Share

Chapter 6- Embarrassment

After kong mapalayas sa Mansyon nag rent muna ako mg condo kong saan malapit nakatira ang bestfriend kong si Georgina na siya lang naman ang palagi kong takbuhan mula noon. Mabuti na lang may umalis sa kabilang unit at na occupy ko agad. Habang nag-aayos ako ng gamit ko panay naman tsika sa akin nito.

"Ano na girlash, sabi ko sayo noon mo pa layasan yang bruha mong Mommy at evil witches sister. Gaga ka kasi hindi ka nakikinig sa akin. Yan tuloy ang napala mo." paninisi pa nito sa akin. Imbes na magmalasakit sa akin, wala talaga akong maasahan dito.

"Ewan sayo girlash, sige na may pasok ka pa sabi mo." ani niya.

"Oo at ikaw na bahala sa baler ko girlash ha. Paki tingnan na lang! At ako'y lalarga na." wika ng kaibigan na laging nagpapasaya sa kan'ya.

"Sige, sige, ikaw pa ba e, malakas ka sa akin." biro ko dito.

"Lokaret!!" pahabol nitong wika bago tuluyang mawala sa paningin ko.

Isa-isa kong sinalansan sa cabinet ang mga damit ko at pinaghiwa hiwalay ko kong saan ang damit, pants, short, mini-skirt at undergarments sa iba't-ibang drawer para, hindi basta basta magugulo kong sakaling kukuha man ako ng susuotin ko. Nang mapagod ako napasalampak ako sa kama. Medyo maliit ang room ko ngayon kumpara sa Mansyon. Kaso, hindi ako pwedeng mag-inarte at wala rin naman akong choice kundi pagtyagaan ito. As long as may matutuluyan akong bahay at ayos lang sa akin. Sa ngayon hindi ko na kailangan ng magarang bahay sa estado ng buhay ko ngayon, hindi ko na afford bumili ng mamahaling gamit. Tanging sahod ko lang naman ang inaasahan ko sa mga gastusin ko sa araw-araw. Kong noon sarili ko lang iniisip ko ngayon may bills na akong iisipin. Haixt!!

Habang nakatingala ako sa bubong ng kisame, bigla na lang pumasok sa isipan ko ang Daddy ko. "Kamusta na kaya siya? Haixt! Medyo malayo layo na ito sa Mansyon at ospital kong nasaan ang Daddy niya. Nang maalala niyanh tawagan si Paulina. She dialed Paulina's number at sumagot naman agad ito. "Hello! Paulina, hindi muna ako makaka pasyal kay Dad ngayon ha. May kailangan kasi akong lakarin." paalam niya sa secretary nang kan'yang Daddy na kaibigan niya na rin.

"Sige, sige, teka nabalitaan ko ang nangyari sa Mansyon. Nasaan ka nga pala ngayon?" tanong nito.

"Hmmm! Nasa condo nag rerent ako. Saan mo naman nalaman?" curios na tanong niya.

"E, kanino pa kundi sa evil witched sister mo. Kay Mary, pinagyayabang niya dito sa MGC. Siya na nga daw ang new directress. Ang kapal talaga g mukha niya kasing kapal ng espalto. Ni wala nga siyang alam how to run a business. Bobo kasi siya hanggang design lang ang alam hindi naman ma-i-apply." sagot nito. Parang mas siya pa ang affected sa pagpapalayas ng mag-ina kay Maria sa Mansyon.

"Hayaan na lang natin siya, Paulina. Anyway, salamat talaga. Alagaan mo si Daddy at paki balitaan na lang ako kong may progress na ba sa kan'ya." bilin niya dito at hindi niya kasi magagawa na 'yon bukod sa malayo na siya. Alam niyang pinababantayan na ng Mommy niya ang Daddy niya sigurado 'yon para hindi na siya makalapit pa dito.

"Oo naman, Maria. Ikaw pa ba ang lakas mo sa akin no. Sige na at papasok pa ako sa MGC, babalitaan na lang kita kong ano bang ganap doon." wika niya.

"Sige, Paulina at baka bukas pa ako makakapasok nito." wika niya.

At pinatay na ang tawag niya sabay lapag ng cellphone sa gilid. Nagpahinga muna siya para mamaya pag gising niya mag aayos na naman siya ng ma stocks niya. Nakakapagod bumukod pero, sa kabilang banda masaya siya at malaya na siya sa Mommy niya na mapanakit physically and emotionally. Hanggang sa dahan dahan niyang pinikit ang mga mata at nakatulog na.

Pag gising niya past 5 p.m na at hindi pa siya nakakapag luto ng dinner niya. Hindi rin niya alam kong dito ba kakain ulit si Georgina. Kaya bumangon na siya para mag prepared ng pagkain. Nang maka amoy siya ng mabangong pagkain at nang silipin niya ito nakita niya si Georgina na nagluluto. Nagtaka siya kong bakit napa aga ang kaibigan. "Nandito ka na pala, hindi ka ba muna pumunta sa unit mo?" tanong ko at medyo groggy pa, dahil kakagising ko pa lang at wala pa ako sa huwisyo ng isip ko.

"Medyo lang girlash, may meeting ang mga boss kaya maaga kaming pinag out. Anyway, kumain ka na ba?" tanong nito.

Umiling iling lang ako. "Hindi pa nga at kakagising ko pa lang din. Mabuti naman nandito ka na at hindi ko na kailangang magluto pa." ani ko.

"Oo, maupo ka na dyan girlash. Tikman mo 'tong wings barbeque flavor na ginawa ko. Nakita ko lang 'to sa vlogger na paborito kong Chef. Mga tipid and easy tips kasi ang mga content niya. Hindi ka rin magugutom kasi marami siyang idea for food." ani nito. Kaya tumusok na ako ng isang pakpak at tinikman ang pinagmamalaki niyang luto niya daw. Nang matikman ko ito nasarapan ako at tama lang ang pagkakatimpla. Hindi rin maalat at lasang barbeque talaga.

"Oh! Anong masasabi mo sa luto ko girlash?" tanong niya.

"Masarao girlash pwede ka ng mag-asawa." biro ko pa dito.

"Baliw! Asawa agad, ayoko ngang magsettled basta basta. Aba gusto ko 'yong mayaman na hindi na ako magta trabaho." sagot nito at hindi ko alam kong nagbibiro ba siya sa akin o hindi.

"Tama na nga ang drama na yan. Tara kumain na tayo ng maubos na natin 'tong luto mo." wika ko.

"Sige," sang-ayon naman niya.

Nang kumakain na kami marami siyang baong kwento patungkol sa mga ka work niya na daig pa daw naging taga pagmana ng kumpanya. Kong maka utos ay akala mo kong sino. Natatawa na lang ako sa mga kwento niya. Napaka bubbly person kasi niya na hindi ko man lang magawa. I grew up with a serious life. Hindi uso sa amin ang biruan kaya kong minsan naiisip ko na napaka boring ng buhay ko kasama ang pamilya ko.

Nang matapos kaming kumain nagligpit na ako at nakakahiya naman sa kan'ya kong siya pa din ang mag huhugas ng plato. Nang matapos ako sa aking ginagawa pumasok na ako sa room at natulog.

KINABUKASAN

Papasok na ako ng building ng MGC ng harangin ako ng mga tauhan ni Mommy. "A..Anong ibig sabihin nito? Teka nga paraanin niyo ako.." bulyaw ko dito at naiirita na rin kasi ako na ayaw nila akong padaanin.

"Hindi na kayo pwedeng pumasok dito sa loob." wika nito.

"Ano?? Sino namang nagsabi na bawal akong pumasok sa mismong kumpanya namin." pairap na tanong ko, dahil hinaharangan nila talaga ako.

At nang marinig ko ang boses nito na; "Ako, bakit may angal ka. Hindi ba pinaalis na kita sa Mansyon ngayon naman dito sa MGC. Walang karapatang tumapak yang mga paa mo dito. Magnanakaw ka, ninakawan mo ang MGC. Hindi ka na nahiya sa balat mo. Ang kapal ng pagmumukha mo." malakas na sigaw nito kong kaya't nag lapitan ang mga staff at naki usyoso na rin sa kanila.

"H...Hindi yan totoo, nagsisinungaling ka lang. Wala akong ninanakaw. I swear!!" wika ko para ipagtanggol ang aking sarili ng biglang. "Ouch!" napa ouch ako ng maramadamang may bumato sa akin. At nang tingnan ko kong sino ang bumato sa akin walang iba kundi ang walang hiyang si Mary na laging nakabuntot sa Mommy namin. Siya na talaga ang paboritong anak.

"Hindi mo ba narinig ang sinabi ni Mommy. Get out of our life.. Thief!" wika nito.

"No. I'm not, bawiin mo yang sinabi mo." bulyaw ko dito at ready na akong makipag sampalan sa kan'ya.

"At bakit ko babawiin ang sinabi ko. Magnanakaw ka naman talaga." aniya. At mas nilakas pa ang boses.

"Magnanak si Ma'am Maria??"

"She stole a money from the company. Nakakahiya naman siya.."

Ilan lang yan sa naririnig niya sa mga taong naroon para maki usyoso. Hanggang sa hindi na nga siya nakatiis ng hilahin niya ang buhok ni Mary at nagtitili ito. "Mommy, help. Ouch my hair." maarteng wika nito hanggang sa awatin siya ng mga bodyguard nito at kaladkarin siya papalayo dito.

"Itapon niyo na yan sa basurahan kong saan 'yan nababagay. At hwag na hwag ko nang makikita yang pagmumukha ng babaeng 'yan dito na umaaligid aligid." bilin niya sa nga tauhan maging sa mga guard at staff na rin. Walang nagawa si Maria nang bitbitin siya na parang isang sako na bigas ng tauhan nito at ilayo sa kumpanya. Iyak siya ng iyak sa nangyayari sa buhay niya.

"Hwag ka ng babalik doon kong ayaw mong masaktan. Makinig ka na lang kasi at hwag ng matigas ang ulo." bilin nito ng bitawan na siya nuti at tumalikod papalayo sa park kong saan siya iniwan. Para siyang batang musmos na niligaw lang basta basta na lang na iniwanan. Naaawa siya sa sarili niya lahat na lang ng meron siya ay kinuha nila. Ngayon wala na siyang trabaho. "Paano na ako ngayon?" usal niya at napabuntong hininga na lamang ng malalim sa kapalarang sinapit niya.

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Bratinela17
Salamat po ma'am ...
goodnovel comment avatar
Yoshiabelle Gwaine Elizabeth
Get up, fight for your right. Wag mo ipagsisksikan sarili mo sa mga taong ayaw sau. Mag inbestiga ka gurl, susme.wag kang weak kaloka ka
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status