Share

CHAPTER 6

Matapos patayin ang shower ay agad na inabot ni Romano ang puting tuwalyang nakasabit sa may kaliwang panig niya. Ipinunas niya iyon sa kanya saka itinapis sa ibabang parte ng kanyang katawan.

Halos tumutulo pa ang ilang tubig mula sa buhok ni Romano patungo sa kanyang matipunong dibdib nang lumabas siya ng banyo. Akmang tutuloy na siya sa kanyang bag para kumuha ng masusuot nang matigilan siya sa may hamba pa lang ng pintuan.

His eyes darted to the bed. Magulo pa ang bedsheet at comforter doon tanda ng mga naganap kagabi. Ngunit kung may mas nagpatigil sa kanya sa kinatatayuan, iyon ay ang katotohanan na wala na roon ang babaeng kanina lang ay iniwan niyang mahimbing pang natutulog... ang babaeng nakaulayaw niya kagabi.

Sa kabila nga ng halos anong oras na sila nakatulog kagabi ay maaga pa ring nagising si Romano. He woke up while his hand was around her naked body. Halos nais niya pang murahin ang kanyang sarili nang magising at mapagtantong yakap niya ang hubad na katawan ni Analyn. Hindi lang kasi ang diwa niya ang nagising kundi maging ang pagkalalaki niya na rin.

She was a virgin. Tama nga siya sa hinuha niya base na rin sa mga naging pahayag nito. Despite the idea that she might get hurt because of what could happen, Romano can't help but to take her. Hindi niya rin maipaliwanag sa kanyang sarili kung bakit ganoon na lang kataas ang libidong nadama niya para sa dalaga.

Katunayan nga niyon ay ang pagnanais niya pang maangkin ulit ito sa ikalawang pagkakataon.Ngunit ang bagay na iyon ay hindi na nangyari. Maliban kasi sa alam niyang nasaktan si Analyn sa unang p********k, nakatulog na rin ito agad dahil sa pagkalasing.

For a moment a while ago, he watched her sleeping before entering the bathroom. Inihanda na niya ang kanyang sarili sa pakikipag-usap dito ngayong alam niyang nahimasmasan na ito mula sa epekto ng alak. Inaasahan niya pa nga na mauuwi sa bangayan ang magiging pag-uusap nilang dalawa.

Ikagagalit kaya nito ang kaalaman na naangkin niya na ito? Maalala pa kaya ng dalaga ang mga sinabi at ginawa nito kagabi?

He was ready to face her. Ngunit ano mang paghahanda niya ay agad nang naisantabi nang makitang wala na ito sa loob ng kanyang silid. Maging ang mga damit at pouch bag ng dalaga ay wala na sa pinaglagyan niya kanina.

Because of that, Romano hurriedly walked towards his travelling bag. Naroon pa rin ang kanyang mga gamit at hindi na pinagkaabalahan pang ilagay sa loob ng built-in closet na nasa silid na iyon.

Kumuha siya ng isang malinis na polo shirt, pantalong maong at underwear. Mabilisan niyang isinuot ang mga iyon saka lumabas ng naturang silid na ang tanging bitbit ay ang susi ng kwarto at ang kanyang cell phone.

Habang naglalakad sa pasilyo ay hindi niya pa maiwasang magpalinga-linga sa kanyang paligid. Waring imposible man ngunit nagbabaka-sakali siyang makikita si Analyn.

He didn't know anything about her. Maliban sa pangalan nito ay wala na siyang alam. Kahit apelyido ng dalaga ay hindi na niya naitanong. Ni wala man lang siyang detalyeng alam sa babaeng nakaniig niya kagabi.

Well, aside of course from all her body's curves and sensitive spot. Wala yatang parte ng katawan ito na hindi niya nahawakan. Wala siyang alam sa dalaga ngunit nagawa niyang angkinin ang buo nitong katawan.

"Damn!" he hissed inwardly. Tuluyan siyang bumaba sa pinaka-ground floor ng hotel habang patuloy pa rin sa paghagilap kay Analyn.

Nang hindi talaga ito nasilayan ay napilitan na siyang lapitan ang receptionist na naka-duty nang mga oras na iyon. Ang ilan sa mga empleyado ni Ethan ay alam na kaibigan siya nito. Kasabay niya itong dumating sa naturang resort pati na rin si Rose, Ethan's former employee. Ngayon ay waring may namamagitan na sa mga ito.

Agad na sumilay sa kanyang mga labi ang isang ngiti nang makalapit siya sa reception area. "Good morning, miss," masuyo niyang bati sa babae. Sadyang nilakipan niya pa ng lambing ang kanyang tinig para makuha ang loob nito.

"Yes, sir? What can I do for you?" she asked in a very professional voice. Halatang trained lahat ng empleyado ni Ethan sa resort na iyon.

"I was just... looking for someone. I hope you could help me."

"Of course, sir. Ano ho ba ang maitutulong namin?"

"You have one tourist who booked on this resort. Her name is Analyn. May I know what room she's occupying right now?"

"Naku, sir," alanganin nitong sabi. "Maliban ho sa maraming turista ngayon sa resort ay hindi rin ho kami basta-basta nagbibigay ng room number ng ibang customer. Why don't you try calling her, sir?"

"Ganito kasi iyon," katwiran niya. "We don't really know each other. Kagabi ko lang siya nakilala. I was just wondering... you know, maybe I could know more about her."

"Pasensiya na, sir, pero hindi ko ho maibibigay sa inyo---"

"Ang alin? What's happening here?" wika ng isang tinig na papalapit sa kanila. It was Ethan. "What is wrong, Romano?"

He heaved out a deep sigh as he guided his friend. Iginiya niya ito ilang hakbang mula sa reception area.

"May problema ba? Ano ang sinasabi ng empleyado ko na hindi maibibigay sa iyo?"

"I am looking for someone. She's one of your tourists here."

"She?" makahulugan nitong sabi. Nagkaroon pa ng gatla ang noo nito.

"Yeah," usal niya. "Look, we have something to talk about."

"Like?"

"Bakit ba ang dami mong tanong? I just need to talk to her."

"Fully booked ngayon ang resort, Romano. Gusto mo isa-isahin iyan ng empleyado ko."

"Come on, Ethan," giit niya pa. "You have your record."

"What's with this woman that you are eager to look for her?"

Bakit nga ba? It was just a one-night stand. May ilan din naman siyang naikama na hindi niya karelasyon ngunit pagkatapos ng isang gabing pinagsaluhan ay hindi na siya nagkainteres na muling makadaupang-palad alin man sa mga iyon.

Bakit ngayon ay hinahanap niya ang babaeng nakatalik niya kagabi? Ethan was right. What's with her?

"Well?" untag sa kanya ng kaibigan niya. "Why are you looking for her?"

"Because..." His voiced trailed off. "Just because, Ethan."

Ethan smiled mischievously. Hindi niya man nasagot ang tanong nito ay alam niyang nakuha na nito iyon. Kapwa sila lalaki. Of course, he knew about it.

"What's her name?"

"Analyn..."

Hindi na ito sumagot at basta na lamang lumapit sa empleyado nitong kausap niya kanina. He followed him. Narinig niya pa ang pagtatanong nito sa receptionist. Dahil sa si Ethan ang may-ari ng naturang resort ay agad itong sumunod.

"Dalawang Analyn ho ang kasalukuyang naka-book, Sir Ethan."

"Details about them," mariin pang utos ng kaibigan niya.

Agad na tumingin ang empleyado sa monitor sa harap nito. "The first one was a fifty-year old woman. She checked in yesterday together with two other women. Ang isa po ay isang fifteen years old, kasama naman ang mga magulang."

Ethan harshly looked at him. Nasa mukha nito ang hindi maitatagong kaaliwan.

"Alin sa dalawa, Romano? Ang bata na sa tingin ko naman ay hindi mo papatulan? Pedophile was never your thing, my friend. O baka nag-iba na taste mo sa babae at mas gusto mo na ang matanda? Fifty years old, huh?"

"Hindi siya alin man sa dalawang iyan," mariin niyang sabi.

Nasisiguro niya iyon. Definitely the Analyn that he has made love with last night was not a fifteen-year old lady. Matured na ito na sa hinuha niya ay nasa bente singko o bente sais anyos na. At nasisiguro niya rin na hindi ito singkwenta ayos.

Damn it! Kahit siguro lasing siya kagabi ay hindi niya magagawang angkinin ang isang singkwenta anyos na babae!

"Come on, Romano. Baka naman namali ka ng dinig sa pangalan ng babaeng tinutukoy mo," wika na sa kanya ni Ethan nang naglalakad na sila papasok ng hotel.

"I am sure, Ethan," tugon niya dito. "O baka nag-check out na siya at umalis."

Posible! Baka nang magising ang dalaga kanina sa kanyang silid at napagtanto ang nangyari sa kanilang dalawa ay agad itong nagdesisyon na umalis na ng resort na iyon. At hindi malayong iyon nga ang nangyari. Just like what he thought, kung hindi lasing si Analyn ay alam niyang ni hindi niya ito makakausap, katulad na lang sa nangyari sa dagat nang unang beses na nagkita sila. Agad siya nitong iniwan noon at hindi na pinansin.

At marahil, matapos mahimasmasan mula sa pagkalasing ay nagpasya itong umalis na. Ni hindi man lang siya kinausap muna ng dalaga.

"Perhaps, you can check your record," wika niya pa kay Ethan. "Let us check those who recently left your resort."

"Then what?"

"I am sure you have her details---"

"Romano, you know the rules. Hindi kami naglalabas ng detalye ng mga bakasyonista dito sa resort. That's confidential."

"Ethan---"

Sa muli ay hindi niya naituloy ang kanyang sasabihin, hindi dahil kay Ethan, kung hindi dahil sa pagtunog ng kanyang cell phone. Nang tingnan niya kung sino ang tumatawag, pangalan ni Lark ang kanyang nabasa.

"Answer it," udyok ni Ethan. "I just need to do something. Let us just talk later, Romano. Dahil sa iyo ay malapit ko nang paniwalaan na may sumpa ang resort ko sa ating magkakaibigan. Si Lorenzo ay dito nakilala si Tamara. Ngayon naman ay ikaw."

"Maging ikaw din naman, hindi ba?" makahulugan niyang sabi dito.

Hindi na siya nito sinagot. Pagkawika niya niyon ay tuluyan na siyang iniwan ni Ethan. Waring nahulog din ito sa pag-iisip.

Si Romano naman ay sinagot na nga ang tawag ni Lark habang naglalakad naman patungo sa direksiyon ng elevator. He talked to Lark while he was heading back to his room.

"Yes, Lark. Is there any update?"

"Yes, Sir Romano. I have sent to your email all the details you needed," tugon nito mula sa kabilang linya.

"That's great. I really like how you work, Lark. Mabilis mong nagagawa ang nais ko."

"It was not difficult to do, sir. Naibigay niyo na ang ilang detalye tungkol kay Wilfredo Aguilar kaya madali ko nang nalaman ang tungkol sa pamilya niya."

"Kompleto ba lahat?" tanong niya pa habang naglalakad na papasok sa loob ng kanyang silid.

"Yes, sir," sagot ni Lark. "I have some of the details about his wife and two daughters. Pati na rin kung saan ang eksaktong address ng mga Aguilar."

"Two daughters?" kunot-noong ulit niya sa sinabi nito. Kasalukuyan na siyang nasa loob ng kanyang silid at inilalabas mula sa kanyang bag ang pagmamay-aring laptop.

"Yes, sir. I even sent you pictures of Wilfredo's family that I got from their social media account."

"Thank you, Lark. I will check it first. Tatawagan kita ulit."

Tuluyan na siyang nagpaalam kay Lark saka inilapag ang kanyang cell phone sa ibabaw ng kama. He opened his laptop and checked his email. Agad niya ngang nakita ang bagong mensaheng pinadala sa kanya ng binabayaran niyang imbestigador. Binuksan niya iyon agad at binasa ang mga files na kanyang natanggap.

The first part of Lark's report was all about Wilfredo. He already knew some of his details because JG Canning Company has them on his profile.

Nang malaman niya kasi ang problema sa kompanya ng kanyang abuelo at si Wilfredo Aguilar ang pinagbibintangan ay agad niya nang pinag-aralan ang profile ng naturang empleyado.

Matagal na rin ito sa kompanya ng kanyang Lolo Julio. Taon na rin ang binilang nito sa JGCC kaya marahil aral na aral na nito kung paano magdispalko ng pera mula sa kanila.

The next thing that he browsed were the details about his family. Una niyang inalam ang tungkol sa asawa nito. There was nothing that interests him about Vilma Aguilar, Wilfredo's wife. Tipikal na asawa ang gayak nito sa litratong pinadala sa kanya si Lark. Hindi niya pa maiwasang mapaismid nang maisip na malamang ay galing sa perang ninakaw sa kanilang kompanya ang perang natatanggap ng may-bahay ni Wilfredo.

Then, he browsed more. Sa pagkakataong iyon ay tungkol naman sa mga supling ni Wilfredo at Vilma ang laman ng report ni Lark. And Romano felt like his body stiffened as he saw the next page of the file that he was reading.

Naroon ang pangalan ng dalawang anak ni Wilfredo, ang edad ng mga ito at kung saan nagtatrabaho at nag-aaral. Kung paanong ganoon kabilis nakuha ni Lark ang mga detalyeng iyon ay hindi niya alam. He must be really expert on his craft that's why he was so efficient.

At hindi lang iyon ang laman ng report ni Lark. Katulad kay Vilma Aguilar, may mga litratong kalakip ang impormasyong nakuha nito tungkol sa mga anak ni Wilfredo. Dalawang babae iyon ngunit sa isa lamang nakatutok ang mga mata ni Romano... sa babaeng sa wari niya ay mas panganay sa dalawa.

Bakit hindi? Iyon ang babaeng hinahanap niya kanina pa! Si Analyn, the woman he made love with last night!

"Analyn Aguilar..." basa niya sa pangalan nito.

So the lady was not lying when she said that her name was Analyn. At anak ito ni Wilfredo? Ang babaeng nakatalik niya kagabi ay anak ng lalaking may malaking kasalanan sa kanyang abuelo?

"Tingnan mo nga naman ang pagkakataon..." he said to himself. "Analyn Aguilar..."

The name slipped out of his lips smoothly as a mischievous expression was playing on his face.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status