Share

Chapter 6

Lumipas pa ang mga araw, lalong nahuhulog ang loob ni Leina kay Matt pero nahihirapan pa rin siyang magdesisyon, isang araw bago sila umuwi ay namasyal muna sila Leina at Matt sa may park, wala naman kasing pasok kinabukasan

"Ano Leina? Sigurado ka ba ayaw mo pa umuwi? Baka pagod ka na?"

"Okay lang, nagtext naman ako sa Mama ko" ani ni Leina at naupo sila sa may bench, naupo naman si Matt na nakadikit kay Leina at hinawakan ang kamay nito

"Leina, ano nang desisyon mo?"

"Ang sabi mo Matt, like mo ako, pero hindi mo ako love"

"Leina, give me a chance please, try natin, alam ko magwowork to"

"Paano kung hindi?"

"Paano natin malalaman kung hindi natin susubukan?"

"Natatakot ako Matt"

"Leina please?"

Napatitig si Leina kay Matt, at alam niyang mahal na niya talaga si Matt, at nakahanda na siyang magtake ng risk para makasama ito "Sige Matt" nakangiting ani ni Leina

"So tayo na?" ani ni Matt

"Oo Matt, tayo na"

"Yes!" sabay yakap kay Leina "Pangako gagawin ko lahat para maging okay tayo"

"Ako rin"

"Kain tayo?"

"Kumain na tayo ah"

"Kain ulit tayo"

"Busog pa ako"

"Sige na nga, upo muna tayo" at saka inakbayan ni Matt si Leina habang hawak ang kamay nito, saka hinalikan sa noo.

Kinalunesan, nagchange status na si Leina sa f******k nang makita ito ni Matt, kasalukuyan silang nasa opisina, tumayo si Matt at pinuntahan si Leina

"Leina, pwede ba tayo mag-usap?" sabay talikod kay Leina, sinundan naman siya nito at nakarating sila sa labas

"Ahm, bakit?" ani ni Leina

"Ahm, Leina, yung sa status mo sa f******k, pwede ba tanggalin mo? I mean, ayoko sanang pag-usapan tayo ng mga tao"

"Paanong?"

"Leina, pwede sa atin muna tong relasyon natin? Alam mo naman kakabreak lang namin ni Ria at ayokong mag-isip ang mga tao ng hindi maganda" ani ni Matt, ang totoo hindi siya kumportable na malaman ng mga tao na may girlfriend na siya, nasaktan naman si Leina sa sinabi ni Matt

"Sige, kung yan ang gusto mo" kinuha nito ang phone at binalik niya sa pagiging single ang status niya

"Leina, I hope you understand"

"Yes, naiintindihan ko"

"I will wait for you sa parking later" ani ni Matt, tumango naman si Leina at tumalikod na, tumulo ang luha niya at pinunasan niya ito, may relasyon nga sila ni Matt, pero bawal malaman ng ibang tao, dumating ang oras ng uwian, nasa parking na si Matt, maya maya ay dumating na si Leina at sumakay na sila, kinuha ni Matt ang kamay ni Leina at pinisil yun "I'm sorry Leina, pero I just want to protect you, ayoko isipin ng tao na kaya kami naghiwalay ni Ria ay dahil sayo, sana maintindihan mo"

"Naiintindihan ko" ani ni Leina pero hindi siya tumitingin kay Matt

"Galit ka pa rin?"

"Hindi ako galit"

"Masama ang loob mo?" yumuko si Leina at naiyak, nakaramdam naman ng awa si Matt sa kanya "Sorry, pero para sayo naman to, ang importante naman yung kung anong meron tayo diba?"

"Pasensiya na"

"Babawi ako" ani ni Matt sabay halik sa kamay ni Leina "Manood tayo ng movie?"

"Umuwi na tayo"

"Hindi, ganito, punta tayo sa condo, ipagluluto kita"

Pinunasan ni Leina ang luha at napatingin kay Matt "Magluluto ka?"

"Oo, pero pasta lang ah"

Ngumiti si Leina "Sige"

"Ayan, ngumiti ka na, sa condo na lang tayo ha? Tapos ihahatid ulit kita" nakangiting ani ni Matt, tumango naman si Leina, kaya pinaandar na ni Matt ang sasakyan niya, nakarating sila sa condo, pinapasok ni Matt si Leina sa kwarto niya para makapanood ito ng TV, habang nagluluto siya, tiningnan ni Leina ang kwarto ni Matt, malapad ang kama nito, kasya ata ang apat na dito, malinis rin ito sa kwarto, malaki rin ang tv, very masculine ang dating ng kwarto nito, maya maya ay sumilip si Matt sa kwarto

"Leina, lika na, kain na tayo"

"Sige" tumayo na si Leina at sumunod kay Matt sa dining

"Sana magustuhan mo, cheesy tuna pesto"

"Wow, mukhang masarap, nakaplating pa?"

"Okay ba? Hobby ko kasi talaga ang magluto, mahilig ako sa mga pasta"

"Talaga?"

"Oo, hindi ba halata?"

Nahihiyang umiling si Leina at tinikman ang luto ni Matt "Hmm, masarap ah, actually hindi ko like ang pesto pero ito, masarap siya"

"Talaga? Baka binobola mo lang ako ah, baka napipilitan ka lang kainin"

"Hindi ah, totoo nga masarap"

"Thank you, sige lang kain ka lang" ani ni Matt, nagtimpla pa ito ng juice para sa kanilang dalawa, nawala na ang sama ng loob ni Leina at mas pinili na lamang niya na paniwalaan ang sinasabi ni Matt, pagkatapos kumain ay nagpahinga lang sila ng kaunti at inihatid na ni Matt si Leina, halos alas nwebe na rin nang makauwi sila sa bahay

"Paano Matt salamat" ani ni Leina

"Sunduin kita bukas ha?"

"Sige, bye" ani ni Leina saka sila nagkiss sa pisngi, bumaba na si Leina ng kotse, umalis naman na si Matt

"O andyan ka na pala" ani ni Aling Linda "Hinatid ka ba ni Matt?"

"Opo"

"Nanliligaw ba siya sayo?"

Wala nagawa si Leina kundi ang magsinungaling sa ina dahil hindi pa niya natanong kay Matt kung pwede niyang sabihin sa Mama niya ang totoo tungkol sa kanila "H-hindi po Ma, friends lang po kami"

"Malay mo magkagusto rin siya sayo"

"S-Sana nga po Mama" ani ni Leina, parang nakakaramdam nanaman siya ng lungkot, alam niyang may mali, dapat masaya siya pero iba ang nararamdaman niya, inisip na lang niya na parehas pa silang nag-aadjust ni Matt, nasa adjustment period pa silang dalawa "Ma una na po ako sa loob ah? Medyo masakit po kasi ang ulo ko"

"Sige lang nak, baka gutom ka kumain ka muna"

"Hindi na Ma, busog po ako, goodnight po Ma"

"Goodnight nak" sabay pasok nito sa tindahan, pumasok naman na sa loob ng bahay si Leina, naalala naman ni Matt si Leina, nagiguilty siya, in a way kinukumbinsi na lang niya ang sarili na tama lang na wag muna sila umamin sa relasyon para na rin kay Leina, para hindi ito pag-isipan ng masama ng ibang tao, baka isipin na third party pa ito kaya sila naghiwalay ni Ria, pero deep inside sa puso niya, alam niya rin kasing si Ria pa rin ang laman nito.

Lumipas pa ang mga araw, ganun pa rin ang sitwasyon nila, walang alam ang mga tao sa paligid nila na may something sa kanila, minsan kasi ay sabay sabay silang apat na umuuwi, minsan ay wala si Aldrin, minsan ay wala si Sarah, hindi rin sinabi ni Matt kay Aldrin ang totoo tungkol sa kanila ni Leina, isang araw ay nagpunta sa mall sina Leina at Matt, manonood sila ng movie, pero para silang magkaibigan lang at hindi magboyfriend, nasa likod ni Matt si Leina habang naglalakad, ni hindi sila nagdidikit, ni hindi rin hinahawakan sa kamay ni Matt si Leina, as in wala, para lang silang magbarkada na nagbabonding, nasasaktan si Leina sa sitwasyon na yun, hindi ganun ang ineexpect niya sa pakikipagrelasyon dito, pero tinitiis ni Leina ang lahat kahit masakit sa kanya dahil mahal niya si Matt, kahit hindi ito sweet sa kanya pag may kaharap silang ibang tao, sa opisina nga ay minsan lang kung pansinin siya nito, hindi rin sila masyadong nagsasabay sa lunch break, may kanya kanya silang grupo na kasama, isang araw ay nagmeeting sila kasama ang supervisor nilang si Sir Carlo

"Guys, magkakaroon tayo ng outing, bale weekend siya gagawin, sa isang beach resort sa Batangas, all expense paid dahil natuwa ang mga bossing natin sa naging sales natin this quarter, sana makasama ang lahat okay?"

"Sir kelan po?" ani ng isa

"Iaannounce pa namin, may mga kailangan pa kasi tayong tapusin"

"Yes!" ani naman ng iba

"Ayusin niyo na ang mga schedule niyo" sabay tingin kay Leina "Ah Miss Martinez, pwede ba akong humingi ng tulong sayo?" napatingin naman si Matt kay Leina

"S-sure Sir"

"Usap na lang tayo sa office ko mamaya okay?"

"Yes Sir"

"Paktay tayo dyan" bulong ni Aldrin kay Matt "Deds talaga si Sir Carlo dyan kay Leina" hindi naman kumibo si Matt, tumingin na lamang siya kay Sir Carlo na abot tenga ang ngiti na nakatitig kay Leina, nakita niya na tiningnan nito si Leina mula ulo hanggang paa, lalaki siya at alam niya ang tingin na yun.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status