Share

Perfect Type of Wrong
Perfect Type of Wrong
Author: Hei Con

Chapter 1

"GOOD MORNING, CHES—" Nabitin sa ere ang bati ni Kimberly nang isang blangkong mukha ang bumungad sa kanya pagkabukas ng pinto. For a while, she didn't know how to react to the man in front of her. Ngingiti ba siya o sisimangot?

It was a beautiful morning. Mataas ang araw pero malamig ang hangin. Humuhuni rin ang mga ibon mula sa mga punong nakapaligid sa old American-styled house na iyon. Things could have been perfect, kung hindi nga lang nakasimangot ang gwapong lalaking kaharap niya.

"Good morning, Jace," alanganing simula niya habang pinakakalma ang sarili.

"Indeed it was," sagot naman nito bago patamad na isinandal ang balikat sa hamba ng pintuan.

Tumaas ang mga kilay ni Kimberly. Halos bumulong lang si Jace pero sapat ang sarkasmo ng sinabi nito para magpanting ang tainga niya. The brute clearly used past tense— was.

"Okay..." Mabagal siyang napatango. It was barely eight in the morning. Hindi ba sobrang aga naman yata para mag-away na naman sila? Sa kagustuhang tapusin na ang hindi komportableng sitwasyon ay inangat ni Kimberly ang hawak niyang paperbag at pinakita ito sa kaharap.

"Nagke-crave ka raw ng karekare." Pilit siyang ngumiti. She had no choice, kapatid ito ng minamahal niya. Alangan namang itulak niya ito paalis sa daanan, 'di ba? "Naalala kita kahapon kaya pinagluto kita"

"Pinagluto mo 'ko o si Chester?" he cut her off. Nang hindi pa ito makuntento ay hinilot nito ang sentido na tila sumakit ang ulo nito habang kausap siya. "Cut the crap. Alam nating pareho kung bakit ka nandito."

"It's just food."

"He's not here."

Mabilis na binaba ni Kimberly ang hawak at blangkong tinitigan si Jace. Akala ba nito ay maniniwala pa siya rito? Of course, not! She left that place yesterday, thinking that Chester forgot that she was coming. Sa huli ay pinagmukha lang pala siyang tanga ni Jace dahil tinawagan siya ni Chester bandang hapon at tinanong kung nasaan ang pinangako niyang karekare rito!

"That's not working anymore," she said before peeking inside the house. Marangya ang bahay ng mga Mangino. May mangilan-ngilang kasambahay na nagpapari't parito pero wala pa rin ang kanyang hinahanap. "Nasaan si Chester?"

"Do I look like my brother's keeper?" Nagkibit-balikat si Jace at umakmang tatalikuran na siya.

Jose Carreon Mangino, or better yet known as Jace, is her dream man's only sibling. Ganoon pa man ay kabaligtaran ni Chester ang bruskong ito. He is tan skinned, tall, and very toned. Gwapo ito, pero hindi niya ito type.

Kahit malaki ang hawig ni Jace sa kuya nito ay hindi niya masabing magkatulad ang dalawa. Chester is a decent man, while Jace is... well, let's just say na malayo sa salitang 'decent'. Napakahaba ng listahan ng mga babaeng pinaglalaruan nito. He is a man whore—a good looking one to be exact.

Nataranta si Kimberly nang makita niyang pagsasaraduhan na siya ni Jace ng pintuan.

"Jace, wait!" Hinablot niya ang braso nito, dahilan para matigilan ito at nakasimangot na mapaharap ulit sa kanya. "Look. I don't know why you are so mad at me. Hindi ko rin alam kung bakit ayaw mo akong makipaglapit kay Chester. But please! Limang taon na tayong nag-aaway, hindi ka pa ba napapagod?"

Hindi agad nagsalita si Jace. Bagkus ay nagpalipat-lipat ang tingin nito sa mukha at kamay niyang nakakapit sa braso nito.

She got what his action meant. His silence means yes.

"Please..." nakiusap pa rin siya rito. She saw him clenched his jaw, but then, she was hoping for him to hear the begging in her voice at least. Ang layo na ng narating ng panunuyo niya kay Chester, ngayon pa ba siya susuko? "I've waited for so long. Ito ang unang beses na napapayag ko si Chester na lumabas kami. Can't you just be happy for me? Pinapangako ko na magiging mabuti akong — shit!"

Hindi na niya natapos ang mga sinasabi nang walang babalang bumalikwas si Jace at sa gulat niya ay sinalya siya sa pader na katabi ng pintuan. She opened her mouth to speak, pero nawalan siya ng tyansang magreklamo nang kumilos ulit ito at ikulong naman siya sa pagitan ng pader at katawan nito.

She forgot how to breath. Nakayukod si Jace, at napakalapit ng mukha nito habang nakatitig sa kanya. Kaunting pagkakamali lang ay dadampi na ang labi niya sa labi nito. His eyes were speaking thousands of words, yet all that Kimberly heard from them were the few seething ones.

"Are you dating my brother?"

Naisiksik ni Kimberly ang sarili sa pader. Bumukas-sara ang kanyang bibig pero wala naman siyang masabi. She wanted to say 'yes', pero magiging sinungaling siya kung gagawin niya 'yon. The only reason Chester agreed to go out with her was because it was the end of tax season, and she needed a skilled CPA for her business. "

"Sumagot ka," inis untag ni Jace nang hindi siya agad nakapagsalita. His minty breathe fanned her face, at hindi niya napigil ang unti-unting mapapikit dahil doon. Even his warmth was impossible to ignore. Masarap sa pakiramdam, pero nakakapanghina ng tuhod.

He is a charmer, indeed. Ganito rin kaya ang nararamdaman ng ibang mga babae sa presensiya nito?

"Damn it, Kim. Kinakausap kita."

Narinig niya ang mahinang pagmumura ni Jace at naintindihan niya ang gusto nitong mangyari. Kaso paano ba siya mag-aangat ng tingin kung pakiramdam niya ay natutunaw na siya roon? There was tension setting at the pit of her tummy, at masarap na tumutugon 'yon sa pagitan ng kanyang mga hita.

"You have to stop squeezing your legs like that." She sensed Jace coming even closer. His lips brushed hers, at hindi niya napigil ang mapasiyap. "Pigilan mo na 'ko ngayon, bago ko makalimutan kung sino ka—"

"Kim? Jace?" That was when a very familiar voice blared from nearby and burst the magic in an instant.

Daig pa ni Kimberly ang binuhusan ng tubig nang bigla siyang mapadilat kasabay ng marahas na paglingon sa direksyon ng boses. She saw Chester walking down the stairs. Abala ang mga kamay nito sa pag-aayos ng kurbata, habang suspetyosong nakatingin sa kanila. As always, her dream man looks flawless, nakasuot ito ng uniporme nito sa pinapasukang bangko at mukhang handa na pumasok sa trabaho.

"I thought you two hated each other. Am I missing something? Are you guys kissing?"

"H-hindi!" │ "Ano sa palagay mo?" naghalo ang mga boses nila ni Jace sa pagsagot. His voice sounded very irritated, samantalang natataranta naman ang sa kanya.

Wanting to escape the situation, sinubukan niyang hawiin ang braso ni Jace. Nadama niya nang labanan nito ang ginawa niya. His forearms hardened under her touch, kaya sinamaan niya ito ng tingin. Ano ba kasing nangyayari dito at hindi pa siya layuan? Hindi pa ba sapat ang pagkapahiya niya?

'What have I done?' Halos madapa siya nang magmadali siyang sumalubong sa bagong dating. She could sense Jace watching her from behind, but then she chose to ignore the weird feeling.

Nang sa wakas ay tuluyan nang makakababa ng hagdanan si Chester ay ninenerbyos siyang b****o rito. She was hoping for her actions to distract him from what he saw earlier.

"Pinagluto kita, pero late na tayo sa appointment natin. Okay lang ba kung sa boutique nalang tayo mag-breakfast?" simula niya. She was doing her best to sound casual, kahit ang totoo ay yanig na yanig pa rin siya sa nanyari.

On the other hand, Chester was staring at Jace sternly. Napatigil lang ito sa paglakad nang salubungin niya ito at halikan sa pisngi. Hindi niya alam kung ano ang nakikita nito habang lagpas-lagpasan ang tingin sa kanya. Nonetheless, wala na rin siyang tapang para alamin pa kung ano 'yon.

"You know what? Sa tingin ko tama ka," Chester finally spoke after some dragging minutes. Pagkatapos ayusin ang kurbata nito, ay saka palang siya nito tiningnan at magalang na inalok ang siko nito sa kanya.

"Mas maganda ngang umalis na lang tayo rito sa bahay..." he added as soon as she held his elbow.

Magkasabay na silang naglalakad palabas ng bahay nang magsalita ito ulit, eksaktong nadaanan nila si Jace na nakatayo pa rin malapit sa pintuan.

"Bigla kasing uminit dito. Baka magkaroon pa ng gulo."   

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status