Share

Chapter 5

'WHAT PART of no is hard to understand?'

Napapikit ng mariin si Kimberly nang parang bangungot na umulit sa isip niya ang nasabi ni Chester matapos ang halik na pinagsaluhan nila - or rather, ninakaw niya.

Ilang oras na rin ang nakakaraan pero pakiramdam niya huminto na ang panahon nang talikuran siya ng lalaki para bumalik sa tabi ng karibal. Nakakatawa na nakakaasar, ni hindi man lang siya nakaporma pa sa mga susunod na balak pero checkmate agad.

"Toast! Para sa mga aanga-aangang girls!" She laughed bitterly while raising the bottle of Margarita in her hand. With the party happening some valid meters away and the Mangino's parking lot being as empty as her broken heart, wala naman sigurong sasaway sa kanya sa ginagawang kagagahan at pagsasalita mag-isa.

"Damn! Ano bang meron ang babaeng yan na wala ako? Boobs ba Chester? Boobs lang ba kailangan mo!" Sumuray siya ng konti nang subukan niyang tumayo mula sa nakausling ugat ng punong kinauupuan. Nahihilo na siya, pero binalewala niya yon at muling tinungga ang hawak na bote. "Chester magpapalagay ako ng tatlo! Piliin mo lang ako pati sa likod magpapalagay ako!"

She knew it was ridiculous of her to talk like that, lalo na kung wala naman siyang kausap. But she couldn't control it, para kasing sasabog ang kanyang dibdib sa nangyari. Tumingala siya sandali para pigilin ang mga luha niyang mukhang nagwa-warning na naman. Ilang beses siyang bumuntong hininga para paatrasin sana ang namumuong bikig sa kanyang lalamunan pero nabigo pa rin siya nang mayamaya pa ay magsimula na uling kumalat ang itim na linya ng ginamit niyang mascara pababa ng kanyang pisngi.

"Chester! I'll get you!" she cursed before using the back of her hand to dry her eyes and started her wobbly steps towards her car. "I'll get you. I swear, I'll get you. You're mine, so I'll get you!" 

.

.

.

JACE WAS still in hell, trying to think of a way to keep silent. All the demons in him wanted to break loose.

Sunod-sunod ang ginawa niyang hithit sa hawak na sigarilyo habang tumitipa sa cellphone. He badly needed diversion, and with diversion,  he meant someone who could temporarily occupy his head other than nicotine and whiskey.

'Coleenare you available?'

Mabigat ang ulong sinandal niya ang sarili sa katabing kotse. After hours of thinking and wanting to run, it was funny that he stayed in the parking lot instead, drinking his gut out. Naisip pa rin niya na baka kailanganin siya sa loob ng kasiyahan at hanapin siya ng mga bisita.

Ilang beses niyang naipilig ang ulo nang maalala ang eksena nila ni Kimberly kanina. The contrast of her red dress against her pale skin, her never-ending legs that he wished to feel around his waist, her mildly curled hair that touched the same shoulders he would want to nibble all night long, and her pair of cold eyes she used to throw him dagger stares.

'Get over this, Jace. Nagawa mo na noon. Kaya mo ulit. Hindi siya para sa'yo. At hinding-hindi siya magiging sa'yo!'

Padabog na dinampot niya ang bote ng whiskey mula sa bubong ng kotse. Walang pakialam na tinungga niya yon bago pinilit na ipihit ang atensyon sa hawak at gigil na nagsimula ulit magtext.

'It's either you come here, Coleen or I'll bed somebody else. By the way, Melissa's here. Should you want me to release this on her instead?'

"Damn lazy, F*ck Buddy." Napahilamos siya ng mukha. That text sounded desperate. And he wanted to laugh at himself with what he just wrote. Parang ibang tao ang nagsalita para sa kanya. He was never the desperate type of guy. He never had any steady woman but he never really experienced having none. Laging meron.

Simple lang naman kasi ang hinihingi niya; they meet, they have s*x, they agree to s*x each other exclusively, they break up when they didn't meet what each others' need.

It was his way to survive.

Why? Because he couldn't commit. He just can't do it. 

At ang parang tanga pa roon ay alam niya kung bakit siya ganoon. Maliwanag pa sa sikat ng araw kung bakit paulit-ulit siya sa kalokohan niya sa mga babae at wala siyang pakialam sa kung ano ang mga iniisip nito.

'FuBu over. Find another man. I'm grabbing someone. It's nice bedding you.'

Bahaw ang tawa niya nang pindutin ang send button at patamad na ilayo ang sarili sa sinasandalan. Mabigat na ang talukap ng mga mata niya dahil sa dami ng nainom pero kaya pa naman niya sigurong ilabas ang kinikimkim na init sa napaka-willing na si Melissa - anyway, she was trying her luck with him earlier so why not?

Nakayuko siya nang magsimulang gumalaw. Diretso pa naman siya lumakad pero pakiramdam niya konting inom na lang at aalon na ang baldosang kanyang inaapakan.

He needed the liquor to do him a favor. His imaginations go wilder when his drunk. It enables him to imagine things that couldn't be feasible in reality. Just like burying himself deep into someone else while thinking of another face.

'Yeah, an alabaster b*tch face.'

Malapit na siya sa bakuran ng parking lot nang biglang tumunog ang hawak niyang cellphone. Napailing siya bago patamad na namasahe ng malayang kamay ang batok.

Well, it seemed like Coleen was not ready for their FuBu break-up yet. Poor her though cause Jace was not the type who to went around the same partner twice.

Hinanda niya ang sarili para sa paulit-ulit na ritual na kabisadong kabisado na niyang gawin. One deep breath and he had his phone against his ear. " Get over this--"

"I yield. Suko na ko! Pero pwede bang kahit isang beses lang? Kahit sandali lang. Para sa ikatatahimik ko." Nasundan ng ilang ulit na paghikbi ang basag na boses ng babae sa telepono. And for some reason, Jace felt his own chest tightened as recognition washed over him.

Hindi siya kaagad nakapasalita. Ilang beses pa siyang napakurap para kumpirmahin kung totoo ang narinig. "Kim? Ikaw ba yan?"

"Don't say anything. Just come over here. Nasa parking lot ako. Let this be the last, please. I swear, hindi na ko ulit manggugulo. Nandito ako sa loob ng kotse ko." Humikbi na naman ito kaya mabilis siyang napalingon sa medyo madilim na parking area na pinagmulan.

There was an imaginary force making him want to run but he chose to remain cool. Umubo siya para tanggalin ang namuong bikig sa lalamunan. "Kim, mukhang lasing ka na. You dialed the wrong --"

"F*ck me..."

"What? I didn't hear that. Again." Pinatatag niya ang boses. Nawala na rin sa loob niya ang sariling mga issues nang magsimulang humakbang ang kanyang mga paa at umpisahang hanapin ang pulang kotse nito. 'Damn it, she didn't just say that, right? She did not just--'

"I want you to f*ck me."

'Holy shit! 'Muntikan nang mabitawan ni Jace ang hawak na aparato. Bigla siyang nangilong hindi niya maintindihan nang sundin ng kausap ang kanyang sinabi. "Kimberly, lasing na lasing ka lang. I'm coming. Ihahatid na kita. Umuwi ka na."

"I'm damn serious."

"I am as well."

"D-don't you want to f*ck me?! I need you to do it."

 Napahinto siya sa paghakbang. 

"I want you to fuck me, or else..."

"Or else what?"

"I'm going to find someone else to do it."

Hei Con

Don't forget to vote ha! Lab yu!

| Like

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status