Share

Chapter 2

CHAPTER 2

Lumipas pa ang mga araw, nakabalik na si Ria, pero pagbalik nito ay nagbago na ang pakikitungo niya kay Matt at napansin yun ng lalaki, pero ayaw niyang mag-isip ng iba, mahal na mahal kasi niya si Ria, balak na nga niyang magpropose dito, lahat ng plano niya sa buhay ay kasama ang babae, plano na niyang magresign at magtayo ng sarili niyang negosyo, matagal na rin kasing sinasabi ng mga magulang niya yun sa kanya pero nag-eenjoy pa kasi siya sa opisina, at saka andun si Ria, ang babaeng mahal na mahal niya, isang araw nagyaya si Ria na lumabas, pinagbigyan ito ni Matt, at naisip niya na ito na ang pagkakataon niya para makapagpropose sa girlfriend, dinala niya ito sa isang fine dining restaurant, nagpareserve talaga siya, pero napansin niyang hindi masaya si Ria, ni hindi ito ngumingiti sa kanya

"Babe, nag-order na ako ng pagkain natin" ani ni Matt "T Bone Steak ang inorder ko at saka salad, kung meron ka pang gusto sabihin mo lang" sabay hawak sa kamay ni Ria

"Matt, I have something to tell you"

"Mamaya na Babe, pagkatapos na lang natin kumain pwede? At saka ako muna, may gusto rin kasi akong sabihin sayo pero mamaya na lang okay lang ba?"

"S-sige, kung yan ang gusto mo"

Maya maya ay dumating na ang order nila at nagsimula na silang kumain, nahalata rin ni Matt na hindi halos kumakain si Ria kahit paborito nito ang steak na inorder niya para dito, pagkatapos kumain ay hinawakan ni Matt ang kamay ni Ria at tinitigan ito, nakatingin rin si Ria sa kanya

"Babe, mahal na mahal kita alam mo naman yun diba? At hindi ko alam ang mangyayari sa akin kung mawawala ka sa buhay ko" ani ni Matt, tumayo siya at lumuhod sa harapan ni Ria

"Matt No" ani ni Ria pero itinuloy pa rin ni Matt ang nais niyang gawin

"Babe will you marry me?"

"No" sagot ni Ria

Napakunot ng noo si Matt "Why?"

"Hindi ko alam Matt, pero hindi na ako masaya sa relationship natin"

Tumayo si Matt at tumabi kay Ria "May nagawa ba ako?"

"Wala, walang mali sayo, pero hindi na ako masaya, I'm sorry" ani ni Ria sabay tayo at tinalikuran si Matt, maya maya ay hinabol ito ni Matt at inabutan itong pasakay na ng taxi

"Babe please, mag-usap muna tayo please?"

"Wala na tayong dapat pag-usapan Matt, my decision is final, ayoko na"

"Pero mahal kita"

"Anong gusto mong isagot ko?"

"Y-yung totoo, may iba ba?"

"Walang iba, gaya nga ng sabi ko hindi na ako masaya" sabay talikod at sakay na ng taxi, hinabol pa ni Matt ang taxi habang umiiyak, umiiyak rin si Ria, hindi naman sa hindi na niya mahal si Matt pero pakiramdam niya ay hindi na siya masaya sa relationship nila, mabait naman si Matt, Ideal Man nga ito kung tutuusin pero iba na talaga ang pakiramdam niya

Nagpunta si Matt sa isang bar at nagpakalasing, iyak siya ng iyak, sobra siyang nasaktan sa pakikipaghiwalay ni Ria sa kanya, si Leina naman ay andun din sa bar, isinama siya ng pinsan niya na nagcecelebrate ng birthday, kasama rin ang mga kaibigan nito at iba pa nilang pinsan nang makita niya si Matt, tumayo siya at nilapitan ito

"Matt? Mag-isa ka lang?"

Tiningnan siya at kinilala "Leina? Tara inom tayo" ani nito na halos wala na sa ulirat

"Mag-isa ka lang ba?"

"Oo mag-isa na lang ako, iniwan ako ng babaeng pinakamamahal ko"

"Ha?" gulat na ani ni Leina, naupo siya sa tabi nito "Alam mo ang mabuti pa umuwi ka na, kaya mo ba?"

"Mamaya na ako uuwi, ako magsasara nitong bar"

"Hala siya"

"Inom ka dali"

"Naku noh, tipsy na ako, ayoko na"

"Ano ba yan? Wala kang pakisama, dali na inom na kasi, samahan mo ako"

"Alam mo umuwi ka na"

"Sige, uuwi ako, pero samahan mo ako"

"Langya na yan"

"Dali na, samahan mo ako sa condo" ani nito sabay tayo pero muntik itong bumagsak

"Alam mo, hindi mo na kayang magdrive"

"Oo nga, ano? Ihatid mo ako"

Saglit na nag-isip si Leina "O siya sige, akina susi ng kotse mo"

"Andito sa bulsa ko, kunin mo"

Dinukot ni Leina ang susi nang may hindi sinasadyang may tinamaan siya "Ay sorry"

Ngumiti si Matt "Pilya ka ah, pati si Johnny dinudukot mo"

"Siraulo, hindi ko sinasadya noh" kunot noong sagot ni Leina "Lika na nga" hindi na nagpaalam si Leina sa mga pinsan para mailabas na niya si Matt, nag-aalala rin siya dito kasi baka mapagtripan pa sa loob ng bar, itetext na lang niya ang mga kasama, naisakay na niya sa passengers seat si Matt at siya na ang nagmaneho, alam naman niya kung saang condo ito nakatira pero hindi niya nga lang alam kung anong unit, itatanong na lang nila sa lobby, napatingin siya kay Matt pag dating nila sa stoplight, mulat naman ang mata nito pero parang malalim ang iniisip

Maya maya ay nasa building na sila ng condo, gising pa rin si Matt, at inalalayan ito ni Leina sa paglalakad

"Matt, pasamahan na lang kita papunta sa unit mo?" ani ni Leina

"Iinom pa tayo diba?"

"Ha?"

"Oo, iinom pa tayo" ani ni Matt "Ayun" sabay turo ng elevator "Dali sakay na tayo"

Walang nagawa si Leina kundi sumunod kay Matt, maya maya ay bumaba na sila sa elevator at nakarating na sila sa unit ni Matt, Malaki nga talaga ang unit nito, at may tatlong kwarto, mamahalin din ang mga gamit, naupo si Matt at kinuha ang alak sa lamesita, naupo rin si Leina sa may tabi niya

"Ang laki ng Bahay niyo"

"Oo, magulang ko nagpundar nito, ano eto o" sabay abot ng kopita ng alak

"Ayoko"

"Ano ba yan? sabi mo iinom tayo"

"Wala akong sinabi ah, sabi ko lang ihahatid kita"

"Dali na, kaunti lang, makisama ka naman"

Inabot ni Leina ang kopita at saka uminom "Isa lang ah, tapos uuwi na ako"

"Samahan mo muna kasi ako dito"

"Naku, hahanapin ako sa amin Matteo"

"Hindi yan, ang laki mo na eh, enjoy life"

"Mabuti pa ititimpla muna kita ng kape nang mahimasmasan ka"

"Sige, tapos inom ulit tayo"

Tumayo si Leina at nagpunta sa kusina, nagtimpla siya ng kape, maya maya ay binalikan niya si Matt at ibinigay ang isang tasa ng kape

"O inumin mo muna to Matt" kinuha naman nito ang kape at hinigop, para itong hindi naiinitan, diretso lang ang inom ng kape "Hoy dahan dahan, kape yan hindi alak" sabay sandal sa sofa, binaba ni Matt ang tasa at sumandal rin sa sofa saka humarap kay Leina

"Pangit ba ako?" tanong ni Matt

"H-Hindi ah, ang gwapo mo nga eh"

"Mabaho ba ako?"

"Ang bango mo kaya, pwera ngayon kasi amoy alak ka"

"Bad Breath ba ako?"

Napatitig si Leina kay Matt "Ha?"

"Bad Breath ba ako?"

"Ewan ko, amoy alak kasi ang hininga mo eh"

"Wait dito ka lang" tumayo ito at pumasok sa isa sa mga kwarto, sinundan lamang ito ng tingin ni Leina, maya maya ay bumalik si Matt at muling naupo sa sofa katabi ni Leina pero hindi na ito sumandal at hinarap na lamang si Leina, napatitig si Leina sa kanya "Ngayon, bad breath ba ako?" tanong ulit nito, amoy mint na hininga nito, pakiramdam ni Leina ay nagtoothbrush ito at mouth wash, napalunok naman si Leina

"H-Hindi na"

Biglang napasandal muli sa sofa si Matt, nakahinga naman ng maluwag si Leina, pakiramdam niya kasi hahalikan siya ni Matt pero hindi, at broken hearted ito dahil sa nangyari sa kanila ni Ria.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status