Share

CHAPTER 8

Alas nwebe ng gabi lumapag ang eroplanong sinasakyan ko.

Ilang oras rin akong nakatulog habang nasa byahe. Pero hanggang sa panaginip ko, naroon si Ciano.

Nag-aalala ako para sa kanya.

Noong sabihin ng kapatid niya na maaaring hindi na siya tumagal ng isang araw, magkahalong awa at lungkot ang naramdaman ko.

Alam ko ang nararamdaman ni Chris at ni Ciano. Parang mas nalungkot pa nga ako kaysa sa kanila.

Kaagad kong itinext si Chris at sinabing nasa airport na 'ko at nagpapasundo sa kanya.

Ni-send pa niya sa 'kin ang picture niya para raw mabilis ko siyang makita. Hindi rin kasi niya alam kung ano ang itsura ko.

At makalipas lang ang sampung minuto, kaagad kong namukaan ang isang pamilyar na mukha 'di kalayuan mula sa kinauupuan ko.

Isang lalaking nakasuot ng itim na makapal na jacket, jogger at bonnet. Ang bata niya tingnan. Mukhang wala pa siya sa trenta. Inilibot-libot niya ang kanyang paningin na parang may hinahanap.

Halata ring pagod na pagod at stress ang itsura niya.

Pinagkumpar
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status