Share

Chapter 3- Scheme Plan

Tumama sa malaking puno ang sinasakyang kotse na dina drive ni Maria at hindi pa malaman kong nakaligtas ba siya. Dinala siya sa pinakamalapit na ospital ng mga taong nag magandang loob para tulungan siya. Kasalukuyang nirerevive siya ng mga doctor lalo na't biglang nag flatline ang monitor sa screen. Punong puno rin ng bugbog ang kan'yang katawan nasugatan rin ang mga braso niya at nanganib ng sobra ang buhay niya. Marami ring dugo ang nawala sa kan'ya.

Nang i-dedeclare na nang doctor ang time of death. Bigla siyang kumilos, naigalaw niya ang isang daliri niya. "Patient ha a vital sign." sabi ng doctor. Kinuha ulit nito ang electric shock machine para ipress sa chest niya hanggang sa maka ilang press ang doktor biglang umayos at bumalik ulit ang pagtibok ng puso nito.

At ngunit himalang nabuhay si Maria. Nagulat na lang ang mga doctor nang biglang nagkaroon siya pulse rate at heart beat ulit ito. Pansamanatalang tumigil ang tibok ng puso ni Maria ng ilang segundo. Buong akala ng mga doctor ay patay na siya. Kaya maitatawag na isang milagro ang pagkakabuhay niya.

ONE WEEK LATER

She's back and ready to work again. Walang kaalam alam si Maria sa masamang plano ng Mommy at ate niya para sa sirain siya sa kan'yang Daddy. Lahat gagawin ng mga ito mapatalsik lamang siya sa Mansyon. At sa buhay ng kan'yang Daddy. Ang kaisa-isang taong minahal siya sa kanilang pamilya.

Kasalukuyang kausap ng Mommy niya ang inutusan nito sa mga plano niya.

She dial unregistered number on her phone. Para, nga namang walang bakas kong sakaling madawit siya if ever. Mautak ang Mommy niya at ganon rin siya ka tuso.

"Hello, Dwight. Nagawa mo ba ang pinag uutos ko sayo? Na transfer muna ba ang perang pinapa transfer ko sayo sa account ni Maria? Naiintindihan mo ba?" tanong nito sa tauhan.

"Yes! Yes! Madam, nagawa ko na ang gusto niyo. Na-i-transfer ko na ang lahat ng perang sinasabi niyo. Sampung Milyong piso at walang labis at kulang 'yon." sagot naman ni Dwight.

"Goods! Maasahan ka talaga, Dwight. Sige, isesend ko na lang ang bayad mo sa bank account mo." wika nito, habang pangiti ngiti pa na naka upo sa kan'yang opisina. "Kong ito lang ang paraan para mapatalsik kita sa buhay naming lahat gagawin ko. Sisirain kita sa Daddy mo para hindi na siya magtiwala pa sayo kahit kailan." ani nito sabay tawa ng malakas na parang wala ng bukas kasabay ng pagsimsim ng alak niya. Ngayon pa lang nagse celebrate na siya sa pagkawala ni Maria sa buhay nila ng kan'yang anak.

Maria worked for eight hours to Montefalcos building. Medyo hindi pa nga magaling ang mga sugat niya pero, kailangan na rin niya kasing magtrabaho. Wala siyang allowance na magagamit kong hindi siya babalik agad sa pagta trabaho. Hindi kasi siya nang hihingi o umaasa lang sa bigay ng Daddy niya. Namulat siyang bawat gusto niya ay pinag iipunan niya. Hindi siya palahingi na katulad ng ate Mary niya na napaka spoiled brat sa Mommy nila. Lahat yata ng uso meron siya. Samantalang siya kailangan niyang paghirapan lahat ng mga bagay na meron siya. Kaya hanggang ngayon ang mga pangangailangan niya ay kinukuha niya sa sahod niya sa Montefalco bilang executive directress ng kumpanya.. Actually, kaka promote lang din niya two months ago and that is because, of her dedication and hard work.

Nakaupo siya sa swivel chair ng opisina niya ng pumasok ang secretary ng Daddy niya na si Paulina.

"Hi! Ma'am, gusto niyo bang gawan ko kayo ng coffee?" alok nito sa kan'ya.

"Paki nga, please." sagot niya kay Paulina.

"Okay, Ma'am!" sagot nito, bago tumalikod at lumabas paalis ng opisina niya. Naiwan naman siyang nag-iisip. Napatingin siya sa calendar scheduled niya. Sunod sunod pala ang meeting niya hindi niya alam kong kaya niyang puntahan ito ngayong medyo hindi pa okay ang pakiramdam niya. Inisa-isa niyang basahin kong sino-sino ang imi-meet niya at kong saan-saang lugar ito. Mostly nasa states ang meeting niya. Nang bumalik si Paulina, binaba na nito sa desk niya ang coffee niya. "Salamat, Paulina." wika niya.

Nilaro laro niya ang pointed pen na kanina pa niya hawak. Katatapos lang niya kasing mag sign ng mga files na kailangan nang approval niya para masimulan na mga architect at engineer ang nasabing lupa na pagtatayuan ng bagong project na subdivision na pagmamay-ari nila. Ang Sunrise Subdivision. Bakit nga ba Sunrise, simple lang ang lugar kasi na 'yon ay nasisikatan ng araw at sabi nga swerte ang lugar o isang bahay kapag nasisikatan parati ng araw lalo na sa umaga.

Maya maya lang nakareceived siya ng text from engineer Policarpio. Sinabi nito na kailangan siya sa sites bukas, para i-check kong approve na ba sa kan'ya ang mga design ng architect or kong may kailangan pa bang baguhin o wala na. Nireply-an niya lang ito ng simpleng; "Okay." sabay tago na ulit nang cellphone niya sa shoulder bag.

Muli niyang sinimsim ang coffee niya na kahit papaano nakatutulong sa kan'ya para marelax ang kan'yang pakiramdam after a long office work kong minsan OTY pa. Hindi kasi siya nagpapabayad pa, for what pa sa Daddy naman niya ito kumpanya. Habang nagba browse siya ng mga videos sa laptop niya. Ito kasi ang ginagawa niya para magpatay ng oras sa opisina niya. Ayaw naman niyang umuwi ng maaga sa Mansyon at naiirita siyang makita ang ate niya at si Primo. Gayong namatay ang anak nito mas naging clingy ang ate niya kay Primo na akala mo aagawan lang. Wala na rin naman siyang balak na bawiin si Primo sa ate niya. Nasisi pa nga siya ng lahat kong bakit namatayan ito ng anak. Siya naman 'tong nanugod sa akin at nanahimik ako.

Matapos kong magpatay ng oras sa loob ng opisina at kailangan ko ring makabalik ng Mansyon para, bukas aalis na naman ako pa L.A.

"Paulina, ikaw nang bahala dito ha." bilin ko sa secretary ni Dad, na parang secretary ko na din.

Lumabas ako ng opisina at naglakad patungong elevator..

Wala akong kamalay malay na sa pagtunog ng cellphone ko ay magbabago lahat ng takbo ng buhay ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status