"Fvck! Bullshit!" sunod-sunod na pagmumura ni Josh habang magkakasunod na pukpok din ang kanyang ginawa sa manibela ng kotse niya. Halos gumawa pa ng mahinang tunog ang kanyang mga ngipin dahil sa galit na nadarama.Nasa loob pa siya ng kanyang sasakyan kasama si Cristina. Nakaupo si Josh sa may driver's seat habang ang dalaga naman ay nasa passenger's seat at nababahalang nakatitig sa kanya.Isa pa muling hampas sa manibela ang kanyang ginawa na sadyang ikinapitlag pa ng kanyang kasama."J-Josh, will you calm down? Walang mangyayari kung paiiralin mo iyang galit mo. In the first place, ano ba ang ikinagagalit mo?" wika sa kanya ni Cristina."Hindi ko maintindihan kung paanong nakilala ni Analyn ang Silerio na iyon," nangangalaiti niyang sabi. "Hindi mo ba napansin ang paghawak-hawak ng lalaking iyon kay Analyn, plus the endearment that he used to call her. Damn!""Nagagalit ka dahil sa may iba na rin si Analyn? Iyon ba?" bigla ay tanong ni Cristina. Hindi pa nakaligtas sa pandinig ni
"Are you out of your mind? Naririnig mo ba ang mga sinasabi mo, Romano?" gulantang na tanong ng kaibigan niyang si Hendrick. Marahas pa itong napalingon sa kanya at natigil sa balak sanang pagsalin pa ng alak sa sarili nitong kopita. Hindi kasi ito makapaniwala nang marinig ang mga sinabi niya.Kasama niya ang kanyang kaibigan at kasalukuyang nasa loob sila ng opisina nito sa pag-aaring recording company. Hendrick has a wonderful singing voice. Minsan na rin naman niya itong narinig na umawit at totoong humanga din siya sa ganda ng boses ng binata.Pero bihira lang kung kumanta si Hendrick. May pakiramdam pa siya na pilit na nitong iniiwasang umawit, kung ano man ang dahilan ay hindi niya alam. Hindi ito makwento 'di tulad ng iba nilang mga kaibigan.Isa lang din si Hendrick sa mga matatalik niyang kaibigan tulad nina Lorenzo, Ethan at Winston. Ang iba pa nilang mga kaibigan ay abala din sa kanya-kanyang buhay at negosyo ng mga ito. Pero once in a while ay sadyang nagkikita-kita din s
Agad na iginala ni Analyn ang kanyang paningin sa kabuuan ng restaurant upang hanapin ang taong katatagpuin niya para sa araw na iyon. Malapit na mag-alas onse ng tanghali dahilan para halos mapuno na ang loob ng naturang establisimiyento.Marahan ang naging paghakbang niya papasok at patuloy lamang sa paglibot ng kanyang mga mata. Akmang kukunin niya na ang kanyang cell phone upang sana ay tawagan ang taong hinahanap nang bigla ay lapitan siya ng isang staff ng restaurant."Good morning, ma'am. How can I help you? You are looking for a table for---""I-I am with someone," putol niya sa pagsasalita ng babae. "H-Hindi ko lang siya makita.""Do you have reservation? May I know the name of your companion, ma'am?"Wala sa loob na sumagot si Analyn. "R-Romano Silerio," saad niya habang hinahagilap pa rin ang binata.Malawak ang restaurant na kinaroroonan niya ngayon. Halatang mamahalin kahit yata ang pinakasimpleng pagkain roon. Kahit ang mga customer na kasalukuyang naroon na at kumakain
"Romano, are you even thinking?" hindi maiwasang itanong ni Analyn sa binatang kanyang kaharap.Nang marinig niya ang takbo ng pakikipag-usap nito sa kung sino mang tinawagan ay nahuhulaan na ni Analyn ang binabalak nitong gawin. Bagay iyon na mas nagpabahala sa kanya. Hindi niya pa nga alam kung paano haharapin ang kanyang mga magulang at sabihin ang sitwasyon niya ngayon, tapos heto at may naiisip pang gawin si Romano."Obviously, Analyn, I am thinking," he said with firmness on his voice. Seryoso din itong nakamasid sa kanyang mukha at tuluyan na ngang kinalimutan muna ang tungkol sa pagkain ng tanghalian. Waring natuon din kasi ang buong atensiyon nito sa kanyang ibinalita."Romano, hindi naman iyan ang solusyon. I mean---""There is no other solution but to marry you, Analyn," mariin pa nitong awat sa kanyang pagsasalita. "You are carrying my child. My child, Analyn. And you think hahayaan kong hindi niya dalhin ang apelyido ko?"She was stunned for a minute. Hindi niya gaanong k
Mabilis na napatayo nang tuwid si Romano nang mamataan niya ang pagdating ng sasakyan ni Hendrick. Sa mismong tabi ng kanyang kotse piniling pumarada ng kanyang kaibigan at sadyang hinintay pa ni Romano na makalabas ito mula sa sariling sasakyan.He saw as the car's door opened. Mula sa may driver seat ay lumabas si Hendrick at agad na naglakad palapit sa kanya. Hindi pa nakaligtas kay Romano ang magkadikit na mga kilay nito na kung tutuusin ay waring normal na sa binata."What is the meaning of this, Romano? Will you please explain what you are planning to do?" anito nang makalapit na sa kanya."What is there to explain, Hendrick? Hindi ba malinaw ang mga sinabi ko sa iyo kaya kita pinakiusapan na magtungo dito?""Pinakiusapan? My ass! Inutusan mo ako, Romano," sarkastiko nitong saad. "You told me to come here and be your witness on your wedding? Are you out of your mind? Anong kasal ang pinagsasasabi mo?"Romano just chuckled. Isa sa mga pag-uugali ni Hendrick na alam na nilang magk
Romano's kiss did not last that long. Agad din nitong pinakawalan ang kanyang mga labi kasabay ng bahagyang paglayo ng mukha nito sa kanya upang matitigan siya nang mataman.Still stunned by what was happening, Analyn was just standing in front of him and said nothing. Gusto niya pang ipagpasalamat na hapit siya nito sa kanyang baywang. Kung hindi kasi, pakiramdam niya ay dadausdos siya pababa dahil sa nadaramang panginginig ng kanyang mga tuhod.Hindi niya maiwasang makaramdam ng ganoon. Parang ang bilis kasi ng mga pangyayari sa buhay niya. Kailan lang ay balot pa siya ng labis na hinanakit dahil sa panlolokong ginawa nina Josh at Cristina. The next thing she knew, she's now pregnant and married to the father of her still unborn child. Kung paanong ganoon kabilis nangyari ang lahat ay hindi niya na alam."Congratulations again," narinig niyang sabi ni Judge Camara dahilan para maputol ang titigan nilang dalawa ni Romano.Si Romano ang unang sumagot sa nagkasal sa kanila. Iniabot pa
Mariing napalunok si Romano dahil sa naging tanong ng ama ni Analyn, pati na rin dahil sa mataman nitong paninitig sa kanya. Dama niya ang galit mula kay Wilfredo at nauunawaan niya kung bakit. Babae ang anak nito at hindi pa ipinaalam ni Analyn ang tungkol sa pagpapakasal nilang dalawa.But it was his plan. Kailangan ay kasal na sila ni Analyn bago niya harapin si Wilfredo Aguilar. Kapag ganoon ay hindi na siya maitataboy nito basta-basta sapagkat nakatali na sa kanya ang panganay nito.At ginagat ni Analyn ang nais niya. Dahil doon ay tuluyan na siyang parte ng buhay ng dalaga... ng kanyang asawa.Hindi niya mapigilang pagmasdan nang mataman si Wilfredo. He was the typical type of a father. Kahit sinong ama ay ganoon din ang magiging reaksiyon oras na malamang buntis ang anak. Ang hindi niya inasahan ay ang kung paano gumayak ang matandang lalaki. He was simple just like Analyn. Hindi ito glamaroso at hindi kababakasan ng ano mang karangyaan.Maging ang bahay ng mga Aguilar ay ganoo
Matamang pinagmasdan ni Analyn ang bahay na nasa kanyang harapan. Tatlong palapag na bahay iyon na may napakalawak na bakuran. Halata na bagong renovated ang naturang bahay na sadyang ginawa nang makabago ang disenyo. Pati ang kabuuang pintura ay sadyang ibinagay din sa bago nitong istraktura.Sa harapan ng entrada ay ang katamtamang laki na fountain. May isang pigura sa gitna niyon na hugis batang babae na kunwa ay may hawak na isang nakatagilid na banga. Mula sa banga nanggagaling ang tubig na bumubuhos patungo na ibabang bahagi nito. Kung may isda man roon ay hindi na niya pinagkaabalahan pang tingnan."Let us get inside," narinig niyang sambit ni Romano na sadyang nagpapitlag pa sa kanya.Nang nilingon niya ang kanyang asawa ay nakita niyang bitbit na nito ang dalawang travelling bag na naglalaman ng ilang damit niya at mga personal na kagamitan. Mas nauna nga siyang bumaba ng kotse nito matapos maiparada iyon sa napakalawak na garahe. Mula sa kanilang bahay ay doon nga siya dinal