Share

HERMANO RANCH AND RESORT

CHAPTER 5

{LEMAR POV)

Kasalukuyan sakay sya ng Yate na maghahatid sa kanya sa Isla kung saan andun ang Hermano Ranch and Resort, isa etong bagong magbubukas na resort sa Southern Tagalog, maganda ang location nito napakatahimik ng lugar at malayo sa pollution, bagay sa mga gustong takasan ang magulong buhay sa syudad. Malayo eto sa pinaka mainland na halos 45 minutes na byahe sa yate. Mayaman at luntian pa rin ang mga bundok na matatanaw mula sa dagat habang nagba byahe, tahimik at mababait ang mga lokal na nakatira dito.

Mula sa yate nakikita na nya ang talon na pinakapangunahing attraction sa lugar, at ang magagandang rock formation sa paligid.

Ang talon ang nagsisilbing source of power ng resort dahil sakop pa ng resort ang bahaging yun. Bukod sa Solar sytem gumagamit din ang resort ng hydroelectric power dahil sa lakas ng current ng talon na nakatayo sa gilid ng bundok malapit sa dagat, restricted area eto. Isa ang Hermano Ranch and Resort sa nagsusulong ng oldest and largest sources of renewable energy, na galing sa Araw at tubig na mayaman ang bansang Pilipinas dahil sa magandang klima.

Mula sa dagat makikita ang malaking pangalan ng resort na nakatayo sa ibabaw ng bundok. 

"Good Morning Sir!" bati sa kanya ng mga staff pagkadaong pa lang ng Yate sa pribadong part ng resort. Isang tango lang itinugon nya sa mga eto bago naglakad patungo sa main entrance ng villa. Nakahiwalay ang family villa sa pinakang sakop ng resort, hindi eto accessible sa mga guess.

"Naku Ser Limar, bakit hindi kayo nagpasabi na darating kayo, sana napakuha kami kaninang umaga ng malalaking sugpo" tuwang wika ni Manang Ludeng.

"Manang eh di hindi na surpresa ang tawag dun!" natatawa nyang wika dito.

"Ayy ganun ba! Sabagay nga kahit ako nasarprays sa pagdateng mo" sagot nito, natatawa sya sa lenguahe ng matanda, nakakaaliw etong pakinggan.

"Si Richel Manang?" tanong nya dito.

"Ay si Ser Rechil nasa bayan, kasama ang papa nya sa monesepyo" wika nito.

"Sa Musipyo? anong ginagawa dun?" nagtataka nyang tanong.

"Ay Alam mo naman po malapit na ang eleksyon," pahayag nito

"I see" Gobernador sa lalawigang eto ang kanyang uncle na kapatid ng kanyang ina. Mula ng mahalal eto unti unting umuunlad ang islang eto.

"Kumain na po ba kayo, ipaghahanda ko po kayo ng makakain" wika pa nito.

"Naku hindi na po, pakidala na lang nito sa opisina ni Richel, ingatan nyo manang dyan nakasalalay ang pag-aasawa ng amo nyo!" pagbibiro pa nyang sabi dine.

"Ay ganun ba! Naku wag ka mag alala Ser, eengatan namin eto ng buong puso!" ganting biro rin nito.

Naiiling syang pumasok sa kwartong nakalaan sa kanya, iniisip pa rin nya ang painting na sinikap nyang maitago sa pinsan noong nasa Batangas pa eto, Tila naman hindi eto napansin ng huli dahil abala eto sa paghahanap ng kung sinong babaeng nakita nya sa resort. Hindi na nya masyado inalam ang detalye basta ang natandaan nya sa sinabi nito ay "singsing".

NAKATINGIN si Richel sa painting na bigay nya.

"What's this?" tanong nito sa kanya habang nakakunot ang noo.

"You are welcome!" sagot nya dito habang pabagsak na naupo sa sofa. "It's obvious na painting yan!" dagdag pa nya.

"I know. Where did you get this?" pagkadaka ay tanong nito.

"I bought it from a lady" maiksi nyang sagot. Nakita nya sa mukha nito ang admiration, napatayo sya bigla ng may umilaw na idea sa kanya.

"You know what, bakit hindi mo gawin display yan sa bawat room ng resort?" dagdag nya nito. Nakita nyang tila napaisip ang pinsan.

"Not bad," maiksing sagot nito na tila iniisip pa rin ang kanyang sinabi.

"Not bad?! Of courser it's a good idea, dagdag attraction yan sa resort!" giit nya dito.

"Okay sakin ang idea mo, pero ikaw na ang bahala mag handle, That's gonna be your project."

"That's Great! Leave it to me!" excited nyang sabi dito.

Kanina pa nya hinahanap kung saan nya pwede macontact ang dalaga, yung contact number na nakalagay sa painting ay hindi nya makontak. Bigla syang napatigil ng meron makitang larawang sa social media post ng isang studio. Hindi sya pwedeng magkamali na ang dalaga ang nasa picture. Agad nyang kinontact ang nagupload ng picture.

****

KAHIT papaano nakakaadjust na si Justine sa kanyang bagong tirahan. Dalawang buwan na mula ng umalis sya sa bahay ng kanyang ina. Minsan lang sya nito kinumusta marahil pinagbawalan na naman ng asawa. Lalo nyang pinagbuti ang kanyang pag-aaral para patunayan na kaya nyang tumayo sa kanyang sariling paa. Pati pagta-trabaho pinagbuti nya, gusto nyang maging mahusay na mahusay na photographer at painter. Madalas pa rin silang nagkikita na magkakaibigan pero hindi na sya sumamam sa bar na pinuntahan nila last time na ipinagtaka ng mga kaibigan nya pero nagkibit balikat lang sya, Tanging si Jill lang ang tahimik twing aayain sya ni Marian sa bar na yun, eto lang sa mga kaibigan nya ang napagsasabihan nya.

“Justine may naghahanap sayo nung nakaraan dito, lalaki”

Napakunot ang noo nya sa sinabi ng receptionist sa opisina ng kanyang boss kung saan sya nagpa-partime.

“Lalaki? Baka naman hindi ako yun” takang-taka nyang sagot dito.

“Wala naman ibang babae dito na Justine ang pangalan, may kilala ka ba?” nanunuksong tanong nito.

“Ehhhh” sabay kibit ng balikat nya.

Napabungisngis ang babae

“Alam mo ang gwapo ng naghahanap sayo, sure ka ba na hindi mo boyfriend yun?”

“Sira! Saan naman ako pupulot ng boyfriend, at tsaka taken na ako!”

“Owwwwsss!! kakasabi mo lang wala ka boyfriend, pero taken ka na?”

“Ah basta, hindi pa kase nya alam!”

"Ano naman pangalan ng boyfriend mo? kahit name lang i-share mo naman!" sakay nito sa biro nya.

"Hercules!" pigil ang tawang sabi nya dito, naalala na naman nya ang aso na kasing laki ng kutsara.

"Wow! mukha malaking tao yan ah, nakakatakot baka bumaba pa yan galing ulap"

"Hindi, umahon sya galing dagat!"

Napatawa naman ang kausap nya habang napapailing.

“Sige girl pasok na ako, kapag dumating ang naghahanap sakin, sayo na lang!” wika nya sabay hagikhik.

Napaisip sya kung sino ang lalaking humahanap daw sa kanya.

***Itutuloy***

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status