Sa uri ng trabaho niya (Tommy) sa barko ay nasanay siyang tulog manok lang ang pagtulog kahit pa sabihing may kanya-kanya silang cabin. Natutulog sila ng maayos pero para sa kaniya ay mababaw lang ang tulog niya. Madali siyang magising kahit kaunting kaluskos lang. Maaga siyang nagigising sa barko hindi upang maiwasan ang mahuli sa trabaho dahil maari naman silang papasok anumang oras basta ang mahalaga'y may naiiwang tao sa main monitor ng barko. He's on his vacation and supposedly nag-eenjoy siya, maaring matulog kahit tanghali kaso bago pa man mabulabog ang mag-asawang katiwala'y gising na siya at dinig na dinig niya ang usapan ng mga ito, kung paano nababahala ang Ginang, kung paano nito pinapahalagaan ang seguridad ng rancho na iniwan niya sa pangangalaga nila mahigit anim na taon ang nakalipas n"Hindi pa rin sila nagbabago. Alam ko namang walang ibang makakapasok dito ng walang bakas. Ako lang naman ang bukod tanging nakakalabas-masok dito dahil nasa akin ang access code, ako l
"Parang namukhaan ko ang kaibigan natin noong isang araw mga 'Tol," wika ni Samson. Isang gabi na magkakasama sila."Ha? Saan, Pare? Nilapitan mo ba?" sa narinig ay sunod-sunod ang tanong ni Anjo."Huh! Kako namukhaan ko 'Tol. How I wish na nalapitan ko." Nakailing siyan humarap dito.Anim na taon na ang nakalipas, ganoon katagal na rin na hindi nila nakasama, nakausap ang kaibigan nila. Nakahiyaan din naman nila itong itanong sa amo nito lalo na ng ipinasa sa batang Mondragon ang barko."Seriously speaking mga 'Tol, kumusta na kaya siya?" aniyang muli."Bakit ngayon lang natin naisip ang rancho? Tama! Kung nabanggit mo lang sana dati iyan ay baka may nalaman tayo tungkol sa kaniya. Ano kaya kung puntahan natin sila sa rancho?" wika naman ni Romy.Kaso napailing ang dalawa. Salungat sila sa usapang rancho. Kabilin-bilinan ng kaibigan nila na pakaingatan din nila ang rancho. Hindi sila bawal dumalaw pero siguraduhing walang matang nakasunod."Kung noon pa sana iyan 'Tol Romy, baka ora
"Kumusta naman daw si Tommy, anak?" tanong ni MaCon sa panganay na anak."Nandito yata sa centro, Mommy. Nakapag-isip-isip na yatang magapakita sa mga magulang niya," tugon ng binata saka naupo sa tabi ng ina."Maaring kinausap din siya ng mga katiwala ng rancho niya. Kaya naliwanagan ang pag-iisip niya. Pero sa totoo lang ay hindi ko akalaing hindi pa siya nagpakita sa Yaya niya hanggang sa kasalukuyan." Ibinaba naman ni Clarence ang hawak na pahayagan saka humarap sa mag-ina."Opo, Daddy. Masasabi kong kilala ko na siya dahil magkasama kami sa barko ng mahigit tatlong taon. Para sa akin ay hindi ko siya masisisi kung bakit ngayon lang niya naisipang magpakita sa kanila. Malalim ang sugat sa pagkatao niya dulot ng pinagmulan niya." Tumango-tango rin ang binata sa pagsang-ayun sa ama."Pero para sa akin ay magulang niya pa rin sila. Tama malalim ang idinulot nilang sugat sa katauhan niya. Ngunit wala siya sa mundong ibabaw kung wala sila. Kaya't sana ay maayos pa nila ang bagay na iya
"Yaya, sigurado ka na darating ang magaling mong alaga? Aba'y ilang araw na pala siyang nandito sa bansa pero hindi man lang nagawa ang magpakita rito sa bahay?" iritableng tanong ng panganay na kapatid ni Tommy."Oo, Sir. Siurado ak dahil nakausap ko siya sa telepono. Hintayin lang natin na kakatok siya sa main gate," sagot ng Yaya nila na panay ang tingin sa labas ng gate.Labis-labis ang panalangin na sana ay hindi nagbago ang isipan ng mahal niyang alaga. Kulang ang salitang masaya upang ilarawan ang sayang lumulukob sa kaniya ng bigla itong tumawag. Umiyak siya na halos hindi makapagsalita dahil dito. Anim na taon niya itong hindi nakita, biglang tatawag ng Yaya. Maaring hindi niya ito dinala ng siyam na buwan, hindi siya ang nagsilang, pero kung pagmamahal, respeto lang ang pag-uusapan, higit pa sa isang anak ang naibibigay, naipaparamdam nito sa kaniya. Ang bukod tanging hindi nagpapatawag ng Sir sa mga alaga niya."Kapag ako ang mainis sa inyo ng magaling mong alaga ay malilin
"Kumusta ang ipinapagawa ko, Jerry?" salubong na tanong ni Clarence sa bagong dating na PI. "Sa tingin ko, Sir, ito ang laban na kailangan nating panoorin," tugon nito saka naupo sa itinuro niyang upuan. Sa narinig ay napatingin siya sa panauhin. Mukhang may nalaman agad ito. Actually, private investigator ito kaso bihira lang ang kagaya niyang nakakaalam sa tunay na katauhan. Ito ang inupahan niyang manmanan ang pamilya Saavedra. Ito ang itinalaga niya sa pamilya ng binatang isinama niya sa MARGARITA six years ago. Iyon nga lang ay huli na ng maisipan niya ang bagay na iyon. "I guess may nalaman ka na?" Napatingin siya rito. Hindi nga siya nagkamali dahil napangiti rin ito. "Oo, Sir. Pero kagaya ng sabi ko ay ang laban na ito ay puwedi nating panoorin. Well, galing na ako sa tahanan ng mga Saavedra. Nasaksihan ko kung paano sinupalpal ni Engineer Saavedra ang mga kapatid niya. Sa tingin ko'y simula pa lamang ito ng kanilang kailangan," paliwanag nito. Sa narinig ay napangiti siya
Samantala, sa galit na lumulukob sa kaibutuwiran ng kaniyang puso ay sa paborito niyang tambayan siya dumiretso instead of his room. Hindi niya akalaing sa unang pagkakataon sa loob ng mahigit anim na taon na muli nilang pagkikita ng mga kapatid niya'y gano'n pa ang madadatnan niya, o ang mangyayari. Hindi naman siya super hero o Gumiho at mas lalong hindi siya multo na nakakapasok kahit anong oras niya gusto.Subalit sa lahat ng maaring pasukan sa malaking bahay o mas tamang sabihin na mansion ay siya ang nakakaalam, ang mga secret passages sa kabuuan ng mansion ay kabisadong-kabisado niya. Maybe, by chance or one way another but now he can understand why his parents as well as his siblings hates him to death."Alam kong dito kita matatagpuan, anak. Hindi ako nagkamali ng sapantaha dahil wala ka naman sa silid mo. Kumusta ka na, anak? Mahigit anim na taon kang nawala, saan ka napadpad sa mga taong nakalipas?" tinig ng kaniyang Yaya. Kaya naman ay agad niya itong nilingon."Ikaw pala,
Couple of weeks later..."Bilisan mo, kambal. Nandiyan na ang sundo mo!" malakas na sabi ni Mariz Kaye sa kambal. Hindi naman niya kailangang gawin iyon kaso naaawa naman kasi siya sa nobyo nito na ilang minuto ng naghihintay."Haist! Saglit lang, bakit ka ba nagmamadali kambal?" tugon ni Cassandra sa kambal niya.Kung tutuusin ay siya sana ang excited dahil siya ang may date. Sila ng nobyo niya, ngunit mas excited pa yata ang kambal niya. Kung ilang beses siya nitong tinawag ay hindi niya mabilang. Kaso ang akala niyang nanahimik na ay nasa tabi na pala niya."Kambal, hindi mo na kailangan ang magpaganda ng todo-todo. Dahil kung talagang mahal ka niya ay kahit kamukha mo ang ugly duckling ay hindi ka niya oobligahing magpaganda. Tama na iyan, aba'y hindi ka na naawa sa tao, kanina pa siya naghihintay sa iyo." Nakapamaywang ito sa tabi niya."Oo na, kambal. Tapos na ako, kaya't tara na sa baba baka itanan pa siya ni muning," tugon na lamang niya na ang tinutukoy niya ay ang pusa nila
"Sorry, Sweetheart, kung nauwi sa entrapment ang dinner date natin. Hindi ko namang akalaing dito pala ang sinasabi ng mga tauhan ko. I'm sorry, Sweetheart," hinging paumanhin ni Rodney ng nasa harapan na sila ng bahay ng mga Herrera/Mondragon."Okay lang, 'Ney. May ibang pagkakataon pa naman tayo upang magkaroon ng ibang date. Tawag ng tungkulin naman iyan kaya't hindi maaring mas uunahin ang personal na buhay. Basta mag-ingat ka lagi, Ney. Hindi natin alam kung ano ang magagawa ng mga kriminal." Ngumiti ang dalaga sa kasintahan. May nararamdaman siyang inis dahil kung kailan nasa date sila ay saka pa sila tumawag upang sabihing may entrapment. Ganoon pa man ay ginawa niya ang lahat upang ikubli ang iritasyon niya. Dragona siya, sharp mouth literary. Pero may dignidad siya, at ayaw din niyang maging katawa-tawa dahil sa pagkamakasarili. Kasintahan niya ito kaya kailangan niya itong suportahan sa lahat ng bagay."Yes, Sweetheart. Don't worry basta, makakuha ako ng magandang pagkakat