Share

CHAPTER THREE

"WOW!" Ang salitang  tanging nanulas sa labi ng binata nang makaapak sa main deck ng MARGARITA. Alam niyang magagara ang mga cruise ship dahil mga bigating tao sa lipunan ang mga pasarehos kadalasan ng mga cruise ship pero ibang-iba ang MARGARITA para sa kanya. Para tuloy siyang nanonood sa television dahil sa nakikitang kagandahan ng barkong tinutuntungan niya.

"Oh, Iho, may problema ba? Hindi ka na naimik diyan ah. May masakit ba sa iyo ng sa ganoon ay maipatawag ko ang doctor," pukaw ni Clarence sa binatang natahimik. Naisip tuloy niya na baka nagbago ang isipan nito na imbes sasama sa kanya'y uuwi na.

"I'm sorry, Sir. Kung naumid ang dila ko, pero okay po ako. Sa kagandahan ng barko, Bossing, ay wala akong masabi. Kulang ang salitang maganda upang ilarawan ito. Hindi ko alam kung paano ko ilalarawan ang pakiramdam ko dahil sa wakas ay natupad na ang pangarap kong makapagtrabaho bilang marine engineer  as what I've studied. Pasensiya ka na, Bossing, dahil talagang hindi ko po makuha-kuha ang salita upang ilarawan ang MARGARITA compare to those I've watched in the television. NOTHING COMPARES ang barko, Bossing, and I  mean it." Humarap siya sa amo, masaya siya dahil sa nakuha rin niya ang tamang salita para sa barko. It's real that MARGARITA CRUISE SHIP IS NOTHING COMPARES.

Kaya naman umaliwalas ang mukha niya(Clarence) dahil sa narinig. Buong akala niya ay nagbago na ang isip nito. Idagdag pa ang nakakataba ng pusong kumento nito.

"Thank you, Iho. You overwhelmed me totally by your comments. Now let's go to the staff cabins para maipakilala kita sa mga kasama mo. Don't worry, I'm sure makakapalagayang loob mo silang lahat." Nakangiti niya itong niyakag papunta sa magiging cabin nito. Halatang hindi pa rin makahuma sa nakikita, patunay lamang na napapanganga ito sa pagmamasid sa bawat nadadaanan nila.

Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin niya maunawaan ang sarili kung bakit ibang-iba ang pakiramdam niya sa bago niyang engineer. Damang-dama niya ang katapatan nito kahit sa kaniya kahit bagong kakilala pa lang niya bagay na nakakapanibago para sa kanya. Tama nga naman ang asawa niya, himala raw na bigla siyang nagtiwala sa binata. May puwersa kasing nagsasabing he need to keep him besides him nor under his wings. Tama, pantay-pantay kung ituring niya ang mga tauhan, pinagkakatiwalaan pero lihim ding pinagmamasdan at pinag-aaralan ang bawat kilos nila. Samantalang ang binata na nakabanggaan lamang niya sa harapan ng HERRERA COMPANY ay may puwersang humihila sa kaniya upang tulungan ito.

Kaso muli silang napatigil nang nagsalita ito.

"Naisip ko tuloy, Boss, iniligtas ako ng Diyos sa lahat ng bagay. Hindi natanggap sa lahat ng kumpanyang inaplayan ko. Ang mga kaibigan ko lamang ang natanggap sa Herrera Company kahit kaming apat ang nag-apply. Ipinagkaloob ng Diyos na hindi ako pinalad sa lahat dahil dito sa MARGARITA ako nakatadhanang matanggap. I'll be one of those engineers under your wings here in MARGARITA, Boss. And I'll do my best para sa trabaho ko with your guidance." Tumigil siya sa mismong harapan ng amo. Hindi pa siya nakuntento at binitawan ang luggage niya saka tumingala sa kailangitan. Ibinuka ang mga braso na para bang lilipad.

"I'll count on you, Iho. May tiwala ako sa bawat staff ko lalo na sa inyong mga engineers dahil kayo ang pinakaimportanteng tao rito sa barko. Sa inyo nakasalalay ang buhay ng bawat pasahero natin kaya't pagbutihin mo ang lahat nang sa ganoon ay mas malayo pa ang mararating mo." Nakangiti niya (Clarence) itong tinapik sa balikat.

"Yes, I  will, Sir. And thanks a lot for the trust. By the way, Sir, would you mind if I'll ask you if you are the one who designed MARGARITA?" muli ay tanong nito.

"Yeah, Iho. I planned, I designed, I gave the name MARGARITA, and I raised up my MARGARITA alone. I used all my money both my funds from my Grandparents and my parents but I hide from them. I kept it as secret. But in this world, we can't hide a secret for the rest of our lives. They eventually known the existence of MARGARITA few years from grand opening and that was the time that I met my wife. MARGARITA is my life. It's not just because of the income. But here inside the ship, I found the mother of my children, Maria Conception Herrera. That's the reason why I told you MARGARITA is my life," paliwanag niya sa binatang halatang namamangha pa rin. Hindi niya ugaling ipagmalaki kung ano mayroon siya pero proud siyang ipagsaigawan sa buong mundo na sa MARGARITA niya nakilala ang pinakamamahal niyang asawa.

"Very inspiring, Bossing," iyon lamang ang nanulas sa labi ng binata.

Sa puso at isipan niya ay sigurado siyang magtatagal siya sa barko. Hindi dahil sa pera dahil mabubuhay siya kahit hindi magtrabaho ngunit alam niyang sa MARGARITA siya nakatadhana.

"By the way, way back in our home nakasalubong mo daw ang mga dalaga ko, Iho?" naisipang itanong ni Clarence nang maalala ang pamilyang muling iniwan. 

Sa narinig ay muling napatigil ang binata sa paglalakad saka hinarap ang amo.

"Yes, Boss. Ang isa'y naka-university uniform samantalang ang isa'y naka-volleyball uniform. Halatang galing sa paglalaro kaso masungit, Bossing. Galit na galit dahil nakabanggaan ko siya accidentally. Mabuti na nga lang mabait iyong si Mariz Kaye at pinaliwanagan ang kambal daw niya iyon Cassandra Keith. Sorry for saying this Bossing, pero talaga bang masungit siya?" aniyang muli.

Feeling close ka naman Parekoy!

"No, not at all, Iho. Nabigla lang siguro kaya't nasungitan ka. Tatak ng mga Mondragon ang hot tempered dahil ang Mommy ko'y dragon ang tawag kay Daddy. Sa kanya raw namin namana ang pagiging hot tempered. Well, makikilala mo rin silang lahat ng maayos. Sa tuwing bakasyon ay dito rin sa barko nakatambay ang mga anak ko, and it's my time naman na uuwi para makapiling ang asawa ko. By the way nandito na tayo, bukas ka na lang magsimula sa trabaho mo. For now enjoy the day exploring and memorizing where and how, when or should I say lahat ng tanong isaulo mo dahil hindi lang pagka-enhinyero ang trabaho dito kundi tayo din ang tagapamahala ng kapayapaan lalo na dito sa lower deck. Here's your cabin key." Nakangiting iniabot ni Clarence ang susi ng magiging cabin ng binata. Tinapik niya ito sa balikat at tatalikod na sana upang makapahinga ito kaso bumaling siyang muli dahil may naalala siya sabihin.

"I forgot to mention, Iho. Bukas pagpasok mo sa trabaho, this is way to ground deck where all of us must be in dahil doon ang engine areas. And the staff kitchen is in the upper deck just tell them new staff habang wala ka pang ID. Hindi na bale dahil bukas na bukas ay aayusin ko ang ID mo para makagala ka ng maayos. Kung ayaw mo naman ang kumain sa staff kitchen ay may mga instant food sa bawat cabin ninyo ibig sabihin ay self service," aniyang muli.

"Thank you again and again, Sir Clarence. Hinding-hindi ko po makakalimutan ang lahat," senserong sagot ni Tommy pero tapik sa kaniyang balikat na lamang ang itinugon nito bago siya tuluyang iniwan sa harapan ng cabin niya.

Ipinasok muna niya ang kaniyang gamit saka isinara ang pintuan bago muling iginala ang paningin. Hindi pa rin siya makapaniwalang nasa international cruise ship na siya bilang marine engineer na matagal na niyang pinapangarap.

"This is it. Here I am in MARGARITA. The place where I belong. This international cruise is my new home, where everyone accept me as who I am. Father in heaven, please guide and protect us wherever our destination will leads us." Napatingala siya ka asul na kailangitan. Payapa ang karagatan na animo'y nakikiayon sa kailangitan.

Out of the blue ay sumagi sa isipan niya ang dalagang nakasuot ng varsity uniform. Halatang galing sa paglalaro.

"Ang ganda talaga niya kahit saang anggulo ko tingnan kaya't hindi na bale kung masungit basta maganda siya iyon na iyon. Some day I'll be able to be near with her once again," bulong niya ng maalala ang dalagitang nakabanggaan sa tahanan ng mga Mondragon.

Sa kabilang banda, sa rancho ni Tommy.

"Kumusta na kaya ang batang iyon, Andong? Nakarating na kaya sila ng amo niya sa kanilang destinasyon?" tanong ni Aling Tina.

"Iyan ang tanong na hindi ko masasagot, asawa ko. Dahil ang iniisip ko ngayon ay ang Yaya niya. Sa kanilang magkakapatid ay tanging si Sir Tommy ang napalapit sa kaniya ng husto. Ilang araw na simula noong umalis siya ng bansa ngunit ilang buwan na rin simula ng iniwan niya ang mansion. Ibig sabihin ay ganoon na rin katagal na hindi nagkita ang dalawa," tugon ng Ginoo.

"Iyon na nga, Andong. Mag-isa lamang siya, mabubuhay na siya ng matiwasay dito sa rancho pero wala naman kasi siyang suwerte sa mga magulang niya. Kung maaari nga lamang na puntahan natin sa Yaya niya ay ginawa ko na. Subalit hanggang sa ngayon ay private itong rancho. Maraming umaasa sa rancho na ito pero walang nakakaalam sa tunay na may-ari kundi tayo lamang." Napatingin ang Ginang sa malawak na manggahan.

Hapon na kaya't nagsiuwian na ang mga trabahador. Silang mag-anak lamang ang naiiwan sa tuwing hapon. May mga private armies na nakapalibot for security purposes pero para silang hangin na hindi nakikita. Ayon na rin sa young master nila ay para sa privacy ng rancho.

"Kung ako kaya, 'Nay ang makikibalita sa Yaya ni Kuya Tommy? Baka sakaling maibsan ang pag-iisip niya kay Kuya. Hindi rin biro ang pagpapahalaga niya kay Kuya kaya't karapatan niya ring malaman kung nasaan si Kuya," wika ng bagong dating galing sa university. Si Tan-Tan.

"Hindi maari iyan, anak. Oras na malaman nila na may nakikipag-usap sa Yaya ng Kuya mo ay maghihinala sila. Gagawin nila ang lahat upang malaman kung ano ang kaugnayan ng lahat sa Kuya mo. Lalo na ang Yaya nito, sigurado akong nakabantay sila sa bawat kilos nito kaya huwag mo ng ituloy iyan, anak." Binalingan ng Ginang ang anak upang pigilan ito.

Ito naman kasi ang araw-araw na nasa bayan dahil nag-aaral. Sa tulong din ng young master nila ay sa kilalang university ito pumasok. Kahit vocational course na lang sana ang kukunin nito ay okay na subalit hindi pumayag ang binata. Kahit anong kurso raw ang kukunin nito basta sa kilalang paaralan dahil mas madali rin daw makakuha ng trabaho pagdating ng panahon. Kaya't pinapili nila ang binatilyo, sumunod ito sa yapak ng binata. Nasa ikalawang taon ito sa kursong civil engineering.

"Tama ang Nanay mo, anak. Kahit kami ay gusto naming ipaalam sa Yaya ng Kuya Tommy mo ang lahat. Subalit sa kalagayan nito ay mahihirapan tayong makalapit sa kaniya. Balang-araw, makakausap din natin siya pero hindi pa sa ngayon dahil baka mabulilyaso pa ang lahat," wika pa ng Ginoo.

"Sige po, 'Nay, 'Tay. Naaawa nga lang ako kay Kuya. Pero sisikapin kong iwasan ang mga alipores ng mga kapatid niya upang wala silang paghihinalaan kung ano tayo kay Kuya. Private property itong rancho ngunit makapangyarihan ang mga magulang niya," wala nawala ring nagawa si Tan-Tan kundi ang sumang-ayon sa mga magulang.

Ilang sandali pa ay saba-sabay na silang nagtungo sa kinaroroonan ng bahay nila. Napakalawak ng rancho, iba't ibang uri ng hayop ang nandoon. Sa dulong bahagi nito ay may palayan na pinanggagalingan ng pagkain nilang lahat. Ang rason ng bata nilang amo, sila raw ang nagpapakahirap sa katahimikan, kaayusan sa kabuuan ng rancho kaya't nararapat daw na para rin sa kanila ang pinaghihirapan nila.

Sa paglipas ng mga araw, dahil iisang kumpanya lamang sila nagtatrabaho ay magdala pa ring magkakasama ang tatlong kaibigan ni Tommy.

"Ilang buwan na simula noong umalis si Pareng Tommy, kumusta na kaya siya?" tanong ni Anjo. Isang araw habang nasa daan sila pauwi.

"Iyan nga rin sana ang itatanong ko 'Tol, kaso naunahan mo ako. Sa pagkakaalam ko ay magbayaw si Boss MA at ang may-ari ng barko na napasukan niya. Ano kaya kung makibalita tayo sa kaniya?" sabi naman ni Romy.

"Nakakahiya naman kasi mga 'Tol. Baka isipin pa nilang mapagsamantala tayo. Bukod sa magandang kalakaran ng HC ay mababait ang mga may-ari. Iyan ang isang dahilan kung bakit nakahiyaan kong magtanong kahapon. Nandito ang kapatid ni Sir MA, asawa ng Boss ni Pareng Tommy. Nakahiyaan kong itanong ang kaibigan natin," wika pa ni Samson.

Sa usapan nilang magkakaibigan ay napatigil sila sa gilid ng kalsada. Hindi naman kasi mismong high way ang kani-kanilang tahanan. Kaya't kailangan nilang sasakay ng jeep sa pagpasok tuwing umaga, ganoon din sa pag-uwi nila sa hapon.

"Iyon na nga Pareng Samson. Siya ang nagdala sa atin sa HC pero siya pa ang nawalan ng slot. Pero masaya akong nakapasok siya sa barko dahil iyon naman talaga dapat ang nababagay sa kursong tinapos natin." Lumingon si Anjo sa dalawang kaibigan.

"Pero ako ang mas naaawa sa Yaya niya mga 'Tol. Hindi naman siya sinasaktan ng pamilya Saavedra dahil Yaya na ito ni Don Felimon. Kaso sa tingin ko'y nangungulila pa rin siya kay Pareng Tommy. Halatang wala pa rin siyang kaalam-alam sa kinaroroonan nito," sabi naman ni Romy.

"Mga kaawa-awang nilalang mga Pare. Kung may magagawa lang sana tayo ay tutulungan natin sila kaso wala eh. Dalangin ko na lamang ay nasa mabuting kalagayan si Pareng Tommy, at magpakatatag naman ang Yaya niya. Alam kong darating din ang panahon na mapasakanya ang nararapat. Tama rin ang kaibigan natin, pagsubok ito na kailangan niyang lampasan." Napabuga naman ng hininga si Anjo.

Dahil kung tutuusin ay malaki ang utang na loob nila sa kaibigan nila. Kaso wala naman silang ibang magawa, maitulong kundi ang moral support. Hindi nga nila ito nakausap bago sumampa sa barko na pag-aari ng mga Mondragon.

"Tara na mga 'Tol, uwi na tayo. Mamaya pa niyan ay makita tayo nga kapatid niya. Mapagbintangan pa tayong itinatago natin siya." Nagsimula na rin siyang lumakad. Alam nila ang whereabouts ng kaibigan nila pero wala silang balak na ipagkanulo ito. Kaya umiiwas din sila sa mga alipores ng mga magulang nito.

Hindi na sumagot ang dalawa, sumabay na rin lang sila sa kaniyang paglakad. Umaasa silang nalalapit na ang pagsikat ng araw para sa kaibigan nila. Ang kaibigan nilang mas iniisip ang kapakanan ng iba kaysa sarili. Kaya't tanging ang dalangin nila ang maigaganti sa kabutihan nito sa kanila.

And as the days goes on, Tommy managed himself to be closed to all his co-engineers in MARGARITA. Tama nga ang Boss nila, hindi lang sila engineer sa barko kundi sila rin ang tagapamahala sa kaayusan at kapayapaan ng lahat lalo ang engines. Kapag wala sila sa harap ng engine ay nakamonitor naman sila sa computer, kahit saang sulok ng barko ay nakikita nila, alam nila kung ano ang nangyayari. Kumbaga sila ang secret agent ng barko at ayun sa mga nauna sa kanya'y iyon daw ang sekteto ng Boss nila para mapanatili ang kapayapaan ng paligid. Araw-araw din naman nila itong nakakasama dahil ito ang ship Captain at ang assistant nito na kagaya nilang naiiwan kapag may emergency services ito at kailangang umuwi. Nakikibalita din naman siya rito tungkol sa mga kaibigan niya sa tuwing dumadaong.

"How about your parents, Iho? Are you not going to ask about them?" kadalasan ay tanong ng Boss niya kapag dumarating ito galing sa bansa.

"I'm sorry, Sir. But I'm not interested  to ask about them. Mas nanaisin ko pang kumustahin ang Yaya ko kaysa sa kanila. Ganoon pa man po ay maraming salamat sa pagbalita, Bossing," ang madalas niyang sagot.

Marahil ay ayaw din ng Boss niya na muling mauungkat ang unti-unti nang naghihilom niyang sugat sa puso. Kaya't tanging tapik sa balikat na lamang niya ang isinasagot nito sa tuwing ganoon ang sagot niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status