Share

Chapter 2- Painful

Maaga pa lang nagising siya sa ingay na nagmumula sa baba. Gusto man niyang sumilip kaso inaantok pa talaga siya, kauuwi niya lang kagabi galing kasi siyang Spain, dahil nautusan siya ng kan'yang Daddy na mag business venture at makipag usap na din at deal sa mga bagong business partner nila.

At kahit antok pa nga napilitan siyang bumangon, dahil na rin sobrang ingay talaga ng mga tao na nasa ibaba.. At naiistorbo ang mahimbing niyang pag tulog.

Pababa na siya ng hagdan at palakas na ng palakas ang ingay sa ibaba. Naabutan niyang nagkakasiyahan na ang lahat. Nangunguna pa ang ate niya. Paakyat na sana siyang muli ng tinawag pa siya ng pesteng ate niya na abot langit ang ngiti na naka abrisyete pa kay Primo. As if naman aagawin niya si Primo sa kan'ya. Saksak niya sa baga niya. Hindi na naman siya namumulot ng basura.

"Maria, come here. Let's join us." tawag niya sa akin. As if naman may pakialam ako sa kan'ya. At nang si Daddy na ang tumawag sa akin, napababa na ako. Kitang kita ko sina Auntie at Uncle ang mga magulang ni Primo na parang magulang ko na rin. Siguro, nagtataka rin sila kong bakit nagkagulo kami ni Primo. At nagkahiwalay at tiyak niyang nakarating na rin naman dito ang masamang balita at wala na siyang dapat ipaliwanag pa. Alangan namang sabihin niya na; "Auntie, Uncle, nangati kasi ang anak niyong si Primo, kaya naghanap ng kakamot. Ayaw naman niyang maging bastos sa mga tinuring na rin niyang pamilya.

"Hija, come here. Nag-uusap kasi kami nila balae. Ikakasal na si Mary at Primo sa katapusan nitong buwan." masayang nakangiti pang ibinalita sa akin ng Mommy ko. Napaka insensitive niya talaga, knowing she knows from the start boyfriend ko ang inahas ng haliparot niyang paboritong anak. Hindi ko pinansin ang sinabi ng aking Mommy. Binalingan ko at inasar si Mary para sirain ang mood niya.

"Wow! Congratulations. Finally, sis isasakal ka na, ay este ikakasal." wika ko. Sabay baling ng tingin kay Primo. "Congrats din my ex- boyfriend sana tumino ka na gayong magiging Ama ka na din.." wika ko at mas diinan pa ang salitang my ex-boyfriend.

"I'll go ahead guiz. Naalala kong may lakad pa pala ako. Bye! Dad." wika ko sabay paalam kay Daddy. Ang taong may pakialam pa sa akin.

Taas noo akong naglakad palayo sa kanila at umakyat sa taas. Bumalik ako ng kwarto para magkulong. Doon ko binuhos ang sama ng loob ko sa mga taong sinaktan ako.

Nakahiga ako sa kama ng biglang katukin ako ng malakas sa labas.

Napilitan akong bumangon kahit ayaw ko. Naglakad ako para buksan ang pintuan. Doon ko nakita ang mukha ni Mary na galit na galit. Ano na naman kayang problema ng isang 'to.

"What??? Look kong makikipag away ka sa akin. Wala akong time okay. Makaka alis ka na at magpapahinga pa ako." ani ni Maria.

"Bastos ka ba talaga??? Talagang gusto mong siran ang araw ko??" tanong niya na galit na galit.

"A..Ano bang pinagsasabi mo?? Umakyat ako dito para magpahinga at isa pa hindi naman ako kailangan doon." sagot ko dito. Ano naman gagawin ko doon, makipag plastikan sa kanila.

"Dahil sa kaartehan mo hindi natuloy ang usapan. They are leaving." sagot niya sabay hila ng buhok ko. Ayoko sana siyang patulan pero, sumusobra na siya. Hinila ko din ang buhok niya at nagsabunutan kaming dalawa at hindi ko inasahan ang susunod na mangyayari bigla ko siyang natulak at tumama at tummy niya sa kanto. Napa hawak siya sa tummy niya at nangatog bigla ang tuhod ko ng makitang may umaagos na dugo sa mga hita niya at namimilipit siya sa sakit.

Agad niyang tinakbo ang nakahandusay sa lapag na si Mary.

"Help! Help meeee! Help.." sigaw nito.

"Mary, what happened??" tanong niya at bakas sa mukha ang pagkakagulat.

"My baby! Huhuhu!" malakas na palahaw nito at mismong siya at nagulat. Hindi niya alam na duduguin ito kong alam niya lang hindi na niya sana pinatulan ang ate niya.

"Help! Help us!!" malakas na sigaw ni Maria para makahingi ng tulong.

Tamang tama naman na bumalik si Primo sa loob at may nakalimutan siya. Gusto rin sana niyang maka usap si Maria at kahit siya ngayon ay gulong gulo sa nangyayari. She loves Maria so much, hindi niya lubos akalain na bibigay siya sa isang beses na pang-aakit ng ate Mary nito at ang masaklap pa doon nahuli mismo ng girlfriend niyang si Maria na hubo't -hubad silang dalawa at ngayon buntis na din ito. Ayaw niya sanang panagutan ang ate Mary nito, kaso mapilit ang Mommy nito at nag sadya pang pumunta sa mga parents niya para manakot. Ayaw daw nilang maging disgrasyada ang anak nila. Kaya kanina ng makita niya si Maria, halos madurog ang puso niya. Alam niyang sobrang nasaktan ang babaeng pinakamamahal niya ng walong taon. He planned to proposed na sana kong hindi nangyari ang lahat.

Nang makita ang hinahanap paalis na sana siya ng marinig niya ang boses ni Maria. Kaya agad siyang tumakbo paakyat at sinundan ang sigaw nito. Nagulantang siya ng makitang puro dugo ang hita ni Mary habang naiyak naman si Maria.

Napalingon si Maria sa may pintuan at nakita si Primo na nakatayo.

"Anong tinatayo tayo mo dyan, help us.." malakas na sigaw niya dito.

Nang marinig ni Primo ang boses nito nataranta siya imbes na si Mary ang mabuhat si Maria ang bubuhatin niya.

"Ano ka ba naman Primo, hindi ako ang dadalhin sa ospital. Ang future wife mo." mas diniinan pa niya ang salitang wife.

Nadala sa ospita si Mary at naligtas ngunit patay na ang batang nasa sinapupunan niya.

Pagpasok ni Maria sa loob. Nagsisigaw si Mary na; "Ilayo niyo sa akin ang mamatay tao na 'yan." naghihysterical na sigaw nito.

Napatayo ang Mommy nila at nakikinig sa sinasabi ng ate Mary niya.

"Anak, Mary, please calm down. Makakasama sa kalagayan mo yang ginagawa mo.." saway ng Mommy nila.

"P...Paano ako kakalma Mom, nakikita ko ang babaeng pumatay sa anak ko. Ang kawawa kong anak." wika nito na umiiyak sabay turo kay Maria.

"Anong pinagsasabi mo anak? Anong si Maria ang pumatay sa anak mo?" naguguluhang tanong ng Mommy nila na masama na ang tingin kay Maria ng oras na 'yon.

"Sinugod niya ako, sinabunutan at tinulak kaya na out of balance ako at tumama ang tummy ko. Mamatay tao yan. Huhuhuh!" sagot ni Mary na halatang nagpapa awa sa mga mata ni Primo at ng Mommy nila.

"No! Hindi yan ang nangy--" hindi na niya nasabi ang gusto pang sabihin, dahil isang nakakabinginging sampal ang ginawad ng kan'yang Mommy sa kan'ya. "Shut! Up! At kahit ano pang sabihin mo, hindi mo na maibabalik ang buhay ng apo ko. Mamatay tao ka.." malakas na sigaw ng Mommy nila na hindi man lang siya pinakinggan kahit ngayon lang. Kunsabagay, ano pa bang inaasahan niya dito. Mula noon naman hindi siya nito pinakinggan.

Lumabas siya ng kwarto at nagtatakbo palabas ng ospital. Sumakay siya ng sasakyan at pinaharurot ito ng mabilis ng mabili at halos mag over speeding na din siya. Naririnig na niya ang sirene ng mobile car ng pulis ngunit hindi niya ito pinansin at nag drive lang siya ng nag drive hanggang sa mawalan ng break ang sinasakyan niya at napasigaw na lang siya ng malakas. "Waaaaaaaahhhhh."

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Janet Reodava
kawawang Maria..
goodnovel comment avatar
crist.a
Nako sana Buhay ka pa Maria
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status