you let him destroy you bitch?"

Ramdam ko ang galit ni Hannah. Alam kong pinipigilan niya lang dahil nirerespeto niya ako as her friend and I really appreciate that.

I reached her hand, holding it tightly. "Sorry bitch but you know I can't..." Umiling ako sa kanya.

"Paano mo natitiis huh? Gago 'yang asawa mo. Tingnan mo ang itsura mo. Ang dami mong pasa at napakaputla mo. Ang taas ng lagnat mo nang dinala ka dito ng asawa mo. Paano kung may malalang mangyari pa sa'yo ah? Hindi ka ba natatakot?"

"I am.." gumaralgal ang boses ko. "I'm scared. Yes I am, bitch. I don't know what Grey are capable of but I'm more afraid to lose him. I can't let him go. You know t--"

"You are pathetic" Hannah cut me off as she left out a heavy sigh.

Mapait akong ngumiti. "I'm not gonna deny that"

Tumahimik ang paligid. Walang nag-usap sa amin ng ilang segundo. Ako ay nakayuko at pinaglalaruan ang aking mga daliri habang si Hannah na nagpapalipas ng galit niya ngunit hindi iyon nagtagumpay.

"Arrgh! Inis na inis talaga ako sa asawa mo bitch. Can I atleast beat him up a bit? He deserve it! Or maybe I'll  kill him. Darn it! He's getting into my nerves."

"Alam ko Hannah pero 'di ko gugustuhing saktan mo ang asawa ko"

Sinamaan niya ako ng tingin. "Ayan! Sige magpakatanga ka pa. Talagang pinagtatanggol mo pa 'yang asawa mong walang modo."

"Hey, hindi siya walang mod--"

"Just shut up. Wag mo ipagtanggol ang gago mong asawa" Tinakpan niya ang kanyang magkabilang tainga. "I don't want to hear your stupidness and obssession about that fucking man--"

"He is not just a man, he has a name. His name was Gr--"

"Jusko! Malala ka na bitch"

Ngumuso lang ako bago ginalaw ang pagkaing hinain niya sa akin. Alam kong gago ang asawa ko pero ayaw ko paring naririnig sa iba na sinisiraan siya o pinagsasalitaan ng masama. That's my husband, it's my duty to defend him kahit sa bestfriend ko pa.

"Bitch" tawag ko ulit sa kanya.

"Hmm?" She is now busy on her phone but still respond.

"Where is my husband?"

Kita ko ang paglingon niya sa akin pero agad ding bumalik sa phone ang tingin niya. Hindi siya sumagot pero may ipinakita siya sa akin. Isang I* story. Story ni Andrew, isa sa mga kaibigan ni Grey.

Nasa isang exclusive bar sila at nagsasaya doon. Nahirapan akong lumunok at agad na iniwas ang tingin doon.

"See? 'Wag mo ng hanapin ang asawa mo. He's busy having fun. He's not worried of you"

Mukhang tuluyan ng nainis si Hannah kaya nagpaalam muna itong lumabas.

Natira ako sa loob at pinagpatuloy ang pagkain ngunit nahihirapan ako itong lunukin. Parang may kung anong bagay na nakaharang sa aking lalamunan.

"Dapat hindi ka na nag-expect Cathy" usal ko sa sarili habang nararamdaman ang pagbigat ng pakiramdam. "Dinala ka lang niya sa hospital. That's it"

Kinalma ko ang sarili bago tinapos ang pagkain at tumitig na lang sa kisame habang dahan-dahang lumalabas ang tinatagong luha sa aking mata.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
KCarla Castro
para sakin kahit sobrang mahal ko ang asawa kung pysical na ang pananakit ibang usapan na un lalayasan q yan lol...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status