Share

Kabanata 2

Mabilis ko itong sinugod. Nakatingin lang ito sa akin kaya hindi na siya makakawala pa.

Habang papalapit ako sa kanya ay bumagal ang lahat. Wala akong marinig sa paligid. Parang kaming dalawa lang ang tao.

"Sino ka? Anong ginawa mo sakin?"

Huminga ito ng malalim at umikot ng isang beses. Kumabog ang dibdib ko nang magpalit siya ng costume. Ang puting saya niya na puro dugo ay napalitan ng suot na katulad sa akin. Kinilabutan din ako nang makita siya sa malapitan.

Magkamukha kami!

Mas kayumanggi nga lang ang kulay niya at may maliit na nunal siya sa ilalim ng kanyang mata.

"Ako ay ikaw. Ikaw ay ako. Ang ating tadhana ay nagsimula nang ikaw ay iniluwal. Ikaw ang itinakdang magpatuloy sa aking naiwang pangako."

"What? Besides bakit ka mangangako kung hindi mo naman pala kayang tuparin! Naghanap ka pa talaga ng madadamay!"

"Wala na akong oras. Ang buhay mo ay nakadepende sa buhay ko. Itama mo ang lahat ng pagkakamali. Palisin ang lahat ng pighati.

"Hey, miss. I'm not here to joke around. I will surely call my lawyer after this."

"Kailangang mahanap mong muli si Crisanto, Vinta, nang sa gayo'y makita niya tayong muli. Dalhin mo ako sa kanya. Kailangan nating maipagpatuloy ang aming pangako sa isa't-isa."

"What are you talking about? Is this for real? Jowa mo ba 'yon? Anong kinalaman ko dito!" galit kong sabi. Gulong-gulo na sa nangyayari.

"Huwag mo akong biguiin. Tandaan mo, ikaw at ako ay iisa. Ang aking kabiguan, ay siya ring kabiguan mo. Sa oras na hindi namin maituloy ang aming pagmamahalan, mananatili ka rito. Makukulong ka sa aking katauhan at ang kapalaran mo ay ang naging katapusan ko. Habang ako ay magdurusa sa walang hanggang kamatayan. Kaya't nakikiusap ako sa'yo, gawin mo ang lahat para magtagumpay tayo."

Kinagat ko ang labi. I still can't process what is happening.

"Nasaan ako?"

"Pilipinas. Bayan ng San Isidro. Ika-pitong araw ng Oktubre taong isang libo't walong daan at siyam na pu't lima."

Nalaglag ang panga ko. "You mean, 1895! That's 1895, bi-"

Sumingkit ang mata nito kaya hindi ko na tinuloy kung anumang sasabihin ko.

"Utak at katawan ay ihanda. Sa iyo nakasalalay ang ating katapusan. Huwag kang basta-bastang magtitiwala sa kahit kanino, iyan ang pinakamabisang ihahabilin ko sa iyo, Vinta." masuyo niyang sinabi.

"Grabe hinila mo ako dito tapos isang advice lang ang sasabihin mo?"

"Hanggang sa muli, Hermina." at saka ito naglaho.

Sa isang iglap ay muling gumalaw ang mga tao sa paligid. Ang lalaking nabangga ko kanina ay nakatingin pa rin sa akin.

Tinalikuran ko ito at bumalik sa matandang lalaki kanina.

Grabe wala manlang siyang description nung Crisanto. At kung saan ang bahay. At sino-sino itong mga taong nakakausap ko! Grr.

"Tayo na't bumalik sa Casa. Nakakahiya ka!"

Umirap ako sa hangin at hindi nalang pumalag nang hilahin niya ako pabalik.

"Hindi ba tayo sasakay?"

"Napakalapit niyon dito, Hermina!"

Ang layo ng tinakbo ko kanina tapos malapit lang. Nakarating kaming muli sa Casa na basang basa ang likod ko ng pawis. Grabe 'yung malapit! Malapit ka ng ma-heat stroke!

"Hermina!" sigaw ng madreng tinakasan ko kanina.

Umirap ako at tinaas ang laylayan ng damit ko. Gustuhin ko mang tanggalin 'yung veil ay hindi naman ako ganon kabastos. Baka hindi pwede.

"Saan ka ba nanggaling at bakit ka tumakbo?"

Huminga ako ng malalim. Hindi ko alam kung tatanggapin ko na ba ito, o hindi.

"Anong gagawin dito?"

Kumunot ang noo nito.

Sinegundahan ko na agad. "Marami kasi akong iniisip nitong nakaraan."

"Maayos na ba ang iyong pakiramdam?" pag-aalala nito sa akin.

Pumasok kami sa bahay at nakita kong may tatlong mahahabang lamesa sa gitna at doon nakaupo ang mga bata. So, this is really an orphanage.

Nakatingin silang lahat sa akin at nakangiti.

"Kanina pa nila hinihintay ang iyong pagdating. Nais ko na sanang pangunahan ang pagdarasal ngunit, ikaw talaga ang gusto nila." tinig ng katabi ko.

Napatingin ako sa kanya. Hindi makapaniwala. What?! Kelan ba ko huling nagdasal. Hindi ko ito ginagawa!

"B-bakit ako?"

"Sa iyo nai-toka ito, Hermina. Hayaan mo't ako mamayang gabi."

"Hanggang gabi tayo dito?"

Kunot-noo ulit siyang tumitig sa akin. I cleared my throat and started to close my eyes.

Nag sign of the cross ako at nagdasal ng taimtim. Pinagdasal ko din ang sitwasyon ko ngayon.

"Hermina," bulong ng katabi ko.

Napadilat ako at tumingin sa kanya. Tumaas ang kilay niya.

"Bakit hindi mo iparinig sa amin ang iyong panalangin?"

Gosh! I forgot. Paano ba ito?

I sighed and, "In the name of the Father, Son, Holy Spirit.."

Napadilat ako at tumikhim. Nakatingin silang lahat sa akin, nakanganga. Tumingin din ako sa katabi kong madre at nakatulala din ito sa akin.

They are so freakin' weird!

"Dear Lord, sana po ay makaalis na ako-" tumingin ako sa kanila at pumikit ulit. "Sana po ay mas marami pang pagkain ang ihanda mo sa amin. At i-bless mo pa po kami. Thank you po. In the name of the Father, Son, Holy Spirit. Amen."

"Ang husay! Ano pong lenggwahe iyon, ate Hermina?"

Umiling sa akin ang katabi ko. "Magsimula na kayong kumain mga bata. Marami pa tayong palaro pagkatapos!" masaya nitong saad.

Naghiyawan ang mga bata at kumain na. Pinagmasdan ko silang namamangha sa mga isini-serve na pagkain.

"Ito ang tinapay na inaabangan ko! Unang pagkakataong makakatikim ako nito!" usal ng isa.

"Sila ay mga batang nailigtas sa pagbebenta ng kanilang mga magulang." kwento ni sister.

"Teka lang, sister. Ano bang pangalan mo?"

Tinignan ako nito nang hindi makapaniwala.

"Ano bang nangyayari sa'yo, Hermina?"

"Ah, eh-"

"Clara," tawag ng isang madre din. "Halina sa labas. Tulungan niyo kaming maghanda ng mga gantimpala para sa palaro."

Alanganin akong ngumiti kay Clara nang tignan ako nito. Nauna siyang lumabas kaya sumunod na ako. May isang mahabang lamesa ulit na nakalatag sa gilid. Ang unang palaro ay hinahanda na rin.

"Clara.." tawag ko sa maaaring malapit na kaibigan nitong si Hermina.

Hindi ito lumingon kaya hindi na ako nagpumilit. It's not something I owe, you know. Hindi naman ako dapat nandirito!

Nangangapa man ay nakitulong na din ako. Nalaman kong ang tumawag sa amin kanina ay ang aming superiora.

Natapos ang mga batang kumain kaya nang makapahinga sila ay agad na nagsimula ang palaro.

"Ate," kalbit ng isang bata sa akin.

Agad akong napapagpag sa aking braso. Nabigla ang bata sa ginawa ko. Nahihiya nitong itinago ang kamay. Muscle memory, ok? Nakasanayan ko lang ito kapag may mga humahawak sa akin sa mga mall shows ko.

"Bakit?" medyo irita kong tanong.

"M-mabuti po at maayos na ang iyong pakiramdam."

Tinaas ko ang kilay. "Bakit?"

"Dumaan po kasi ako sa kumbento noong isang araw upang ibigay ang bulaklak na napitas ko. Ngunit sabi ng inyong superiora ay dalawang araw na daw pong mataas ang iyong lagnat."

"Bakit mo ko bibigyan ng bulaklak?"

Ngumiti ito sa akin. "Iyon po ang palagi ninyong hinihiling sa akin kapag dadaan po ako sa kumbento!"

"Anong bulaklak 'yon?"

Tumagilid ang ulo nito. "Santan po."

Napamaang na lang ako. Ang cheap ng trip mo, Hermina ah. Siguro, pangit din yang Crisanto na yan? Halatang wala kang taste!

Lumaki ang mata ko at napatingin sa bata. Pwede kong itanong si Crisanto sa kanya!

"Magsisimula na ang ating palaro! Lumapit na lahat ng kalahok!" masayang sabi ni superiora habang magkadaupang palad pa.

"Sige po, Ate. Maglalaro na po kami!"

"Saglit!" pigil ko. "Anong pangalan mo?"

"Buli po."

"Buli.." lumuhod ako. "May kilala ka bang Crisanto?"

Umiling ito. "Wala po."

"Bakit wala?"

"Po?" takang-taka nitong tanong.

Ngumiti nalang ako at umiling. Ginayak ko na siya para maglaro. Wala akong nakuhang impormasyon.

Kay Clara ko kaya itanong? Pero pwede ba 'yon? Madre siya pero may kasintahan siya? Ang harot naman ni sister tapos di naman kayang panindigan?!

Nakaupo kami habang nanunuod sa mga batang masayang-masaya sa mga larong hinanda sa kanila. Nakakabored. Ang iingay pa nitong mga tyanak na 'to.

Nagpaalam ako saglit kay Clara na aalis at tinignan lang ako nito. Naku, kung tayo ay nasa panahon ko dinukot ko na 'yang mata mo.

Nalibot ko ang lugar. Nakarating ako sa second floor at nakita ang mga kwarto. Isa-isa ko iyong binuksan at tag-lilimang double bed ang nasa isang kwarto.

"Magandang umaga po, madre."

Napatalon ako sa nagsalita. Nilingon ko ang isang lalaki.

Basa ang buhok nitong clean cut, halatang bagong ligo. Ang kayumangging kulay niya ay kumikinang sa aking paningin. I've seen brown coloured men, but this! He is so freakin' manly! Hindi pa ako nakakakita ng ganito ka-native na kayumanggi. Pilipinong-pilipino! Ang kanyang tangkad ay nakadagdag sa kanyang sex appeal.

Kung hindi nga lang sa kanyang dalang salakot ay mapagkakamalan ko siyang haciendero. Ang tangkad niya talaga!

Medyo nagulat pa siya paglingon ko.

"Pasensiya na po. Akala ko po'y isa sa matatandang madre."

Sumingkit ang mata ko. "Mukha ba akong matanda?"

Tumitig siya sa akin. Wala namang masama sa pagtitig niya pero parang nahiya ako.

"Pasensiya na."

"Anong ginagawa mo dito?"

Kumunot saglit ang noo nito pero itinuro nito ang isang kwarto.

"Iyan po ang aking silid. Magpapalit lang po ako ng aking damit."

I crossed my arms. He looked like a kitten though. Nakatungo ito at ayaw makipagtitigan sa akin. Well, everyone does this to me, so, what's new. They're afraid to look me in the eyes 'cause they knew they will melt right away.

"Boy ka dito?"

"Po?" nagtataka nitong tanong.

"Ibig kong sabihin ay kung katulong ka rito?"

"Dito na po ako halos lumaki."

Ngumiwi ako. "Ilang taon ka na ba? Bakit 'po' ka ng 'po'?"

"Ako po ay magta-tatlumpu't tatlo na ngayong taon."

Nanlaki ang mata ko. He's going 33?! Bakit ang fresh niya pa ring tignan? I mean I know he's an orphan and maybe poor. Pero ang mga kakilala ko kasing 33 ay puro retokado na kaya lang nagmumukang fresh!

"Eh bakit 'po' ka ng 'po' sa akin. Mas matanda ka ng ilang taon, ano!"

Tumagilid ako ulo nito at ngumisi. "Mas mataas ang iyong estado sa akin, madre."

"May pangalan ako!"

"Kilala po kita."

Kumunot ang noo ko. "Hindi kita kilala."

"Sapagkat hindi po ako nagpapakilala. Hindi po ako nagtatangkang lumapit sa inyo kapag kayo'y naririto."

"Bakit?"

Ngumiti lang ito. "Dapat ho bang magpakilala ang isang katulad ko, madre?"

He's hitting on me, didn't he?

Tumaas ang kilay ko. "Ano bang pangalan mo?"

Yumuko ito habang nasa dibdib ang salakot.

"Ang ngalan ko po ay Crisanto. Ako po si Crisanto."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status