Share

Kabanata 5

“Anong ginagawa ninyo dito?”

Masungit agad ang bungad sa amin ng mama ni Hermina nang pagbuksan kami nito ng pinto. Tinignan niya kami mula ulo hanggang paa saka tumaas ang kilay. Tanghali na rin nang makarating kami. Hindi masakit sa balat kahit tirik ang araw pero init na init ako sa damit ko! Maeeskandalo talaga silang lahat kung ipakita ko ang hubadera side ko.

“N-nais po sana kayong bisitahin ni Hermina, senyora.”

“Na walang abiso? Nagsabi ka ba sa inyong superiora. Hermina?”

Tumango ako. “Nagsabi po kami.”

Huminga ito ng malalim. “Siya. Tayo na sa itaas.”

Sa labas palang ng bahay ay sumisigaw na ng karangyaan kaya’t nag-expect na ako na magiging maganda ang loob. Pero namangha pa rin ako sa makitang mga kagamitan.

I’ve been in a penthouse with complete appliances and equipment, but seeing a house from 1895 is so amusing. The intricate design of their wall passionately compliments the vibe of the house. Power and wealth can be seen and felt in every corner.

Habang paakyat ay agaw pansin ang napakalaking painting ng kanilang pamilya. Mga seryosong nakatingin sa pintor. At sa katabi nito ang maliliit na frame ng iba’t-ibang litrato ni Hermina noong maliit hanggang lumaki.

Bumagal ang lakad ko. Sobrang magka-mukha kami, I can’t deny that. Lalong lalo na kapag ngumingiti. It’s just we don’t have the same skin color. She’s a natural while I was made by glutathione and other products I promoted.

Pagkarating sa taas ay nilingon ko agad ang iba’t-ibang koleksyon ng mga alak sa isang estante. Halatang galing pa sa ibang bansa. Mayroong apat na matatangkad na vase sa apat na sulok ng bahay. Napakaliwanag ng buong lugar. Hindi dahil sa fluorescent lights kundi dahil sa liwanag na nanggagaling sa araw na nakakapasok dahil sa mga bintanang bukas na bukas.

Umupo kami sa kanilang tanggapan na puro kahoy. Halatang mga mahahaling uri ng kahoy. Ang mahahabang upuan ay may mga nakaukit ding bulaklak sa back rest nito. Ang nagsisilbing coffee table nila ay napakagara ring tignan. Hindi ito nakakasagabal sa sinumang uupo. Ang mga painting sa paligid ay iba-iba ang disenyo na lalong nagbigay buhay sa brown and black na kulay ng dingding.

“Lagring.” tawag niya sa kung sino.

Lumabas ang isang mas bata pa sa aking babae. Sa tingin ko ay edad kinse lang ito. Nakayuko itong lumapit sa amin.

“Kumuha ka ng tsaa at tinapay para sa aming tatlo. Iyong inangkat sa Paris noong nakaraang araw.”

Nagkatinginan kami ni Clara. I’m really not into tea but I didn’t complain. What if magbenta ako ng milktea dito?

“Bakit hindi ka sumulat sa akin, Hermina?”

Napadiretso ako ng upo. Donya Adela screams authority and matriarchal qualities. Her beauty is at the level of someone you don’t want to meddle with. High cheekbones, thin eyebrows, and red lips. Her high bun hair was accessorized with a silver hairdresser. Her white pearl earrings, necklace, and bangles add elegance to her exquisitely beautiful face even wrinkles were evident in her eyes. Down to her stunning gown, you’ll know she’s hard to collide with.

“Gusto ko po kasi kayong gulatin.” I faked a smile.

Kumunot ang noo nito. “Ano ang iyong ibig sabihin?”

Ngumiti ako ng alanganin. “’Yung parang ano po..” tumingin ako kay Clara upang manghingi ng tulong. “Surpise!”

Tumaas ang kilay nito. “Ngunit hindi ko nagustuhan.”

Shucks! Buti nalang nakakaintindi sila ng English. Napatahimik ako sa sagot niya.

“Pasensya na mama. Talagang namiss ko lang kayo ni papa.”

Humigit ito ng hininga habang itinataas ang kilay. “Siguradong magugulat ang iyong ama kapag nakita ka.”

Tumango ako. “Nasaan po ba siya?”

“Saan pa ba? Kundi nasa pagawaan.” Tumingin ito kay Clara. “Bakit isinama mo pa siya?”

“Mama,” pigil ko dito.

Dumating ang serbidora dala ang pinapahanda ng senyora. Inilapag niya ito sa aming harapan at yumuko muna bago umalis. Bata talaga ito!

Yumuko si Clara sa narinig. “Pasensya na po senyora. Gagayak na rin po ako.” Tumingin ito sa akin. “Kailangan ko nang bumalik sa kumbento.”

Inagapan ko agad ang kamay niya. “Hoy- este, ha? Bakit? Hindi ka mag-sstay- mananatili dito?”

Tumingin ito kay Donya Adela na nakatingin lang din sa amin.

“K-kailangan ko na talagang bumalik, Hermina.”

“Dito ka na mananghalian.” Taas ang kilay nitong sabi kay Clara.

Hinarap ko siya. “Pwede bang dito na siya matulog, mama? Kahit ngayong araw lang. Mahaba ang byahe at baka abutin pa sila ng gabi kung uuwi siya.”

“Ano naman ang pakielam ko doon, Hermina?”

“B-baka mapahamak sila.”

Tumagilid ang ulo nito. “Napakatahimik ng San Isidro, Hermina.”

“O-oo nga naman, Hermina.”

“Mama, please. Let her stay. Just for today.”

Ngumisi ito. “Mabuti’t inaaral mo na ang pag-iingles. Noong nakaraan lang ay ipinakiusap mo ang hiling ko sa iyong kung magsusulat ka ng liham sa amin ng ama mo ay dapat nakasulat sa ingles na lenggwahe.”

“Kaya po sana pumayag na kayo.”

“Hmm.” Nag-isip ito. “Pumapayag ako ngunit ngayong araw lamang na ito, Hermina.”

“Salamat, mama!”

Pagkatapos ng awkward na tanghalian ay hinatid na kami sa kwarto ko. Pinagmasdan ko ng mabuti ang loob, walang kung anumang interesante doon. Ini-lock ko agad ang pinto.

“Sigurado ka ba rito?”

“Oo naman. Bakit?”

Ginagap nito ang mga kamay. “Natatakot akong mahuli tayo. Kanina ay sobrang dagundong ng aking dibdib!”

Natawa ako. “Nahalata nga kita. Para kang mahihimatay.”

“Talaga! Sa tingin pa lang ng senyora ay parang bibigay na ako. Hindi ko kayang magsinungaling ng harap-harapan!” hinawakan nito ang dibdib. “Paano mo iyon nagagawa? Hindi kita nakitaan ng anumang takot o pangamba na baka mahuli ka.”

Ngumisi ako. “That’s what you call professionalism.”

“Ano iyon?”

“Isa akong artista sa aming panahon kaya madali nalang sa akin ang umarte.”

“Artista?” nag-isip ito. “Iyong mga nagtatanghal sa entablado?”

Tumango nalang ako dahil mahabang paliwanagan pa iyon kung sasabihin ko pa na sa camera ako umaarte at hindi sa entablado. Agad ko siyang hinila sa mga kabinet upang maghanap ng bagay na pwedeng makatulong sa akin sa misyon na ito.

“Sigurado akong may mahahanap tayo dito.”

“Hindi talaga maganda ang pakiramdam ko dito, Hermina. Paano kung ikaw nalang ang maghalungkat ng kanyang gamit? Ikaw naman siya.”

“Nakasarado ang pinto kaya huwag kang mag-alala.”

Halos lahat na yata ng sulok ng kwarto ay hinalungkat namin ngunit wala kaming nakita kundi mga koleksyong burda at iba’t-ibang kulay ng sinulid na ginagamit ni Hermina sa pagtatahi. Pareho kaming pagod na umupo sa kama.

Nilingon ko ang labas at nakitang papalubog na ang araw.

“Ano ba ang hilig gawin ni Hermina?”

Sasagot na sana si Clara nang may kumatok sa aking silid.

“Senyorita, naririto na po ang Don.”

Nagkatinginan kami ni Clara. Sigurado akong ang papa na ni Hermina ‘yon. Tumayo kaming dalawa at lumabas.

Paglabas ay nakita ko agad ang senyor na paakyat ng hagdan. Hinanda ko na ang sarili ko kung sakaling hindi rin siya matuwa sa aking pagdating.

“Hermina!” maligaya nitong saad at nakadipa na ang mga braso para sa isang yakap.

Nagulat ako sa inasal nito kaya napayakap nalang din ako. Ang aking ina ay nasa gilid namin. Walang reaction.

“P-papa.”

“Ano’t hindi ka naman nagbigay abiso sa amin ng iyong ina?” masaya pa din ito.

“Surprise!” pilit kong tawa.

Muli ako nitong niyakap. Pagkalas ay nagulat pa ako na teary-eyed pa siya.

“Ang tagal na din, anak.” nakayuko ito habang mahigpit ang hawak sa aking mga braso.

“Nagkita po tayo noong papunta kami sa casa, ah?”

“Saglit lamang iyon.” ngumiti ito. “Hanggang kailan kayo rito ng iyong kaibigan.”

“Si Hermina lamang ang magtatagal.” masungit na singit ng senyora.

Tumango-tango nalang ang Don.

“Kumain na ba kayo ng inyong meryenda?”

Madaldal at mapagkumbaba ang Don Damien. Hindi niya tinitignan si Clara ng tingin na ibinibigay ng Donya habang kumakain kami ng dinner. Nagulat ako nang sinabi nitong nangulila siya sa akin ng tatlong taon. Bakit daw ngayon ko lang naisipan kumuha ng bakasyon.

Samantalang ako ay every month nagfa-file ng vacation leave at kung saan saan nakikitang nagsu-swimming at nakikipag-make out!

“Hermina,” tawag sa akin ng Don.

Katatapos lang namin kumain at nagpapahangin ako sa bintana. Grabe ang hangin dito, gabing gabi na pero fresh na fresh pa din ang simoy. Napakatahimik din ng paligid. Ang mga tao ay paroo’t-parito na, upang makauwi siguro sa kanilang mga bahay. Ang mapanglaw na ilaw ng mga streetlights ay tamang liwanag lang dahil maliwanag naman ang buwan.

“Papa.”

“Nais mo bang dumalo sa isang piging bukas?”

Tumagilid ang ulo ko. “Piging?”

“Idaraos ang kaarawan ng aking kasosyo sa negosyo kaya’t tayo ay iniimbitahan niya?”

“Kasama po ang mama?”

“Oo naman.” Tumawa ito. “Ikaw lang naman ang walang kahilig-hilig pumunta sa mga selebrasyon.”

Well, Hermina is a partygoer now. Let’s see how these people throw a party.

“Sige po. Sasama ako sa inyo.”

Nanlaki ang mata nito. “Talaga bang pumapayag ka, anak? Nagbakasakali lamang ako-“

“Opo. Sigurado po ako.”

I need a day off.

Katulad ng inaasahan ko, iritang-irita na naman ako sa aking damit kinabukasan. Naghahanda na kami para sa sinasabing party. Mas malala pa sa kahapon! Mas mabigat at mainit ang ipinasuot sa akin ngayon!

I groaned when Lagring pulled the strap around my upper body.

“Pwede bang luwagan mo ng konti. Ang sikip sikip. Wala namang snow sa Pilipinas! Baka ma-suffocate ako niyan!”

“Binibini, huwag ka pong magalaw.”

Tumaas ang kilay ko. Aba itong bubwit na ito!

“Eh hindi na nga ako makahinga!”

“Ano bang kaguluhan ito, Hermina.” dinig ko ang boses ng Donya sa aking likod. Lumabas siya sa reflection ng salamin. Nakapasok na siya sa kwarto ko.

Napaka-elegante niya sa suot. Halatang pinaghandaan. Ang puting saya ay puno ng malalaking burda ng bulaklak sa ibabang parte nito. Napakapino at ganda ng bawat detalye. May tassle din ang laylay ng kanyang saya at balabal. Ang kanyang balabal ay pinaghalong itim at purple. Dagdagan pa ng mga accessories na lalong nagpakinang sa kanya.

“Magpapalit ako ng damit, mama.”

My dress’s sleeve is lace with a detailed design of flowers. It seems like a ball gown but all white. May lining na black lang ang aking balabal. It is the combination of purity and elegance.

But I want the lighter one!

Tumaas ang kilay nito. “Kailan ka pa nagreklamo sa aking ipinapasuot sa iyo?”

Ngayon!

“Hala’t madaliin na iyan, Lagring. Ayoko ng nahuhuli sa usapang oras.”

“Sino-sino ba ang mga imbitado? Malaking selebrasyon ba ito?” nakasimangot kong sabi nang ipagpatuloy ni Lagring ang pagdadamit sa akin.

“Naroon ang lahat ng kasosyo natin sa negosyo at iilan pang negosyante sa karatig bayan. Maging ang gobernadorcillo ay na-anyayahan.”

Governor iyon hindi ba? So, malaking party pala talaga ang magaganap.

“Magkakaroon din ng isang programa bago ang malaking piging.”

“Anong programa?”

“Ukol sa bagong ipapatayong pagawaan. Kasama tayo sa mga iniimbitahang mamuhunan.”

Naku, mukhang matagal-tagal na party ‘to ha!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status