Share

Rebound Love
Rebound Love
Author: Secret Writer

Chapter 1

Chapter 1

Nagmamadali si Leina papasok ng trabaho, kanina pa siya nag-aabang ng masasakyang jeep pero halos punuan lahat ng jeep na dumadaan, ayaw naman niyang mag-taxi dahil mas mapapamahal siya sa pamasahe, nang may humintong kotse sa harapan niya

"Leina sakay na"

"Matt?" ani ni Leina nang makilala ang sakay ng kotse

"Lika na" sumakay naman si Leina

"Naku Salamat dumaan ka"

"Oo nga eh, kanina ka pa?"

"Oo kanina pa, wala akong masakyan"

"Hirap kasing sumakay ngayon eh"

"Salamat ah"

"Wala yun, iisa lang naman pupuntahan natin" nakangiting sagot ni Matt, pinipigilan ni Leina ang sarilli na kiligin, crush na crush niya kasi si Matt, pero may girlfriend na ito na kaopisina rin nila, feeling niya alam rin ni Matt na crush niya ito pero hindi na lamang ito kumikibo

"Ahh, hindi kayo sabay pumasok ni Ria?"

"Nakaleave siya this week, uuwi siya sa province nila kasi kasal ng kapatid niya"

"Hindi ka sumama?"

Umiling si Matt "Hindi, hindi ko naman kilala ang pamilya niya, at saka okay na rin yun na hindi ako magpunta, nahihiya rin kasi ako"

"Ahh okay"

"Eh ikaw? Bakit mag-isa ka pa rin?"

"Hmmm, eh wala pa akong nakikitang makakasama eh"

"Ay ganun ba? Wala bang nanliligaw sayo?"

"Wala, hindi naman kasi ako maganda"

"Anong hindi maganda? Maganda ka naman ah"

"T-talaga?"

"Oo naman", ani ni Matt, kinurot naman ni Leina ang sarili dahil baka bigla siyang tumili sa sobrang kilig "Di bale makakakita ka rin ng lalaking magmamahal sayo"

"Hindi ba pwedeng ikaw na lang?" bulong ni Leina sa sarili

Maya maya ay nakarating na sila sa may opisina sabay na silang pumasok, nang masalubong nila si Aldrin, kaibigan ni Matt na kaopisina rin nila

"Matt, una na ako, Salamat ulit sa pagsabay"

"Okay lang, no problem" saka tumalikod si Leina, ngingiti naman si Aldrin

"Bakit nakangiti ka?" tanong ni Matt

"Wala lang, bakit kasabay mo si Leina?"

"Nakita ko kasi siya nag-aabang ng masasakyan kaya sinabay ko na"

"Ahh okay"

"Parang may iba kasi yang ngiti mo"

"Wala ah, akala ko kasi nililigawan ka"

"Bakit naman?"

"Wag ka nang magkaila, matagal nang may gusto sayo si Leina noh"

"Ikaw talaga, ang lakas mo ring mang-asar dun sa tao"

"Naririnig niya ba? By the way, bakit ba kasi hindi ka sumama kay Ria?"

"Ano naman ang gagawin ko dun?"

"Eh di magpakitang gilas ka sa future in laws mo"

"Baliw ka talaga"

Lumipas pa ang mga oras, uwian na, as usual hirap nanamang sumakay si Leina, maya maya ay may tumawag sa kanya sa phone

"Hello anak"

"Ma, Bakit?"

"Bumili ka nga ng sabon sa grocery bago ka umuwi"

"Ha?"

"Sige na, nahihirapan nanaman akong maglakad eh"

"Kumain ka nanaman ng mani ano?"

"Shhh, wag ka nang maingay dyan, sige na anak"

"Opo na po" sabay off ng phone niya, pumara na lamang siya ng tricycle at nagpahatid sa mall na malapit lang sa pinapasukang opisina, namili na rin siya ng mga personal na gamit, nakapila na siya sa may counter, dalawang tao na lang ay siya na ang magbabayad nang mapansin niya sa may likod si Matt, may binili rin, napatingin din ito sa kanya kaya sinenyasan niyang lumapit, pag lapit ni Matt ay nagsalita ang babae sa likod nila

"Bawal singit" ani ng babae sabay irap

"Ay wala pong sumisingit, magkasama po kami" sagot naman ni Leina

"Wag na kaya" bulong ni Matt kay Leina, tila kinikilig nanaman si Leina dahil sa bulong na yun, parang may kuryenteng dumadaluyong sa buong pagkatao niya

"Yaan mo siya" ganting bulong niya "Dalawang piraso lang naman yang sayo" tapos ay nagbayad na si Leina, iniabot na lang ni Matt ang bayad sa kanya

"Salamat Leina"

"Sus wala yun"

"Pauwi ka na ba?"

"Oo, eto kasing si Mama matigas ang ulo, kumain nanaman ng mani, ayun sinumpong nanaman siya"

Napangiti si Matt sa kwento ni Leina "Sabay ka na sa akin"

"Talaga? okay lang sayo?"

"Oo naman, ano ka ba? para may kasabay rin ako habang bumabiyahe"

"S-sige, Salamat"

Habang bumabiyahe sila ay nagkukuwentuhan sila tungkol sa buhay-buhay nila, naisip ni Leina, ang bait talaga ng crush niya, nalaman niya rin na iisang anak lang ito at nasa ibang bansa ang mga magulang, ayaw naman niyang manirahan sa Canada kaya nagpaiwan na lamang siya dito, hindi naman sinabi ni Matt kung bakit ayaw nito sumama sa Canada pero marahil ay dahil sa girlfriend nitong si Ria, nakatira ito sa condo pero ang unit na yun ay malaki dahil magulang din nito ang bumili, at kapag nagbabakasyon ang mga ito ay dun tumutuloy, pero may sarili rin silang bahay sa Bataan, tiyahin naman niya ang nangangalaga duon, kung tutuusin ay pwede nang hindi magtrabaho si Matt dahil pinadadalhan pa ito ng monthly allowance ng mga magulang, pakiramdam ni Leina, sa kaunting oras na nakakwentuhan niya si crush ay lalong tumindi ang nararamdaman niya para dito, maya maya lang ay andun na sila sa labas ng subdivision nila Leina

"Uy Matt salamat ah, nakadalawa na ako sayo today"

"Okay lang yun"

"Ingat ka ah" Tumango naman si Matt habang nakangiti "Sige bye, salamat ulit" saka bumaba na sa kotse si Leina, pagkaalis ng kotse ni Matt ay sumakay naman siya ng tricyle, pag uwi niya ay nakita niya ang mama niya na himas himas ang mga binti

"Ayan kasi, napakatigas ng ulo mo" ani niya sa ina sabay halik sa pisngi nito

"Kasi si Myrna, inalok ako ng mani kanina"

"Alam mong bawal sayo kumuha ka pa, makulit ka rin talaga eh noh?"

"Hoy Heleina, baka nakakalimutan mo na ako ang Mama dito at hindi ikaw"

Ngumiti si Leina "Oo nga pala, ikaw ang Mama dito pero parang ikaw ang baby"

Piningot naman siya ng mama niya "Sumasagot ka pa talaga"

"Aray!" natatawang ani ni Leina sabay nguso "Susumbong kita kay Papa"

"Tse!"

"Mamaya hahatakin nun ang paa mo, Lalo yang sasakit"

"Abnormal ka talaga"

"Kanino ako mana?" nakangiting tanong niya sa ina

"Sa Papa mo"

"Weh?"

Natawa si Aling Linda sa anak at saka ito hinampas ng unan "Magbihis ka na nga, at kumain ka na dyan, adobong sitaw at pritong tilapia ang ulam"

"Wow! Mi Paborito, kumain ka na Ma?"

"Hindi pa, wala akong gana,masakit nga binti ko"

"Uminom ka na ng gamot?"

"Oo, maya maya wala na rin ito"

"Sige kakain muna ako, tomguts na tiyan ko eh" sabay punta sa kusina, simple lang ang buhay nilang mag-ina, two years ago namatay ang Papa niya dahil sa atake sa puso, may naiwan itong bahay at lupa para sa kanilang mag-ina, nagtayo naman ng tindahan si Aling Linda sa tapat ng bahay at may natatanggap etong 10 libo kada buwan na pension mula sa SSS ng asawa.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status