Share

CHAPTER 7

"Hindi ko maintindihan, papa. Paanong ikaw ang pinagbintangan gayong ang tagal mo na sa kompanyang iyan?" wika ni Analyn sa kanyang ama.

Kasalukuyan niyang kasama ang kanyang ama at ina. Nasa komedor sila at pinag-uusapan nga ang tungkol sa nangyari sa pinapasukang kompanya ng kanyang Papa Wilfredo. Lahat sila ay may tig-iisang tasa ng kape na sadyang ang kanyang ina pa ang nagtimpla.

Nakaupo si Wilfredo sa kabisera ng mesa. Ang kanyang inang si Vilma ay nakapwesto sa kanan nito habang si Analyn ay hindi mapalagay na palakad-lakad. Ang bunso sa kanilang pamilya na si Anjielyn ay kasalukuyan pang nasa university na pinapasukan nito.

"Ako ang accountant ng JGCC, Analyn. Iniisip nila na minamanipula ko ang bawat financial report ng kompanya. I don't know pero iyon lang ang nakikita kong rason kung bakit ako ang pinagbibintangan nila."

"Hindi lang ikaw ang nasa accounting department, papa," giit niya pa. Huminto siya sa pagpapabalik-balik ng lakad at napahawak sa sandalan ng upuang nasa harapan niya. "Malaking kompanya ang JGCC. Ano ang malay natin kung may ibang gumawa nito?"

"Madaming lapses ang mga nakaraang monthly income report ng kompanya, Analyn. Doon nakita ni Mr. Gracia na may mali sa statement of income. Hindi nagtugma ang lumalabas na produkto sa sales nito. Kahon-kahong de lata ang buwanang nilalabas sa merkado ng JGCC and yet, the income didn't match it. May nawawalang pera sa kompanya. May kita na hindi nade-declare sa monthly report."

"At hindi lang naman ikaw ang gumagawa ng monthly report, hindi ba?" sagot niya sa mahabang pahayag nito.

"Pero ako ang huling susuri niyon. As the head, ako ang huling dadaanan ng report bago iyon maipasa sa personal assistant ni Mr. Gracia."

She heaved out a deep sigh. Of course, she knew about that.

Ilang taon na ang kanyang ama sa JGCC. Masasabi nga nila na isa na ito sa mga pinagkakatiwalaang empleyado ni Mr. Gracia kaya naman labis niyang ikinabigla ang balitang pinag-isipan nito ng masama.

Naiintindihan niya na sa ganitong kaso, laging unang maituturo ay yaong naghahawak talaga ng income report. Ang kanyang ama ang mag-aanalisa ng mga ginawa ng nasasakupan din nitong empleyado sa accounting department. Maliban doon, ito rin ang gumagawa ng pasahod sa lahat ng empleyado ng JGCC, pwera na lang doon sa mga personal na tauhan ni Mr. Gracia katulad ng personal assistant nito.

Iyon marahil ang mabigat na rason ng mga Gracia para ituro si Wilfredo na siyang salarin sa pagkawala ng milyon-milyong pera sa JGCC.

Pero kahit siguro anong mangyari ay maninindigan si Analyn na hindi magagawa ng kanyang Papa Wilfredo na dayain ang inventory at huwag i-declare ang lahat ng kita ng kompanya para madispalko nito ang pera. Naniniwala siyang hindi nito iyon magagawa hindi lang dahil sa ama niya ito, kundi dahil na rin sa alam niya kung gaano ito kabuting tao.

He was a man of principle. Sa tuwina nga ay lagi itong nagpapaalala sa kanilang magkapatid na laging gumawa ng tama at huwag manlamang ng kapwa. Iyon ang dahilan kung bakit lumaki sila ni Anjielyn na mabubuti ring tao.

"Have you talked to Mr. Gracia?" usisa niya kay Wilfredo paglipas ng ilang saglit. Marahan din siyang naupo sa silyang nasa kanyang harapan saka hinalo ang kapeng inihanda ng kanyang ina. Ginagawa niya iyon ngunit ang isipan niya ay nasa kanilang paksa pa rin.

"Yes," narinig niyang sagot nito. "Nang ipatawag ako ni Mr. Gracia sa opisina nito ay nagkausap kami. He was asking me to explain everything. Maniwala ka, Analyn. I don't know why suddenly the report that we did changed."

"What do you mean?"

"Some digits changed," mariin nitong saad. "Alam ko dahil kami ang gumawa niyon. Pero kung ano ang resulta ng inventory ay iyon lang inilalagay namin sa report. Walang labis, walang kulang. Kaya hindi ko rin alam kung bakit bigla ay nagkaroon ng pagbabago. Ang laki ng nawawalang halaga."

Saglit na napaisip si Analyn. "You said that you were the last one to check the report before you gave to... to Mr. Gracia's personal assistant?"

"Yes."

"Hindi kaya siya ang gumawa ng---"

"Analyn," mabilis na bulalas ng kanyang ina. May bahagya pang pananaway sa tinig nito. "Huwag tayong tumulad sa kanila na basta lang nanghusga ng tao, katulad sa ginawa nila sa iyong ama."

"Pero, ma, hindi natin masabi," katwiran niya pa. "Paano nga kung ganoon?"

"Totoong si Sir Primo ang tumatanggap ng lahat ng report na ibinibigay ng lahat ng empleyado kay Mr. Gracia," wika naman ng kanyang ama na ang tinutukoy ay ang personal assistant ni Mr. Gracia. "Pero mahirap na basta na lang sabihin ang iniisip mo, Analyn. Wala tayong pruweba. Besides, pinagkakatiwalaan ng mga Gracia si Sir Primo. He's almost a family for them."

"Hindi ba't marapat lang naman na masama siya sa imbestigasyon? Hindi lang ikaw, pa."

Hindi ito sumagot at waring nanlulumong napayuko na lamang.

"Baka maaari nating makausap si Mr. Gracia," suhestiyon niya pa. "I want to do that not because I want you back to your work. Kaya ko naman na magtrabaho para sa atin, pa. It was just that, hindi ko hahayaang magkaroon ka ng kaso sa isang bagay na hindi mo naman ginawa."

Nang nakauwi nga siya kahapon ay agad niyang nakausap ang mga ito. Gabi na siya nakauwi mula sa resort na pinanggalingan sa Davao at sa kabila ng anong oras na ay hindi niya pinalampas na malaman agad kung ano ang totoong nangyari sa kompanyang pinagtatrabahuan ng kanyang ama.

Ayon sa kanyang papa ay patuloy raw ang imbestigasyon. The company wanted to file a case against him but they lack evidences to prove that her father was the culprit. At dahil sa ongoing ang imbestigasyon ay napilitang tumigil muna sa pagpasok sa trabaho ang kanyang ama.

"Mr. Gracia was on leave, Analyn. Binanggit sa akin ng isa kong kasamahan na inatake raw ito sa puso at nagpapagaling pa nang lubusan ngayon. Besides, ang balita ay papalit na raw ang kanyang apo bilang presidente ng JGCC."

"Then, itong apo ni Mr. Gracia ang kausapin natin, pa. Baka-sakaling matulungan ka niya na mapatunayang wala kang---"

"Anak, hindi ko pa kailanman nakita ang apo ni Mr. Gracia. Ang alam ko ay sa ibang bansa iyon nag-aral. At kahit nang makatapos iyon ng kolehiyo ay bihirang umuwi ng bansa. Kahit nga ang nag-iisang anak ni Mr. Gracia ay bihira mapunta sa JGCC."

Hindi niya maiwasan ang pag-angat ng kanyang isang kilay. Kahit siya man ay ang matandang lalaki pa lamang ang nakikita. Madalian pa iyon at hindi naman nagtagal. Kinailangan niya lang magtungo sa JGCC para iabot sa kanyang ama ang nakalimutan nitong dokumento sa trabaho.

Nakita niya noon si Mr. Gracia na saktong pasakay naman sa sasakyan nito. Ganoon lang.

At itong apo ni Mr. Gracia, kung may pagkakataon lang sana na makaharap niya ito ay baka-sakaling makahingi siya ng tulong para malinis ang pangalan ng kanyang ama. Ang mas ikinakabahala niya kasi ay ang maaaring maging epekto ng pangyayaring iyon sa kanyang mga magulang. Hindi niya rin naman nais na maapektuhan ang kalusugan ng mga ito dahil sa labis na isipin.

*****

"ARE YOU sure you're okay right now? Hindi ko kasi maiwasang mag-alala pa rin para sa iyo, Analyn?" wika sa kanya ni Karen.

She sadly smiled at her friend. "I need to be okay, Karen. Kailangan kong damayan ngayon si papa matapos ng nangyari sa kompanyang pinapasukan niya."

"I know but I was also worried for you. Kung may maitutulong lang ako ay sabihin mo."

She let out a heavy sigh. She messaged Karen and asked her to meet her. Kailangan niya kasi ng kausap. Pakiramdam niya ay sasabog ang dibdib niya dahil sa patong-patong na problemang kinakaharap.

Sa ngayon ay nasa isang coffee shop sila at magkaharap na nakaupo sa isang pabilog na mesa. Kapwa sila umorder ng kape at isang slice ng cake.

Naikwento niya nga kay Karen ang tungkol sa kinakaharap na problema ng kanyang papa sa trabaho nito. Dahil sa matalik niyang kaibigan ang dalaga ay malapit din ito sa kanyang pamilya dahilan para mahabag din ito sa pinagdadaanan ng kanyang ama.

"Thank you, Karen. Sapat na sa akin na nariyan ka at nakikinig sa mga problema ko. Gusto ko lang talaga ng makakausap."

"You know I am always here for you," tugon nito bago siya pinagmasdan nang mataman. "H-How about what happened to you and Josh? H-Hindi mo na ba siya nakausap ulit?"

"Hindi na," mabilis niyang saad. "Wala na ring silbi para mag-usap pa kami. He did not just cheat, Karen. Sinira niya din ang pangalan ko sa mga kakilala natin."

"Why didn't you do anything about it? Analyn, kung gusto mo ay ako na lang ang gaganti ng post sa dalawang iyon. Sabihin mo lang."

"I don't think it's a nice idea, Karen. Besides, mas gusto ko na lang pagtuunan ng pansin ang problema ni papa kaysa ang isipin pa ang ginawa nina Josh at Cristina."

"I hope nakatulong ang pagbakasyon mo para mapanatag kahit saglit man lang ang isipan mo."

Sukat sa mga sinabi nito ay hindi napigilan ni Analyn ang matigilan. Bigla kasing bumalik sa alaala niya ang mga nangyari sa resort na kanyang pinanggalingan. Hindi nangyari ang mga sinabi nitong napanatag ang isipan niya. Mas lalo pa nga iyong nagulo.

She lost her virginity because of her stupidity!

Nagising na nga lang siya sa ibang silid na wala na ang pinakainiingatan niyang pagkababae. Dahil sa pagnanais na hindi na makaharap pa ang lalaking nakatalik niya ay dali-dali niyang nilisan ang silid nito.

Her things were still on her bag that time that made her easy to check out. After freshening up and changing her clothes, she instantly left the resort.

She did it intentionally. Hindi na niya nais pang makaharap ang lalaking nakakuha ng kanyang pagkabirhen. Nang nilisan niya ang naturang resort, pinangako niya rin sa kanyang sarili na kakalimutan na ang nangyari nang gabing iyon. What happened that night will be left on that place. Hindi na niya nais pang balikan.

Matapos ng ilang saglit pang pakikipag-usap kay Karen ay nagpasya na silang umalis. Ang kaibigan niya ay kinailangan pang magtungo sa grocery store upang mamili habang siya ay nagpasya munang maglakad-lakad.

She has no intention of going home yet. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Okupado ng samu't saring isipin ang kanyang utak. Hindi niya alam kung bakit sunod-sunod naman yatang problema ang binibigay sa kanya ng Diyos ngayon.

Una ay ang natuklasan niyang panloloko nina Josh at Cristina. Sunod naman ay ang problema sa trabaho ng kanyang ama. Dagdag pa sa mga bagay na gumugulo ngayon sa isipan niya ay ang tungkol sa nangyari sa kanila ng estrangherong lalaking iyon.

Yes, estranghero. Estranghero itong maituturing sapagkat wala siyang ano mang alam sa buhay nito maliban sa unang pangalan.

Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong-hininga. Dama niya ang pang-iinit ng palibot ng kanyang mga mata at kinailangan niya pang tumingala upang pigilan ang mga luha na nagbabadyang tumulo na.

Mula sa coffee shop na pinanggalingan nila ni Karen ay naglakad-lakad siya sa covered sidewalk. Sa lalim ng takbo ng isipan niya ay namalayan niya na lamang na doon siya dinala ng kanyang mga paa.

It was almost dark. Pasado alas-sais na at bago pa man siya mag-break down ulit at sa lugar pang iyon tumulo ang mga luha ay nagpasya na siyang umuwi na lang. It would be better kung sa kanyang silid na lamang siya mag-iiyak magdamag.

But just as when she was about to go home now, Analyn suddenly stopped on her track. Mula sa kanyang kinatatayuan ay isang pamilyar na bulto ang kanyang nasilayan.

Ang sidewalk na kinaroroonan niya ngayon ay katapat lamang ng hile-hilerang establisimiyento at isa na nga roon ang coffee shop na pinanggalingan nila ni Karen. Alongside with that were other establishments just like a restaurant.

Nasa tapat na siya niyon nang agad ay na natanawan ni Analyn ang lalaking kalalabas lamang ng restaurant--- the man whom she met from the resort! The man whom she spent a night with!

Kasalukuyang hawak ng lalaki ang pagmamay-ari nitong cell phone at nakatapat pa iyon sa tainga nito. He was also walking towards a car parked in front of the restaurant while talking to someone over the phone. Akmang bubuksan na nito ang pinto ng driver's seat nang hindi sinasadyang mapalingon sa kanya.

His eyes darted on her. Katulad niya ay kinabakasan din ng recognition ang mukha nito patunay na agad din siyang nakilala ng binata. Dahil doon ay dali-dali nitong naibaba ang aparato matapos makapagpaalam sa kung sino mang kausap.

Analyn panicked. Ang lalaking hindi na niya sana nais pang makita ay nasa harapan na niya ngayon. Dahil sa pagkaasiwa ay mabilis na siyang pumihit patalikod at akmang sa ibang direksiyon na lang sana dadaan ngunit bigla ay marinig niya ang tinig nito.

"Analyn!"

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Lailah Abas Laguialam
super like Ang story pa unlock NG chapter 7 po.
goodnovel comment avatar
angelagastador3
ayiehh nag cross ulit ang landas nila
goodnovel comment avatar
analyn Aguilar
thank you sa update Ms Yve ...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status