Share

Stealing The Billionaire
Stealing The Billionaire
Author: FaithLovelle

Chapter One

"Hoy Geneva! Nasa'n na ang bayad mo sa utang mo?! Sabi mo no'ng nakaraan sa katapusan, nagpalit na ng buwan at magkakatapusan na naman!" sigaw ng isang ginang sa dalagang padaan.

"Hindi makapaghintay? Kala mo hindi babayaran?" Huminto pa ito at pumamewang bago mataray na sumagot.

"Aba! At ikaw pa ang matapang ha? Kapal ng mukha mo hoy!" Handa na siyang sugurin nang may edad na ginang kung hindi lamang inaawat ng mga ka-chismisan nito.

"Wala akong balak makipagtalo sa inyo Aling Martha, babayaran ko kayo. Matuto kayong maghintay! Male-late na ako, babu!" Saka dali-dali itong sumakay sa tricycle na pumarada sa harap niya. Bago umalis ang tricycle ay umirap pa siya sa mga matatandang chismosa ng lugar nila. 

"Mukhang inaaway ka na naman ni Aling Martha ah!" natatawang bati ni Jason, tricycle driver na kababata niya.

"Oo nga eh! Akala mo hindi babayaran, hindi makaintindi!" 

"Kung sinasagot mo na kasi ako, eh 'di sana ay may katuwang ka na sa buhay mo," pagpapalipad hangin ng binata sa kaniya.

"Kuu! Tigil-tigilan mo nga ko! Sa'yo nga lang eh baka kulang pa ang kinikita mo sa pagpasada gusto mo pa kong maging girlfriend? Itong ganda kong 'to, para lang 'to sa mga mayayaman! Mahirap na nga ako eh, papatol pa ba naman ako sa mahirap din? " Tahasang sagot ng dalaga sa lalaki na hindi na nakakibo.

Siya si Geneva Ferrer, bente kuwatro anyos at mag-isa na lamang sa buhay. Mataas ang pangarap niya at wala siyang hindi gagawin makaalis lamang sa kahirapan.

Napakaganda niya, may taas na pang modelo at balingkinitan ang katawan. Kutis porselana at talaga namang lahat ng madadaanan niya ay napapalingon sa lakas ng dating niya.

Masipag man rumaket at magtrabaho ay hindi pa rin makaranas ng ginhawa sa buhay. Hindi kasi siya nakapagtapos ng kolehiyo dahil maaga siyang naulila. Dahil doon ay nahihirapan siyang humanap ng trabaho na may malaking sweldo. 

May isa siyang hindi magandang ugali, target niyang humanap ng mga mayayaman na makakarelasyon niya na sususporta sa mga luho at sa lifestyle na gusto niya. Wala siyang pakialam kasehodang maging kerida siya basta naibibigay ang gusto niya.

"You're almost late!" sita sa kaniya ng boss niya.

"Sorry, medyo na-traffic!" sagot niya saka nagmamadaling pumasok sa staff room para magbihis ng kanilang uniporme.

"Darating ngayon si Mrs. Tamara De Fuego at gusto ko, ikaw ang mag-asikaso sa kaniya Geneva." saad ng boss niya.

"Sino po si Ma'm Tamara?" Tanong ng dalaga.

"Isa siya sa mga VIP customer natin. Asawa ng isang business tycoon. Napakabait, napakaganda at napakagalante magbigay ng tip. Every two weeks iyon nandirito para magpalinis ng kuko at wala siyang ibang kulay na gusto kung hindi pula. Huwag na huwag mo siyang susugatan okay?" Bilin pa nito sa kaniya.

"Sure! Don't worry!" paninigurado niya.

Bandang alas-kuwatro ng hapon nang pumasok ang isang napakagandang babae sa salon na pinagtatrabahuhan niya, kung tutuusin lahat ng staff doon ay kilala na ito kaya siya na lamang ang parang manghang-mangha sa ganda ng babaeng nakita dahil bago pa lang siya roon. 

Para itong manika sa suot nitong simple pero eleganteng dress, matangkad, sexy at blonde ang buhok. Umaalingasaw din ang bango nito na amoy imported. 

"Hindi naman malayo ang hitsura namin, mukha lang siyang class at mayaman pero kung sa ganda at katawan lang din naman may ibubuga rin naman ako." Paismid na bulong ni Geneva sa sarili, may inggit na nararamdaman.

"Good afternoon madam! Our pleasure to have you once again in our humble salon!" Tuwang-tuwang bati ng boss niya.

"My pleasure too Sonia, I have no reason para hindi bumalik dito," nakangiti nitong sagot na nakapagpamangha na naman sa kaniya dahil sa sobrang kalmado at lambing ng boses nito.

"Paano kaya ito magalit?" natatawang tanong ni Geneva sa sarili.

"By the way this is Geneva, she will be your nail technician for today. Naka-leave na si Jenny dahil malapit na manganak but don't worry, she was trained just like how Jenny was trained kaya you're in good hands. Hindi ba Geneva?" saad nito sabay hila sa kaniya.

"A-ah yes ma'am! Don't worry po. Safe po ang nails niyo sa akin," sagot ng dalaga.

"Don't worry, I trust you guys. Walang problema kahit sino ang i-assign mo sa akin. Hi Geneva! You're so pretty, bagay ka mag-artista!" Puri nito sa kaniya kaya nakaramdam naman siya ng tuwa. 

Inakay niya ang dalaga para makaupo na ito at saka nag-umpisa siya sa paglinis ng kuko nito. 

Wala siyang maipintas sa babae, parang ito ang mismong depinisyon ng salitang perpekto. 

Magiliw itong nakipagkuwentuhan sa kaniya at natural na natural lamang, walang kiyemeng humahalakhak kaya nalibang rin si Geneva. 

Kapwa sila natigilan nang mag-ring ang telepono nito.

"No, you don't have to pick me up. Mang Kaloy is with me together with your guards," mahinhin na ani ni Tamara sa kausap sa telepono. Malambing man ang boses ay mukhang wala ito sa mood makipag-usap dahil sa bahagyang pagsimangot nito. 

"LQ?" tanong ni Geneva sa kaniya matapos nitong ibaba ang tawag. 

"No, I just felt suffocated. Alam mo 'yon? Wala pa akong isang oras na nandito and yet he's checking on me na. Bukod sa personal driver and body guard whose always with me anywhere I go, may private body guards pa yan na nakabuntot sa akin, kulang na lang lagyan ako ng tracker sa katawan," kwento nito. 

"Hindi mo ba gusto 'yong gano'n madam? Nakakainggit ka nga eh mukhang mahal na mahal ka ng asawa mo. You are so pretty and rich, you can do and you can buy all you want," halata nga ang inggit sa boses ni Geneva.

"Well I'm not rich, Tristan is," walang ganang sagot nito na ang tinutukoy ay ang asawa. 

"Ganoon din 'yon madam asawa ka niya eh, kung ako 'yan sobrang saya ko siguro at wala na kong mahihiling pa. Magsashopping ako ng mag sa-shopping!" Tila nangangarap pa na saad ni Geneva. 

"Hindi ko naman kailangan 'tong mga ito. I just want a simple and peaceful life."

Bago pa sumagot si Geneva ay napalingon sila sa pinto dahil sa pagtunog ng door chime, senyales na may pumasok. 

Halos tumulo ang laway ng dalaga sa pagkakaganga dahil sa sobrang guwapo ng lalaking pumasok. 

Naka business suit ito at matipuno ang pangangatawan, matangkad na tila isang basketball player. Mestiso na may kulay brown na mga mata at napakatangos ng ilong. He looks like a God!

"Shit ang guwapo!" Hindi na napigilan ni Geneva na ibulalas ang nasa isip. 

Naglakad papunta sa gawi nila ang lalaki kaya naman halos hindi na mapakali si Geneva kung paanong pa-cute ang gagawin niya. 

"I told you, you don't need to pick me up."

Napalingon si Geneva kay Tamarra at talaga namang labis ang inggit na naramdaman niya ng makitang humalik ang lalaki sa customer niya. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status