Share

Chapter Five

Isang hapon na nasa salon muli si Tamarra dahil sa regular na pagpapalinis ng kuko ay nabanggit ni Tamarra na nangangailangan ng sekretarya ang asawa.

Nakita itong pagkakataon ni Geneva kaya naman gusto niya itong gamitin para magkaroon siya ng dahilan para madalas na makita ang lalaki.

"Kung nakapagtapos lang sana ako ng kolehiyo ay mag-aapply ako bilang sekretarya, kaso hanggang first year college lang ako eh." pagpapaawa ni Geneva kay Tamarra.

"Gusto mo ba? Puwede kitang ilapit sa kaniya," pagpepresinta ng mabait na babae. 

"Opo sana, sino ba naman ang may gusto na habang buhay magkudkod ng kuko? Pero alam ko naman na malabo, syempre kilala siyang business tycoon. Parang hindi naman tama na katulad ko lang ang maging sekretarya niya," malungkot pang saad nito.

"Hey! Don't be too harsh on yourself okay?"

Nag-dial sa kaniyang telepono ang mabait na babae upang tawagan ang asawa.

"Hi hon, may nakuha ka na bang secretary? Wala pa? May irerekomenda sana ako eh, kung okay lang. Yes, papupuntahin ko siya bukas okay? Sure. Thank you! Same here."

"Okay na, mag-report ka sa opisina niya bukas. If you still don't know the address I'll send you okay? Pero huwag kang maingay kay Sonia baka magtampo siya sa akin."

Labis ang galak ni Geneva, at kaagad siyang nagpasa ng resignation sa salon. Bukas ay isa na siyang sekretarya sa isang malaking kumpanya. 

Halos hindi siya nakatulog sa sobrang excitement dahil after ilang linggo ay muli na niyang makikita si Tristan at hindi lang iyon araw-araw na niya itong makakasama. 

Pagkakataon na niya ito at hinding-hindi niya ito sasayangin. 

Pagdating sa opisina ay agad siyang nagpakilala. Sinalubong siya ng isang may edad na babae na siyang sekretarya talaga nito na magreresign na dahil kukunin na ng anak na nasa ibang bansa. 

"Napakaganda mo naman iha, aba ay para kang artista." papuri sa kaniya nito. 

"Hindi naman po, salamat po."

Kasalukuyang nasa board meeting si Tristan noong dumating siya at may pansamantalang sekretarya siyang kasama para ma-train siya ng maigi sa araw na iyon. 

"Mabait si Sir Tristan pero ubod 'yan ng pagka-istrikto. Ayaw niya ng mabagal, ayaw niya ng tanga, ayaw niya ng iyakin. Kung hindi ka sanay makarinig ng masasakit na salita kapag nagkamali ka at kung mahina ang loob mo ay mag-isip-isip ka na." Saad ng matanda. 

"Ang pinakatrabaho mo ay unang-una pag-ayos ng schedule niya. Lahat ng meeting at appointments ay ise-set mo with his approval. Kapag may tumawag para magpa-appointment let him know first para hindi na sila mag-aksaya ng panahon na pumunta dito kung ayaw naman pala sila kausapin ni Sir."

Nagtuloy-tuloy ang araw na iyon at talagang nag-focus siya sa mga tinuturo ng butihing ginang. Gusto niyang ma-impress si Tristan sa kaniya para mapansin siya nito. 

Pagsapit ng pananghalian ay dumating si Tristan. 

"You? What are you doing here?" takang tanong nito.

"She will be your new secretary Sir, she's recommended by your wife." nakangiting paliwanag ni Mommy Fe. 

"Good after noon sir, I am Geneva Ferrer your new secretary. Nice to meet you!" Pormal na saad ni Geneva saka inilahad ang kamay. 

Tiningnan lang siya ni Tristan mula ulo hanggang paa saka tinalikuran. Napapahiya naman niyang, binaba ng dahan-dahan ang kaniyang kamay. 

"Sabi ko sayo eh, may pagkasuplado si Sir. Huwag mo na lang pansinin, masasanay ka rin. Malaki ang sahod dito, sa loob lang ng ilang buwan makakaipon ka kung masinop ka sa pera."

Hindi na lang siya kumibo at nag-focus na lang sa mga tinuturo sa kaniya hanggang sa lumipas ang araw na iyon.

Pakiramdam niya ay pagod na pagod siya ngunit kahit ganoon ay masaya siya. Bukas ay sasama na sila sa mga meeting para ma-train siya kung paano ang trabaho niya. 

Mabilis na lumipas ang mga araw at tuluyan ng umalis si Mommy Fe. Opisyal na siyang sekretarya ni Tristan at aminado siya na hindi madali ang trabaho niya. Hindi pala madali maging negosyante, sobrang busy niya. At mas lalong hindi madali maging secretary ng isang Tristan Miguel De Fuego. Kung hindi lang siya determinadong mapalapit dito ay magreresign na siya. Ganoon na lang siya nito sigaw-sigawan sa tuwing nagkakamali o may nakakaligtaan siya. Masyado itong perfectionist.

Gabi na pero ang dami pa nilang gagawin at silang dalawa na lang ang naiwan, pinapauwi na siya nito pero natural ay hindi siya pumayag. Gusto niyang kunin ang pagkakataon para masolo ito. Pumasok siya sa opisina nito para iabot ang tinimpla niyang kape at naabutan niya itong nakasandal sa kaniyang swivel chair at nakapikit. 

Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa likod nito at marahang minasahe ang mga balikat nito. 

Nung una ay napapitlag ito pero di kalaunan ay nagpaubaya na rin at bahagya pang napapaungol. 

Inilapit niya ng bahagya ang mukha niya sa tenga nito saka mapang-akit na bumulong na nagbigay ng kilabot sa buong katawan ni Tristan

Laking gulat niya ng bigla siyang hilahin nito kaya naman napaupo siya sa kandungan nito. 

Nagkatitigan sila, kapwa namumungay ang mga mata saka naglapat ang mga labi.

Sa kabilang banda ay naiinip na sa kahihintay si Tamarra sa asawa dahil may usapan silang aalis at kakain sa labas. Naiinis siya dahil para siyang bilanggo sa sariling pamamahay at minsan na nga lang siya lalabas ay papalya pa ito sa usapan. 

Masama ang loob nagbihis si Tamara at hindi na naghintay pa sa asawa niya. 

"Thank you for tonight," saad ni Tristan matapos ihatid si Geneva sa tinutuluyan nito. 

Nanatiling tahimik ang dalaga habang nakayuko kaya marahang iniangat ni Tristan ang ulo nito at hinarap sa kaniya. 

"What's the matter?" 

"I just felt guilty, napakabait ni Ma'am Tamarra sa akin and this is what I did in return," pag-arte ni Geneva. 

"Don't think about it. She wouldn't know," pang-aalo nito sa kaniya. 

"What do you mean?" 

"Nothing. Good night. I'll see you tomorrow. Don't be late," saad nito saka siya hinila at hinalikan. 

Para siyang nalalasing sa mga halik nito at parang nakalutang sa alapaap siyang naglakad papunta sa bahay na tinitirhan niya. 

Pagkasarang-pagkasara niya ng pintuan ay para siyang tangang nagtitili sa sobrang saya at kilig. 

Nararamdaman na niya na malapit na siya sa goal niya at wala ng paglagyan ang galak niya. 

Thank you Lord! Sa wakas! Umaayon na rin sa akin ang panahon. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status