Share

PAGTATAGPO

CHAPTER 2

DAHIL sa pagpupumilit ng pinsan napahinuhod sya nito na mag-stay ng isang araw pa. Papasok sya ngayon sa restaurant ng resort ng di sinadyang may makabunguan sya. Nahulog ang mga dala-dala nito.

"What the-" gulat na sambit nya, nakasubsob ang babae sa dibdib nya. Naamoy nya ang mabango nitong buhok "vanilla?".

Napalunok sya sa antisipasyon na makita ang kabuuhan ng babae.

"Aray!" d***g nito habang hawak hawak ang noo habang dahan dahang lumalayo sa kanya.

Napakunot nuo sya ng makita ang suot nito na halos wala ng itinago. Maganda ang babae, makinis ang maputing balat, Unat na unat ang buhok nito na parang commercial ng shampoo, maamo ang mukha nito ngunit nadismaya sya sa suot na halos ilantad ang katawan. Nakasuot eto ng maiksing bestidang puti na manipis. Uu nga at beach eto pero halos wala na etong itinago. Nakaramdam sya ng inis sa babae.

"Are you blind?" Inis na sigaw nya dito, nakatingin lang eto sa kanya na tila ba nakakita ng aparesyon, naka awang ang mga labi nito.

"Tsk!" naiinis na sambit ko, tatalikod na lang sya ng magsalita eto,

"Abat-, Antipatiko! Gwapo ka sana kaso hindi kaseng gwapo ng mukha mo ang ugali mo hmp!" nagdadabog na pinagpupulot nito ang mga gamit nya, nakita nya ang ibang guess na lalaki na napapatingin sa babae na di maiwasang makita ang mapuputing hita, nakaramdam sya ng pagkainis, parang gusto nyang sugurin at dukutin ang mga mata ng mga eto. Mabilis nyang pinulot ang ibang gamit nitong nahulog, "parang gamit sa pagpipinta" sa isip nya.

"Here! sa susunod titingnan mo ang dinadaanan mo para hindi ka na di-digrasya." may inis pa rin sabi nya habang iniaabot dito ang mga gamit.

"Well, Thank you Lolo!" padabog na kukunin sana nito sa kanya ang mga pinulot nya, ngunit dagli nyang pinigilan, napatingin sya sa kamay nito particular sa palasingsingan, sinundan nito kung saan sya nakatingin.

"Where did you get that?!" tanong nya dito.

"Mind your own business!" at hiniklas ang kamay nito kaya nabitawan nya ang babae. Nagmamadaling tinalikuran sya nito at mabibigat ang paa na lumakad palayo.

Pamilyar sa kanya ang singsing na yun, katulad eto ng bigay ng kanyang ina, iisa lang ang ganung singsing dahil pasadya lang eto ng kanilang ninuno, merong maliit na letrang "H" sa magkabilang gilid ng ring band at may dyamante sa gitna. Ibibigay nya sana eto sa kasintahang si Amie dahil balak nyang mag propose ng kasal sa mismong araw ng kaarawan nito, ngunit hindi na eto natuloy dahil nahuli nya ang pagtataksil nito.

FLASHBACK:

Bitbit ang mamahaling boquet at pagkain na pinaorder nya sa secretary nya, balak nyang supresahin ang kasintahan sa condo unit nito.

Kakagaling lang nya ng Cebu para sa isang conference. Binati ng guard pagpasok pa lang nya, ngunit magalang syang tinawag nito at merong sinabi sa kanya. Nagpasalamat sya dito, pinaalam nya na balak nya etong supresahin, dumiresto sa unit ng kanyang kasintahan. Tahimik ang buong unit, inayos nya sa lamesa ang pagkain at boquet, nagsalin ng alak at hinintay dumating ang kasintahan. Maya-maya pa narinig nyang ang pagpihit ng seradura.

Mula sa sofa kung saan sya nakaupo sa isang corner ng sala nakita nya ang magkayakap na pagpasok ng dalawang anino.

"I'm gonna miss you, Babe," boses ng babae,

"Do you want me to stay?" balik tanong ng lalaki

"You know you can't, not now" nag-uusap ang dalawa sa pagitan ng pagsasanib ng kanilang mga labi, dinig na dinig nya ang paghahalikan nito. Napaungol ang babae sa kung ano mang ginagawa ng lalaki sa kanya. Hindi na sya nakatagal, binuksan nya ang ilaw at bumaha ang liwanag sa buong paligid, kitang kita nya ang gulat sa mga mata ni Amie.

"Richel!" gulat na tawag nito sa pangalan nya.

"Yes, it's me! Are you going to ask me why I am here?"

"I-I can explain!" wika nito sa mahinang boses at nagpalipat lipat ng tingin sa kanilang dalawa ng lalaki.

"You better be!" sigaw nya sa babae

"Don't yell at my Fiancee!!" sigaw sa kanya ng lalaki sabay tulak sa balikat nya. Sa asul na mata at may kaputiang balat mahihinuhang dayuhan eto.

"Fiancee?!" Tanong nya sabay ang nag uuring tingin sa kasintahan.

"Pu*sa!! What is this, Amie? Am I not enough? nagpipigil na galit nya sa kasintahan.

Napaiyak na eto, na ikinagalit ng lalaki kaya inundayan sya ng suntok na mabilis nyang nailagan. Malakas na suntok ang pinakawalan nya na tumama sa mukha nito kaya napahiga eto sa sahig.

"Stop it! Richel please!" Sigaw ni Amie, at mabilis na dinaluhan ang lalaki.

"I thought You were different!" magkahalong lungkot at sama ng loob na sabi nya dito.

"I am sorry, Rich!" nag iiyak na sabi nito na tangkang hawakan sya ngunit mabilis syang umilag.

"By the way, Happy Birthday!" sabi nya habang nakatingin sa lamesa, napatingin din ang babae sa tinitingnan nya.

"Rich! Rich!" tawag sa kanya ni Amie ngunit mabilis na syang nakatalikod.

Mula noon wala syang siniseryosong babae. Lagi syang laman ng bar at halos lunurin nya ang sarili sa kakainum, naalala pa nya ang sabi ng ina.

"I told you! She's not good for you! Look at yourself, God Richel!!"galit na sabi ng kanyang Mama isang gabing umuwi syang lasing dahilan para maaksidente sya, mabuti na lang hindi sya napuruan.

END OF FLASHBACK

Mula ng maaksidente iniwasan ko na ang kahit anong uri ng okasyon, lalo na ang maglasing except for that night. Masasabi ko na ang gabing yun ang hindi ko malilimutan. Kaya nga disappointed ako ng parang bigla na lang etong naglaho na parang bula. Noong una iniisip nya na nasisiraan na sya ng ulo or imahinasyon lang nya ang babae, ngunit nakita rin eto ng guard kaya kumbensido sya na may nakaniig sya ng gabing iyon. At parang pinaglalaruan sya ngayon ng makita nya ang singsing sa daliri ng babaeng kinainisan nya.

Bahagya syang natauhan sa pagbabalik tanaw ng hindi na nya makita ang babae, tsaka pa lang sya na tinag at nais nyang habulin ang babae.

"Richel!" nahinto ang balak sanang paghabol nya sa babae ng marining nya ang pagtawag sa kanya.

****Itutuloy*****

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status