Share

OUR KINKY LITTLE SECRETS
OUR KINKY LITTLE SECRETS
Author: BeauWP

CHAPTER 1

"After trying different treatments, wala pa ring nagbabago sa kondisyon mo. And, in fact, lalo pa itong lumalala. Palagi tayong nagfe-fail sa tuwing sumusubok tayo ng iba't-ibang klase ng gamot. I'm really sorry, Miss Robles. Mahirap e-cure ang sakit na mayroon ka. Kumakalat na ito sa utak mo. But, let's not lost our hope. May posibilidad pa rin na magamot ka. Marami pang ibang treatment na maaari nating subukan. Pwede rin nating idaan sa operasyon," the doctor explained to me.

Nanlulumo ako sa tuwing naririnig ko mula sa kanya na nagfe-fail ang bawat subok namin ng iba't-ibang klase ng gamot. Pero alam ko rin naman na kasalanan ko kung bakit.

"Habang tumatagal, paliit ng paliit ang tsansa kong gumaling, 'di ba, doc?" tanong ko sa mahinang tono.

Iniwas ng doktor ang tingin sa akin.

Alam ko na ang ibig niyang sabihin.

"Doc, may sasabihin ako sa'yo," saad ko.

"Ano 'yon?"

Nagbaba ako ng tingin pagkatapos ay pasimpeng pinaglaruan ang hawak kong purse.

"Tutal wala namang kasiguraduhan kung gagaling pa ba 'ko o hindi, naiisip ko na itigil na lang muna ang treatment ko. Nawawalan na kasi ako ng pag-asa eh. Sapat na siguro ang mga napagdaanan ko throughout my treatment journey. Siguro, ii-enjoy ko na lang 'yung natitirang araw para sa'kin," ani ko.

Tumayo ang doktor pagkatapos ay lumapit siya sa akin at umupo sa katapat kong upuan. Hinawakan ako nito sa balikat.

"Don't give up, Miss Robles. Lalo na ngayon na malayo na ang narating mo. May tsansa ka pa. 'Wag kang magsalita ng patapos. Wala pang taning ang buhay mo," mahinang ani ng lalaki kong doktor.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya pagkatapos ay tipid na ngumiti. "Ayos lang. Tanggap ko naman na hindi na talaga ako gagaling."

Mahinang bumuntong hininga ang doktor pagkatapos ay umiling-iling.

Tiningnan ako ng doktor diretso sa aking mga mata.

"Ere-refer kita sa kaibigan kong psychiatrist. Matutulungan ka niya. Hindi kita hahayaang itigil ang treatment mo. Masyado ka pang bata. Marami ka pang pwedeng gawin. Ayos lang na handa ka ng mawala pero 'wag mong sasabihing hindi ka na gagaling. Hindi pa tayo sigurado. Hindi natin alam kung ano ang mga mangyayari sa susunod na mga araw. 'Wag ka munang panghihinaan ng loob. May mga tao pang naghihintay sa 'yo. Pwede mong ilabas lahat ng sama ng loob mo sa psychiatrist na 'to para man lang gumaan ang pakiramdam mo at mabawasan 'yang bigat sa dibdib mo," mahabang ani ng doktor.

Nagbaba ulit ako ng tingin. "Fatima, I'm not saying this because I'm your doctor. I'm saying this as your friend. Mabuti kang tao at alam kong matapang ka. Ngayon ka pa ba panghihinaan ng loob? Ang dami mo ng pinagdaanan sa buhay. Ngayon ka pa ba susuko?!"

Tama siya. Marami na nga akong mahihirap na pinagdaanan sa buhay. Saksi ang doktor na 'to sa mga pinagdaanan ko.

Magkaklase kami ni Doctor Evrous simula elementarya hanggang high school. Magkababata kami. Kahit na magkaibang kurso ang kinuha namin noong college, hindi pa rin kami nawalan ng koneksyon sa isa't isa.

"Pwede bang pag-isipan ko muna kung itutuloy ko pa ba o hindi? Masyado na kasing malaki ang nagagastos ko, wala namang nangyayari."

Mahinang bumuntong hininga ulit ang doktor. "'Wag mong isipin ang mga expenses. 50% lang naman ang binabayaran mo sa bawat treatment. Tutulungan kita sa bagay na 'yan. Basta 'wag ka lang susuko."

Tumingin ako ng diretso rito sabay na tipid na ngumiti.

"Mauuna na muna ako. Marami pa akong gagawin," saad ko.

Inalis ng doktor ang kamay nito sa braso ko. "Magwawalwal ka na naman?! Alam mong masama sa kalusugan mo ang alak," nakabusangot ang mukhang sabi ng doktor.

Malapad ko lang siyang nginitian.

"Hindi porket aalis na 'ko eh magwawalwal agad. Boy hunting lang," pagbibiro ko pa.

Mahina akong binatukan ng doktor sa nuo. "Kaya laging nasasawi 'yang puso mo eh. Ang hilig-hilig mong mag-boy hunting tapos kapag na-fall at sinaktan ka, alak kaagad inaatupag mo."

Tinawanan ko lang siya.

Tumayo na ako sabay na naglakad palapit sa pinto pagkatapos ay pinihit 'yon pabukas. "'Wag kang mag-alala, doc. Gaya nga ng sabi mo kanina, matapang akong tao. Kering-keri ko 'to." Nakangiting sabi ko pagkatapos ay tuluyan ng lumabas at hindi na hinintay ang sasabihin ng doktor.

Nang tuluyan ko ng naisara ang pinto, kaagad na napawi ang ngiti sa labi ko.

Pinilit kong tumayo ng tuwid pagkatapos ay mahihina ang mga hakbang na naglakad palabas.

Okupado na naman ang utak ko.

Nang tuluyan na akong nakalabas sa ospital, mahina akong bumuntong hininga bago pilit na iplinaster ang masayang ngiti sa labi saka pumara ng taxi.

****

I tried so hard not to burst into tears while I was covered with a thick white sheet inside this dark room.

Pero sobrang hirap pigilan. Kusa na lang kumakawala ang mga luha at hikbi ko.

Sobrang hirap makipaglaban habang nag-iisa ka.

As I was crying my heart out, my phone suddenly rang.

I pick it up ang look at who's calling.

It's Liah.

Kaagad kong pinunasan ang mga luha sa mga mata ko at kaagad na kumalma.

I cleared my throat before answering the call.

"Wassup, girl! Bakit ka tumatawag ng dis oras ng gabi?" sinubukan ko ng mabuti na pasiglahin ang tono ko.

"Samahan mo ko bukas sa ospital ha? Bukas na kasi ang due date ko. Mas maganda kung nasa ospital na kaagad ako," sagot ng nasa kabilang linya.

This month ay ang ika siyam na buwan ng buntis kong kaibigan.

"Bakit? Nagsisimula ka na bang mag labor?" I asked.

"Nope. Hindi nga sumasakit 'tong tiyan ko. Pero mas maganda kapag prepare na 'ko habang maaga pa."

"Nasaan ba ang parents mo or siblings mo? Bakit hindi ka sa kanila magpasama?" I asked.

Mahabang bumuntong hininga ang nasa kabilang linya. "Wala akong aasahan sa kanila. Alam mo naman ang mga 'yon. Puro business na lang ang palaging nasa utak. Kahit nga noong namatay ang tita ko, hindi man lang nila nagawang makipaglamay kahit na isang gabi lang dahil mas iniisip nila 'yung negosyo. Kahit nga siguro malapit na silang mamatay, negosyo pa rin ang iisipin nila," mahabang litanya ng kaibigan ko.

"Eh, 'yung ex-fiancé mo? 'Di ba close pa rin naman kayo hanggang ngayon ng isang 'yon?"

"Busy ang isang 'yon sa negosyo at mga babae niya."

Mahina ko lang siyang tinawanan. "Oh, sige, sige. Sasamahan na kita bukas. Susunduin kita sa inyo. Kaya matulog ka na. Malapit ng maghating gabi tapos gising ka pa rin diyan. Sige ka, baka pumangit 'yang anak mo dahil diyan sa kakapuyat mo."

Mahinang tumawa lang ang nasa kabilang linya. "Oh, sige. Bye-bye! Goodnight! Sleepwell, friend."

"Goodnight. Sleepwell rin," I said before ending the call.

Inilapag ko ang cellphone ko sa bedside table pagkatapos ay humiga na.

Nang makalipas ang ilang minuto at hindi pa rin ako dinadalaw ng antok, tumayo ako at umalis sa kama.

Lalabas na lang muna ako para magpahangin.

Isinuot ko ang isang hoodie jacket. Nakashort at tsinelas lang ako. Nagsuot na rin ako ng sumbrero.

Pagkatapos ay lumabas na ako.

Nakatira ako sa isang maliit na condo. Lumipat ako rito a month ago.

Sumakay ako ng elevator at dumiritso sa lobby.

Kaagad na sumalubong sa akin ang malamig na hangin nang tuluyan na akong nakalabas ng building.

Maraming kotse ang dumadaan.

Dahan-dahan lang akong naglalakad habang nakasilid ang dalawang kamay ko sa bulsa ng hoodie at lumilinga-linga sa paligid.

Makalipas ang mahigit sampung minutong paglalakad ay huminto na ako sa tapat ng isang mini cafe na mayroong mga libro.

Naisipan kong pumasok roon.

Malayo ang cafe na 'to mula sa condo ko.

Isang staff lang, ako, at ang isa pang costumer ang nasa loob ng cafe. Hindi masyadong dinadayo ng mga tao ang lugar na 'to. Para lang naman kasi sa mga bookworm o nerd and lugar na 'to.

Umorder ako ng isang hot choco at naghanap na ng librong pwede kong basahin.

Nang makapili ako ng babasahin ko, dumiritso ako sa pinakagilid na parte at umupo roon.

Sobrang tahimik sa loob. Perpektong lugar para sa mga taong mahilig magbasa ng libro kagaya ko.

Hindi naman talaga ako masyadong mahilig magbasa ng mga libro. Kailangan ko lang talaga na magpalipas ng oras.

Sinusumpong na naman kasi ako ng insomnia. Ayoko rin namang uminom ng sleeping pills dahil masama 'yun para sa 'kin.

Nagsimula na akong basahin ang laman ng librong kinuha ko.

Ilang sandali lang ay nilapag na ng staff ang order ko.

Nakafocus lang ako sa binabasa ko nang biglang narinig ko ang pagpasok ng isa pang costumer sa loob ng cafe.

Hindi ko na 'yon pinansin at pinagpatuloy lang ang pagbabasa.

Makalipas ang ilang minuto, hindi na pumapasok sa isip ko ang binabasa ko dahil pakiramdam ko ay parang may nakamasid sa akin.

Ramdam kong nakatitig sa akin ang taong kakapasok lang na umupo sa kaliwa ko. Sa tantiya ko'y tatlong metro lang ang layo namin sa isa't isa.

Lumingon ako sa kinaroroonan ng taong 'yon. At nahuli ko siyang nakatingin sa'kin pero kaagad rin itong yumuko.

Hindi ko makita ang itsura niya dahil nakasuot siya ng itim na jacket at natatakpan ng sumbrero ng jacket ang kanyang mukha.

Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa.

Sa porma at laki ng pangangatawan niya, masasabi kong lalaki siya.

My eyes landed on his arm. I could see a snake tattoo on the back of his palm.

I suddenly felt anxious and scared.

Kaagad na dinamba ng kaba ang dibdib ko.

Tinuon ko ulit ang atensyon ko sa librong hawak ko.

Bakit na naman niya ako sinusundan?

Kahit na hindi na halos kita ang mukha ko, nakilala pa rin niya 'ko. Bwesit, bakit ba ang talas ng mga mata ng baliw na 'to.

Ramdam ko ang panlalamig ng mga kamay ko at ang panginginig ng buo kong katawan.

Pinilit kong tumayo at binalik ang librong hawak ko sa malapit na shelves sa pwesto ko at nagbayad na sa staff.

Mabilis akong lumabas ng cafe. Hindi ko na ginawang lumingon pa. Pagkatapos ay mabilis na naglakad papunta sa direksyon ng condo ko.

Pero ilang sandali lang, ramdam kong sumunod sa akin ang lalakeng 'yon.

Lalo kong binilisan ang bawat paghakbang.

Diretso lang ang lakad ko. Marami akong nakakasalubong. Ilan sa kanila ay nababangga ko na dahil sa pagmamadali at hindi ko na nagawang mag-sorry pa sa kanila.

Isang liko na lang sana, malapit na ako sa condo ko nang biglang may mga kamay ang humila sa 'kin at pinasok ako sa isang masikip at madilim na eskinita.

Nasa pagitan kami ng dalawang magkatabing building.

Hindi ko na nagawang sumigaw dahil mabilis na may kamay na tumakip sa bibig ko.

Pilit pa sana akong nagpumiglas pero sadyang malakas ang kaharap ko.

Marahas niya akong isinandal sa pader at inipit niya ako gamit ang kanyang katawan.

Kaagad na nanuot sa ilong ko ang magkahalong amoy ng alak at sigarilyo.

Lumapit siya sa kabilang tenga ko.

"Sa tingin mo makakalayo ka sa 'kin, huh? Hindi, hindi ko hahayaang mangyari 'yon. Naiintindihan mo ba?!" pabulong at may diin nitong usal. Nanindig ang mga balahibo ko sa katawan dahil sa nakakatakot niyang boses.

Gusto kong umiyak o sumigaw ng tulong dahil sa sobrang takot.

Isang paraan lang ang naiisip ko. Lakas loob ko siyang tinuhod.

Malakas na tinamaan ang pagkalalake niya dahilan para mapabitaw siya sa pagkakahawak sa 'kin at napaatras saka bumagsak sa sahig.

Mabilis akong tumakbo palayo.

Hindi na ako lumingon pa at tuloy-tuloy lang sa pagtakbo hanggang sa nakapasok ako sa condo ko.

Mabilis kong naisara ang pinto at napadausdos pababa roon.

I was having a mental breakdown in the middle of the night and I tried to forget that shit and now this?

Lalo lang sumama ang pakiramdam ko.

Kailan niya ba talaga ako titigilan?! Lumipat na nga ako ng lugar, nahanap niya pa rin ako.

Nakakasawa at nakakapagod na ang ganito.

Para akong kriminal na takbo ng takbo at tago nang tago mula sa taong 'yon.

Gusto ko ng taong matatakbuhan. Pero hindi ko naman magawang sabihin sa mga taong malalapit sa akin ang tungkol sa problema ko.

Ayokong madamay sila.

Lumalaban ako mag-isa.

Samantalang kapag sila, kasama nila akong lumalaban.

Pero tama lang rin 'tong ginagawa ko. Ayoko silang madamay. Mahal ko sila kaya ayoko silang masaktan.

Kaya ko 'to. Kakayanin ko ng mag-isa lang. Nagawa ko noon, magagawa ko ulit ngayon.

Pinahiran ko ang luhang kumawala mula sa mata ko sabay na tumayo.

I was tightly holding my phone nang bigla 'yong nag-ring.

Someone just texted me.

Ate, kukunin na raw ako nina mommy at daddy. Sa Italy ko na lang raw tatapusin ang pag-aaral ko. Nalaman kasi nilang nahihirapan kang paaralin ako sa loob ng mahigit dalawang taon ko sa med school.

I immediately called my sister's number.

Ilang ring lang ay sumagot kaagad ang kapatid ko.

"Hello, ate?"

"Pumayag ka?" mabilis kong tanong.

Ilang segundo pang natahimik ang nasa kabilang linya.

"Eh, kasi, ate, nahihirapan ka kasing paaralin ako kaya pumayag na lang ako. Mas malaki ang opportunities kapag nasa Italy ako. Magiging kumpleto na rin 'yong mga gamit ko. Hindi ka na magkakaproblema dahil lang sa pag-aaral ko," paliwanag ng kapatid ko.

Natahimik ako ng ilang segundo.

"Sige, kung 'yan ang gusto mo. Mas maganda nga kung sa Italy ka na lang mag-aaral. Mabibigay nila mom and dad sa 'yo lahat ng mga bagay na hindi ko maibigay sa 'yo," tipid akong ngumiti.

"Talaga, ate?!" sumigla ang boses ng kapatid ko. I hummed in response. "Maraming salamat, ate! Sige, magpahinga ka na. Goodnight, salamat ulit!" then the other line ended the call.

Napatingin ako sa screen ng cellphone ko.

Kahit anong gawin ko, kahit anong pagsisikap ko, hindi pa rin talaga nagiging sapat.

Mahina akong napabuntong hininga.

Too much disappointment for myself today.

Dumiritso ako sa kama ko at humiga roon. Pagkatapos ay pinilit ko ang sarili kong makatulog.

***

"Ahhhh!!" sabay kaming napasigaw ni Liah sa sakit. Sa tuwing sumasakit ang tiyan ni Liah, humihigpit ang pagkakakapit niya sa palad ko.

Namamanhid na nga ang palad ko dahil mahigpit isang oras ng nakahawak siya sa 'kin.

"Bwesit kang babae ka! Do'n ka sa kama kumapit! Bali na ang mga buto ko sa kamay. Utang na loob! Bitawan mo na ang kamay ko!" pagmamakaawa ko sa kanya. Halos maiyak na ako sa sakit.

Narinig kong tumawa ang dalawang nurse na nakatingin sa amin.

Nasa loob kami ng isang kwarto. Tagaktak na ang mga pawis sa noo ni Liah. Habol na rin nito ang hininga.

Nagle-labor na ang babaeng 'to kanina nang sunduin ko.

At limang oras na siyang nagle-labor.

Tinawagan ko na rin ang ex-fiancé niya at sinabi ang kalagayan ng kaibigan ko. Sinabi naman nitong tatapusin lang ang importanteng meeting pagkatapos ay pupunta na sa ospital na kinaroroonan namin.

Kahit na mahigpit ang pagkakahawak sa 'kin ni Liah, pinilit ko pa ring alisin ang kamay niya sa 'kin.

Nang mabitawan niya ang kamay ko at doon na sa kumot kumapit, mabilis na naikumpas ko ang palad ko sa ire. Hindi ko na maramdaman ang palad ko dahil sa pamamanhid at sobrang pula na ang kulay.

Nakangiwi akong tumingin kay Liah.

Hindi na rin maipinta ang mukha ng kaibigan ko. Namimilipit na ito sa sobrang sakit at halos pumutok na ang mga ugat niya sa leeg.

Mahirap nga talagang manganak.

Kalmado lang ang dalawang nurses na nagmomonitor sa kaibigan ko.

Ilang sandali lang ay lumabas na ang mga nurse. Tiningnan lang ng mga ito kung manganganak na ba si Liah o hindi pa.

Lumapit ako kay Liah at hinimas-himas ang likod nito.

"Kaya mo 'yan, friend. Konting tiis na lang. Lalabas na rin 'yang anak mo. Tinawagan ko na rin 'yong ex-fianceé mo at papunta na siya rito."

Liah kept on grunting in pain. Parang pilit rin siyang umiire.

Biglang mabilis na bumukas ang pintuan at pumasok mula roon ang isang lakakeng humahangos.

Nakasuot pa ito ng all black tuxedo. Malinis ang pagkakaayos ng buhok. Matangkad, gwapo at hot rin ito, obviously. Siya ang klase ng lalake na madalas na pinagkakaguluhan ng mga babaeng kagaya ko.

Nanunuot rin sa ilong ko ang matapang at panglalake nitong pabango.

Hindi ni Liah napansin ang presensya ng lalake dahil matindi ang iniinda niyang sakit.

Hindi rin ako napansin ng lalake. Mabilis niyang dinaluhan si Liah.

Naialis ko ang palad ko sa likod ni Liah nang idapo ng lalake ang palad niya roon.

"Hey! Are you good?" he asked Liah. His voice is so manly and baritone. Nakatitig lang ako sa kanya.

Napabaling sa lalake si Liah. "A-Ang sakit!" nahihirapang sambit ng kaibigan ko sabay na mahabang bumuga ng hangin. Paulit-ulit lang na bumubuga ng hangin si Liah.

Ang lalake naman ay hinaplos-haplos ang likuran ng kaibigan ko.

Biglang napadako ang tingin ng lalake sa akin. Nahuli niya akong nakatitig sa kanya.

He obviously looks worried for my friend.

Mabilis akong ngumiti sa kanya.

"Hi," I greeted.

Ngumiti naman siya pabalik sa akin. I was caught off guard because of his sudden mesmerizing smile.

His smile makes him even hotter.

"I'm Liah's friend," pagpapakilala ko.

"I'm also her friend. Nice meeting you."

"Likewise," I said. I was just looking at him kahit na itinuon na niya ang atensyon sa namimilipit sa sakit kong kaibigan.

There's something about him dahilan para mapatitig ako sa kanya ng matagal.

Napabaling ako kay Liah nang bigla itong malakas na sumigaw.

My eyes landed on her legs. Blood is dripping down to her knees.

"Manganganak na siya!" I exclaimed sabay na tumakbo palabas para magtawag ng nurse.

Sumigaw ulit ako kaya mabilis na pumasok sa kwarto ang dalawang nurse kanina at may kasama na silang isang doktor.

Pumasok ulit ako sa kwarto.

Dahan-dahan at inaalalayan ng dalawang nurse at isang doktor sa paghiga si Liah. Umiiyak na ang kaibigan ko sa sakit.

Halos hindi na rin maipinta ang mukha ko. Para kasing nararamdaman ko rin 'yong sakit na nararamdaman niya.

She was immediately rushed to the labor room.

Kaming dalawa naman ng ex-fiancé ni Liah ay naghihintay sa labas ng labor room.

Tahimik kami pareho habang nakaupos sa puting bench at naghihintay.

Most of the time, makapal ang mukha ko at basta na lang kinakausap ang kahit na sino kahit na hindi ko kakilala.

Madaldal akong tao. Pero sa pagkakataong ngayon, nahihiya akong magsalita dahil katabi ko ang lalakeng 'to.

Parang biglang umurong ang dila ko.

I could see what he's doing from my peripheral vision. He's busy typing with his phone while his legs keep tapping the floor. Mukha siyang tensyunado.

Makalipas lang ang mahigit isang oras, lumabas na rin ang doctor na nagpaanak kay Liah.

Sabay kaming napatayo ng lalake at lumapit sa doctor.

"How is she?" he immediately asked. Napatingin naman ako sa kanya. Nag-aalala talaga siya para sa kaibigan ko.

Ngumiti sa amin ang doctor. "She's already fine. Ililipat na siya at ang baby niya sa mga kwarto nila."

"Is it a girl or a boy?" he asked again.

"A boy," sagot ng doctor pagkatapos ay nakangiti siyang umalis sa harap namin.

Bumalik naman ako sa pagkakaupo. I smiled. Masaya ako para sa kaibigan ko.

"Wanna eat something with me?" the man in front of me suddenly asked kaya napatingala ako sa kanya.

He's looking at me while smiling. That prettiest smile again.

I smiled back. "Sure," sagot ko pagkatapos ay tumayo.

Naunang naglakad sa akin ang lalake. Sumunod naman ako sa kanya. Hanggang sa nakapasok kami sa elevator. Tahimik lang kami pareho.

Nang makababa na kami, dumiritso kami sa cafeteria.

Hanggang sa nakabili na kami ng snacks. I noticed that he was still smiling. Masayang-masaya siya dahil kay Liah hindi tulad kanina.

Magkatapat kaming umupo.

"Sobrang saya mo ah," usal ko bago kumagat sa hamburger ko. He looked at me. Sobrang saya ng mga mapupungay niyang mga mata.

"Well, may dahilan kaya masaya ako," he happily replied.

"And, what exactly is that? Is it because Liah has a baby boy or is it because finally, Liah has already given birth?"

"Both, sobrang hirap kaya niyang alagaan habang nagbubuntis siya. Ang gulo niya kausap. Ang dami niya ring cravings. Hindi na nga ako magkandaugaga sa paghahanap sa mga weird na pagkaing 'yon. I am also happy because she got a baby boy. She always wanted one para gawing junior ng lalakeng mahal niya," he casually said.

I remembered the tragedy months ago.

Liah lost the man she loves. Pero nagawa niyang maging matatag para sa anak nila.

Naaalala ko pa 'yung mga araw na palagi akong nasa tabi niya habang walang tigil siya sa pag-iyak.

Maraming beses siyang nakakatulog habang umiiyak. Nakita ko kung paano siya nadurog at naubos dahil sa pagkawala ng lalakeng mahal niya. Sobra siyang nasaktan at naging miserable.

Sobrang hirap mawalan ng taong mahal mo.

Nagpapasalamat nga ako dahil nagawa niyang makaalis sa sitwasyon na 'yon kahit na hindi naging madali.

Kahit na nakikita ko na nadoon pa rin ang sakit sa mga mata niya, nagagawa niya pa ring magpakatatag.

After mamatay ni Kiel noon, sumunod naman ang lolo at tita ni Liah.

Nagpakamatay ang lolo niya. Binaril ang sarili sa parehong araw kung kailan pinatay si Kiel.

Habang nasa kalagitnaan ng pagdadalamhati noon si Liah, ako at ang lalakeng kaharap ko ang nag-aalaga sa kanya.

Pero kahit kailan, hindi kami pormal na nagkakilala.

Salitan lang naman kami kasi noon sa pagbabantay kay Liah. Hindi kami nakakapagpang-abot sa condo ng kaibigan ko.

Kapag nakaalis na ako, saka naman siya darating and likewise.

"Medyo hindi ako sang-ayon na she'll be naming her son after her late lover. Baka lalo lang siyang masaktan lalo na ngayong hindi pa siya tuluyang nakakamove on sa pagkawala niya. Ilang buwan pa lang rin ang nakakalipas after nang pangyayaring 'yon," I said bago sumimsim sa iced tea ko.

"I'm pretty sure her son will reduce the pain she's currently feeling and probably, he will help her heal,'' puno ng kumpyansyang saad nito.

Sumang-ayon na lang rin ako sa kanya.

"Anyways," pinagpagan ng lalake ang kanyang palad sabay na inilahad sa akin iyon, "I'm Vish."

Nakangiting tinanggap ko ang palad niya. "Fatima," we then shaked hands.

"Fatima? Pretty name. But, I thought your name was Jane?"

I smiled. "It's Fatima Jane actually. They mostly call me Jane. You can call me whatever you want though."

He chuckled and smirked. "Hmm....so, can I call you mine?" he then winked.

I was caught off guard. Bahagya pang nanlaki ang mga mata ko.

Seconds later, I burst into laughter. "That was smooth. You're funny."

Tumawa na rin si Vish.

After a minute, I stretched my hands in front of him. "Parang gusto kong maglakwatsa ngayon," saad ko.

He's looking at me. I smiled at him.

"Sama ka? Thirty minutes lang tayo sa labas. 'Yon kung wala ka ng ibang gagawin."

Tiningnan muna ni Vish ang oras sa kanyang wrist watch. Pagkatapos ay nag-angat ng tingin sa akin at ngumiti. "Sure, mamayang seven p.m pa ako babalik sa opisina ko. 6:15 p.m pa lang naman."

Lumawak ang ngiti sa labi ko pagkatapos ay nauna ng tumayo. "Tara."

Magkasabay kaming naglakad palabas ng ospital.

"Saan tayo?" he suddenly asked.

Humarap ako sa kanya and I looked at him from head to toe.

"Malapit lang and divisoria rito. Gusto ko lang sanang bumili ng mga souvenirs na ireregalo ko sa baby ni Liah. Pero mukhang hindi ka 'ata pwedi ro'n dahil diyan sa suot mo," I pointed his suit.

Vish confusedly looked at himself pagkatapos ay tumingin sa 'kin. "Is there something wrong with my clothes? May dress code ba sa divisoria?"

I slightly laughed at what he said. "Tara na nga. Pero 'wag mo kong sisisihin kapag pinagtinginan ka ng mga tao ro'n," nakangiting sabi ko sabay na naunang naglakad.

Sumunod naman sa akin si Vish. "I'm used to that thing," mayabang na saad nito.

"Sampung minutong lakaran 'to. Baka magreklamo ka."

"That's fine. I've been sitting all day. I'll consider this as an exercise," he replied.

Tahimik kami pareho habang naglalakad. Madilim na ang paligid. Hanggang sa nakarating na nga kami sa divisoria.

Kaagad na sumalubong sa amin ang marami at maingay na mga tao. Medyo nahirapan pa kaming makapasok sa loob dahil siksikan ang mga tao.

Nakasunod lang sa akin si Vish.

Huminto kami sa tapat ng isang stall na nagtitinda ng iba't ibang klase at disenyo ng mga souvenirs.

Kinuha ko ang isang maliit at cute na porseras na mayroong maliit na jar sa gitna. Saktong-sakto iyon sa kamay ng isang maliit na sanggol. Gawa iyon sa matabang brown and red beads. Kumuha ako ng dalawa niyon.

Si Vish naman ay tumitingin-tingin sa ilang mga keychains na souvenirs.

Umagaw ng atensyon ko ang isang itim na porseras na gawa sa pilak. Dalawa iyong nakalagay sa isang plastic cover.

Kinuha ko iyon at pinakatitigan.

Ang isang porseras ay mayroong maliit na lock sa gitna. Ang isa naman ay mayroong susi sa gitna.

"Couple bracelet 'yan, hija," biglang pagsasalita ng matandang manong na nagbabantay kaya napatingin ako sa kanya. "Bagay sa iyo at sa kasama mo."

Napatingin naman ako sa katabi ko. Nakatingin rin siya sa hawak ko.

Napatingin naman ulit ako sa manong sabay na awkward na tumawa.

"Maganda 'to, manong. Pero hindi naman po kami couple," saad ko sabay tawa.

"Ayy! Hindi ba?" tumawa naman si manong kahit wala ng mga ngipin. "Bagay kasi kayong dalawa," dagdag pa niya.

Ibinaba ko na lang ang porseras sabay na inabot kay manong ang dalawang bracelet na pangbatang kinuha ko.

"Itong dalawa lang po," tinanggap naman kaagad 'yon ni manong.

"This looks pretty good though," biglang pagsasalita ni Vish sabay na kinuha ang couple bracelets na hawak ko kanina. Tiningnan muna nito ng ilang segundo ang bracelets bago inabot kay manong. "Kukunin rin namin 'to."

Nakangiti namang tinanggap iyon ni manong.

Sino naman kaya ang pagbibigyan niya?!

Kumuha na lang rin ako ng dalawang keychains at dalawang mini jars na mayroong umiilaw sa loob para gawing dekorasyon sa kwarto ko.

Si Vish na ang nag-offer na magbayad.

Medyo nabigla pa ako dahil five thousand pala ang presyo ng couple bracelet na 'yon. Hindi ko naman makitaan ng espesyal ang bagay na 'yon.

Kaagad rin kaming umalis sa divisoria. Halos hindi na magkandaugaga ang mga tao roon sa sobrang dami.

"Gusto mong kumain ng street foods?" pag-aya ko kay Vish kahit na sa tingin ko ay hindi mahilig ang mga kagaya niya sa mga ganoong pagkain.

Pero walang pag-aalinlangang tumango ang binata. "Sure," he replied.

Napangiti naman ako. "Ano'ng gusto mo? Ako na ang bibili. Baka mausukan pa 'yang suot mo at mangamoy ka."

"The one that they called ibaw? I am not actually sure," hindi siguradong saad ng binata. "And, an egg covered with that orange thingy," he added.

Bahagya naman akong natawa sa kanya. "It's kwek-kwek and isaw," natatawang saad ko. "Ako na ang bibili, dito ka lang."

Iniwan kong nakatayo si Vish.

Ilang minuto lang ay bumalik na ako sa pwesto niya habang bitbit ang dalawang kwek-kwek at sampung isaw.

"Here," inabot ko sa kanya ang street food. Kanya naman iyong tinanggap.

Tahimik kaming kumakain habang nakatingin sa mga taong dumadaan.

Napapasulyap ako kay Vish. Walang arte niyang kinakain ang isaw at kwek-kwek.

Sabay kaming tapos na kumain. Binigay ko pa kay Vish ang panyo ko para gawing pamunas sa kamay niya.

Habang pinapagpagan ang kamay ko, biglang inabot sa'kin ni Vish ang isa sa couple bracelet na binili niya kanina. "Here, for you."

Nagtatakang napatitig naman ako roon at sa binata.

Bracelet na may lock ang binibigay niya sa'kin. "Seryoso ka?" natatawang tanong ko. "Bakit sa 'kin mo 'yan binibigay?"

Tipid siyang ngumiti sa 'kin. "Ayaw mo ba?"

"Eh, couple bracelet 'yan eh."

"Pwede rin namang friendship bracelet 'to. Come on, take it. Remembrance mo na lang din sa akin," saad ni Vish.

Nagdadalawang-isip pa ako kung tatanggapin ko pa 'yon pero mas pinili kong tanggapin na lang.

Tiningnan ko muna ang bracelet bago nag-angat ng tingin sa binata at ngumiti. "Salamat," usal ko.

Tinitingnan ko lang si Vish habang sinusuot niya ang bracelet na may susi. Isinuot ko na rin 'yung akin.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status