Share

Chapter Seven

"Bakit ba ang init ng dugo mo kay Engineer Saavedra?" tanong ni Mariz habang nasa daan sila pauwi.

"Tsk! Eh, paano sa tuwing nagsasangga ang landas nami'y puro na lamang banggaan. Hindi ba kamalasan ang tawag doon?" Napaismid siya dahil sa tinuran ng kambal.

"Kaya nga sinabi kong accidentally, twin sister. He accidentally bumped at you. No, I'm wrong. You and him accidentally bumped to each other, that's the right words to say. Oh...baka naman..." pabitin pa nitong wika.

Kaya naman ay hinarap niya ito. Magkatabi lang naman sila sa back seat dahil ang marino nilang kapatid ay nasa harapan. Katabi ng driver, ang tagamaneho ng abuelo nila na nagrereklamo na wala raw ginagawa kaya't kahit sino sa pamilya nila ay tinatawag ito. Iyon ay kung may deperensiya ang mga sasakyan nila dahil lahat sila ay may wheels.

"Kapag ako ang mainis sa iyong babae ka ay ipapaiwan kita kay Manong sa tabi. Kumpletuhin mo ang sinasabi kung gusto mong makauwi ngayong gabi." Napahalukipkip siyang humarap dito. Ka
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status