Share

CHAPTER 16

Sobrang bigat na talaga ng pakiramdam ko. Parang kaonti na lang at bibigay na ang katawan ko.

Biglang kumirot ang ulo ko kaya napasandal ulit ako sa railings at napahawak sa ulo ko.

Sobrang sakit. Parang mabibiyak na ang ulo ko dahil sa sobrang sakit.

Mahigpit akong napakapit sa railings dahil pakiramdam ko ay parang babagsak ang katawan ko.

"Ano'ng nangyayari?" narinig kong tanong ni mama.

Pero hindi ko nagawang makapagsalita dahil napasigaw na ako sa sobrang sakit. Pero hindi ko na naririnig ang sarili kong boses.

***

EVROUS' P.O.V

"Kuya Evrous! Kuya!"

Napalingon ako sa aking likuran para tingnan kung sino ang tumawag sa pangalan ko.

Kaagad naman akong napangiti saka sinalubong siya ng yakap.

Pero hindi naman siya masaya nang makita ako. "Ano'ng problema? Bakit ganyan ang mukha mo?" tanong ko.

Lumapit siya sa tenga ko at bumulong. "Nasa kwarto ko si ate Fatima at mama. Nag-uusap sila. Puntahan mo naman kung pwede baka may masamang nangyayari na ngayon o baka nag-aaway na naman sila
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status