Share

IT'S YOU AGAIN

CHAPTER 8

{JUSTINE POV}

Nagkita kami sa lobby ni Lemar at lumabas ng resort papunta sa kabilang bahagi nito sakay ng club car.

"Bahagi pa rin ba eto ng resort? Ang ganda!" humahangang saad nya habang nakatingin sa paligid, nag-aagaw ang dilim at liwanag kaya kita ang ganda ng paligid sa kulay gintong langit.

"Hindi na, private part na eto, Ito ang Hermano Villa. Family house eto ng mga Hermano."

"Ahh" tumatango-tangong sagot nya. Mula sa malayo kita nya ang isang magandang mansyon, malalaki ang haligi nito na tila hindi kayang yakapin ng isang tao lang. Sinalubong agad sila ng nakaputing kasambahay.

"Magandang gabi ser!" bati nito sabay tingin sa kanya. "Magandang gabi po Ma'am" tila nahihiyang bati nito sa kanya. Napangiti naman sya.

"Magandang gabi manang," tanong ni Lemar sa matanda.

"Kay ganda naman ng gelpren mo Ser" wika nito. Napatawa ng bahagya si Lemar bago lumapit sa matanda at may ibinulong. Tila nanlalaki naman ang mata ng matanda na parang gulat na gulat.

"Ah ganun po ba!" sabay takip ng bibig na wika nito

"Si Richel po?" maya-maya at tanong ni Lemar habang pumapasok sila sa loob. Napansin nya na napakaaliwalas ng sala. May malalaking sofa at malalaking vase collection.

"Nasa taas po, teka po at tatawagin ko muna" paalam nito sa kanila bago tumalikod.

"Magandang gabi po Sir" bati sa kanila ng isa pang babaeng naka uniporme ng puti katulad ng kay manang, nakatingin eto sa kanya na tila ba naiilang, saglit na nabasa nya sa mga mata nito ang lungkot sabay baling ng tingin kay Lemar. Saglit lang at tumalikod na eto. Tumayo ang binata para sundan ang babae papunta sa lugar na hula nya ay kusina. Naiwan sya sa sala, inilabas nya ang kanyang cellphone at nagtipa, nalibang sya sa pinapanood kaya hindi nya napansin ang isang bulto na papalapit sa kanya. Maya-maya pa nakakita sya ng dalawang dulo ng sapatos sa harapan nya kaya dahan dahan syang tumingala, para lang salubungin ng matiim na tingin ng lalaki, nanlalaki ang mata na napatitig sya dito, hindi sya pwedeng magkamali, eto yung antipatikong lalaki sa resort sa Batangas. Halos mapanganga sya sa pagkagulat!

"IKAW!?" gulat na tanong nya dito.

Nakatingin lang ang lalaki sa akin na tila ba kinakabisa ang bawat parte ng katawan ko. May halong inis na pinagcross ko ang aking dalawang kamay sa harap ng aking dibdib na hindi naman kalakihan. Nakita kong lumipat ang tingin nito dun bago kumunot ang noo.

"What-"

"Hey, Rich!” naputol ang sasabihin ng lalaki ng pumasok si Lemar, nagpalipat-lipat ang tingin nya samin dalawa.

"Oh No! Don't tell me magkakilala kayo?" maya-maya ay sabi nito habang nanlalaki ang mata.

"NO!

"YES!" halos magkasabay nilang sagot.

"Care to share?" napapantastikuhang sabi ni Lemar.

"Hindi kami magkakilala, nagkita lang kami sa Resort sa Batangas last time" mabilis na sagot ni Richel habang nakatingin sa akin.

Umiwas ako ng tingin ngunit nasalubong ko ang nagtatanong na titig ni Lemar.

Isang kibit balikat lang ang sinagot ko Dito.

“Okay, by the way Justine si Richel, ang Cousin ko sya ang may-ari ng Hermanos, Richel si Justine" pakilala nito samin ngunit nanatiling tahimik kaming dalawa na tila walang balak magsalita, pinakiramdaman ko ang lalaki, Napasulyap ako Kay Lemar at Nakita ko sa Mukha nito ang pagtataka.

Tila naman noon lang nag sink in sakin ang sinabi ng binata “Sya ang may-ari ng Hermano Resort, ibig sabihin sya ang boss ko!? OMG!” kausap nya sa sarili. Napakagat labi na lang sya.

Nang magbalik ang tingin nya kay Richel nakakunot ang noo nito, tumatayo ang balahibo ko sa matiim na titig ng lalaki sakin na tila ba binabasa ang ang nasa isip ko.

‘It’s Nice to meet you, finally!” may kahulugan na sambit ng binata, inilahad nito ang kamay. 

“The pleasure is mine” mabilis na sagot nya, habang inaabot ang kamay nito, tila may dumaloy na kuryente sa pagdidikit pa lang ng kanilang balat, marahang pinisil nito ang aking kamay at marahang sinalat nito ang aking mga daliri na naghatid ng kilabot sa aking katawan, kaya mabilis ko etong binawi.

Tumaas ang sulok ng labi ng lalaki.

“Ser, Handa na po ang table.” gusto kong pasalamatan si Manang sa kanyang pagdating, tila nabaling sa kanya ang atensyon ng lahat.

“Okay, Let’s go, I’m so famished.” sambit nito na tila may ibang kahulugan, sabay talikod at naunang pumunta sa kusina.

Panandaliang nabawasan ang namumuong tensyon sa pagitan namin ng binata dahil sa masasarap na pagkain na nakahain. 

Pagkatapos ng maganang hapunan, nagtuloy sila sa Opisina ni Richel upang pag-usapan ang detalye ng kanyang magiging trabaho. Nakita nya ang kakaibang side sa pagkatao ni Richel, bakas sa bawat salita nito ang awtoridad at talino, lihim nyang hinangaan ang lalaki. Walang sinong babae ang hindi maaakit sa taglay na karisma ng lalaki, mula sa kulot nitong buhok na bumagay sa moreno nitong balat, ang mata nito na matiim kung tumingin na tila dadalhin ka sa kakaibang dimensyon, over all , so yummy! Pilyang kausap nya sa sarili nya.

Nakita nyang tumingin eto sa kanya kaya naputol ang kakaibang takbo ng isip nya. Nagkuwari syang seryoso din, hindi na nya tinangka pang muling mapatingin sa binata. Narinig nyang tila iba na ang pinag-uusapan ng dalawa.

“Kailan ang balik mo sa Batangas?” tanong ni Richel.

“Bakit pinapaalis mo na ba ako? Wag ka mag-aalala next time magbabaon na ako ng kanin at liliitan ko na ang ulam ko!” kunwari ay galit na sambit nito sa pinsan.

Malakas namang napatawa si Richel habang umiiling, ang sarap sa tenga ng tunog ng tawa nito kaya hindi nya maiwasang mapangiti.

“Seriously, kailangan ko na ding umalis bukas kase merong kaming special event na kailangang paghandaan, Kasal ng anak ng Governador sa Batangas.” paliwanag nito.

“I see” maiksing sagot ng binata.

BIGLANG tumunog ang telepono ni Lemar kaya nabaling ang atensyon nito sa telepono.

“Excuse me” paalam nito bago sinagot ang tawag, mukhang importante kaya kinakilangan pa nitong lumabas. Sinundan nya ang pintong nilabasan ng lalaki kaya nahagip nya ang pinto ng balcony na bahagyang nakabukas. Wala sa loob na tumayo sya at pumunta sa balcony, sinalubong sya ng malamig na hangin kaya nayakap nya ang kanyang sarili. Mula dito kita ang dalampasigan at nag kikislapang ilaw sa gilid nito. Kita din ang walang katapusang lawak ng dagat. Napakaganda ng lugar. Hindi nya maiwasang mapatingala habang nakapikit.

“Enjoying the view?” bilgla syang napamulagat at napatuwid ng tayo ang marinig nya ang boses ng lalaki.

“S-Sir!?” asiwang tawag nya dito.

Napatawa naman eto ng mahina, bago bumuntunghininga.

“Richel” maya-maya ay sambit nito.

“Huh?” sagot nya dito.

“Call me Richel, Just like how you call Lemar.” may diin na bigkas nito sa pangalan ng pinsan,

“Naseselos ba eto?” kausap nya sa sarili.

Napatango na lang sya.

“Justine or shall I say, Laura” sambit nito na tila ba pabulong lang. Mabilis syang napatingin sa lalaki na nanlalaki ang mga mata, nakauwang ng bahagya ang kanyang mga labi. Tila nagbalik sa kanya ang imahe ng nangyari sa kanila tatlong buwan na ang nakalilipas.

“So It’s You!” 

***Itutuloy***

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status