"Is Josh around?" agad na bungad ni Analyn sa receptionist ng travel agency na pag-aari ng pamilya ng dati niyang kasintahan. Hindi niya pa maitago sa kanyang tinig ang galit nang magtanong siya dito.
Nang mag-angat ng ulo ang babae at tumitig sa kanya ay kita pa ni Analyn ang gulat na ekspresyon sa mukha nito, wari bang hindi inaasahan na pupunta pa siya sa lugar na iyon.Hindi na siya magtataka kung alam na ng mga taong naroon ang tungkol sa post na ginawa ni Josh sa social media account nito. Base sa nakita niya ay kagabi pa iyon ginawa ng binata. Nang mga oras na umiiyak siya sa kanyang silid dahil sa natuklasang panloloko nito ay gumawa na ito ng hakbang upang malinis na agad ang pangalan.And damn him for doing that! Siya na nga itong naagrabyado at sinaktan, siya pa itong pinagmukhang masama ni Josh. Talagang nakaisip na ito ng paraan para hindi madungisan ang sarili nitong pangalan."M-Ma'am Analyn...""I am asking you, nariyan ba si Josh?""I am here," wika ng isang tinig mula sa kanyang likuran.Nang lumingon si Analyn ay agad niyang nakita ang dating kasintahan. Yes, dati! Wala na siyang balak pang tawagin itong 'kasintahan niya' matapos ng ginawa nito."How dare you?! You---"Ano mang sasabihin niya ay agad nang naputol nang basta na lang ay lumapit sa kanya ang binata. Hinawakan siya nito sa kanyang kanang braso saka iginiya patungo sa may entrada ng gusaling kinaroroonan nila.Hawak pa siya nito nang tuloy-tuloy nang naglakad si Josh hanggang sa marating nila ang parking lot ng naturang establisimiyento. Nang sa wari ay sapat nang distansiya ang layo nila mula sa mga empleyado ng travel agency ay pinakawalan na nito ang kanyang kamay.She faced him angrily. Nang mabasa niya nga kanina ang ginawa nitong post ay agad siyang nagpaalam sa kanyang mga magulang. Sinugod niya ito agad para komprontahin.Hindi pa nga sana sang-ayon ang kanyang mga magulang ngunit hindi na siya nagpaawat pa. Hindi niya kayang palampasin ang ginawa nitong paninira sa kanya."How dare you, Josh?!" galit niyang bulyaw dito. "Manloloko ka na, sinungaling ka pa!""And you really came here to tell me that? Hindi ka ba nahihiya na makita ng mga empleyado ko?""At bakit ako mahihiya?" bwelta niya dito. "Ikaw ang nanloko, damn you!""Do you have proof on that?" anito sabay ngisi sa kanya. "Everyone knew that I loved you. I even proposed, right? Kaya sino ang maniniwala na ako ang nagloko?"Hindi niya maiwasan ang pagbaba-taas ng kanyang mga balikat dahil sa pinipigilang galit. Kung may apoy lang na inilalabas ang kanyang mga matang galit na nakatitig dito ay baka kanina pa nasunog ang binatang kanyang kaharap."H-How can you do this, Josh? Why did you cheat?" tanong niya. Bahagya pang gumaralgal ang kanyang tinig nang bitawan ang mga tanong na iyon.Josh looked at her intently. "I have my reasons, Analyn.""Did you ever love me?" lakas-loob niyang tanong dito."Hindi mo ako masisisi kung bumaling man ako sa iba, Analyn," saad nito sa halip na sagutin pa ang kanyang tanong. "Cristina can give me my needs."Sukat sa mga sinabi nito ay pagak siyang natawa. Pakiramdam niya pa ay naging histerikal ang pagtawang ginawa niya."Give you your needs? Seriously? Dahil lang diyan? Ang babaw mo, Josh.""At ikaw ay ano, Analyn?" bwelta nito sa kanya. "Ano ang tawag sa iyo? A snowqueen, frigid woman?"Dahil sa kanyang mga narinig ay mabilis na umangat ang kanang kamay ni Analyn. Dumapo ang palad niya sa pisngi ng binata na naging dahilan pa ng pagtagilid ng ulo nito.She saw as his jaws tightened. Nang lumingon ulit ito sa kanya ay may galit nang sumasalamin sa mga mata nito."What? You will hit me back? Gawin mo para may rason ako para sampahan ka ng reklamo," hamon niya sa binata.Alam niyang nakikita na nito ang pamumuo ng mga luha sa kanyang mga mata. Pero sa halip na panghinaan ng loob ay buong tapang niya pa ring isinatinig ang hinanakit niya sa binata."Bumaling ka sa iba, just because I can't give what you wanted. Masama ba kung ibigay ko ang sarili ko sa mapapangasawa ko?""Exactly, Analyn," mabilis nitong agap. "Mapapangasawa mo na ako pero hindi mo pa rin magawang ibigay sa akin ang sarili mo.""Well, I am glad that I did not, Josh. Kung sakali ay baka pagsisihan ko buong buhay ko." Linakipan niya ng tapang ang kanyang tinig. "I will make sure that everyone will know what really happened. Sisiguraduhin ko---""At paano mo iyon gagawin, Analyn?" mabilis nitong putol sa kanyang pagsasalita. "Maliban sa iyo ay walang ibang may alam sa relasyon namin ni Cristina. Sa tingin mo ay maniniwala sila sa iyo.""Why not? Hindi ako gumagawa ng kwento lang katulad mo, Josh.""Poor, Analyn," anito. Tumikwas pa ang isang sulok ng mga labi nito habang matamang nakatitig sa kanyang mukha. "Hindi mo nagagawang sirain ang imahe ko. Walang maniniwala sa iyo na may relasyon ako kay Cristina. Remember, isa pa siya sa labis na sumuporta sa relasyon nating dalawa. Karen can testify to that.""Damn you!" she hissed angrily."Yes, damn me," nakaloloko nitong sabi. "Sad to say, I needed to make that post to save my image, Analyn. Pasensiyahan tayo kung naunahan kita."Pagkawika niyon ay basta na lamang siya iniwan roon ni Josh nang wala man lang paalam. Muli na itong humakbang pabalik sa loob ng gusali nang hindi man lang siya nilingon ulit.Halos manikip ang dibdib ni Analyn nang dahil sa pinaghalong galit at sakit na nadarama. Despite everything, she can't deny the fact that she was still hurting because of what he did. Totoong minahal niya ito. Ninais niya pa ngang pakasalan ang binata patunay na seryoso siya sa nadarama niya para dito.But he was nothing but a cheat! Hindi lang manloloko, isa pa itong male chauvinist! Gagawin ang lahat huwag lang masira ang sariling imahe."Damn you, Josh!" bulong niya sa galit na tinig bago nilisan ang lugar na iyon.*****MARAHANG iginala ni Analyn ang kanyang paningin sa malawak na dagat sa kanyang harapan. Ang asul na asul na kulay nito ay waring nag-aanyaya na sa kanya na maligo. Sadyang nadagdagan pa ang ganda ng tanawing nasa harapan niya dahil sa nag-aagawang liwanag at dilim ng paligid.Mag-aala sais na ng hapon at kasalukuyan siyang nasa isang private resort na matatagpuan sa Samal Island sa Davao--- ang Ocean Pearl Private Resort. Matagal na niyang naririnig ang tungkol sa naturang lugar ngunit hindi siya makakuha ng pagkakataon para makapunta roon dahil na rin sa labis na abala sa kanyang trabaho.Ngayon lamang siya nagkaroon ng oras para makapagbakasyon roon... ngayon lamang at iyon ay para pagpahingahin ang sugatan niya pa ring puso.It has been a week since her break up with Josh. Kahapon lamang siya dumating sa resort na iyon at mag-isa lang siyang nagbakasyon.She needed to. Kung hindi siya aalis muna ng Kamaynilaan ay may pakiramdam siyang masisiraan siya ng bait. Kaya naman, kahit hindi sang-ayon ang kanyang mga magulang sa pagbibiyahe niya nang mag-isa ay hindi siya nagpaawat. Kailangan niyang dumistansiya sa lahat. Kapag hindi niya iyon ginawa, hindi maghihilom ang sugat na ginawa sa kanya nina Josh at Cristina.Hindi na nga binawi ng binata ang ginawa nitong post sa social media dahilan para paniwalaan ito ng mga nakakakilala sa kanila. Siya ang lumabas na masama sa mata ng mga ito at kahit gustuhin niya mang itama ang mga iyon ay hindi na niya ginawa pa.What for? Buo na ang paniniwala ng mga ito sa mga kasinungalingan ni Josh. Isa pa sa labis na nagpapasama ng loob niya ay ang kaalaman na hindi niya man lang kinaringgan ng paghingi ng tawad si Cristina. Mas pinanigan pa nito ang ginawang post ni Josh dahilan para mas maging masama siya sa mata ng lahat.Of course, her parents were on her side. Sinabi niya ang totoo sa mga ito at kahit wala siyang maipakitang ebidensiya na magpapatunay ng panloloko ni Josh ay pinaniwalaan siya ng kanyang mga magulang. They knew her too well. Alam ng mga ito na hindi niya magagawang magloko katulad ng paratang sa kanya ng dati niyang nobyo.Karen, as well, believed her. Kung iisipin ay hindi niya ito pinilit na paniwalaan siya. Kapwa nila ito kaibigan ni Cristina at kung kanino man ito papanig ay hindi na niya ito papakialamanan pa.But surprisingly, she saw the sympathy from Karen when she told her everything. And Analyn knew very well that she was sincere.She heaved out a deep sigh. Umalis nga siya ng Kamaynilaan ngunit may pakiramdam si Analyn na hindi naman nababawasan ang sakit na nasa kanyang dibdib. Lagi na ay naiisip niya pa rin ang eksena nina Josh at Cristina sa swimming pool. Para iyong sirang plaka na paulit-ulit na naglalaro sa isipan niya."Arghhhh!" sigaw niya habang nakaharap pa rin sa dagat.Papadilim na at sadyang pinili niyang tumambay sa bahagi ng dagat na kakaunti lang ang tao. Nasa bahagi siya kung saan lampas na sa mga kubo na maaari pa ring rentahan ng mga turistang nagbabakasyon sa resort. Maliban kasi sa pinaka-hotel ng resort ay may iba't ibang amenities pa ang lugar na maaaring magamit ng mga turista.Sa kubo niya nga sana nais na manatili habang naroon siya, kaya lang ay fully booked na ang mga iyon. In the end, she just decided to stay at the hotel.Muli niyang pinuno ng hangin ang kanyang dibdib kasabay ng muling paggala niya ng kanyang paningin sa malawak na dagat. Kung sa ibang pagkakataon sana ay ma-eenjoy niya ang pananatili sa lugar na iyon, pero hindi sa panahong katulad ngayon na labis na sakit pa ang namamahay sa kanyang dibdib. Kung kailan niya iyon magagamot ay hindi niya pa alam."Go to hell, Josh! I wish you go to hell! Magsama kayo ni Cristina!" muli niya pang sigaw habang nakaharap sa malawak na dagat. Ang kanyang mga paa ay inaabot na ng mumunting alon at wala pa siyang pakialam kung mabasa man ang laylayan ng suot niyang manipis na cover up. Sa ilalim niyon ay tanging two-piece swimsuit ang kanyang suot.Pagkasigaw niyon ay mariin niya pang naipikit ang kanyang mga mata habang nakatingala sa langit. Pilit niyang kinakalma ang kanyang sarili nang bigla ay may narinig siyang nagsalita."Parang gusto kong kaawaan ang mga taong binanggit mo. Walang kaalam-alam na sinusunog mo na sila sa imperyo. But my heart also wanted to bleed for you because I can hear so much pain on your voice. Did that Josh and Cristina break your heart, sweetheart?"Sukat sa mga narinig ay marahas na napalingon si Analyn sa pinanggalingan ng tinig. Sa bahagi kung saan pinong-pino ang buhangin ay nakahiga ang isang lalaki na wari ay walang pakialam kung mapuno man ng buhangin ang katawan.Ilang hakbang lamang ito mula sa kinaroroonan niya at kung bakit hindi niya napansin ang binata roon ay hindi niya alam. Marahil ay dahil na rin sa katotohanan na nabuhos ang kanyang atensiyon sa sakit na kanyang nadarama. Idagdag pa na sa dagat lamang talaga nakatuon ang kanyang paningin dahilan para hindi na niya ito nakita pa."K-Kanina ka pa riyan?""Long enough to see you walking towards here with so much pain in your face," saad ng lalaki sabay tayo mula sa may buhanginan. Pinalpagan pa nito ang katawan habang sa kanya din nakatuon ang mga mata.Analyn can't help herself to stare at him. Matangkad ang lalaki. Kung hindi siya nagkakamali ay baka hanggang balikat lamang siya nito. Gwapo ang lalaki. Halata pa ang wari ay dugong banyaga dito. He must has a spanish blood in him that made him a good-looking man. His prominent jaws just added to his manly look."So, tell me, what happened? Pumunta ka ba sa lugar na ito para paghilumin ang sugatan mong puso?" narinig niya pang sabi ng lalaki.Her eyebrow arched. "And why would I tell you about it? Hindi kita kilala."He shrugged his shoulders. May pilyong ngiti na naglalaro sa mga labi nito."You know, heartaches can easily heal once shared.""Not with you," aniya sa mataray na tinig."I can help you, miss. Kaya kong gawan ng paraan para makalimutan mo ang Josh na iyon. What can you say? I am staying here for weeks. Let's have some good time together.""Go to hell, as well!" bulyaw niya dito sabay talikod na para umalis. Malalaking hakbang pa ang kanyang ginawa para makalayo agad dito.She was expecting him to be offended because of what she said. But instead, the man blurted out laughing.Mayabang. Akala mo kung sinong anak ng diyos na basta niya na lang sasamahan nang ganoon-ganoon lang. Pumunta siya roon para makalimutan ang nangyari sa kanya sa Manila, hindi para kumuha ng bagong sakit ng ulo."Just do what I said, Lark. I want an update as soon as possible. Do you get it?" mariing saad ni Romano kay Lark, ang private investigator na kinuha niya para mag-imbestiga sa nangyari sa kompanya ng kanyang Lolo Julio.Kasalukuyan siyang nasa loob ng hotel room na inookupa niya sa pag-aaring resort ng kaibigan niyang si Ethan. Napagpasyahan niyang magbakasyon roon matapos siya nitong ayain. Nagpaunlak siya. Nais niya rin munang magpahinga bago niya tuluyang hawakan ang kompanyang pamana sa kanya ng kanyang abuelo.Kung tutuusin ay matagal nang iginigiit ng kanyang Lolo Julio na hawakan niya ang posisyon bilang presidente ng canning company na sinimulan pa nito. But Romano was hesitant at first. He was thirty-five years old but being serious in life was still out of his mind.Iyon ang bagay na pinagkaiba niya sa kanyang mga kaibigan tulad nina Lorenzo at Ethan. Ang dalawa ay kapwa na seryoso sa mga negosyo ng pamilya ng mga ito. While him--- still the jet-setter that he used to be. K
The moment Romano claimed Analyn's lips, he felt the electrifying emotion that he could not give a name. Her lips was soft and sweet, something that lost his control right at that moment.Sa totoo lang, sa may dagat pa lang ay pansin na niya ang gandang taglay nito. Iyon ay sa kabila ng lungkot na nakalarawan sa mga mata ng dalaga na kalaunan ay napalitan pa ng inis para sa kanya nang alukin niya ang kanyang sarili dito.Her beauty was exotic. It was something that would make her different from all the women he has dated before. Lahat ng babaeng dumaan na sa buhay niya ay pawang magaganda at sopistika kung kumilos, kaibang-kaiba sa babaeng hinahalikan niya ngayon.Analyn was just simple. Sa kabila ng kasimplehang taglay nito ay hindi rin natatawaran ang gandang taglay ng dalaga. Nang yayain niya itong sumayaw ay halos mapigil pa ni Romano ang kanyang paghinga nang magsimulang umindayog ang katawan nito.Why, she was moving gracefully that he felt like her movement was teasing him!She
Analyn gasped loudly as Romano touched the most sensitive part of her body. It was something that no one has ever done to her, not even Josh who has been her boyfriend for three years.Hindi niya alam kung bakit siya sumama sa binata na dalawang beses niya pa lamang nakatagpo. Ni hindi niya alam kung bakit niya ito pinapayagang gawin sa kanya ang mga bagay na dapat ay ginagawa lamang ng dalawang taong magkarelasyon.And despite the idea that they already knew their names, Romano was still a stranger for her. Ni wala siyang alam tungkol sa pagkatao nito. Pero bakit hindi niya ito pinapahinto? He even asked her to leave his room and back out. But instead of following him, she offered herself even more.Sa maraming pagkakataon ay tinanggihan niya si Josh. Ano mang pag-aaya nito ay hindi niya pinagbigyan ang dating kasintahan maliban sa mga malalalim na halik at yakap lamang. Pero bakit sa lalaking ito ay nadadarang siya? Bakit hinahayaan niya itong hagkan siya at mahawakan sa maseselang
Matapos patayin ang shower ay agad na inabot ni Romano ang puting tuwalyang nakasabit sa may kaliwang panig niya. Ipinunas niya iyon sa kanya saka itinapis sa ibabang parte ng kanyang katawan.Halos tumutulo pa ang ilang tubig mula sa buhok ni Romano patungo sa kanyang matipunong dibdib nang lumabas siya ng banyo. Akmang tutuloy na siya sa kanyang bag para kumuha ng masusuot nang matigilan siya sa may hamba pa lang ng pintuan.His eyes darted to the bed. Magulo pa ang bedsheet at comforter doon tanda ng mga naganap kagabi. Ngunit kung may mas nagpatigil sa kanya sa kinatatayuan, iyon ay ang katotohanan na wala na roon ang babaeng kanina lang ay iniwan niyang mahimbing pang natutulog... ang babaeng nakaulayaw niya kagabi.Sa kabila nga ng halos anong oras na sila nakatulog kagabi ay maaga pa ring nagising si Romano. He woke up while his hand was around her naked body. Halos nais niya pang murahin ang kanyang sarili nang magising at mapagtantong yakap niya ang hubad na katawan ni Analyn
"Hindi ko maintindihan, papa. Paanong ikaw ang pinagbintangan gayong ang tagal mo na sa kompanyang iyan?" wika ni Analyn sa kanyang ama.Kasalukuyan niyang kasama ang kanyang ama at ina. Nasa komedor sila at pinag-uusapan nga ang tungkol sa nangyari sa pinapasukang kompanya ng kanyang Papa Wilfredo. Lahat sila ay may tig-iisang tasa ng kape na sadyang ang kanyang ina pa ang nagtimpla.Nakaupo si Wilfredo sa kabisera ng mesa. Ang kanyang inang si Vilma ay nakapwesto sa kanan nito habang si Analyn ay hindi mapalagay na palakad-lakad. Ang bunso sa kanilang pamilya na si Anjielyn ay kasalukuyan pang nasa university na pinapasukan nito."Ako ang accountant ng JGCC, Analyn. Iniisip nila na minamanipula ko ang bawat financial report ng kompanya. I don't know pero iyon lang ang nakikita kong rason kung bakit ako ang pinagbibintangan nila.""Hindi lang ikaw ang nasa accounting department, papa," giit niya pa. Huminto siya sa pagpapabalik-balik ng lakad at napahawak sa sandalan ng upuang nasa h
Mabilis ang naging pagtalikod ni Analyn nang makita siya nito. Akmang aalis na ang dalaga ngunit ilang hakbang pa lamang ang nagagawa nito ay agad nang tinawid ni Romano ang distansiya sa pagitan nilang dalawa saka ito marahas na hinawakan sa kanang braso.Analyn flinched and instantly turned to look at him. Dahilan iyon para muli niyang masilayan ang mukha nito na ngayon ay kababakasan na ng pagkabahala."Bitiwan mo ako," mariin nitong saad kasabay ng pilit na pagbawi sa braso nitong hawak niya.But Romano did not obey what she said. Marahan niya pa munang iginala ang kanyang paningin sa kanilang paligid saka iginiya ang dalaga palapit ulit sa kinapaparadahan ng kotse niya.Nang mapansin ni Analyn ang balak niyang gawin ay mas naging mariin ang pagbawi nito sa sariling braso. Sanhi iyon para mahinto siya sa pag-akay sa dalaga at muling pagharap dito."Bitiwan mo sabi ako. Hindi mo ba ako narinig? Or you want me to shout here para makaagaw tayo ng atensiyon?" wika nito na may pagbaban
"Hindi mo dapat ginawa iyon. Why did you have to call me that way in front of them? Iisipin nila na may relasyon tayong dalawa," mariing lintanya ni Analyn kay Romano.Kasalukuyan pa silang nasa loob ng sasakyan nito. Mula sa lugar kung saan sila nagkaharap-harap nina Josh at Cristina ay basta na lamang siya inakay ni Romano na pumasok sa loob ng kotse nito saka ito nagmaneho paalis.Sa ngayon ay nakahinto na sila sa tabi ng kalsada ngunit kapwa pa rin nakaupo sa loob ng sasakyan ng binata. Hindi niya maiwasan ang pag-alpas ng galit, kung kanino mas partikular ay hindi na niya mawari.Alam niyang nakadarama siya ng galit para kay Josh at Cristina. Matapos ng ginawa ng mga ito sa kanya ay hayun at lumalabas na nga ang dalawa nang magkasama. Sadyang pinanindigan na ang panloloko sa kanya.On the other hand, hindi niya rin maiwasang magalit kay Romano. Hindi niya maunawaan kung para saan ang ginawa nito kanina. Hindi man nito aminin ngunit alam niyang sinadya ng binata ang ginawa nitong
"Fvck! Bullshit!" sunod-sunod na pagmumura ni Josh habang magkakasunod na pukpok din ang kanyang ginawa sa manibela ng kotse niya. Halos gumawa pa ng mahinang tunog ang kanyang mga ngipin dahil sa galit na nadarama.Nasa loob pa siya ng kanyang sasakyan kasama si Cristina. Nakaupo si Josh sa may driver's seat habang ang dalaga naman ay nasa passenger's seat at nababahalang nakatitig sa kanya.Isa pa muling hampas sa manibela ang kanyang ginawa na sadyang ikinapitlag pa ng kanyang kasama."J-Josh, will you calm down? Walang mangyayari kung paiiralin mo iyang galit mo. In the first place, ano ba ang ikinagagalit mo?" wika sa kanya ni Cristina."Hindi ko maintindihan kung paanong nakilala ni Analyn ang Silerio na iyon," nangangalaiti niyang sabi. "Hindi mo ba napansin ang paghawak-hawak ng lalaking iyon kay Analyn, plus the endearment that he used to call her. Damn!""Nagagalit ka dahil sa may iba na rin si Analyn? Iyon ba?" bigla ay tanong ni Cristina. Hindi pa nakaligtas sa pandinig ni