Share

FAKE

Chapter 28

DUMIRETSO na sila ng ospital Pagkatapos nilang kumain, nag text sya sa kanyang step-father na parating sya, kahit masama ang loob nya dito nagpasalamat pa rin sya dahil hindi nito pinababayaan ang kanyang ina. Hindi naman nya eto masisisi at wala syang magagawa kung hindi sya nito matanggap-tanggap bilang anak.

Mahinang katok ang ginawa nya bago binuksan ang pinto. Mukha ng kanyang step-father ang nabungaran nya.

“Justine!” tawag nito sa kanya.

“Kumusta po si Mama?” tanong nya dito.

“Mabuti naman sya ngayon, kaso kailangan nyang maoperahan sa lalong madaling panahon para maalis ang bara sa kanyang puso,” malungkot na saad nito.

“God!” mahina nyang sambit.

“Nagising sya kanina at hinahanap ka nya,” imporma nito.

Tumango sya ng bahagya, minasdan nya ang hapis na mukha ng kanyang ina at hinawakan ang kamay nito.

“Kailan pa sya may sakit?” tanong nya dito habang sa kanyang ina pa rin nakatingin.

“Matagal na, kaso aayaw nyang ipaalam sayo dahil baka mag-alala ka,”

Ilang sandali
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status