Share

Kabanata 6

Sa isang malaking bahay tumigil ang aming karwahe. Napatingala ako sa tugtog na classic na nanggagaling sa second floor.

Bumaba kaming tatlo. Si Clara ay inihatid muna namin bago kami dumiretso dito. Gandang-ganda siya but at the same time ay sayang na sayang din dahil nag-madre ako.

“Noon pa man ay talagang napakaganda mo na. Bakit kasi hindi mo nalang pinag-isipang mabuti ang iyong desisyon. Kahit sinong binata ay mahuhumaling sa iyo.” nakangusong sabi niya sa akin.

Binati kami ng mga sa palagay ko’y katulong ng bahay na ito at pinatuloy sa unang palapag. Sa first floor ay napakarami ng bisita, may kanya-kanya na silang hawak na wine. Halos malaglag ang panga ko sa mangha dahil lahat sila ay talagang naka-barong tagalog at baro’t saya. Kitang-kita ang pino ng bawat detalye sa kanilang mga suot.

Nagliliwanag ang malaking chandelier sa gitna. Ang kaliwa’t kanang paintings ay animo exhibit sa dami ng mga tumitingin dito. Ang engradeng hagdan ay binihisan ng pula at puting tela paikot. Maingay ang paligid sa kwentuhan at tawanang hindi ko maintindihan.

May lumingon sa aming lalaki. He has an annoying mustache and maybe around 40’s.

“Senyor Damien!”

Automatic na ngumiti ang senyora kahit hindi naman siya ang tinawag. Agad na lumapit ang mga magulang ko kaya lumapit na rin ako. Tinitigan ako ng lalaki.

Nagkamayan sila.

“Kamusta na ang inyong pamilya, senyor? Senyora?” tumingin ito ulit sakin. “Ito na ba si Hermina?”

Halos magpalpitate ang kilay ko kakapigil taasan siya ng kilay. I don’t know. I just don’t feel him. Sino ba ‘to? As if kilala ko dapat siya.

Tumawa ang aking ina. “Oo. Ikaw talaga, hindi ba’t iyo pang pinadadalhan ito ng tsokolate noon habang nasa Europa ka?”

Tumaas lalo ang kilay ko.

The stranger laughed. “Ano ba’t ipagdamot ko iyon sa isang napakagandang bata. Ngayon ay mas lalo kang namukadkad, hija.”

Tinignan ko ang mga magulang ko na nakangiti sa akin.

The eff? Why are they smiling like that? Can’t they hear the lustful intention in his voice? Halos maduwal ako sa pandidiri.

Inirapan ko ang lalaki. Nakita kong nanlaki ang mata ng aking mga magulang at nang lalaki kaya ngumiti ako na para bang hindi ko alam ang ginawa.

“Salamat,”

My mom cleared her throat. “Po.”

Nginitian ko nalang sila ulit. I’m not in the mood to please them.

“Pwede na po ba tayong umakyat sa taas.” yakag ko dahil naaalibadbaran ako sa lalaki.

Tumango ang aking ama. “O siya’t mukhang gusto na yatang kumain ng aking anak. Matagal tagal din kasi simula nang tumungo siya sa ganitong mga pagtitipon.”

Ngumiti ng hilaw ang lalaki. “Siya nga. Sayang at siya’y pumasok sa kumbento.”

“Mainam naman iyon sa aming mga kababaihan.” ngisi ng senyora. “Di bale na’t hindi magkaroon ng mga susunod na henerasyon.”

Tumawa silang tatlo. While I am so pissed and awkward. Hello? Andito kaya ako ‘diba.

Nagkamayan silang muli.

“Mauuna na kami sa itaas, Don Felipe.” paalam ng papa.

Ok, Don Felipe. Dapat layuan. Tatak ko sa aking isip. Dapat siguro ay magkaroon ako ng diary para maisulat ko lahat ng makakasalamuha ko dito. Kung sino ang hindi dapat pagkatiwalaan at kung sino ang pwedeng makatulong sa akin.

Malapit na kami makarating sa pangalawang palapag nang makarinig kami ng sigawan.

“Tonto! Isa ka talagang indio! Napaka inutil!”

Tinitigan ko ang likod ng lalaking nakaluhod sa isang babae na halata namang guest. It is a customer and a waiter scene huh?

Umakyat kami nang tuluyan habang nakikipag-kamay ang aking ama sa mga nakitang kakilala.

“Iyan ang napapala ng mga walang pinag-aralan.” singhal ng mama sa aking tabi.

Nakatingin lang ako sa dalawa sa harap namin. Panay pa rin ang talak ng babae habang nililigpit ng lalaki ang mga nabasag na plato at baso. Marami din ang nakatingin sa kanila, panay ang bulungan.

“Ipagpatawad ninyo, senyora. Hindi na mauulit muli.”

“Talagang hindi! Ayoko ng makita ang iyong pagmumukha dito. Umalis ka sa pagseserbisyo!” malupit na boses ng babae.

“Huwag po. Ito lamang ang magiging trabaho ko ngayong linggo, senyora. Patawarin niyo po ako!”

I’ve seen this kind of interaction between a customer and a server. But I’ve never felt so humiliated for the man. He really is asking for forgiveness.

“Don Palermo!” tawag nito sa may-ari ng bahay.

“Parang awa na po ninyo, senyora. Sa kusina na lamang po ako maglalagi. Pangako po, hindi na ako lalabas.”

“Don Palermo!” naglakad ang babae upang hanapin ang may-ari ng bahay kaya’t sumunod ang lalaki.

Nanlaki ang mata ko nang mukha ni Crisanto ang nakita ko. Basa ang puting kamisa de chino niyang suot. Parang siya pa ang mas natapunan ng kung anong drinks na inirereklamo ng babae. Maganda at malinis pa ang suot nitong baro’t saya.

Umiwas ng tingin sa akin si Crisanto at patuloy na hinabol ang babae. I don’t know but half of me wants to help him. Hinarangan ko ang babae.

“Excuse me.” Napatigil ito sa aking harap.

Tumaas ang kilay nito. “Y-yes?”

“Sa palagay ko ho ay lumalagpas na kayo sa limitasyon. Huminga na siya ng tawad.”

“Aba. At sino ka upang mangielam?”

“Hermina!” tawag ng aking ina ngunit hindi ko pinansin.

“Wala ka manlang dumi sa damit mo. Samantalang tignan mo ang itsura niya. Halatang ikaw ang bumangga sa kanya.”

“Ke barbaridad! Sino kang hampaslupa ka upang magsalita sa akin ng ganiyan!”

“Sinong sinasabihan mo ng hampaslupa?” dumating ang aking ina at nilagay ako sa kanyang likod.

Tinignan niya ang babae mula ulo hanggang paa. Napaatras ang huli, ngunit pinanatili ang taas ng kanyang kilay.

“Kilala mo ba ang binabangga mo?”

Tumikhim ang babae. “D-donya Adela.”

Lumapit ang mama ko sa kanya. Napaatras ulit ang babae. “Nakikita mo ba ang kaibahan ng suot ng anak ko sa suot mo? Ha? Upang tawagin mo siyang hampaslupa?!”

  “P-pasensya na. Nangingielam kasi ang iyong anak, Donya Adela.”

“Dahil iyon ay sobrang gaspang mo.”

Nagsinghapan lahat ng tao sa pangalawang palapag ng bahay. Kanina pa sila nakatunganga sa amin, nabubulungan.

“Anong kaguluhan ito?” pigil ng isang lalaki na may dalang tungkod at naka-sumbrero na parang sa mga Frances.

“Don Palermo,” ngiti ng babaeng kaaway namin.

Ito ang may-ari ng bahay. Ang kasosyo ng papa.

“Anong pinagtatalunan ninyo, Donya Malia at Donya Adela?”

“Isang indio, Don Palermo.” tumaas ang kilay nito habang nililingon si Crisanto.

“Gusto niya pong paalisin sa trabaho ang lalaki. Kahit ilang ulit na itong humingi ng tawad sa kanya.”

Nilakihan ako ng mata ng babae ngunit umiwas nang makita ang mama ko na nakatingin din sa kanya.

Tumawa sa likuran ang aking ama. Nilingon siya ng lahat. May hawak na siyang wine glass sa kanyang kamay. Tinapik niya ang balikat ni Don Palermo.

“Ipagpaumanhin mo, Donya Malia.” tumingin siya kay Don Palermo.

“Talaga bang natural sa iyong pamilya ang mangielam, Don Damien?”

Tumaas ang kilay ng mama ngunit nagsalita agad ang papa kaya’t hindi na siya nakasagot.

“Ipagpaumanhin mo, ngunit sadyang bukal ang puso ng aking mag-ina para sa naaapi, Donya Malia.” ngisi nito, halatang inaasar ang malditang Donya. “Kung sa iyong tingin ay nabastos ka ng aking anak, iyon ay dahil may nakita siyang mali na ginawa mo.”

Tumango at nagbulungan ang mga tao. This time I can feel my wrist being squished by my mother. Nasa likuran pa rin niya ako.

“Ang anak ko ay isang taga-silbi ng simbahan kaya’t hindi mo maiaalis sa kanya ang magiging mabuting tao. Na tila ba’y wala sa iyo.”

Namula sa galit ang Donya. May iilang tawanan kaming narinig at mas lumakas ang mga bulung-bulungan tungkol sa kanya.

“Hindi pakielamero ang aking pamilya, Donya Malia.” he mocked. “Liban na lamang sa mga katulad mong masyadong mataas ang tingin sa sarili, wala pa man ding napatutunayan sa bayang ito!”

“Don Palermo!” sigaw niya. “Isa na itong pambabatikos at labis na pambabastos!”

“Ngunit ikaw ang unang nag-iskandalo, Donya.” tumingin ito sa lahat ng bisita. “Sa lahat ng nakasaksi sa nangyari, talaga bang mabigat ang kasalanan ng binatang ito?”

May isang Donya na lumabas sa kumpol ng tao. Katulad kay Donya Malia, mataas at manipis ang kilay nito. Masyado ding maputi ang mukha niya kumpara sa leeg at braso niya. Halatang hindi rin siya mapagkakatiwalaan.

Nagpaypay ito ng dalang eleganteng pamaypay.

“Walang kasalanan ang binata. Siya’y sadyang binangga at hinarangan ng babaeng iyan.”

This bi*ch.

“Huh!” singhal ni Donya Malia. “At talagang pinagsamantalahan mo ang pangyayaring ito upang siraan ako, Esther!”

“Hindi ba totoo? Hinarangan mo sa daraanan ang indio, kahit alam mong marami siyang dalahin!”

“Sinisiraan mo lamang ako! Palibhasa ay inggitera ka sa aking yaman!”

“Yaman na nakukuha mo sa pangangabit?” tumawa ang tinawag na Esther.

Oh.

Dumami lalo ang mga nakiki-usisa. Ngayon ko lang napansin na pati mga tao sa unang palapag ay nagsi-akyatan na din.

I looked at Crisanto and he was so sad. He’s bowing his head like he doesn’t want any of this. Siguro ay sinisisi niya ang sarili kung bakit nag-aaway ang lahat.

“Magsi-tigil kayo!” buong boses na sabi ni Don Palermo.

Hinila ako ng mama papunta sa papa.

Kunot ang noo ay tumingin si Don Palermo kay Crisanto. “Ikaw, indio. Bumalik ka na lamang sa kusina. Doon ka na lamang magsilbi!”

“Ngunit Don Palermo!-“

“Donya Malia. Paumanhin ngunit sapat na ang aking narinig sa lahat ng naririto. Ang aking kasosyo at kanyang pamilya ay tanyag sa pagiging matapat at maawain. Kaya’t marahil ay nakakita ang binibini ng hindi kaaya-ayang pagtrato mo sa binata.”

Halos umusok ang ilong nito sa galit. Tinitigan niya lahat ng taong naroroon at pang-huli ako. As if I’m going to run away because of her lame stare. Bored ko lang siyang tinignan na lalong ikinagalit niya.

“Ayoko ng gulo sa pagsasaya na ito, Donya Malia. Isa itong selebrasyon ng tagumpay kaya’t ayoko ko sanang masira ito dahil lamang sa mga tagapagsilbi.” dagdag pa ng Don. “Kung maaari ay iyo na itong palagpasin.”

I don’t think I’ll be happy with his remarks or not. He’s still insulting him by calling him “indio”! It is really unnecessary. He is a Filipino too!

She stormed out of the room and everyone laughed, I don’t know why. I looked at the woman named Esther and she rolled her eyes while looking at Donya Malia and then turned to her colleagues.

“Ouch!”

I twitched as I felt my mother’s grip tightened on my wrist. Kinaladkad niya ako ng palihim sa isang sulok.

“Anong drama iyon, Hermina?”

“Inaapi niya ‘yung lalaki!”

Nanlaki ang mga mata nito. “At anong pakielam natin roon ha? Kailan ka pa nanghimasok sa sitwasyon ng iba?!”

“Bakit mo ako tinulungan?”

Dinuro nito ang bibig ko. “Tignan mo ang pananalita mo sa akin! Gusto mong masampal kita dito ngayon?”

“B-bakit po ninyo ako tinulungan kung galit po pala kayo sa ginawa ko?”

“Sa tingin mo ba ay papayag nalang akong mag-eskandalo ka roon? Sa harap ng gobernadorcillo? Mga principalia? At ang mga amigo’t amiga namin ng iyong papa?”

Kinagat ko ang labi. “Sorry. Hindi ko lang po talaga na-take ‘yung pang-aapi niya doon sa lalaki.”

Umismid ito. “Huwag na huwag ka na ulit manghihimasok ng ganoon! Sinasabi ko sa iyo. Di lang reputasyon namin ng iyong ama ang madudungisan ngunit pati na ikaw na nagsisilbi pa sa simbahan!”

Tumango ako. Tumayo siya ng maayos at pinagpag ng isang beses ang suot. She stood proudly and aggressively opened her fan.

“At ang iyong pananalita. Kailan pa nagsimulang inihahalo mo ang ingles at tagalog. Kakasama mo sa iyong kaibigang-“ hindi niya tinuloy. “Iyan siguro ang mga natututunan mo!”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status