Share

Kabanata 1

Tinitigan ko ng masama ang PA na nagpapaypay sa akin. Inirapan ko siya.

"Ano 'yan buong shoot walang aircon?!" irita kong parinig sa mga tao doon.

Nakita kong nagtinginan sila sa banda namin at nagbulungan. Muli akong umirap.

"Saglit nalang daw po, Ms. Vinta. Maaayos na daw po."

"Aayusin kung kailan andidito na ko. Palibhasa baguhan 'yang EP niyo!"

Tumayo ako at inis na lumakad papunta sa kotse ko.

"Damn it!" usal ko sabay sindi sa sigarilyong hawak. "Ano bang klaseng producer 'to! Ayaw alagaan 'yung big star niya!"

Binuga ko ang usok sabay hithit ulit at buga ulit. Nakaka-init ng ulo! Ang sukal sukal na nga nitong pinag shoo-shootingan namin tapos hindi agad gagawin ang ac sa tent ko! The great Vinta Serrano was being mistreated in her own tv series!

Nag-scroll ako sa cellphone para i-dial ang numero ni Romer, ang wardrobe/stylist ko. Na-stuck pa sila ng team ko sa EDSA kaya itong mga baguhan pa yata ang kasama ko ngayon!

Ilang dial ay sinagot na niya ako.

"Where the fuck are you?!"

"My goodness, V, wala ka pang ilang oras diyan ang init na ng ulo mo!"

"Paanong hindi. Sira yung ac sa tent ko. Kung kailan ako nakarating doon palang ginawa!"

"Baka hindi nila alam."

"They should check everything before call time. Ano ba ito? Mga baguhan?" bumuga muli ako ng usok. "Sino bang producer dito?! Did they even know me?"

He sighed. "You were the last choice! But tita Janice pulled some strings para maibigay ito sa'yo! 'Wag kang pa-disney princess dyan!"

Umirap ako. "I have the right! I am the lead!"

"Hindi ka na gano'n kalakas, V."

Pinatay ko ang tawag at halos ibato ang cellphone sa narinig kay Romer. Ang impaktang baklitang 'yon! Sarap ipakain sa pirana ang bibig!

No.

I am still in my prime. The lime light is still shining on me. Lagpas pa rin sa 100k ang likes ko sa i*******m at twitter. Kaya anong pinagsasabi ng baklang 'yon na hindi ako malakas. Nasa tuktok pa rin ako!

I will show them what I've got. They'll see.

Tinapon ko ang sigarilyo at babalik na sana sa site ngunit pagharap ko ay nakatayo sa aking likuran ang lalaking minsan ko nang isinumpa.

"Anong ginagawa mo dito?"

Lander sighed. He crossed his arms that made his sleeve stretch. Lumaki talaga ang kanyang katawan kumpara noon na sakto lang.

"I thought you quitted smoking."

"None of your damn business." asik ko.

"Watch your mouth, lady."

Ngumisi ako at tinagilid ang ulo. Lumapit ako ng kaunti sa kanya.

"I said, none of your fucking business, mister."

Umigting ang kanyang panga at kunot noong tumingin sa akin.

"You should behave yourself, you know."

"As if may pakielam ako sa kung anong tingin mo sa behavior ko."

"I am the executive producer here."

Nagulat ako pero hindi ko pinahalata. My ex is a producer now? So, damn great.

Baguhan palang kami sa industriya noon. Our friendship was built because we were both in the same agency before. Madalas kaming magkita kapag may mga acting sessions, singing, dancing and other stuff. Kumbaga nag-train talaga kami para maging artista. Then our so called "feelings" developed.

Kaso, I felt betrayed kasi I was always been in the top of the class pero siya ang unang nagka-project.

Nakipag-break ako sa kanya after that. After a year, nagkaroon na din ako. Mga commercial muna then extras, then supports, until given ng mga lead roles.

Kaya pala hindi ko na siya nakita sa tv. Nag-change career na siya. Nag-aral kaya siya? Of course! Hindi naman siya magiging producer kung hindi. Goodness, Vinta!

Natawa ako. "Right. Siyempre ikaw. Hindi ka marunong mag-alaga ng artista mo eh."

"Your ac is fixed."

Tinignan ko ang site at tumingin muli sa kanya. "Too late. Alam ko na paano ka mag-handle ng talents."

He sighed. "What's your point?"

Umirap ako at nagsimulang maglakad para iwan siya. Nalanghap ko agad ang pabango niyang hindi niya pinapalitan simula noon. Ganyan ang gusto kong amoy niya. Fresh fresh lang. Parang baby.

Nilingon ko siya. Nakatingin na siya sa akin. "My point is, I'll give you the ratings that exceed your expectation."

Naglakad na ako palayo ngunit agad napahinto dahil may nakita akong babaeng nakatayo sa aking kanan. Nakatingin siya sa akin.

Madumi ang kanyang puting saya at naka-paa. Magulo rin ang buhok at basa.

Nag-shoshoot na ba?

"Anong eksena mo diyan, miss?"

Hindi ito sumagot. Nagulat ako nang bigla itong tumakbo palayo.

"Crazy." bulong ko.

Napalingon ako sa likod nito at nakita ang isang lalaki na sumusunod sa kanya. Duguan ang likod nito ngunit tumatakbo pa rin habang lumilingon-lingon sa kanilang likuran.

Kumunot ang noo ko.

Tinitignan ko pa siyang tumatakbo nang marinig ko ang isang sigaw.

"Detenèr!"

Isang nakadamit pang sundalo ang humahabol sa babae at lalaki. Nakatutok sa dalawa ang hawak na baril.

Shit? Nagshoshoot na sila?! Bakit hindi ako tinawag!

"Hey!" tawag pansin ko sa kanila. Nagsimula talaga sila nang wala ako?!

Nang biglang may sunod-sunod na pumutok at nakita kong gumulong sa paibabang parte ng gubat ang dalawa. Kitang-kita ko kung paanong tamaan ng mga bala ang katawan ng lalaki.

"Shit! Totoo ba 'yon?" bulong ko sa sarili dahil kinilabutan ako sa dugong tumagas sa lalaki. "Grabe naman 'tong mga stunt man na 'to!"

"V? Who's you're talking to?" dinig ko si Lander na papalapit sa akin.

Lakad-takbo ako papunta sa pinag-gulungan ng dalawa. Titignan ko lang dahil na-intriga talaga ako sa eksena. Hindi ko naman pipigilan dahil baka pagalitan ako ni direk.

"Vinta!"

Tuluyan akong nakarating sa tuktok ng matarik na pababang lupang iyon. I saw the woman hugging the boy while crying.

Mukhang tatalbugan pa ako nito ha! Sino ba itong extra na 'to?! Palayasin ko kaya ito?

Nagulat ako ng tumingin ito sa akin habang basang-basa ng luha ang kanyang mukha. Kumuha siya ng patalim at sinugatan ang sariling kamay

"'Wag!" sigaw ko.

Gumuhit ang kidlat at bumuhos ang ulan.

Biglang nanghina ang aking katawan kaya hindi ko namalayang nahulog na din ako. Narinig ko pa ang boses ni Lander pero ang walang kapares na sakit ng katawan at dibdib ko ay hindi ko na kinaya.

I vividly saw Lander calling for help and reaching for me. Para akong mamamatay sa sakit na nararamdaman ko. Pain crept to my system as if I endured it a very long time. Ayaw ko man ay kusang pumipikit ang mga mata ko. Parang pagod na pagod ako.

But before I loose my consciousness fully, I heard.

"Sa ika-isangdaan at dalawampu't walong taon na pagtatakip ng mundo sa araw at buwan ay muling magpapakita ang ating nakaraan at magsisimulang muli ang panibagong yugto ng ating pagmamahalan. Nawa'y dumating ka, Crisanto. Pangako, aking mahal. Hihintayin kita kung saan tayo nagsimula."

Nagising ako sa kalog ng kung anumang sasakyan ang sinasakyan ko. Maybe they brought me to the hospital and..

What the sheesh?!

Dinoble doble ko ang kurap ng aking mata para makasigurong kalesa nga ang sinasakyan ko.

"Gising ka na pala."

Napatingin ako sa tabi ko at nakita ang isang madre na nakangiti sa akin. Mukhang bata pa ito, siguro kaedaran ko lang.

"Sino ka?"

Kumunot ang noo nito. "Anong sinasabi mo." tumawa ito.

Tumingin ako sa paligid. Ang kabog ng dibdib ko ay patindi ng patindi. The town was so vintage. Like, I'm in Vigan. Lumipat ba kami?

Pati ang mga kasuotan ng mga taong nakakasalubong namin ay makaluma. Tumingin ako sa aking suot.

"The heck!"

I was wearing the same clothes of this sister beside me. Hinawakan ko ang ulo at meron talaga akong veil. Bakit nakapang madre ako? Hindi ito ang role ko!

"Hermina." hinawakan ako ni sister sa kamay. "Tila ikaw ay gulat na gulat?"

Hindi ako nakapagsalita. Sigurado akong iritadong-iritado ang expression na binibigay ko sa kanya.

Hermina? Sinong Hermina pinagsasabi nito. Muli akong tumingin sa paligid, hinahanap si direk. Where's the "cut". I need it now!

"Narito na tayo."

Muli niyang naagaw ang pansin ko nang magsalita siya. Nauna siyang bumaba sa kalesang sinasakyan namin. My gosh, di pa rin ako makapaniwalang nakasakay ako sa kalesa.

"Nasa wow mali ba tayo?" tanong ko sa madre.

Napatingin din ang nagddrive ng kalesa sa akin.

"Nasa casa na tayo. Bumaba ka na riyan." ngiti nito at may pailing-iling pa.

"Anong casa?" gulong-gulo kong sabi. "Nagchange of place ba tayo?

Kunot noo sila ng driver tumingin sa akin.

"Che- ano iyon? Ingles ba ang iyong tinuran?"

Umawang ang labi ko at halos maiyak. Muli akong nagtingin-tingin sa paligid.

"Tangina, kaninong vlog ba 'to? Ako talaga napili niyong i-prank?!"

Napatakip ng bibig ang madre at mabilis na tinakpan ang aking bibig.

"Patawarin ka! Bakit ka nagsasabi ng masamang salita, Hermina!"

"Anong Hermina ba? Hindi ako si Hermina!"

Gulong-gulo ang dalawang tumingin sa akin. Aba! Ako din, hindi lang kayo!

Tumawa ang madre. "Hay nako. Isa na naman siguro ito sa iyong taktika upang hindi sumama. Bumaba na tayo upang makaalis na ang kutsero."

Hinawakan nito ang kamay ko at hinila palabas. Muntik pa akong sumabit dahil sa haba ng suot ko.

"Ngunit wala ka nang magagawa dahil narito na tayo, Hermina."

Pumiglas ako kaya napatigil din siya. Tinignan ko ang arko ng gate na papasukan namin.

"Casa Sagrado"

Ang abo nitong kulay ay napupuno na ng mga kalawang. Maraming puno sa loob ng building na 'to. Mukhang ampunan dahil nagkalat ang mga bata at madre sa malawak nitong bakuran.

"Tayo na." muling tawag ng babae.

Umiling ako at tumakbo ng mabilis. Tinawag niya pa ako pero hindi na ko lumingon. Bawat taong madaanan ko ay panay ang tingin sa akin na para bang isa akong baliw na tumatakas.

"Shit! Nasaan ba ako?!"

Kinapa ko ang damit ngunit hindi ko mahanap ang cellphone sa katawan.

"Nanakawan ba ako?! Ano ba 'to. Humanda sakin ang gumawa ng prank na 'to!"

Patuloy kong kinakapa ang katawan ngunit natigil ako nang makabangga ng isang lalaki. Agad siyang dumalo sa akin dahil ako lang naman ang tumalsik sa banggaan namin.

"Ano ba?!" singhal ko

Natataranta ako nitong tinitignan. Ayaw akong tulungan makatayo. Lumuhod lang siya sa harapan ko.

"Naku, pasensya na kayo, madre. Hindi ko po kayo namalayan sa aking likuran. Ipagpaumanhin mo, madre."

Lalong nag-ngitngit ang kaloob-looban ko. "Hindi ako madre!"

Kumunot ang noo nito. "Ano po?"

Tinulak ko ang balikat niya bago tumayo. Pinagpag ko ang mga kamay.

"'Wag mo nga akong pino-po! Mukha namang mas matanda ka sakin 'no? Kapal muks mo naman, kuya."

Ang gitla sa noo nito ay lalong lumalim.

"K-kapal muks?"

Gigil ko siyang pinandilatan. "Oo, ang kapal ng mukha mo!"

Tinalikuran ko na siya na nagugulat sa akin.

"Hermina!"

Napatigil ako at napatingin ulit sa likuran ko. Nakita ko ang isang matandang lalaki na parang galit at papalapit sa akin. Naka three piece suit ito kahit tirik na tirik ang araw.

Ganap na ganap si kuya ha.

"Hermina!" tawag nitong muli sa pangalang itinawag ng batang madre sakin kanina.

"Can you stop-"

Di ko na natapos dahil hinila ako nito sa gilid ng daan.

"Bakit ka tumakas sa iyong tungkulin?! Akala mo ba ay hindi ko malalaman?"

"Ano ho bang sinasabi niyo?"

Binitiwan ako nito at tinignan mula paa hanggang ulo. "Tumawag sakin ang superiora mo, nakakahiya ang iyong ginawa, anak."

Napahawak ako sa aking noo at hirap na hirap na sa sitwasyon ko. Nakita ko ulit sa likod yung lalaking nakabangga ko kanina. Nakatingin sa akin. Nakiki-chismis pa ang mokong!

Inirapan ko siya kaya nag-iwas siya ng tingin.

Bumaling ako sa matandang lalaking kausap. "Manong, ano ho bang tubig nilalaklak niyo dito? Samin po kasi mineral. Pakisabi sa boss niyo, tigilan niyo na 'to, dahil hindi na ho ako natutuwa!"

"Aba't!"

"I can sue you all because you dragged me here without my permission!"

Nanlalaki ang mga mata nitong nakatingin sa akin.

"Ipapatanggal ko rin ang youtube channel niyo!"

Tumagilid ang ulo nito. "You-? Paano ka natuto ng ingles? Alam kong ingles ang tinuran mo, Hermina!"

Di ako makapaniwalang tumingin sa kanya. "Can you stop? Naki-creepy-han na ako, manong! Nasaan ho ba ako?"

Tila napipigtas ko ang pasensya nito. Pero hindi ako doon natakot, dahil sa aking harapan.

Nakita kong muli ang babaeng nakita ko bago ako mahulog at mawalan ng malay.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status