Share

Chapter 2

 "ANO?!"

Naibaba ni Kimberly ang hawak na tinidor nang manlaki ang mga mata ni Rhona habang nakatingin sa kanya. Ala-una na ng hapon. Kasalukuyan silang kumakain sa isang fast food nang maalala niyang ikwento rito ang mga naganap sa bahay ng mga Mangino.

Her only purpose for telling her best friend about what happened was to make herself feel less guilty. Iyon nga lang at hindi inaasahan na mag-o-overreact ito at magsisisigaw nang ganoon.

What she said was supposed to be a secret. Ika ng marami, private girl-talk. Hindi ba nito na-gets 'yon?

"Niloloko mo ba 'ko?! Anong muntik mo nang halikan si Jace?!"

"Ilakas mo pa kaya? Hindi pa naririnig sa kabilang dulo nitong mall, 'yang boses mo." Sinamaan niya ng tingin ang kaharap, bago binalik ang atensyon sa kinakaing tanghalian. They were having lechon-sinigang at Mias, isa sa mga kilalang kainan sa mall na iyon.

She has to give it to the restaurant, their entrees were exceptionally good. Their foods were mostly classic Filipino dishes with modern twist. Kaso lang ay nawawalan ng lasa ang pagkain niya sa tuwing bumubukas ang bibig ni Rhona para gulantang na sumigaw. "Eh, bakit mo kasi ginawa?!"

"Look. Hindi naman ako ang nagsimula, okay? It's him." She tried to make a point by using the fork in her hand, and pointing it to Rhona. Ramdam niya ang pag-init ng kanyang mga pisngi, pero never niyang aaminin na nagustuhan niya ang nangyari. For Christ's sake! That was Jace, her enemy. "Again, here's what happened. Hinatak niya ako. Pagkatapos—"

"Pumikit ka at hinintay mong dumampi sa'yo ang mga labi niya?Ganoon?" kinumpleto ni Rhona ang sinasabi niya kasabay ng esksaheradong pagtirik ng mga mata nito.

It was one of her best friend's mannerisms. Unang pagkikita palang nila sa university ay ganito na ito. They were both freshmen back then, at agad na nag-click ang mga ugali nila. Ten years after and they were still together. Business partners pa nga sila dahil co-owner ito ng kanyang botique.

"Akala ko ba sinusumpa mo 'yang future-brother-in-law mo?" pagpapatuloy pa rin ni Rhona sa pagsesermon. Sumubo ito ng pagkain nito bago puno ang bibig na nagsalita ulit. "Anyare, girl? Nagtataksil ka na, hindi pa nga kayo ni Chester?"

"I-I was..." Napatikom si Kimberly nang wala siyang maisagot.

The truth was she didn't even know what happened to her too. The strange emotion that pulled her to him felt new, but at the same time, old. How was that even possible, samantalang hindi naman sila naging malapit sa isa't isa kahit kailan?

.

.

MAAYOS NA LUMIPAS ANG MAGHAPON. Pagkatapos mag-lunch ay sabay din silang bumalik sa botique ni Rhona. Although their business is located in the prime area of the city, madali naman silang nakarating doon dahil maluwag ang trapiko.

Give it to Sta Fe to have less cars in the street than in Metro Manila. Kung wala rin lang minor accidents o emergencies ay hindi talaga nagkakagulo ang mga sasakyan doon.

Inabala ni Kimberly ang sarili sa pagbabasa ng mga reports pagpasok sa kanyang mini office. By the time the clock strikes five, naiayos na niya lahat ng mga papeles na kailangang i-review.

Nagliligpit na siya ng kanyang desk nang hindi sinasadyang mapatingin siya sa pahabang sofa na nasa kabilang dulo ng kanyang opisina.

Ilang segundo pa siyang napatulala lang doon bago unti-unting nanlaki ang kanyang mga mata kasabay ng pagtampal sa kanyang noo. Crap! Hindi pa nga pala siya nakakapagpaliwanag kay Chester tungkol sa nasaksihan nito kahapon. Ano nga ba ang nangyari sa kanya at nakalimutan niya?

Pareho silang tahimik nang makasakay sila ng kotse. Their whole drive was silent because they were both trying to avoid commenting at what happened. Sino ba naman ang hindi magkakaganoon kung pagkatapos niyang suyuin ito nang pagkatagal-tagal ay mahuli siya nitong halos nakikipaghalikan sa kapatid nito?

Agad na hinarap ni Chester ang mga dokumentong hinanda niya oras na makarating sila sa kanilang boutique — ang 'the Hangers'. Mahirap basahin ang ekspresyon nito habang binabasa ang mga spreadsheets. Once in a while, nagtatanong ito sa kanya tungkol sa mga papeles, pero bukod doon ay wala na itong binuksang topic.

Mukha itong galit. Tuloy nawalan na siya ng tyansang magpaliwanag dito.

'Crap! What should I do?' tanong niya sa sarili habang nahahapong napaupo muli sa kanyang swivel chair. Is her dream man jealous? She both hoped so, and hoped not. Chester feeling jealous can be a good sign. Ibig sabihin ay may nadarama na ito para sa kanya. However, if Chester isn't jealous at sadyang nagalit lang ito dahil nahuli sila ni Jace—darn it. Malaking problema 'yon.

"Girl? Hindi ka ba sasabay sa amin papunta sa party? It's already past five." That was when Rhona's blaring voice startled her and made her turn her head.

Nagkasalubong sila ng tingin nito. Nakasungaw ito sa pintuan habang kunot-noong hinahagod siya ng tingin pataas at pababa. As usual, ni hindi man lang kumatok ang babaeng pinaglihi sa sarcasm. "My gosh! Nakalimutan mo na naman ba iyong fashion event kina Miss Vanessa?"

"V-Vanessa? Sinong Vanessa?" Dagling napuno ng pagtataka ang mukha ni Kimberly. Her head was fully occupied with Chester, at hindi niya talaga maalala ang pangalang binanggit ni Rhona.

"Si Miss Vanessa. Iyong may-ari ng shop na gustong maging distibutor ng mga products natin?"

"Oh!" Kimberly didn't mean to, pero agad siyang napamaang sa narinig. Limang segundo pa ang lumipas bago unti-unting bumakas ang rekognisyon sa kanyang mukha. "You mean the beach party, right?

"Ay Diyos ko po. Inatake na naman siya ng amnesia," mahinang bulong ni Rhona kasabay ng eksaheradong pagtirik ng mga mata. Tuluyan na nitong binuksan ang pintuan at patamad na namaywang doon. "Of course, iyong beach party!"

"H-Hindi ako sasama."

"Eh, kasi?"

Kimberly pressed her lips together, and gave Rhona a pleading stare. Agad namang nakuha ng best friend niya ang ibig niyang sabihin kaya napapalatak na lang ito at talunang napahilot ng sentido. "Fine! Sabi ko nga takot ka sa tubig, kaya ako na lang ang pupunta."

'Thank you...' she mouthed before grabbing her shoulder bag from her desk. Nakapagdesisyon na siya. Dadalawin niya ulit ang mga Mangino para kausapin si Chester. She couldn't just let another night past with him thinking of her wrong, right? Bukod sa ito ang pangarap niya at namuhunan na rin siya ng napakahabang panahon sa binata. "I need to go. Balitaan mo nalang ako sa kung anong mangyayari sa event."

"Ako rin, balitaan mo na lang ako kung kailan ang kasal ninyo ni Jace."

"Chester," agad na pagtatama niya at sinamaan ng tingin ang kaibigan. "Chester ang pangalan ng mahal ko, Rhona. Again, it's Chester—"

"Pero pumayag kang magpahalik doon sa isa kahit ayaw mo sa kanya...raw?" putol ni Rhona na binitin pa ang salitang 'raw' para palabasing kaduda-duda siya— hindi credible.

"Rhona..."

"Alam mo, ang gulo-gulo mo, girl."Umingos si Rhona at umakmang lalabas na ng opisina." Next time na umakma siyang hahalikan ka, ituloy-tuloy mo na ang pikit ha? Malay mo lang kasi, baka nagsasayang ka lang ng panahon sa dream man mo."

"At anong gusto mong palabasin?" Kimberly wasn't sure if her best friend heard that question anymore. Bago pa kasi siya matapos magsalita ay nagmadali na itong kabigin ang pintuan, leaving her both annoyed and questioning herself.

'Ako? Nagsasayang ng oras kay Chester? I love him so much. What the hell do you mean?'

.

.

"THANKS FOR COMING."

Natigilan si Jace mula sa pag-inom ng beer. Unsure if he heard his brother correctly, sandali niya itong tinapunan ng tingin bago tinuloy ang pagtungga sa bote.

Sitting inside one of Sta Fe's bars with Chester wasn't exactly how he planned to end his day. Papauwi na siya galing sa site nang makatanggap siya ng tawag mula rito. May sasabihin daw ito sa kanya, magkita raw sila.

'This doesn't look good.' Walang kibong binaba ni Jace ang hawak at pinasadahan ulit ng tingin ang kaharap. Ang totoo ay napipilitan lang siyang pumunta roon, pero hindi rin naman niya maiwan nalang basta ang kapatid.

Although the lights in that exclusive bar were dark, mas madalim naman ang anyo ni Chester doon. Nakatulala ito habang lumalagok ng beer. Halatang problemado.

"Anong kailangan mo?" sa wakas ay tanong niya.

"Can't you just drop the animosity for once and be a brother, Jace?" sikmat naman ni Chester saka siya sinamaan ng tingin.

Pareho silang nawalan ng kibo. There was a loud music blaring behind them, pero nagmistula silang mga pipi at bingi—unbothered and terribly silent.

Si Chester ang unang nakabawi. Napahilamos ito ng mukha bago nagsalita ulit sa mas mababang boses, "Si Kim."

Napadiretso ng upo si Jace kasabay ng marahas na paglingon. He couldn't tell why, but he suddenly felt strange. Hindi ba't magkasama pa ang mga ito kahapon noong umalis ng bahay nila? Bukod sa eksenang inabutan nito ay ano pa ba ang mayroon?

"Kung tungkol ito sa nakita mo kahapon, let me clarify, wala akong balak na—"

"I fell in love," pabulong na putol ni Chester sa kanyang sinasabi. Napakahina lang niyon, pero kakatwang nagmistulang bomba sa lakas sa pandinig ni Jace.

"That's... good." Sinubukan niyang tumawa, pero kahit sa sarili niyang tainga ay pagak ang tunog niyon. Sa huli, tinikom na lang niya ang bibig at mabilis na umabot ng bagong bote mula sa bucket. He drunk his second bottle straight until it was half empty. "So, kailan ang annoucement party?"

"You're not getting it."

"Anong hindi ko naiintindihan?" Tumawa ulit si Jace, pero hindi na naman maganda ang kinalabasan niyon. He settled to faking a smile instead, and hoped that it was enough to fool his brother. "You should plan a simple celebration for her." Napalunok siya nang tila may bumara sa kanyang lalamunan. "She's a good woman, and she deserves that. Wala akong maitutulong sa'yo—"

"Will you stop concluding?" Napahampas na sa kaharap na bar si Chester. Binalewala nito ang pagkunot ng kanyang noo bago napapailing na nagpatuloy, "I fell in love with someone else. I started dating Jackie, my office mate two month ago, pero hindi kami makaamin dahil kay Kimberly! I need you to teach me how to get rid of a woman."

"Ano?"

"Help me get rid of Kimberly."

Tuluyan nang naestatwa si Jace nang ulitin nga ni Chester ang sinasabi nito. Kaysa makaramdam ng tuwa ay kumuyom ang kanyang kamao sa pagpipigil na suntukin ang kaharap.

It is given, ayaw niyang magkaroon ng relasyon si Chester kay Kim. That would be worse than a having a nightmare while walking in broad day light for him. Pero... damn it... ayaw niya rin naman na basta na lang nitong itapon si Kimberly nang ganoon na lang. The woman had loved his brother for so long, at sigurado siyang masasaktan ito nang todo.

"Hindi mo pwedeng basta nalang gawin 'yon." Mabagal na napailing si Jace. " Paano si Kim?"

"At paano naman ako?!" Nanlulumong napahilamos ulit ng mukha si Chester "Alam kong gusto ako ni Kimberly. I wouldn't hurt her if I have other options, pero anong magagawa ko?"

"So ganoon na lang 'yon?" Nagpanting ang tainga ni Jace kaya binaba niya ang hawak na bote. He could feel his blood starting to boil, at masyadong delikado kung mananatiling hawak niya pa ang bote. He was so close to hurling it to his brother. Maisip niya pa lang na iiyak si Kimberly ay gusto na niya agad gumanti

para rito. "So, pinaasa mo si Kimberly nang ganoon katagal pagkatapos iiwan mo lang? Bobo ka."

"At anong kinagagalit mo?" nakasimangot na putol ni Chester sa kanya. "Hindi ba ikaw ang may ayaw sa kanya? The reason why I called you is because I know that you hate her to the bone and that you have more than enough ideas to shut her off. Nakalimot ka na ba?"

Umigting ang panga ni Jace Hate is such a lame term to describe how he feels for the woman. Hindi hamak na mas masidhi roon ang nadarama niya para kay Kimberly. It was more similar to madness, but then, not exactly it either. "At sa tingin mo kakampihan kita sa iniisip mo? Anong tingin mo kay Kim? Laruan?"

"Kapatid," sambit ni Chester kasabay ng paglamlam ng mga mata. "Mahal ko si Kim, pero hindi sa paraang gusto niya."

"Shut up—"

"Intindihin mo 'ko."

"Hindi mo alam ang sinasabi mo."

"Ayaw mo sa kanya, 'di ba?" Napuno ng pagtataka ang mukha ni Chester habang nakatingin sa kanya. "When did the tide change? Humihingi ako ng tulong para mawala na siya, anong sinasabi mo ngayon?"

Jace was caught like a deer hit by a headlight. Hindi siya agad nakakibo nang tumuwid ng upo si Chester at mas pag-igihan pa ang pagtitig sa kanya.

Did he said too much? It seems like. Pero hindi niya rin naman sinasadya. Sino ba naman ang mag-aakalang si Kimberly pala ang pag-uusapan nila?

He wasn't ready to talk about her five years ago.

He is still not ready to talk about her now.

'Damn you, Kimberly...' He shook his head in defeat. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status