Share

Kabanata 3

He was indeed a beautiful man. Gustong-gusto ko ang kulay nito. He can surpass any male models I know.

Kaya di ko masisi si mother Hermina kung liliko siya sa kanyang paniniwala.

Ibig sabihin ay tapos na ako dito? Very basic, huh.

"Ikaw si Crisanto?"

Tumango ito, namamangha. "Kilala po ninyo ako?"

"Oo." mayabang kong sabi.

Tumango-tango lang ito. "sige po. Ako po ay lilisan na. May inu-uutos po pa sa akin."

Huh? Di ba niya ako yayayain mag-date? Ang sabi ni Hermina ay kailangan naming maipagpatuloy ang lovestory nila. So, dapat yayayain niya ako diba.

"Hindi ba tayo magde-date?"

Tinignan ako nito ng hindi makapaniwala. "Madre?"

"May gusto ka sakin diba?" ngumisi ako. "Ayain mo na ako mag-date."

Nag-sign of the cross ito at nanlalaki ang matang nakatingin sa akin. Lumapit siya nang kaunti sakin ngunit sapat pa rin ang distansya. Tumingin ito sa labas, sa mga batang naglalaro.

"Baka ho may makarinig sa inyo at seryosohin ang inyong itinuturan."

Lumapit ako sa kanya para sana bumulong pero siya ang lumayo sa akin. I felt offended! Lakas naman ng loob nitong lumayo sa akin na parang nakakadiri ako.

"Madre.."

"Ano?" pagalit kong sabi. "Iba ka din ha. Ako na nga ang lumalapit sa iyo!"

Lumunok ito. Tumitingin pa rin sa labas.

"Kung anuman po ang interpretasyon ninyo sa aking sinabi ay hindi po iyon ang ibig kong ipahiwatig, madre."

Kumunot ang noo ko. "Ano? Diba mag-jowa tayo?"

"Ano pong salita iyon?" yumuko ito. "Pasensya na kayo, madre. Hindi ako nakatungtong sa paaralan. Pumupuslit lamang ako sa mga patagong klase ni Senor Guerrero noon. Matapos po ay wala na."

Nagulat pa rin ako kahit alam kong karamihan talaga sa mga Pilipino nang rehimeng ito ay pinagkakaitan ng karunungan.

Huminga ako ng malalim. "Ibig kong sabihin ay, magkasintahan. Tayo ay magkasintahan, hindi ba?"

Nanlalaki ang mata nitong lalong lumayo sa akin. Naeeskandalo sa binitawan kong salita.

"M-madre. Hindi ko po intensyon ang kahit na ano sa iyo. M-maniwala ka po-"

Napatalon ito nang hawakan ko ang kamay niya. Mabilis niya itong pinagpag at tumingin sa labas. Umigting ang kanyang panga. Tila nagagalit sa ginagawa ko.

"Hindi tayo magkasintahan?"

Mabilis itong umiling. "Hindi ho pwede, madre. At hindi rin talaga. Ano po ang iyong sinasabi?"

Humalukipkip ako. "Sige makakaalis ka na."

Muling kumunot ang noo nito pero hindi na siya nagsalita at umalis na. Pinikit ko ang mata at tumingala. Mukhang one sided pa itong lovestory na ito ha.

"Jusko naman, sister. Ayaw naman pala sa'yo 'nung tao. Bakit ipinipilit mong may lovestory kayo!"

Pinakiramdaman ko ang paligid. Kailangan ko ulit siyang makausap. Marami pa akong itatanong.

"Sister! Lumabas ka dyan. Kausapin mo ako!"

"Hermina?"

Napalingon agad ako sa gulat at nakita si superiora at Clara na nakakunot ang noo sa akin.

Ngumisi ako. "Pina-practice ko lang po 'yung boses ko."

Tumaas ang kilay ni Clara pero tumango nalang si superiora.

"Samahan mo na si Clara sa labas. Hinahanap ka rin ng mga bata."

Agad-agad akong sumunod. Mariin ang titig sa akin ni Clara pero hindi ko na pinansin dahil hindi ko rin alam ang sasabihin ko sa kanya.

Habang nanunuod sa mga bata ay nag-iisip ako nang unang hakbang kong gagawin para malutas ang problema ko. Ni, wala akong kakilala dito at hindi ko alam kung saan ako nakatira. Siguro sa simbahan? Or may dormitory kami?

Magtanong kaya ako kay Clara, kasi siya yata ang bestfriend nitong si Hermina. Pero nakakatakot siya. Baka ilaglag niya ako at matsugi agada ko dito.

Hindi pa man ako nagsisimula, mamamatay agad ako sa eksena.

“May dinaramdam ka ba?” bulong ni Clara sa tabi ko. “Kanina ka pa parang nawawala sa iyong sarili.”

Huminga ako ng malalim. Wala akong choice kundi sabihin sa kanya ang totoo. Wala akong ideya sa lahat ng ito! Kailangan ko ng taong magbibigay sakin ng clue kahit papaano.

“Maniniwala ka ba kung sasabihin ko?”

Mas lumapit siya sa akin. “Ano ang bumabagabag sa iyo?”

“Mas mabuti siguro kung sa pribadong lugar tayo mag-usap.”

Tinignan niya ang paligid at bumulong. “Tungkol ba ito sa prayle?”

“Anong prayle?”

“Iyong isinasalaysay mo sa akin noong nakaraang linggo”

Umiling ako. “Hindi ko na matandaan ‘yan. Pero may kailangan akong sabihin sa’yo. Importante.”

“Mainam siguro kung sa beaterio na lamang natin ito talakayin.”

“Ano ‘yon?”

Kumunot ang noo nito pero sumagot din naman. “Ang ating tahanan.”

Hindi nga ako nakatira sa mga magulang ko. Ang matandang lalaki kanina ay ang tatay ko. Kailangan kong makauwi sa bahay nina Hermina para makakuha ng kaunting impormasyon.

Natapos ang mga palaro para sa mga bata. Agad akong nagyaya kay Clara na umuwi dahil hindi na ako mapakali kung anong gagawin ko.

Isang vintage na simbahan ang nag-welcome sa amin. Napakatayog nito at napakaganda. Di pa rin ako makapaniwalang nasa ibang panahon ako at nasasaksihan ito ng dalawang mata ko.

“Tayo na.” yaya ni Clara. Bumaba na kaming muli sa kalesa at pumasok sa malaking simbahan.

“Ito na ba ‘yung beaterio?”

Tumango ito. “Dito tayo dumaan.” Tinuro niya ang isang makipot na hallway.

Hindi na ako nagtanong kung bakit kaya dire-diretso na kami papunta sa aming silid. Bawat detalye ng pader na bumubuo sa simbahang ito ay talagang nakaka-amaze. The walls has a medieval details and design. Some saints were carved on it. Hindi ko mapigilan ang ulo kong lumibot sa bawat detalye ng pader na iyon.

“Ibang klase. Mas maganda pa ‘to sa condo ko.”

Nilingon ako ni Clara pero hindi siya nagsalita. Lumiko lang kami at umakyat na kami pataas. Ilang hakbang ay may binuksan nang pinto si Clara.

Ang unang bumugad sa amin ay ang isang maliit na altar. Nagliliwanag ito sa mga kandilang nakapalibot dito. Sa gilid ay ang dalawang kama at isang upuan. Sa kabilang banda ay ang cabinet at vanity mirror. Halos malaglag ang panga ko sa napaka-vintage na datingan ng kwartong iyon.

“I’m really in here.” nagkatinginan kami ni Clara. “Kurutin mo nga ako.”

“Hindi maaari.”

Kinuha ko ang kamay niya at walang birong isinampal iyon sa aking mukha.

“Ouch!” angil ko.

“Hermina! Ano ba ang iyong ginagawa!” biglang-bigla siya.

Pinikit ko nalang ang mata. Talagang hindi ito panaginip!

Hinila ko si Clara sa aming kama at tinitigan ng mabuti. Halatang-halata ang pag-aalala niya sa kinikilos ko.

“Dapat makinig ka sa lahat ng sasabihin ko sa’yo. Bahala ka na kung maniniwala ka ba o hindi.”

Nakatitig lang siya sa akin kaya nagpatuloy na ako.

“Truth is, hindi ako si Hermina. Peksman, mamatay man.”

Kumunot lang ang noo niya. “May dinaramdam ka ba?”

“Wala, promise. Wala. I mean meron kasi ayoko dito sa lugar niyo. Pero hindi ako taga-rito, Clara.”

Kinagat ko ang labi.

“Simula nang magising ako kanina, hindi na ako ang kaibigan mo. Hindi ko alam kung anong nangyari, pero maniwala ka. Hindi ako si Hermina. Nasa katawan niya lang ako, pero ibang tao ako.”

Nanlaki ang mata nito. “Sino kang demonyo ka!”

Mas nanlaki din ang mata ko. “Huy! Baklang ‘to. Hindi ako demonyo! I mean, oo, masama daw ugali ko sabi ng mga haters ko, pero hindi ako satanismo.”

“Wala akong naiintindihan!” lumayo ito sa akin. “Tatawagin ko na ang superiora, Hermina!”

Hinila ko siya at pilit pinakalma. “Kakalbuhin kita. Makinig ka muna kasi!”

“Ako’y hindi mapapakali sa iyong tabi. Makikinig ako ngunit lalayo ako.” takot niyang ilag sa akin. Umupo siya sa kabilang kama.

I sighed. This girl!

“Ok. Basta makinig ka ng mabuti sa akin.” I wetted my lips. “Hindi ko alam bakit at paano nangyari ito. I am Vinta Serrano. Galing ako sa present time. Ibig sabihin. Ako ay galing sa hinaharap. Ang lugar na ito, ang mga tao dito, ikaw at lahat dito ay mga nakaraan ng Pilipinas.”

“Anong-“

“Hindi ko ipipilit sa’yo kung hindi ka maniniwala, pero ang hiling ko ay sana maniwala ka. Hindi ako gumagawa ng kwento o anuman. Mahirap din sakin ang mapunta sa ganitong sitwasyon kaya hindi ko pwedeng gagamiting biro.”

“Vinta Serrano?”

“Iyon ang totoo kong pangalan. Hindi ito ang aking katawan. Nagtatrabaho ako nang mangyari ito. Nahulog ako sa isang matarik na lupa pagkatapos pagdilat ko, nandito na ako.”

Huminga ako ng malalim. “Nagpakita sakin si Hermina.”

Gulong-gulo siya pero parang may pag-asa namang maniwala siya dahil sa ekspresyon niya.

“Nagpakita siya sakin kanina. Kinausap niya ako. At kaya daw ako nandito dahil may misyon akong dapat gawin.”

“Mahabagin!” napatakip siya sa kanyang bibig, “Kaluluwa ba ni Hermina ang nakausap mo?”

Tumango ako. “Kahit ako din naguguluhan kung paano nangyari pero kailangan ko talaga ng tulong mo. Gusto ko ng umalis dito.”

Kumurap-kurap pa ito. “Paano ko mapapatunayang totoo lahat ng iyong sinambit.”

Nag-isip ako. Hanggang sa..

“October 7, ngayon hindi ba?”

Tumango ito.

“Alam mo bang kahapon ay sinimulan na ang pag-uusig kay Jose Rizal sa Espanya?”

Nanlaki ang mata nito. Nilapitan ako bigla.

“Hinaan mo ang iyong boses. Baka marinig ka ng mga prayle.”

“Kilala mo siya?” tumango ito. “Hindi iyon pinaalam dito sa Pilipinas. Iilan lang silang nakakaalam.”

Napuno ng takot ang mata nito. “Anong nangyari?”

“Hindi ko alam, syempre. Wala naman ako doon.” sumama ang tingin nito sa akin. “Nabasa ko lang kasi ‘yon noong nag-aaral ako. Hindi naman dinetalye. Pero alam mo ba,”

Lalo pa itong lumapit sa akin. “Ano?”

“Mamamatay siya sa isang taon.”

Mabilis ako nitong sinapak sa braso pero agad niyang hinimas.

“Ikaw kasi. Huwag ka ngang magbibitaw ng ganyang mga salita!”

“Totoo ang sinasabi ko. Galing talaga ako sa future.”

“Mamamatay ang senyor?” maluha-luha ang mata nito.

Tumango ako. “Pero sa pagkamatay niya ay sisiklab ang galit ng mga Pilipino sa Espanya. Magkakaroon ng digmaan sa pagitan ng mga rebulusyunaryo at Espanya.”

Napatakip ito sa kanyang bibig. “H-hindi ako naniniwala.”

“Hindi kita pipilitin, pero sana pag-isipan mo ito.”

Tumayo siya at nagpapabalik-balik sa harapan ko.

“Kailangan ko talaga ng tulong mo.”

“Sige.” buong loob niyang sagot matapos ang ilang minutong pag-ikot. “Pero sabihin mo sa akin kung anong misyon ang kailangan mong harapin.”

“Kailangan ko raw na ipagpatuloy ang pagmamahalan nila ni Crisanto.”

Nanlaki ang mga mata nito at naestatwa.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status