Share

Chapter 3

Nakatulog sa sofa si Leina at si Matt naman ay sa carpet sa lapag, muli kasing uminom si Matt pero hindi na uminom si Leina, maya maya ay nagising si Matt, hawak ang ulo niya, napatingin siya sa sofa at nakita niya si Leina, pilit niyang inalala ang nangyari nung nakaraang gabi, bumangon siya ang nagpunta sa kusina, nagtimpla siya ng kape, maya maya ay nagising si Leina, nakita niya si Matt sa may kusina, bumangon siya at lumapit dito

"Pwedeng makimumog?" tanong ni Leina, tumango naman si Matt kaya nagpunta si Leina sa may lababo

"Gusto mong kape?" ani ni Matt, tumango naman si Leina, nagtimpla ng kape si Matt para sa kanya at iniabot "May tanong ako"

"Ano yun?"

"Kagabi? May nangyari ba kagabi?"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Wala kasi akong maalala"

"Eh di naglasing ka sa bar, nakita kita kaya inuwi kita dito, tapos ayaw mo akong pauwiin kasi gusto mo pa ring uminom"

"Yun lang?"

"Oo yun lang, kung iniisip mo kung may nangyari sa ating dalawa, wala po" ani ni Leina "Pero sana meron" bulong ni Leina sa sarili

"Okay Salamat"

"Saan?"

"Sa paghatid mo sa akin"

"Wala yun"

"Marunong ka palang magmaneho"

"Oo tinuruan ako ng pinsan ko, pero wala akong lisensiya"

"Ha? Nagdrive ka ng walang lisensiya?"

"Oo, pero ayus lang, hindi naman ako nahuli, wag kang mag-alala, safe rin ang sasakyan mo"

"Okay, pasensiya na, di bale, ihahatid na lang kita sa inyo"

"Hindi na Matt, okay lang, ako na lang ang uuwi sa amin, magpahinga ka na lang, mukha kasing may pinagdadaanan ka"

Napatingin si Matt kay Leina na tila nagtataka "Bakit mo nasabi?"

"May sinabi ka kasi sa akin na iniwan ka ng pinakamamahal mong babae" ani ni Leina "Andito naman ako" bulong ulit niya sa sarili

"Sorry, napagsabihan pa ata kita ng sama ng loob"

"Okay lang, mukha naman kasing kailangan mo talaga ng kausap"

Napatingin ulit si Matt kay Leina, maganda naman si Leina, mabait rin at kalog, medyo matagal na rin silang magkasama sa opisinang pinagtatrabahuhan at hindi rin lingid sa kanya na may gusto ito sa kanya, pero hindi na lamang niya pinapansin at hindi niya sinasabing alam niyang gusto siya nito "Salamat"

"Wala yun, siyanga pala uuwi na rin ako, malamang hinahanap na ako ng Mama ko, ang alam niya kasi pinsan ko ang mga kasama ko"

"Ayaw mo ba talagang ihatid kita?"

"Hindi na nga, magpahinga ka na lang"

"Sige kahit hanggang baba lang, isasakay na kita ng taxi"

"I-Ikaw"

"Antayin mo ako magbibihis lang ako saglit"

"Okay" ani ni Leina, tumalikod naman na si Matt para pumasok sa kwarto niya, nakabalik naman na si Leina sa sala at inantay si Matt, paglabas nito ay nakawalking shorts na ito na blue at white na plain shirt, "Ang gwapo shet!" bulong ni Leina sa sarili "Naku malalaglag panty ko" patuloy niya sabay ngiti

"Why are you smiling?" kunot noong tanong ni Matt

"Ha? Ah eh wala, may naalala lang ako"

"Okay, lika na" ani ni Matt, tumayo na si Leina at lumabas na sila ng unit ni Matt, hawak naman nito ang phone habang naglalakad sila at hindi rin naman siya kinakausap, maya maya ay nasa baba na sila ng building nang may humintong kotse sa harapan nila "Leina, Salamat sa lahat, eto nagbook na lang ako ng masasakyan mo pauwi, tama naman siguro ang address" sabay patingin ng phone nito kay Leina

"O-Oo tama naman"

"Pasensiya na sa abala, sumakay ka na"

"S-Sige Salamat Matt" saka siya sumakay, pag sakay niya ay sumilip si Matt sa driver at binigay ang bayad dito

"Leina ingat, bayad na rin to"

"S-Salamat ulit" ani ni Leina at saka tumalikod si Matt at bumalik na sa loob ng building,

Maya maya ay nakauwi na si Leina sa bahay nila, pag pasok niya ang nakasimangot ang mama niya at masama ang tingin sa kanya habang nakaupo ito sa sofa

"At san ka naman galing?"

"May sinamahan lang po akong kaibigan"

"Babae o Lalake?"

"Ma naman"

"Sagutin mo ang tanong ko"

"L-Lalaki po"

"Leina ano ba yan? Hindi ako natutuwa, may nangyari ba sa inyo?"

"Wala Ma, promise wala talaga"

"Sinasabi ko sayo ah"

Lumapit si Leina sa ina at saka yumakap dito "Ma wag ka nang magalit please"

"Ayoko nang maulit to, hindi porket kaya mo nang buhayin ang sarili mo hindi mo na ako susundin"

"Opo"

"Sige na, may pagkain dyan sa mesa tapos magpahinga ka na"

Ngumiti si Leina at humalik sa ina "Thank you Ma, I love you po"

"Wag na akong bolahin"

Niyakap ng mahigpit ni Leina ang ina "Hmmmm, ang mama kong maganda na mana sa akin"

"Kapal ng mukha mo, ako pa talaga ang mana sa yo" nangingiting ani ni Aling Linda "Sige na kumain ka na at matulog na"

"Sige po" at saka siya tumalikod at kumain na, pagkatapos kumain ay naligo na siya at pumasok na sa kwarto niya, nagpatuyo lang siya ng buhok at nakatulog na.

Sa condo naman ni Matt, hindi maalis sa isip niya si Ria, hindi niya alam kung ano ba pagkukulang niya dito at hiniwalayan siya nito, umiinom nanaman siya, at wala siyang balak lumabas, ayaw niyang mangyari ulit ang nangyari kagabi, mabuti na lang andun si Leina at inalalayan siya pauwi

Kinabukasan, nagkasalubong sina Leina at Matt sa may lobby

"Hi" ani ni Leina

"Hi" nakangiting sagot ni Matt

"Okay ka na? Papasok ka ba?"

"Yeah, papasok ako kesa nasa bahay"

"Ahm, balita ko nakaleave si Ria"

Napabuntunghininga si Matt "Sana hindi na siya nagleave, magreresign naman na ako"

Nanlaki ang mata ni Leina sa narinig "Magreresign ka?"

"Oo, matagal na dapat yun eh pero dahil masaya pa ako dito, hindi ko ginawa, at saka wala na rin akong reason to stay"

"Pwede namang ako na lang ang reason mo to stay" ani ni Leina sa mahinang boses

"Ha?"

"Ah eh wala, goodluck, pupunta ka na rin ba sa Canada?"

"Hindi ko pa alam, yan ang hindi ko pa naplano eh"

"Sana wag" bulong ni Leina sa sarili niya "Okay, sige ah una na ako" malungkot na ani ni Leina at tumalikod na

"Ahm Leina"

"Yes?" sabay harap kay Matt

"Thank you ulit"

"Wala yun, sige bye"

"Bye"

Bumalik si Leina sa pwesto niya na malungkot, at napansin yun ni Sarah, kaopisina at kaibigan niya rin

"Bakit mukhang malungkot ka?" ani ni Sarah

"Shhh" lumapit siya dito at saka bumulong "Si Matt magreresign na raw"

"Ha? Si Ria nagleave, si Matt naman magreresign, ano yun? Ikakasal na ba sila?"

"Ikakasal agad? Hindi ba pwedeng nagbreak na sila?"

"Ha? Break na sila?"

"Wag kang maingay, basta mamaya kukwento ko sayo, wag kang madaldal, gugupitin ko yang dila mo"

"Ang morbid mo naman"

"Madaldal ka eh"

"Hindi na nga" ani ni Sarah.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status