Share

Chapter 5

Naihatid na ni Matt sina Aldrin at Sarah, ang huli niyang ihahatid ay si Leina, malapit na sila sa may labas ng Subdivision nang biglang iliko ni Matt ang kotse papasok sa Subdivision

"Matt, bakit?" ani ni Leina

"Ihahatid kita hanggang sa inyo"

"Hindi naman kailangan"

"Okay lang, gusto ko makauwi ka ng safe"

"S-Salamat" ani ni Leina "Leina sawayin mo ang sarili mo, baka ka maihi" bulong niya sa sarili

"San ba street niyo dito?"

"Ah dyan kakanan ka"

"Okay" iniliko nga ni Matt ang kotse "San ang sa inyo?"

"Ayun, yung gate na green, tapos may tindihan" ani ni Leina, tumango naman si Matt, ilang saglit lang ay nasa tapat na sila ng gate "Matt salamat ulit ah, ingat ka pag-uwi" ani ni Leina habang tinatanggal ang seat belt

"Okay" nakangiting ani ni Matt, nang biglang sumilip si Aling Linda

"Hala si Mama" ani ni Leina "Sige na Matt, salamat ulit, ingat" at lumabas na siya sa kotse, pero kinatok na ni Aling Linda ang bintana sa side ni Matt, binuksan naman ito ni Matt

"Good Evening Mam" ani ni Matt

"Ma" ani ni Leina sabay lapit sa ina "Si Matt po kaopisina ko, ah Matt ang Mama ko pala" ani ni Leina, lumabas naman ng kotse si Matt para magbigay galang kay Aling Linda

"O, eh bakit hindi mo ayain man lang sa loob, kumain ka na iho?" ani ni Aling Linda

"Opo Mam, kumain na po kami"

"Ah ganun ba? Eh kape?"

"Wag na po, next time na lang po Mam, medyo late na rin kasi, inihatid ko lang po talaga si Leina"

"Ah ganun ba? Sige salamat, ano nga ba ulit ang pangalan mo?"

"Matt po, Matteo Ledesma"

"Ah sige Matt, mag iingat ka pag uwi"

"Okay po Mam, thank you po" nakangiting ani ni Matt at saka tumingin kay Leina "Leina una na ako"

"Sige Matt, ingat ka" ani ni Leina, tumango naman si Matt at sumakay na sa kotse at umalis na

"Nanliligaw yun sayo?" ani ni Aling Linda kay Leina

"Hindi po"

"Pero crush mo?"

"Opo Ma, ang gwapo niya noh?" kinikilig na ani ni Leina

"Malantod ka, kinikilig ka pa dyan" nangingiting ani ni Aling Linda, "Pumasok na sa loob at magpahinga ka na"

"Sabay na po tayo"

"Magsasara na ako ng tindahan"

"Tulungan ko na po kayo" at saka nila pinagtulungan isara ang tindahan at saka sila sabay na pumasok sa loob, nung gabing yun ay hindi masyadong nakatulog si Leina, sobrang saya niya kasi nagiging close sila ni Matt, sa condo naman ni Matt, shumashot nanaman siya, naaalala nanaman niya si Ria, at hindi niya gusto ang sakit na nararanasan niya dahil kay Ria.

Kinabukasan, lumabas ng kwarto si Leina, ang suot niya lang ay sando at wala siyang suot na bra at saka maikli na cotton shorts, nag iinat pa siya pag labas ng kwarto nang magulat siya at napatakip siya ng dibdib

"Anong ginagawa mo dito?" ani ni Leina

"Good Morning" ani ni Matt at napalunok ito, para siyang nakaramdam ng kakaiba ng makita si Leina sa ganung ayos, totoo ngang sexy ito "P-pinapasok na ako ng Mama mo, isasabay sana kita sa pagpasok"

"Ha?" nang biglang pumasok si Aling Linda at natatarantang lumapit kay Leina

"Hoy Heleina, ano ba yang ayos mo? Mahiya ka naman"

"Hindi ko naman alam na andyan siya"

"Ngayon alam mo na, kunin mo ang towel mo, mabuti pa maligo ka na"

"Opo" at bumalik na si Leina sa kwarto, nilapitan naman ni Linda si Matt "Pasensiya ka na Matt ha? Upo ka, dito ka na rin kumain, sabay na kayo ni Leina"

"S-Sige po Aling Linda"

"Maupo ka muna dyan, pupunta lang ako sa tindahan, kasi naglilista ako ng ipapadeliver na de bote"

"Ah sige po, aantayin ko na lang po si Leina dito" at muling naupo si Matt, lumabas ulit si Leina at nakatapis na ang tuwalya sa suot niya

"Matt, saglit ahh" ani niya at tumango naman si Matt at saka pumasok si Leina sa banyo, maya maya ay lumabas na ito at dumiretso sa kwarto para magbihis, siya namang pasok ni Aling Linda para maghain

"Matt, bago kayo umalis ni Leina kumain muna kayo ng almusal ha?"

"Ahh sige po, salamat po" nakangiting ani ni Matt, maya maya ay lumabas na si Leina, nakabihis na ito

"Matt, naku pasensiya na ha, hindi ko naman alam na susunduin mo ako" ani ni Leina

"Pasensiya na ha?"

"Okay lang, lika kain tayo Matt"

"S-sige ba" at naupo na sila sa dining at saka kumain, maya maya ay umalis na sila at nakarating sa opisina

"Matt salamat ah, pero hindi mo naman kailangang gawin to" habang nasa loob pa sila ng kotse

Hinawakan ni Matt ang kamay ni Leina "Leina, I think I like you"

"Ha?"

"I know masyadong mabilis, pero can you give me chance?"

"H-hindi ko alam Matt, kakabreak niyo lang ni Ria diba?"

"Alam ko, alam ko rin ang tumatakbo sa isip mo, pero Leina please?"

"Matt pag-iisipan ko muna"

"Sige Leina, pero ihahatid at susunduin pa rin kita ha?"

"Sigurado ka?"

"Oo naman Leina" sabay halik sa kamay ni Leina, para namang hihimatayin sa kilig si Leina, pero nalilito pa rin siya, kung hindi siguro niya alam na kakabreak lang nito sa girlfriend nito ay baka umoo na agad siya kanina pa

Nasa loob na sila ng opisina, nang mapansin ni Sarah na tulala si Leina sa harapan ng pc monitor nito

"Huy! Problema mo?" ani ni Sarah

"Wala"

"Weh? Umuwi ka ba sa inyo?"

"Oo naman"

"Akala ko hindi ka inuwi ni Matt, ikaw kasi ang huli niyang inihatid"

"Baliw ka nanaman"

"Bakit parang ang seryoso mo?"

"Si Matt kasi"

"O bakit?"

"Sinundo niya ako kanina, ang sabi niya gusto niya ako"

"Naniwala ka?" tanong ni Sarah, napayuko naman si Leina "I mean alam naman ng lahat na kakabreak lang nila ni Ria, at walang nakakaalam ng dahilan nun, baka mamaya isipin ng mga tao kasalanan mo kaya sila naghiwalay, and worst baka ginagamit ka lang niya"

"Naguguluhan ako Sarah, alam mo naman na gusto ko si Matt nuon pa, parang pagkakataon ko na to para maging masaya kasama siya"

"Magiging masaya ka nga ba?"

"Anong gagawin ko?"

Hinawakan ni Sarah ang kamay ni Leina "Ang sa akin lang baka masaktan ka lang in the end, pag-isipan mo maigi friend" ani nito, tumango naman si Leina

"Salamat"

"Basta pag-isipan mo ah? Alam ko kasi na patay na patay ka kay Matt, alam kong pinapantasya mo sa gabi"

"Ay gago ka, grabe ka talaga sa akin" natatawang ani ni Leina, natawa rin si Sarah

"Ahh, wag mong sabihin na hindi mo siya iniisip sa gabi, na hindi mo pinapangarap na magkayakap kayo at naghahalikan, sabay haplos sa buong katawan niyo"

"Tado ka talaga, hindi naman ah" ani ni Leina, tawang tawa naman si Sarah

"Kidding aside, pag-isipan mo ha?" ani ni Sarah, tumango naman si Sarah at bumalik na sila sa trabaho, lumipas pa ang maghapon, inaantay naman sa parking ni Matt si Leina, maya maya ay palapit na ito

"Si Sarah?" ani ni Matt

"Ahh sinundo ng Kuya niya"

"Ahh okay, lika na?"

"S-Sige" at sumakay na sila sa kotse

"Kain muna tayo bago kita ihatid okay lang?"

"Hindi na Matt, kasi magluluto si Mama ng ginisang monggo at pritong tilapia, favorite ko yun"

"Ahh ganun ba?"

"Oo, ikaw na lang ang kumain sa bahay, kung kumakain ka ng ganung klaseng pagkain"

"Actually, mukhang gusto ko nga yan, hindi na kasi ako nakakakain ng lutong bahay na pagkain"

"Sige sa bahay na lang tayo, para iwas gastos na rin"

"Okay, uwi na tayo sa inyo" nakangiting ani ni Matt at pinaandar na ang kotse.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status