Share

Savage Billionaire Series 3: Romano Silerio
Savage Billionaire Series 3: Romano Silerio
Author: Yvette Stephanie

CHAPTER 1

"Congratulations, Analyn..." sabay-sabay na pagbati kay Analyn ng mga kaibigan niyang kasalukuyan niyang kasama nang mga oras na iyon.

Isang bridal shower ang ginawa ng mga ito para sa kanya. Ilang araw na lang kasi ay ang napipinto niyang pakikipag-isang dibdib sa nobyo niyang si Josh dahilan para supresahin siya ng mga ito.

She can't contain her happiness right at that moment. Pakiramdam niya pa ay buong-buo na ang kanyang pagkatao dahil sa labis na kaligayahang nadarama.

Analyn has been in a relationship with Josh for almost three years. Magkaibigan ang kanilang mga pamilya at bata pa man ay malapit na talaga siya sa binata. He's now twenty-nine while Analyn was just twenty-six. Sa ngayon ay nagtatrabaho siya bilang accountant sa isang bangko habang si Josh naman ay pinamamahalaan ang negosyo ng pamilya nito— isang travel agency.

Labis ang galak na nadarama ni Analyn dahil sa katotohanan na hindi lang pag-ibig ang matagumpay sa kanya. Maging sa trabaho niya din kasi ay maayos ang lahat. She has been in that bank for four years now and Analyn could say that everything was running smoothly on her.

Ano pa ba ang mahihiling niya? May maayos na siyang trabaho at handa nang bumuo ng sarili niyang pamilya. Iyon ang rason kung bakit nang mag-propose si Josh sa kanya ay agad niya iyong tinanggap. Mahal niya ito. Wala siyang nakikitang rason para tanggihan pa ang alok ng kanyang nobyo.

At ngayon nga ay araw na lang ang bibilangin niya bago sumapit ang pinakaespesyal na bahagi ng buhay nila ni Josh.

"Thank you again, Karen. I really appreciate your effort," wika niya sa pinakamalapit sa kanya, si Karen.

Tapos na ang kasiyahan nila. Ang iba sa mga kaibigan niya ay nauna nang umalis. Palabas na rin sila noon sa apartment ng isa pa nilang kaibigan kung saan naisipan ng mga itong dalhin siya. Dahilan pa ni Karen ay simpleng pagtitipon lamang daw nilang magkakaibigan, iyon pala ay doon naisipan ng mga ito na idaos ang bridal shower na inihanda para sa kanya.

"Kuu, walang anuman iyon, Analyn. Kung narito nga lang si Cristina ay malamang na isa pa iyon sa labis na nag-abala sa lahat."

"I am worried to her. Kumusta na siya?" hindi niya pa maiwasang itanong.

"The last time she texted me, she's getting better. Medyo may sinat na lang daw."

Tumango na lamang siya at nang may dumaan na taxi ay mas pinauna na niyang sumakay si Karen. Dahil sa magkaiba ang daan patungo sa kani-kanilang bahay ay hindi sila nagsabay ng kaibigan niya. Mas pinauna na niya ito sapagkat kumpara sa kanya ay mas may responsibilidad pang gagawin si Karen pagkauwi. Dalawang maliliit na anak pa ang aasikasuhin nito samantalang siya ay wala pa naman.

Marahil, kapag nagkaanak na rin sila ni Josh ay saka magbabago ang mga pananaw niya sa buhay.

Isang matamis na ngiti pa ang namutawi mula sa kanyang mga labi nang maisip ang bagay na iyon. Definitely, she would love to start a family with him. At kapag kasal na sila, nais niyang simulan agad ang pagbuo niyon. Nais niyang magkaroon agad ng anak.

She's not getting any younger. Twenty-six na siya at hindi na rin masama kung hangarin niya man agad na mabuntis. Kung iisipin ay matagal na iyong iginigiit sa kanya ni Josh. Nais nitong higitan pa nila ang mga halik at yakap na pinagsasaluhan nilang dalawa. Siya lang talaga ang mariin na tumatanggi.

She loves him, but it won't change her principle. Mas gusto niyang ipagkaloob ang kanyang sarili sa lalaking asawa na niya. Old fashioned na kung old fashioned pero iyon talaga ang prinsipyo niya sa buhay. Sa maraming pagkakataon ay lagi niyang nababanggit ang tungkol sa prinsipyo niyang iyon kina Karen at Cristina.

And thinking of Cristina, muling bumalik ang pag-aalala niya para sa kaibigan. Ayon kay Karen ay masama daw ang pakiramdam nito kaya hindi nakadalo sa bridal shower na pinaghandaan para sa kanya.

She looked at the wristwatch that she was wearing. Pasado alas-otso pa lang naman ng gabi. Maagang natapos ang kasiyahan nilang magkakaibigan dahil pawang mga may responsibilidad na ang ilan sa kanila. May kani-kanilang mga pamilya na rin na kailangan asikasuhin.

At dahil medyo maaga pa naman ay nagpasya si Analyn na sadyain muna si Cristina upang dalawin. Sakay nga ng isang taxi ay ang address nito ang pinuntahan niya sa halip na dumiretso ng uwi.

Ilang minutong biyahe lamang iyon mula sa apartment na pinanggalingan niya. Pagkarating nga sa naturang address ay agad na nagbayad si Analyn sa taxi driver bago bumaba.

Isang bungalow ang bahay nina Cristina. Solong anak lamang ito kaya kadalasan ay sunod sa layaw ang dalaga. Katulad ni Karen ay sadyang malapit din sa kanya si Cristina dahil kapwa niya nakapalagayan ng loob ang dalawa. Kolehiyo pa lang ay kakilala na niya ang mga ito.

Naglakad na siya palapit sa gate ng naturang bahay. Just as when she was about to press the doorbell, she noticed that the gate was opened. Bahagya lamang iyong nakasara at sadyang nagpakunot ng kanyang noo ang nasilip niya sa loob— ang kotse ni Josh.

Nakaparada iyon sa garahe nina Cristina at kahit hindi niya pa nakikita ang kanyang nobyo ay nasisiguro na niyang kay Josh nga ang naturang sasakyan. Maliban sa alam niya ang plate number niyon, ilang beses na siyang nakasakay sa kotse nito dahilan para maging pamilyar na sa kanya ang sasakyan ng binata.

Curiously, she stepped inside. Dahil sa pagtatakang nadarama ay naging marahan pa ang bawat paghakbang niya.

Ano ang ginagawa ng nobyo niya sa bahay nina Cristina? At sa ganoong oras pa ng gabi?

She roamed her eyes around. Una niyang tinahak ang patungo sa main door ng bahay ngunit nakasarado iyon. She didn't even bother to knock at mas piniling umikot na lamang sa may tagilirang bahagi ng bahay.

Sa loob ng ilang taong pagiging magkaibigan ay ilang beses na rin siyang nakalabas-masok sa bahay nina Cristina. Sa tagilirang bahagi niyon ay isang katamtamang laking swimming pool at sa may lanai ay isang sliding door na papasok pa sa mismong kabahayan. Doon niya sana balak na pumasok kung sakaling bukas man iyon.

Ngunit bago pa man tuluyang makarating sa may sliding door ay agad nang natigilan si Analyn. Waring itinulos pa siya sa kanyang kinatatayuan at damang-dama niya ang biglang panlalamig ng kanyang buong katawan dahil sa nabungaran niya sa may swimming pool.

There, she saw her friend, Cristina, and her boyfriend, Josh. Kapwa nakasuot ng panligo ang dalawa at masayang naghaharutan sa pool. She could even hear Cristina's laughter from where she was standing.

"Josh, please stop! Nakikiliti ako sa ginagawa mo," wika ni Cristina sa nananaway na tono sa kabila ng naroon din naman ang wari ay nagugustuhan nito ang ginagawa ng kanyang kasintahan.

Nakayapos ang dalawang kamay ni Josh sa baywang ni Cristina habang kapwa nasa tubig ang mga ito. Cristina was only wearing a two-piece swimsuit, habang isang swimming trunk naman sa nobyo niya.

She swallowed hard. Dama niya ang panunubig ng kanyang mga mata dahil sa nasasaksihang eksena. Daig niya pa ang tinarakan ng punyal sa dibdib dahil sa nakikitang ginagawa ng mga ito. Hindi niya kailangan ng magpapaintindi sa kanya ng kung ano ang nangyayari. Hindi naman siya tanga para hindi niya maunawaan kung ano ang namamagitan kina Josh at Cristina.

Hanggang sa mayamaya ay halos manlaki pa ang kanyang mga mata nang makita ang sunod na ginawa ni Josh. Bahgayang ibinaba nito ang suot na bikini top ni Cristina dahilan para masilip niya na rin ang dibdib ng kanyang kaibigan.

"Oh, Josh..."

"Wala ang mga magulang mo, Tin. Sa susunod na linggo pa ang balik nila mula sa Singapore. And you sent your maids away. Solong-solo natin ang buong bahay. We can even make love here in the water," wika ni Josh kasabay ng paghalik sa leeg ng kaibigan niya.

"Kung hinihiwalayan mo na si Analyn, hindi na sana natin kailangan pang magtago, Josh. Malapit na ang kasal niyo. Paano kung—"

Napatayo nang tuwid ang binata dahilan para mahinto sa pagsasalita si Cristina.

"Just give me some more time, darling. Naghihintay lang ako ng tamang tiyempo para hiwalayan si Analyn."

"Tamang tiyempo? Don't you think it's the right time now, Josh?" halos nangangalaiti niyang sabi habang marahang humahakbang patungo sa kinaroroonan ng mga ito.

Ni hindi na niya napigilan pa ang pagtakas ng ilang luha mula sa kanyang mga mata. Galit siyang nakatitig sa dalawa. Samantalang ang ekspresyon ng mga ito ay daig pa ang natuklaw ng ahas nang makitang naroon siya.

"A-Analyn..." sambit ni Josh.

Si Cristina ay waring natarantang muling inayos ang suot na panligo. Analyn looked at her with so much hatred in her eyes.

"I treated you like almost my sister," aniya, kay Cristina nakatingin. "How could you do this, Tin?"

"Analyn—"

"Isa ka pa!" bulyaw niya kay Josh bago pa man nito matapos ang sasabihin. "You are a cheater! At sa sarili ko pang kaibigan!"

Pinaglipat-lipat niya ang kanyang paningin sa dalawa. Si Josh ay kumilos para umahon mula sa tubig ngunit bago pa man ito tuluyang makalapit sa kanya ay mabilis nang nagsalita si Analyn.

"The wedding is off, Josh. I hope you're ready to face everyone after what you did."

Iyon lamang at isang nakamamatay na tingin pa muna ang iginawad niya sa dalawa bago mabilis nang tumalikod para umalis. They can never run after her. Kapwa pa nakapanligo ang mga ito. Ngunit sa kabila ang katotohanan na hindi siya sinundan ng dalawa ay daig pa ni Analyn ang hinahabol sa bilis ng bawat paghakbang niya makaalis lang sa lugar na iyon.

Pagkarating sa labas ng gate ay saka pinakawalan ni Analyn ang mga luha mula sa kanyang mga mata. Kinailangan niya pang huminga nang malalim para pigilan ang pag-alpas ng labis na emosyon.

Nasasaktan siya, hindi lang dahil sa pagtataksil ni Josh, kung hindi maging sa pagtatraydor sa kanya ni Cristina. Ang paalam nito kina Karen kaya hindi nakapunta sa bridal shower niya ay dahil sa masama ang pakiramdam nito. Iyon pala'y kasama nito ang kasintahan niya at naglalampungan!

*****

"WHAT DO you mean that the wedding is off, Analyn? Everything is settled. Araw ng kasal niyo na lang ang hinihintay," nagtatakang saad ng kanyang amang si Wilfredo.

Nasa harap sila ng hapag. Ang kanyang ama ay nakaupo sa kabisera ng mesa at nasa kanan nito ang kanyang inang si Vilma. Siya naman ay nasa kaliwang panig ng kanyang ama. Katabi niya ng kinauupuan ang bunso niyang kapatid na si Anjielyn na nang mga oras na iyon ay mas abala pa sa kaka-scroll sa cell phone nito.

"You heard me, papa. Hindi na matutuloy ang kasal namin ni Josh."

"What happened? Kagabi ay pinagdiwang niyo pa lang ang bridal shower mo," nag-aalalang sabi naman ng kanyang ina. "M-May... May ginawa ba si Josh?"

She was about to tell them the truth when all of the sudden, Anjielyn blurted out something.

"Oh my God, Ate Analyn!" bulalas nito sabay upo nang tuwid. Tumingin pa ito sa kanya na wari ay nag-aalangan kung itutuloy pa ang sasabihin.

"What?" aniya sa seryosong tinig.

"L-Look at Kuya Josh's post on his f******k account."

Hindi pa man siya nakakapagsalita ay agad na nitong inilahad sa kanyang harapan ang cell phone nito dahilan para makita niya ang nasa screen niyon. At halos manlaki pa ang mga mata ni Analyn nang mabasa ang caption sa post ng kanyang nobyo— ex-boyfriend rather!

"...the wedding is off. As much as I want to make it work, Analyn chose someone else over me. I was hurt. Hurt was even an understatement to what I'm feeling right now..."

Mahaba ang naturang caption pero hindi na niya pinagkaabalahan pang tapusin. Halos nanginginig ang kanyang kamay nang subukan niyang basahin ang mga komento ng naturang post. Pakiramdam niya ay nagsiakyatan sa kanyang ulo ang lahat ng dugo niya nang mabasa doon ang komento ng mga kakilala nila.

Puro pabor kay Josh! The audacity of the man! Ito na nga ang nagloko, ito pa ang playing victim!

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Meg Saturno
ay hype yan nakaka hb nman Ang cheater na josh na ito,Ang galing gumawa ng kwento,,,inunahan na c analyn para sa knya mapunta Ang sympathy ng mga kaibigan nila
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status