Share

RICHEL (CRAZY IN LOVE)
RICHEL (CRAZY IN LOVE)
Author: Ellie Gim

SIMULA

SIMULA

Naginhawahan ang kanyang pakiramdam ng tumama sa kanya ang malamig na tubig galing sa shower, ang sakit ng ulo nya sa kakaisip ng mukha ng babaeng kaniig nya tatlong buwan na ang nakalilipas, gabi-gabi syang dinadalaw ng imahe ng babaeng yun. Lango sya sa alak ng gabing yun kaya hindi nya eto masyadong naaninag. Yun ang unang pagkakataon na nalango sya ng ganun katindi, katok mula sa labas ng bintana ng sasakyang ang gumising sa kanya, sabi ng guard isang babae daw ang nagsabi na puntahan sya.

Flashback:

"Sir, ayos lang po ba kayo?" tanong ng guwardya ng buksan nya ang bintana.

"Y-Yes" sagot habang tumatango.

"Kanina ko pa po kase kayo ginigising, naka dalawang balik na po ako dito sa inyo, tinatawagan ko nga po si Boss Jegs pero hindi rin sumasagot" mahabang wika ng guard.

Napangisi na lang sya.

"Kung lasing ako, for sure mas lasing ang isang yun, mababa ang tolerance nun sa alcohol" sabi nya sa isisp

"Ayos lang ako"

"Okay boss, mabuti na lang po sinabi nung babae na andito kayo"

Napatingin sya sa sinabi nito.

"Kilala mo ba kung sino yun?"

Napailing ang guwardya.

"Ngayon ko lang po nakita yun dito"

Napatango na lang sya sa sinabi nito.

"Kaya nyo na po ba magmaneho?"

"Yeah, Don't worry, Thank you!" sabi nya habang marahang pinapaandar ang sasakyan, sumaludo muna sya dito bago isinara ang bintana.

"My Massimo" naalala pa nyang sinabi pa ng babae sa kanya.

Jegs calling...

"Bro" sagot nya dito.

"What happened to you?" sagot nito sa kabilang linya, marahil sinabi nakarating na dito ang nangyari sa kanya.

"Bakit ganyan ang boses mo?" tanong nya sa kaibigan dahil tila bumubulong pa eto. Maya-maya may narinig syang ungol ng babae.

"Shit! Did you get laid??!" biglang tanong nyang muli.

Isang mahinang tawa ang narinig nya mula sa kaibigan.

"Bye, I'll just check on you. Baka kase pagsamantalahan ka ng mga Alien dahil sa ginawa mong kwarto ang parking lot ng bar ko." tumatawang sagot nito

"Gago!" balik sigaw nya dito, napatawa sya sa kaibigan bago ibinaba ang tawag.

Nagkataon na kailangan nyang makabalik ng Isla ng araw na yun dahil darating ang mga materyales na inorder nya, malapit na matapos ang resort nila sa isla, personal nyang inaasikaso ang pagpapagawa nito.

Isang tawag muna ang kanyang ginawa bago pinagpatuloy ang pagda-drive.

"I will deal with you as soon as I get back" sabi nya s aisip nya.

End of Flashback

Hindi nya maiwasang matawa sa kanyang sarili, Ang isang Richel Hermano na hinahangaan ng lahat, gwapo, matikas ang katawan, galing sa prominente at nag-iisang anak ng isang sikat na politiko bansa sa guguluhin ang pag-iisip ng isang babaeng nakasiping nya ng isang gabi. Kung dati iisang babae lang ang laman ng kanyang isip at puso, si Amie, ang kanyang kababata at dating kasintahan, isa etong public teacher, mahinhin at simple mga bagay na gusto nya sa isang babae. Ngunit sumama eto sa ibang lalaki. Mula noon pare-pareho na lang para sa kanya ang mga babae. Wala syang sineryosong sa kahit sinong babaeng dumaan sa buhay nya.

Naputol ang kanyang pag-iisip ng tumug ang telepono nya.

Lemar Calling....

"Hey man!" bungad na bati ng kanyang pinsan. Isa eto sa nagma-manage ng resort sa Batangas.

"Why?" patamad na sagot nya dito.

"Mukhang masama ang gising mo ah!?" nakakalukong tudyo nito sa kanya. "Hulaan ko, babae yan!" sabay tawa ng malakas.

"Tsk!! What are you up to?" kunwaring inis nyang sagot dito.

"Masyado ka talagang mainipin, anyway ready nya yung mga documents mo na pinapaayos, pwede mo na ipakuha dito" sagot ng pinsan nya.

"Good! Tamang tama, On the way ako pauwi ng Quezon, ako na ang pi-pick up dyan sa Batangas" sagot nya, timing ang tawag ng pinsan nya dahil papasok na sya sa SLEX, mabuti at walang traffic ngayon sa Edsa.

"Great! Good timing, madami tayong bisitang hot chicks ngayon" sumisipol pang wika ng pinsan.

Naiiling na lang sya sa sinabi ng pinsan.

NAIINIP na si Richel sa pinsan nyang si Lemar, gusto nyang magpahinga dahil sa layo ng byahe nya, pauwi pa sya ng Isla dahil on going ang project dun dahil sa expansion ng resort.

Naisipan nyang maglakad-lakad sa bagong expanded na parte ng resort, mas maganda at malaki eto ngayon kumpara ng huling punta nya, nagkaron eto ng parteng tinaniman ng ibat-ibang klase ng puno, ginaya nila ang konsepto sa isla.

Naagaw ng pansin nya ang isang babaeng nakaupo sa ilalim ng puno, nakatingin eto sa taas habang nakapikit ang mga mata, sa harap nito ay malaking drawing board, naaaliw nyang pinagmasdan ang babae, nakatagilid eto sa kanya kaya hindi nya makita ang buong mukha nito, Kinuha nya ang kanyang cellphone at piniktyuran ang babae.

“Richel!” malakas na tawag sa kanya ni Lemar

Mabilis nyang itinago ang cellphone

“At last! where have you been?!” nababagot nyang tanong dito

“Di ka na nasanay, nag diving ako kasama ng mga chicks, you know.” sabay tawa nito.

“Loko, baka mapikot ka!” napapailing sa kalokohan ng pinsan

“Hindi mangyayari yun!”

“Kailangan ko ng magbalik ng Que today, kailangan ko yung files na hinihingi ko sayo”

“Babalik ka na ba agad doon? Hindi ka ba nabo boring dun? God bro get a life! Baka maburo yan sayang ng lahi mo!”

“Loko!”

Napatawa ng malakas ang pinsan.

Alam nito na masyado syang nasaktan ng iwan sya ni Amie para sumama sa isang Briton na nakilala sa trabaho, halos hindi nya matanggap na ipinagpalit nito ang halos limang taon nilang relasyon. Kaya wala pa syang sineseryosong relasyon mula noon. Pero hindi naman sya nababakante dahil bilang lalaki meron syang pisikal na pangangailangan.

“Bakit hindi ka mag-stay dito ng isang araw pa, malay mo dito mo makita ang forever mo, marami kaming guest na darating mamaya” pangungumbinsi pa nito.

“Tsk hindi na, Ikaw muna, mas matanda ka sakin kaya mauna ka na” sabay tapik sa balikat nito.

“Hindi ka na ba talaga papipigil?”

Napailing na lang sya sa pinsan. Mabilis nyang nilingon ang lugar kung saan nya nakita ang babae kanina ngunit wala na eto doon. Meron syang naramdaman na panghihinayang pero napailing na lang syang muli.

Napakunot ang noo nya ng muling maalala ang nangyari sa kanila ng babae.

***Itutuloy***

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status