Share

Chapter 3

WALA SI CHESTER nang makarating si Kimberly sa bahay ng mga Mangino. Ilang araw na rin ang lumipas pero ni hindi pa rin nito naririnig ang paliwanag niya tungkol sa nangyari.

The past few days had been cold. Mga magulang nalang ni Chester ang nagbubukas ng pinto sa tuwing dadalaw siya sa mga ito. Araw-araw pare-pareho lang naman ang sinasabi ng dalawang matanda sa tuwing bumibisita siya roon— wala raw si Chester.

That was both sad and intriguing. Sa klase kasi ng relasyong mayroon siya sa pamilyang 'yon ay opisyal na "label" na lang talaga ang kulang sa kanila ni Chester. Hindi naman sa pagmamayabang, pero alam niyang napamahal na rin siya sa bawat tao sa pamilya nito— maliban kay Jace, syempre. Matigas pa sa bato ang ugali niyon eh.

The Jace's is like an uncharted territory to her. Mahirap itong hulihin, mahirap pasukin, at mas mahirap namang maintindihan. Hindi niya alam kung saan ba siya dapat lumugar sa tuwing nakikita ito. She doesn't want to be in his bad side, but then, pero wala rin naman siyang kaide-ideya kung paano ba mapunta sa good side ng binata.

Sagad na ang pag-aalala ni Kimberly pagdating ng Biyernes. Buo na rin ang hinala niya na sadya siyang iniiwasan ni Chester.Kahit kasi mga tawag at text niya rito ay hindi na nito sinagot.

Masakit 'yon pero sa huli paano nga ba siya dapat na mag-react? Wala naman siyang pinanhahawakan dito, di ba? Ni magtampo nga, hindi naman siya nito binigyan ng karapatan.

Nag-iisip pa rin siya ng paraan kung paano makakausap si Chester nang makatanggap siya ng text mula rito. That was already the ninth day, kaya ganoon nalang ang nerbyos ni Kimberly nang tarantang basahin niya ang mensahe nito.

Sabi ni Chester:

.

.

From: Mangino C

To: me

Amore on Saturday?

.

.

That was a very short message, pero sapat ang naging impact niyon sa kanya. Pagkabasa nito ay agad niyang hininto ang lahat ng kanyang ginagawa at nagmadali siyang lumabas ng opisina. She needed to find a dress and it's a blessing that she owns a boutique.

Halo-halong emosyon ang lumulukob sa kanya nang sa wakas ay makapili siya ng kanyang isusuot at agad na magpaalam kay Rhona.

A red body hugging dress for her and Chester's first ever date. Perpektong-perpekto 'yon sa manipis na makeup na nilagay niya sa kanyang mukha— what else could go wrong?

"Do you like the place?"

Si Chester ang bumasag sa nakakarinding katahimikan kaya napilitan siyang mag-angat ng tingin. The restaurant and the food he chose for them were superb, pero kakatwang hindi niya malasahan ang kanyang kinakain.

Masyado siyang tensyonado at sa palagay niya ay ganoon din si Chester. Ni hindi niya na nga rin napansing napangalahati na pala nito ang bote ng red wine sa lamesa nila. Naglalasing ba ito sa mismong first date nila?

"I was searching for a good place to take you in when someone suggested this restaurant." Tumikhim ito bago uminom ulit ng wine. "I really have no clue about what you will like. Buti nalang ay may bumaggit nitong restaurant—."

"The place is perfect." Hindi na pinatapos ni Kimberly ang mga sinasabi ng kaharap dahil dama niya ang pagkaasiwa nito. He was barely looking at her while speaking. Panay ang iwas nito ng tingin at ayaw naman niyang masamain iyon. Baka kasi katulad niya ay hindi lang ito komportable. Naninibago lang siguro sila.

"Well, whoever suggested this place sure hits a spot." Pilit na ngumiti si Kimberly habang sinusuyod ng tingin ang paligid. Mayamaya pa ay huminto ang tingin niya sa kisame at dagling natulala roon. Unti-unting lumawak ang ngiti niya nang mapansin ang mismong ginamit na pampailaw sa buong lugar. Only a few people knows how much she likes paper lanterns. Nakakatuwa naman.

"Ang ganda."

"Si Jace ang nag-suggest ng lugar. The building was one of his projects some time ago."

"Ha?" Biglang napakunot-noo si Kimberly. Joke ba 'yong sinabi ni Chester? Paano naman nauwi ang usapan nila kay Jace? Take note, sa first date nila.

Tatawa-tawa siya nang ibalik ang atensyon sa kaharap. Still in disbelief she mouthed, "You're kidding..."

"No, I'm not."

Then there was that dragging silence again, na tila ba pareho silang nag-iisip ng mga sabihin habang hindi mapakaling nag-iiwasan ng tingin.

Bumalik siya sa tamilmil na pagkain, habang ito naman ay sumimsim ulit ng wine. Ilang minuto pa ang lumipas bago siya nag-angat muli ng tingin at nagtatakang tingnan si Chester.

He looks distant. Parang wala ito sa piling niya samantalang magkaharap lang sila. He seems to be thinking of something else.

'This is not right...' Nanantiya si Kimberly nang marahan niyang ibaba ang hawak na tinidor. She did it ever so gently, pero dahil nga sa sobrang tahimik ay naging agaw pansin pa rin ang pagtama ng kubyertos sa pinggan.

She saw Chester put his wine glass down and look at her. Ginamit niya naman ang pagkakataon para simulan ang kanyang pagpapaliwanag. "Chester... iyong inabutan mo sa amin ng kapatid mo noong isang linggo—"

"Kalimutan na natin 'yon."

'Huh?' Sa kawalan ng masabi ay saglit na natulala si Kimberly. It took her four seconds to get her wits back. "We need to. I mean... Here we are. Nagsisimula na tayong mag-date. We should—"

"I said, let's not talk about it. "

Pinigil ni Kimberly ang mapamura nang magkaroon ng igting ang boses ni Chester. Muntik pa niyang matabig ang kopitang katabi dahil sa kakaibang kaba na bumundol sa kanya.

Here she is, dating her dream man, looking forward to ironing the creases in their past, pero ayaw nitong pakinggan ang paliwanag niya— something is just not adding up.

"To a new beginning, Kimberly."

Litong-lito pa rin siya nang pamayamaya ay iangat ni Chester ang hawak nitong wine glass. He was asking for a toast.

Sa kaayawang mapahiya ang kasama, iinot-inot ding dinampot ni Kimberly ang kopita at pinagbigyan ito.

"To a new beginning," gagad niya pa sa sinabi nito bago tinungga ang hawak. She knew that good wines are supposed to be enjoyed. However, she was already at the brink of crying too and anything that could wet her aching throat would be a blessing.

"Do you mind if I leave you for a second?"

Saglit na bumaba ang tingin ni Kimberly sa pinggan ni Chester. Gusto sana niyang pansinin na hindi man lang nito ginalaw ang pagkain nito, pero naunahan na siya nitong tumayo. She blinked her eyes in confusion when he gestured his hand to the door. Bubuka palang sana ang bibig niya nang unahan siya nitong sumagot.

"May kukunin lang ako sa kotse." Tumango si Chester na tila humihingi ng paumahin. Pagkatapos ay malalaki ang hakbang na lumabas ito ng restaurant at iniwan siya.

Ilang segundo na rin siyang nakatitig lang sa pintuang nilabasan ng binata nang mahamig ang kanyang sarili. Silently, she poured herself another glass of wine and sipped.

Is Chester going to bring her flowers? She couldn't tell.

Five Christmases, New Years, birthdays, and Valentines had come and go, pero ni minsan ay hindi siya naisip regaluhan nito. It was always her who tried to please him with presents. Wala siyang pinalampas ni-isang okasyon dahil mahal niya ito.

Kahit nagtataka ay natagpuan nalang ni Kimberly ang sarili na binubuksan ang kanyang bitbit na pouch. She started retouching her lipstick, hoping to look her best for him.

"I'm back." Nasa kalagitnaan na siya ng ginagawa nang marinig ulit ang boses ng binata. Pasimple niyang binabalik ang ginamit sa loob ng pouch, at akma siyang ngingiti nang mapako ang paningin niya sa hawak ni Chester.

He didn't bring her the flowers she was hoping for. Bagkus ay isang medyo may kalaking kahon ang dala nito habang nakatayo sa kanyang harapan at seryosong nakatingin sa kanya.

"A-ano yan?" tanong niya nang ilapag nito sa kanyang tabi ang hawak. Then ever so quickly, he stepped away again, na para bang ayaw nitong magtagal sa tabi niya.

The tension surrounding them was getting thick with every second that passes. Natulala na lang siya sa kahon, habang nakatingin naman si Chester sa kanya.

Unti-unti nang nalusaw ang kanyang ngiti. Another minute of not knowing what's inside the box would kill her. Ganoon pa man, ano pa nga ba ang kaibahan ng nadama niya nang sa wakas haklitin ang takip ng kahon at tumambad ang mga laman niyon sa kanyang paningin?

"A-anong ibig sabihin nito?"

"I got this feeling that I need to return those, Kimberly," simula ni Chester sa napaka babang boses. Pamayamaya pa ay pinamulsa nito ang dalawang kamay at tulad kanina ay nag-iwas ng tingin sa kanya. "May girlfriend na ko. I'm so sorry. You'll find someone better."

Then that was it. He dropped the bomb on her face, and she sure got hit hard. Daig niya pa ang sinto-sinto nang magpabalik-balik ang blankong tingin niya sa kahong puno ng mga regalong binigay niya rito at kay Chester.

"Wow..." she managed to say. She was so shock about the turn of events na kahit gusto niyang magmakaawa sa harapan nito, ang sumunod na lang niyang nasabi ay...

"C-congratulations, Chester.

I-I'm... happy for you."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status